Chapter 24

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 24

Celine's Point of View

"Class dismiss" sabi ng teacher ko sa ICT.

Nilagay ko na sa loob ng small bag ang notebook ko saka tumayo at inayos ang upuan. May next batch pa mamaya, sana naman ay ayusin nila ang upuan kasi ang hirap hanapin dahil may number ko sa likod.

Lumabas na ako ng ICT room at kinuha yung payong dala ko. Nakita ko naman si Kyle na palapit sa'kin "Akin na yung bag mo" sabi niya sa'kin.

Umiling ako "No, magaan lang naman 'to kaya ako na ang magdadala" sabi ko sa kanya

Kinuha nalang niya ang payong sa'kin, naulan kasi ngayon saka ito na ang pangalawang linggo niya na nanliligaw sa'kin. Netong mga nagdaang araw, puro lang kami discuss ng mga lesson, gawa ng mga assignment pati mga activities. Kaylangan nga namin mag handa para sa Valentine's day kasi malapit na yon. Kaylangan makaisip kami ng magagandang booth para sa mga couples. Tapos ipapasa pa namin yun kay Kyle, titingnan niya kung pwede ba yung mga suggestions namin. Nakapag pasa na ako sa kanya, siya nalang ang magdedesisyon kung okay ba yun.

Bumaba kami ng hagdan, sa third floor kasi yung room sa ICT at Drafting. ICT rin naman si Kyle kaso second batch pa siya. Ibig sabihin no'n mamaya pa siya. First batch nga kasi ako tapos pagkatapos ng time namin ay breaktime then sila na. Sabi ko nga sa kanya wag na niya akong ihatid at sunduin eh. Pero wala mapilit ang Kuya Kyle kaya hinayaan ko nalang hahaha.

Binuksan niya ang payong ng makababa kami. Pinayungan niya ako para di ako mabasa ng ulan. Wow, parang habang tumatagal ma's nagiging sweet siya sa'kin ah. Lalo tuloy nagiging delikado ang puso ko, baka mamaya nalang mahulog na'ko ng tuluyan sa kanya. Nangako pa naman ako na hangga't di pa ako nakaka graduate ng high school ay di ako magboboyfriend.

"Celine!!"

"Ms. A.S!!"

Napatingin naman ako dun sa tumawag sakin. Si Dustin at Brian, tumakbo sila palapit sa kinaroroonan namin ni Kyle. Ramdam ko naman ang ko ang mahigpit na paghawak ni Kyle sa pulsuhan ko "Let's go, Claire" seryosong sabi ni Kyle saka hinila ako. Muntik naman akong matumba nung may isa pang humila sa kabila kong kamay.

Napatingin ako roon, si Dustin ang may hawak sa kabila. Seryoso ang mukha nilang dalawa ni Brian. Napatingin naman ako kay Kyle, seryoso rin ang mukha niya habang nakatingin kina Brian. Ano bang kaylangan nila?

"Bitawan mo sya" bakas ang kaseryosohan sa boses ni Kyle. Narinig ko na rin naman siyang magsalita ng seryoso pero bakit parang iba ngayon? Parang may pag uutos na kahalo?

Nakita ko namang nginisian lang sya ni Dustin "Ikaw ang bumitaw, Park" malamig pero may angas na sabi ni Dustin kay Kyle.

Ano bang nangyayari sa dalawang to?

Hinila ni kyle ng kamay ko dahilan para mapunta ako sa tabi niya. Maya maya ay hinila rin ni Dustin ang isang kamay ko dahilan para mapalayo ako kay Kyle at mapunta sa tabi nito.

Ano ba to? Nasa tug of war ba ako?

Nagulat naman ako ng bigla akong hilain din ni Brian, napabitaw sina kyle at dustin sakin, halos mapasubsob naman ako kay Brian dahil sa ginawa niya.

What the,, nababasa na'ko ng ulan!

Agad ko siyang nilayuan. Ngayon napapalibutan na nila ako

"Ano yon?" tanong ko

"Don't listen to them, Claire" rinig kong sabi ni kyle

Sinamaan naman siya ng tingin ni Dustin "Shut up, Park" sabi sa kanya ni Dustin saka tumingin sakin "Celine, wala akong pakealam kung ayaw mong magpaligaw----"

"Tumigil ka, Montgomery" rinig kong banta ni Kyle sa kanya pero di naman siya natinag

"Celine, nandito kami ni Brian para sabihin sayo to. Wala kang magagawa kapag sinabi namin to" direktang sabi ni Dustin, napatingin naman ako kay Brian na tumabi sa kanya

Ano bang trip ng mga to? Ano yun? After 2 weeks magpapakita sila sa'kin? Tapos ano? Guguluhin nila ulit ako?

Pumunta naman si Kyle sa harapan ko saka tinago ako sa likod nya "tigilan niyo na si Claire" sabi ni Kyle sa kanila

Ano bang--??

"Come on kyle, walang ganyanan" si brian

"natatakot ka ba na agawin namin si claire sayo?" sabi ni Dustin sa kanya "tch, kyle, ang tunay na lalaki, kayang harapin ang makakalaban niya pagdating sa puso ng taong kanyang gusto"

"mali ka" sagot ni kyle sa kanya, napakunot naman ang noo ko, ano bang gusto nilang iparating? "ang tunay na lalaki, binabakuran na ang babaeng nagugustuhan nila. Hindi yung tutunganga lang sa isang tabi at maghahantay na sabihin ng babae sa kanya na maging sila na" seryosong sabi ni Kyle

Kung makapag usap sila jan parang wala ako rito ah

"Ano bang sasabihin niyo?" di ko na maiwasang tanungin sila. tatagal lang sila kung mag gaganyanan sila rito

Akala nila siguro walang nababasa ng ulan rito.

Tumingin sina brian sakin "Ms, A.S, alam naming pumayag kang magpaligaw kay Kyle" sabi ni brian

"oh tapos?"tanong ko

"Liligawan ka rin namin, celine" sabi ni Dustin "Whether you like it or not, liligawan ka namin ni Brian" direktang dagdag niya

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Silang dalawa liligawan ako? Hala ayoko!

Pero sabi nila wala daw akong magagawa. Sus, ano sila? Batas?

Bakit sa lahat ng babae ako pa? di naman ako kagandahan para ligawan nila

Hinarap ako ni Kyle saka hinawakan sa magkabilang balikat, I'm still shock though, I can't believe na nangyayari to ngayon "Claire"- si kyle

"Hayaan mo siya kyle" rinig kong sabi ni Dustin "Hindi pwedeng ikaw ang magdesisyon para sa kanya, may sarili siyang pag iisip. Siya na ang bahalang magdesisyon kung sino sa ating tatlo ang pipiliin niya" dagdag nito.

Tumingin ako sa kanilang tatlo "Bakit ako?" tanong ko sa kanila, halatang natigilan sila sa tanong ko. Walang sumagot ni isa sa kanila "Sabihin niyo nga sa'kin kung bakit ako ang gusto niyong ligawan" dagdag ko pero tahimik pa rin sila "Di naman ako masyadong maganda, maputi lang naman ako, tapos may talent at minsan may topak, pero bakit ako?" tanong ko ulit sa kanila

Wala naman kasi akong nakikitang rason para ligawan nila ako basta basta. I mean, si Kyle mukhang sincere talaga at nagpaalam pa siya kay Dad. Pero itong sina Dustin at Brian? Di ko alam kung pa'no ko sasabihin kay Dad. Baka magalit yun sakin, which is ang pinaka ayaw ko.

"Bigyan niyo ako ng rason kung bakit gusto niyo akong ligawan" sabi ko sa kanila "kasi kahit ako mismo, naguguluhan sa inyo" dagdag ko saka tumingin kay Brian "ikaw? Parang nung nakaraan, nilalait mo yung ugali ko pati itsura ko tapos ngayon bigla ka nalang manliligaw" sabi ko sa kanya pero tumungo lang siya

Sunod kong tiningnan si Dustin "ikaw? Ni hindi ka panga nakakapag sorry sa ginawa niyong pagtulak sa'kin ni Kyle. Sinabi mo rin na manliligaw ka sa'kin noon pero alam mo naman ang sagot ko ro'n di ba?" sabi ko sa kanya tumungo lang rin siya katulad ni brian

At ang huli, tiningnan ko rin si kyle. Nakatingin lang siya sa'kin. Parang binabasa ang kilos ko.

Di sila nakasagot. Siguro ay pinaglalaruan lang nila akong dalawa. Magkakaibigan sila sabi sa'kin ni Dale, hindi na'tin alam, baka mamaya pustahan lang nila yan. Baka ako pa yung masaktan sa huli.

Hinintay ko silang sumagot pero wala talaga "kung hindi kayo sasagot, aalis nalang ako" sabi ko sa kanila saka tinalikuran sila at naglakad palayo,

Wala akong pakialam kung mabasa man ako ng ulan, may pamalit naman ako, nasa locker.

Di nila ako sinundan, baka tama nga ako. Baka pinagpupustahan lang nila ako

Ramdam kong tumulo ang luha ko, agad ko yung pinunasan. Bakit parang bumigat bigla ang pakiramdam ko?

Dumiretso ako sa lockers area at kinuha ang extra kong damit at payong. Malayo tong lockers area sa room namin, siguro tatakbuhin ko nalang mamaya para di ako malate sa next subject ko. Pumunta ako sa Comport Room at pumasok sa isang cubicle roon. Nilapag ko ang gamit ko sa bathroom sink saka tinanggal isa isa ang damit ko.

Pwede namang maligo rito eh, kasi may shower din dito. Ito yung ginagawang paliguan ng mga nagpa pracice rito. Naligo na agad ako, pagkatapos nu'n ay binilisan ko ang pagbibihis, baka kasi may biglang mambukas ng cubicle rito at makita pa ako. Nakakahiya yon for sure.

Inayos ko ang mga gamit ko saka lumabas ng CR. Dumiretso agad ako sa locker ko at nilagay dun yung basang damit sa isang lalagyan, babalikan ko nalang yan mamayang uwian. Kinuha ko yung gagamitin kong gamit sa next subject namin saka nilock yun. Tiningnan ko muna saglit sa relo ko kung anong oras na, 5 minutes before my next subject. Tinakbo ko nalang iyon para hindi ako malate.

Wala akong pakialam kung makita man nila akong natakbo, at walang kung ano anong kolorete sa mukha. Bahala sila sa iisipin nila. Di naman pageant ang ipinasok ko rito sa SSU.

Pumasok ako agad sa room, buti wala pa yung next teacher namin kundi lagot ako. Dumiretso agad ako sa upuan ko saka inayos ang gagamitin ko roon

"Buti naman at nandito kana celine" biglang sabi ni Ami

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya

Lumapit sakin si Cassie at pinakita ang phone nya sakin "Care to explain this, Celine habang tumatagal, pahaba na ng pahaba ang buhok mo ah" sabi niya

Mas lalong kumunot ang noo ko nung makita yung nasa cellphone niya. Yan yung kasama ko sina Kyle kanina

"Sabihan mo kami kung kaylan mo yan papuputulan para diretso kalbo na" dagdag ni Dale at nagtaas baba pa ng kilay.

Napatingin ako sa Caption nung video

'Celine Claire Franco everyone, how to be you po, yung tipong pag aagawan ka ng mga Hotties like Pres, Kyle, Cutie Brian and Cool Dustin' #tatlongmanliligaw #sanaol'

Sinong nagvideo nito?

Nakita ko yun isang comment dun

K.J.Park: may the best man win

Best man win?

------

a/n: sorry ngayon lang ako nakapag ud, tinatapos kona kasi yung project ko sa sci, mahirap na baka ngayong third grading bumagsak ako, sayang rin yun. Haba ng hair mo Claire ah, tara may razor ako rito, baka gusto mong magpakalbo hahahaha charot lang. Enjoy reading  ^_^

First published: January 3, 2020
Edited: January 5, 2024

HAZELEVIIIII

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro