Chapter 25

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 25

Celines Point of View


From: SSU SSG OFFICERS

3:44 pm

We have a meeting later after class. Be sure na lahat kayo ay present mamaya sa meeting kundi, alam niyo na ang parusa

---

Napabuntong hininga ako. Aiissshh,, akala ko pa naman makakauwi na agad ako. May meeting pala, dapat kanina pa niya sinabi noong magkasama kami psh..

Binalik ko ang phone sa bulsa saka naglakad papasok sa SSU, nakalabas na'ko eh, bwiset naman. Tinahak ko agad ang daan papunta sa SSG Office. Medyo malayo yun, doon pa yon malapit sa pool area ng SSU, eh pinaka dulo pa naman yon.

Binilisan ko nalang ang lakad, dala ko yung damit ko kanina. Iiwan ko nalang to dun sa labas kapag nagsimula na ang meeting namin.

"CELINE!!" rinig kong may tumawag sakin

Napatingin ako sa likod, si Ami pala yun. tamakbo siya palapit sa'kin.

"Pupunta ka?" hinihingal na tanong niya sakin ng makalapit sya

Tumango ako "Oo, meeting yun sa SC eh" sabi ko saka naglakad na.

Nakakainis naman kasi. Uuwi na nga tapos biglaang mag papatawag ng meeting.

Well. Kahit naman sabihin na'ting kasali ako sa SC, alam ko kung ano ang tungkulin ko as a part of them. Ang ayaw ko lang ay yung katulad nito. Yung biglaang magpapatawag ng meeting kung kaylan nagsiuwian na ang iba.

"Akala ko di ka pupunta" sabi niya saka kami lumiko

Napatingin naman ako sa kanya "At bakit naman?" tanong ko sa kanya

"eh grabe ang salubong ng kilay mo kanina" sabi niya

"Ewan ko sayo, Ami" sabi ko nalang saka nauna ng maglakad sa kanya papunta sa SSG office.

Nang makarating ako roon ay nilagay ko agad ang gamit ko sa labas ng SSG Office. Wala namang magbabalak kumuha nito kasi labahan lang naman ang nasa loob tsaka mga plastic.

Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. "sorry I'm late" paghingi ko ng paumanhin

Tumango lang ang mga nasa loob, dumiretso agad ako sa upuan kung saan may nakalagay na 'Assistant Secretary'

Binuklat ko naman ang folder na nakalagay sa pwestong yon, nakita ko ang isa sa suggestion ko dun

"I'm late, sorry" rinig kong sabi ni Ami saka dumiretso at umupo sa tabi ko

Rinig kong tumikhim si Kyle. Lahat kami ay napatingin sa kanya. "Shall we start?" tanong niya "andito na ang lahat kaya bilisan nalang na'tin itong meeting na'to para makauwi na tayo agad" seryosong sabi niya

Palihim akong napairap, dapat kasi bukas nalang yung meeting para mapaghandaan ng maayos. Yung iba kasing members dito salubong pa ang kilay, mukhang may gagawin ang mga ito. Pero dahil sa meeting parang malelate sila sa mga gagawin nila.

Sinabi na ni Kyle ang tungkol sa mga pag uusapan namin ngayon. Basta nakinig nalang ako hanggang sa matapos ang meeting, nag take down notes din ako ng kaunti para handa kapag nagtanong siya

"That's all" sabi niya saka tumayo na

Kita ko naman na nagsiayusan na ang iba saka lumabas na ng SSG office. Sasabay sana ako kay Ami ng bigla nalang ito hilain ni Jake palabas ng SSG office. Ano problema nun?

Kinuha ko na ang gamit ko sa labas saka naglakad na papunta sa gate. Hindi pa ako nakaka lagpas sa 2nd year building nang may biglang yumakap sakin sa likuran saka iniikot ako patalikod sa ung saan ako dapat papunta

"Dali ka, Renz!"

"Si Pres, natamaan yari ka!"

Napatingin naman ako sa yumakap sa'kin

Si Kyle

Kitang kita ko ang pagdidilim ng mukha at ang pagtiim bagang niya

Nagulat ako ng bigla niya akong hilain paalis dun. Hawak hawak niya ang wrist ko habang naglalakad kami papunta sa parking lot ng school. Ano bang nasa isip ng lalaking to?

Tumigil siya ng nasa harap na kami ng sasakyan niya saka tumingin ng seryoso sakin "Fine" sabi nya saka tumungo

Fine? Ano bang pinagsasabi nito?

Bumuntong hininga siya saka tumingin sakin "Im sorry kung natulak ka namin ni Dustin noong birthday ko, I didnt mean to do that pero galit lang talaga ako nung time na yun, sorry" sincere na sabi niya

Na stuck lang ako dahil sa sinabi niya

"And heres my reason why I want to court you" sabi niya saka hinawakan ang dalawang kamay ko "I really like you claire, kahit isang buwan ka palang dito sa SSU, nagutuhan na kita"

Napa kurap nalang ako ng mata, di ko alam kung anong sasabihin ko. Feeling ko lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nya. I want to walk away pero di ko magawa, mukhang nadikit na ata ang paa ko sa lupa.

"Everytime na makikita kita nung first week mo palang dito, naiinis ako. Kasi ikaw yung unang babaeng naglakas loob na manakit sa'kin. Noong araw na hinahabol ako ni Hally. I hate you but there's also a part of me na gusto kang makasama palagi, lalo na noong mga araw na pumupunta ako sa inyo" dagdag niya. "I was thankful na lagi kami magkagrupo ng Kuya mo para may dahilan ako para makita ka."

Natameme na ata ako dahil sa sunod na sinabi nya, bakit ganyan siya? Ganyan na ba talaga siya ka straight forward? Puno ba siya ng self confidence para sabihin niya sa'kin to?

"Papayag akong magpaligaw ka kina Montgomery at Del Monte. Papayag akong makipag kompetensya sa kanila. Basta pagbigyan mo lang ako, Claire " nagsusumamo na sabi niya

Tumungo ako saka nagbuntong hininga "Kyle, para kang bata" sabi ko saka tumingin sa kanya "Wala ka naman kasing kakompitensya sa una palang. Pero bakit sinasabi mo na kakompitensya mo sina Dustin? Alam mo naman na hindi ako papayag unless pumayag si Dad." dagdag ko. Hindi siya sumagot. Tahimik lang siyang nakatingin sa'kin. "Don't ever mentioned this to me again, baka lalo lang ako ma-disapoint sayo." saka ko siya nilagpasan.

Nakakainis, akala ko pa naman seryoso siya sa sinabi niya. Iyon pala makikipag kompetensya siya kay kina Brian at Dustin.

Lumabas na ako ng gate ng SSU. Hindi pa ako nakakalayo sa gate ay bigla namang bumuhos ang ulan. Shit! wala pa namang silungan dito, chineck ko yung bag ko kaso wala rin doon yung extra kong payong, tapos nabasa pa ata yung gamit ko sa loob.

Binilisan ko na ang paglalakad para makauwi na ako agad. Naku, paniguradong lalagnatin ako nito.

Rinig ko ang paulit ulit na pagbusina sa likuran ko. Gumilid ako saka nagtuloy lang sa paglalakad. Napayakap ako sa sarili ko. Bigla kasing humangin ng malakas, at ramdam ko na rin ang lamig ngayon.

Hindi ako sure kung may bagyo ba. Pero grabe talaga ang lakas ng ulan. Patigil tigil lang to kanina. Kung may bagyo, may chance na ma-susoend ang pasok namin bukas.

Paulit ulit parin ang pagbusina ng kotse sa likod ko. Ano ba yun?! kanina pa yun nabusina ah, nakagilid na nga ako eh, busina pa ng busina.

Nilingunan ko nga yung kotse sa likod. Tumigil yon saka lumabas yung nagmamaneho "Claire, sumakay kana" sabi ni Kyle sa'kin.

Oo si Kyle nga.

Ayokong sumakay sa kotse niya, bahala siya sa buhay niya.

Panay pa rin ang pagtawag niya sa'kin. Pati rin ang pagbusina niya.

'bahala ka jan, psshh'

"Claire isa" may pagbabanta sa boses niya

Di ko siya pinakinggan, tumuloy lang ako sa paglalakad. Maya maya ay may nadaanan akong dalawang bakla na naguusap, di nakaligtas sa pandinig ko yung pinagusapan nila

"ay teh, LQ habang naulan oh, taray ni ate, talagang nagpaulan ah" Sabi nong isa.

"ayy agree ako jan sis, gwapo ng bf niya oh. Siguro nambabae yan kaya ganyan yung girlalu" wika naman ng Isa pa.

BF? What the? he's not my boyfriend, and he will never be!

"teh, bilisan mo sa pag walk, maaabutan kana ng boylet mo" sabi ulit nung beki kanina

"AYY!! TAKBO NA TEH!! DALII!!!"sigaw nung isa pang beki 

Bigla namang may humila sa'kin sa likod. nawalan agad ako ng balanse kaya muntik na akong matumba. Nagulat nalang ako ng biglang may bumuhat sakin pa bridal style saka pinasok ako sa loob ng kotse.

What the-

Bubuksan ko sana yung pinto ng kotse ng I lock yun ni Kyle, waahh!! Ayoko rito!!

Pipindutin ko sana yung pindutan ng nahuli niya yung kamay ko at pinag holding hands niya yon saka nagsimulang magdrive gamit ang isang kamay niya

Feeling ko may koryente yung kamay niya, parang may nanguryente eh

"Don't do that again claire, I swear, di mo magugustuhan ang gagawin ko kapag inulit mo yun" sabi niya habang nakatingin sa daan

Did he just scare me?

------

a/n: so ayun na nga, sorry kung ngayon ang ako nakapag update ulit, after 1 week nakapag ud ulit ako. Sorry talaga, marami lang talaga akong tinapos dahil yung leader ko sa ibang subject ay walang ginawa kundi ipasa lahat sakin ang mga gagawin, i hope maintindihan nyo, mianhe T_T

Let's pray po sa mga taga batangas ngayon, sana po ay maging maayos po ang lagay nila. Kahit naman nasa ibang lugar tayo, kaylangan po na'ting ipag pray ang mga kababayan na'tin, katabing lalawigan lang po namin ang batangas, kanselado po ang classes namin ngayon dahil po sa Ash fall ng bulkang taal, abot po siya dito sa Cavite.  So, sa mga malapit sa Batangas o kaya nakatira sa batangas keep safe po.

Ayun, LQ daw sina Kyle and Claire sabi nung dalawang beki hahahaha. Enjoy reading ^_^ 'til next update!

First Published
Date: January 12, 2020

___

Edited
Date: January 5, 2024

HAZELEVIIIII

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro