Chapter 27

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 27

Celine's Point of View


"Claire, gising" rinig kong may tumatawag sa'kin

Shit! Ang bigat ng pakiramdam ko at ang lamig. Iminulat ko naman ang mata ko. Si Kyle naman ang unang nakita ko.

Huminga ako ng malalim saka tiningnan siya.
Anong oras na ba? Nasaan ako?

"Bumangon ka muna jan, kakain at iinom ka pa ng gamot" sabi niya saka pumunta roon sa mini table niya.

Bumangon naman ako, aisshh, ba't kasi ang tigas ng ulo mo Celine. Ayan tuloy nagkasakit ka pa. Sumandal ako sa head board ng kama, grabe ang bigat talaga ng pakiramdam ko. Naiiyak ako sa totoo lang. Umupo si Kyle sa gilid ng kama, hawak hawak niya ang isang bowl na may lamang lugaw ata yun?

Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto, black and white lang ang kulay pero makikita mo ang pagka elegante ng kulay na yon sa mga gamit na narito, may mga pictures din niya. Ang kulit talaga nitong lalaking to "Diba sabi ko sayo, sa guestroom mo ako matutulog" mahinahong sabi ko sa kaniya.

Nakangiwing tumingin naman siya sa'kin "Pasensiya na, walang guestroom dito kaya sa kwarto ko nalang kita dinala." Aniya saka sinubuan ako. "Hindi naman kita pwedeng patulugin sa sala. Di ka magiging komportable doon lalo na't nilalagnat ka" dagdag niya saka hinipan yung kutsara na may lang lugaw saka tinapat sa'kin "kain" aniya

"Ako na ang magsusubo sa sarili ko" sabi ko saka kukunin sana yung kutsara pero nilayo niya iyon

"No, ako na, I promised to your Dad na aalagaan kita habang nandito ka sa condo ko" Seryosong wika niya

Nanlaki naman ang mga mata ko "Ano? Hala kaylan mo sinabi?" tanong ko

"Kanina noong nagluluto ako ng lugaw" sabi niya saka nilapit ulit sakin yung kutsara "kain na, iinom ka pa ng gamot" dagdag niya

No choice ako kaya sinubo ko nalang yon, "Uubusin mo to, tapos iinom kana ng gamot" sabi niya saka sinubuan ulit ako.

Ganon lang siya hanggang sa matapos akong kumain. Pinainom niya rin ako ng gamot. Tapos lumabas na siya

Napatingin naman ako sa soot kong damit

Hindi ito yung damit ko kanina!!

"Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhh!!" tili ko

No! hindi pwedeng mangyari yun! Masiyado pa akong bata para dun!!

Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pintuan, niluwa non si Kyle na hinihingal "Shit!" sabi niya saka umupo sa gilid ng higaan

Kahit masama ang pakiramdam ko ay tiningnan ko siya ng masama. Imposibleng sina Ami, Cassie at Dale ang nagpalit ng damit ko. Alam kong hindi rin nila alam na may condo itong si Kyle

"Anong masakit sayo? Ba't ka tumitili jan?" Bakas ang pag aalala sa boses niya

"Sinong nagpalit ng damit ko?" salubong na kilay kong tanong sa kaniya

Di naman siya sumagot, naningkit ang mga mata ko "sasagot ka o hindi na kita papayagang manligaw" pananakot ko sa kaniya

Nakita kong nag iwas siya ng tingin "ito na nga eh, sasagot na" sabi niya saka bumuntong hininga muna bago magsalita ulit "Ako" sagot niya

Di ko alam kung ano ba talaga dapat ang mararamdaman ko ngayon, di ko maintindihan, di ko kayang I explain, pero isa lang ang alam kong kasama sa nararamdamang yon, iyon ay INIS

Humarap siya sakin "Ako ang nagpalit ng damit mo pero promise wala akong nakitang kahit ano" dipensa niya

Napabuga ako ng marahas, walang nakitang kahit ano? "engot ka ba? Pinalitan mo ko ng damit bago sasabihin mo jan wala kang nakitang kahit ano? Ginagago mo ba ako?" inis na tanong ko sa kaniya

Gusto ko siyang batukan, suntukin, sampalin, kaso di ko magawa. Parang may pumipigil sakin na gawin yon

"fine, I saw you naked" diretsong sabi niya. Feeling ko nagsi akyatan lahat ang dugo sa mukha ko. Feeling ko naging awkward bigla yung atmosphere sa pagitan namin "not totally naked, you still wearing you bra and panties" dagdag niya, nakita ko ring pumula ang mukha niya "uhm,, di ko naman talaga intensyon na makita yon but, I have no choice but to do it, you're soaking wet. Tapos nilalagnat ka pa kaya pinalitan ko ang damit mo. I tried to call your friends, Ami,Cassie and Dale pero wala. Ami left her phone to Jake, and Cassie and Dale was out of reach kaya no choice ako. Di rin naman ako papayag na ibang tao ang magpalit ng damit mo kaya ako talaga yung nagpalit. Sorry if I do that, I know di na no'n mababalik yung ginawa ko" paliwanag niya saka nagbaba ng tingin

Wala sa sariling napayakap ako sa sarili kong katawan. Waahhh,,, wala na, yung tinatago kong sexy body nakita na niya.. nakakainis, bakit kasi nagpaulan pa ako eh, tapos nakatulog pa. ang engot engot mo Celine, buwisit. hayaan na nga, atleast di niya nahawakan.. wait, di nga ba nahawakan?

Nakita kong tumayo siya saka lumapit sakin, saka niya hinawakan ang magkabilang balikat ko at pinilit akong pahigain "Matulog kana ulit, gigisingin kita mamaya kapag iinom kana ulit ng gamot" sabi niya saka kinumutan ako, nilagay niya iyon hanggang sa leeg. Why so caring Kyle? Ayan tuloy parang nawala yung inis ko sa kaniya

"Anong oras na ba?" tanong ko sa kaniya. wala akong makitang orasan dito eh

i saw him looked at his wrist watch " 9:54 pm. three hours kang tulog" sabi niya

Three hours? napatingin naman ako sa bintana, Tama siya. Gabi na nga, i thought hapon palang.

Kinuha niya ang pinagkainan ko sa mini table niya saka naglakad papunta sa pintuan "saan ka matutulog?" biglang tanong ko sa kaniya dahilan para mapalingon siya sa'kin

"sa labas" sagot niya saka binuksan yung pinto

Sa labas? Wala ba siyang guestroom dito? San siya matutulog don? Sa sofa?

"bakit sa labas? Wala bang guestroom dito?" Tanong ko

Ngumiti siya "Claire, kung may guestroom dito, dun kita mismo patutulugin" sagot niya "and since nandito ka sa kwarto ko, alam mo na dapat na walang extra room dito. Meaning ikaw yung bisita ko at ako naman, dun matutulog sa labas dahil kaylangan komportable ang pagtuloy ng bisita ko rito" dagdag niya

Napasimangot ako "Di mo ko bisita" sabi ko sa kaniya "kung sa labas ka matutulog. Anong hihigaan mo dun?" tanong ko

"sofa malamang, ayokong matulog sa sahig. Baka lamigin ako" sagot niya

"di komportableng matulog sa sofa" sabi ko. Lumingon ako sa gilid ko, malawak naman yung higaan "dito ka nalang, may extra pillow naman yata jan sa closet mo, tsaka extra blanket. Malaki naman tong higaan mo, dito ka nalang matulog" dagdag ko

Wala namang malisiya kung dito siya sa higaan matutulog. Tsaka kwarto niya to, siya dapat ang matutulog dito.

Kita ko ang paghinga niya ng malalim "sige" sagot niya "dadalhin ko lang to dun sa kitchen at huhugasan" sabi niya saka lumabas ng kwarto.

Umayos ako ng higa tsaka kinuha yung dalawang unan sa gilid at nilagay yun sa gitna, bale parang harang na yun. Pagkatapos nu'n ay pumikit na ako at natulog

--

Kinabukasan

Red's Point of View

"Are you sure na dito ang unit ni Kyle, Red?" Tita Karla asked

I nodded "Yes tita, pumunta kami ni hyung dito pagkatapos ng birthday niya" sabi ko saka tinapat yung card dun sa scanner "There, anjan po siya, he said dito siya magse stay last night. Tumawag siya sa'kin para magpadala ng extra clothes" and buy a cloth for girl. I think may dinalang babae si hyung sa unit niya, syempre di ko yung sinabi kay Tita. Parehas kami lagot ni hyung kapag sinabi ko na may kasama si hyung na babae dito.

Syempre kaylangan siya lang yung mapagalitan, if ever na may kayakapan ng si hyung na babae, labas ako don kasi taga dala lang naman ako ng damit.

"Mukhang wala namang tao dito, Red. Di kaya mali tayo na napasok?" Tanong sa'kin ni Tita Clara—Celine noona's mother

Lumingon ako sa kanila "Tita, dito po ang unit ni hyung, kaya nga po nabuksan ko diba" sabi ko nalang saka binuksan yung pinto ng kwarto

Ngayon ko lang nalaman na magbest friends pala ang mommy ni Celine noona at mommy ni hyung. Kasama ko sila kasi sabi ni tita ay gusto niyang siguraduhin na maayos lang si hyung dito. Pero hindi ko alam kung bakit pinabili ako ni hyung ng damit para sa babae, di naman siguro nababakla si hyung, imposible yon kasi nililigawan niya si Celine noona

"wtf!!"

Tama ba ang nakikita ko!?

Si hyung at noona!!

Magkayakap habang natutulog!!

Lagot sila!

------
a/n: adik lang Red? hahahaha

enjoy reading ^_^

First published: January 17, 2020
_____
Edited: January 5, 2024

HAZELEVIIIII

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro