Chapter 28

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 28

Red's Point of View

"Red hijo, ba't ba kaaga aga eh bigla bigla ka nalang nag mumura jan? Ano bang nakita mo?" tanong sa'kin ni Tita Clara.

Sinarado ko agad yung pinto saka lumapit sa kanila "Mga tita, labas na po tayo. Maling kwarto po ang napasukan na'tin" sabi ko sa kanila saka niyaya sila palabas ng unit ni hyung.

Shit! Di nila pwedeng malaman na si Celine noona yung kasama ni hyung. Paniguradong pati ako madadamay. Kaylangan maka isip ako ng pwedeng maipampalusot sa kanila

Aha!

"Mga tita, nagtext si hyung kyle, sabi niya sinamahan niya po si celine noona sa kaibigan nila" palusot ko habang hawak ko yung cellphone ko

Palusot dat kom Red. Pahamak ka talaga kahit kaylan Hyung. Aishhhh

This is the only way para mapaniwala ko sila na wala dito si hyung at noona. Bakit kasi ganon sila, nakakatakot pa naman si Tita Karla kapag nagagalit.

"Sabi mo andito siya, bakit biglang wala?" tanong bigla ni Tita Karla sa'kin

Humarap ako sa kaniya "Ngayon ko lang nabasa yung text niya tita. Hayaan niyo na. makikita natin yon mamaya kapag umuwi na yun" sabi ko saka iniwan yung dalawang paper bag sa sofa at lumabas. Sinarado ko na yung pinto ng unit niya at ni lock yun para kapani paniwala.

"Naku si linlin ko, simula nung malipat jan sa SSU palagi nalang kasama ang mga kaibigan niya" biglang sabi ng mommy ni Celine noona

Nakita ko namang hinampas ni tita ang mommy ni noona "parang hindi tayo ganiyan noon clara, haha. Naalala mo ba na halos palayasin na tayo ng mga magulang natin dahil lagi tayong nasa bahay ni lory" sabi nito

Nakikinig lang ako sa kanila hanggang sa makababa kami at makalabas ng building

Sorry mga tita, pero mas kampi ako kay kyle hahaha

Celine's Point of View

'"wtf!!"

"red hijo, ba't ba kaaga aga eh bigla bigla ka nalang nag mumura jan? ano bang nakita mo?"

Ano bang ingay yun?

Parang nanggagaling sa labas

"hmmm"

Ba't parang nagalaw tong unan na yakap ko? Ang alam ko walang unan na nagalaw maliban na lang kung---

"Ayy!"

"shit!"

Bigla akong napabitaw sa yakap ko, hindi pala unan yon, si kyle pala yun. Akala ko unan, kala pala hindi malambot

Asan na yung unan?

"Sorry" biglang sabi ni Kyle saka bumangon at kinusot kusot ang mata.

Ako naman ay bumangon rin saka pumunta sa banyo, muntik pa akong matumba, buti nalang at napakapit agad ako sa sink. Napadapo naman ang kamay ko sa noo ko, may sinat pa rin pala ako. Akala ko saglit lang yun

Nangialam ako sa banyo ni Kyle. Kumuha ako dun sa cabinet niya ng isang hindi pa nagagamit na toothbrush tsaka sabon. Pati na rin toothpaste. Saka ako nag toothbrush at naghilamos. Pagkatapos non ay nakaita ko ang mga damit na suot ko kahapon na naka sampay roon malapit sa shower area. Don't tell me si Kyle ang naglaba nito, Naku nakakahiya naman sa kaniya, hinawakan ko ang mga yon, sayang di pa tuyo

Lumabas ako ng banyo, paglabas ko ay wala na si Kyle doon sa higaan, siguro lumabas na yon. Inayos ko ang higaan saka naupo sa gilid non, Asan na kaya ang cellphone ko? Ang alam ko nakalagay yun dun sa short na soot ko kahapon. Aiissh, bahala na nga itatanong ko nalang kay kyle

Pumunta ako malapit sa bintana, malakas pa rin ang ulan. Sabi ni Kyle kagabi nung pinainom niya ulit ako ng gamot ay suspended na raw ang klase ngayon dahil sa lakas ng ulan. Ang inaalala ko ay kung pa'no ako magpapaliwanag kay kina mom ngayon dahil di ako naka uwi kahapon. Baka magalit sila sa'kin, at baka pagalitan rin nila si Kuya ng dahil sa'kin.

Napabuntong hininga nalang ako saka lumabas ng kwarto. Naka amoy naman agad ako ng mabango, sinundan ko ang amoy na yun hanggang sa mapunta ako sa kitchen at makita ko si Kyle na naka apron na black at nagluluto ng ewan ko kung anong niluluto niya.

"Ba't nandito kana agad? Dun ka muna sa kwarto, baka mabinat ka" sabi niya ng nakatalikod pa rin sa'kin at nagluluto

"ayoko, nakakaboring doon" sabi ko, totoo naman, wala masiyadong gamit don maliban sa mga pictures niya at ibang mga appliances na nandoon, plus wala pa yung cell phone ko, edi mas lalong nakakaboring

"mas maboboring ka kapag nag antay ka rito" sabi niya saka nilipat sa plato yung isang niluluto niya

Marunong pala siyang mag luto, akala ko ang mga lalaking kagaya niya eh di marunong magluto.

'Edi bilib ka na niyan Celine?' ani ng isang bahagi sa isip ko

Napangiti nalang ako, pumasa siya sa tatlong katangian na hinhanap ko sa lalaki, yung kagabi. Una, yung aalagaan ako kapag may sakit ako. Pangalawa, yung paglulutuan ako ng pagkain at pangatlo, yung rerespetuhin ako. Ang totoo niyan, malapit na niyang mabuo yung list ko ng ideal man ko, gusto niyo bang mgalaman kung ano yung mga yun? eto

Una. Yun nga, yung aalagaan ako kapag may sakit ako (check)
Pangalawa. Yung paglulutuan ako ng pagkain (check)
Pangatlo. Yung rerespituhin ako (check)
Pang-apat. Yung tatalian yung buhok ko kapag may ginagawa ako
Pang-lima. Yung sasamahan ako kahit saan ko gustong pumunta
Pang-anim. Yung sosorpresahin ako (check)
Pang-pito. Yung may lakas ng loob na ipakilala ako sa mga magulang niya
Pang-walo. Yung kayang tiisin yung ugali ko at tutulungan ako kapag kaylangan ko ng tulong (half check?)
Pang-siyam. Yung pagkakatiwalaan ko ng lubos
Pang huli. Yung hindi ako lolokohin

May apat at kalahati na pala siya. Si Dustin? hmm? tatlo siguro. yung una ay yung pang number four sa list ko, sumunod ay yung pang lima at yung huli ay yung pang walo. I think mas lamang talaga si Kyle kay Dustin

Napaigtad ako ng biglang hampasin ni kyle yung mesa, di naman masiyadong malakas yung paghampas niya, sapat lang yon para mapunta ang atensyon ko sa kaniya

"lalim ng iniisip mo jan ah" natatawang sabi niya saka nilapag yung platong may pagkain sa tapat ko

Pabirong inirapan ko nalang siya, kainis to, nagulat ako dahil sa paghampas niya sa mesa. Umupo siya sa katapat ng pwesto ko saka kami nagsimulang kumain.

"After an hour ihahatid na kita sa inyo" biglang sabi niya saka tumingin sakin "baka mag alala sayo sina Tito Chris at Tita Clara, alam mo na, ikaw ang unica hija nila kaya iuuwi na kita" dagdag niya saka nagtuloy sa pagkain

Sa ikinikilos ni kyle, parang naweirduhan ako sa kaniya bigla. Hindi naman sa talagang kilala ko siya. Para kasing naging seryoso siya pati na rin sa pagsasalita.

Nag okay nalang ako saka pinagpatuloy ang pagkain, pagtapos noon ay naligo na ako. May binigay sa'kin si Kyle na paper bag na may lamang damit pambabae, pati na rin undergarments puro may kulay pink. Feeling ko nagsi akyatan lahat ng dugo ko papunta sa mukha, seryoso ba siya? Pati pa naman undergarments eh nagpabili rin siya? At talagang sukat pa sa'kin ah, tig isang dosena lahat. Grrrr,, nakakahiya >.<

----

Nang makarating kami sa bahay ay talagang nakasunod siya sa'kin hanggang sa pinto.

"Thank you sa paghatid" pasasalamat ko sa kaniya

Ngumiti naman siya "no need to thank me, Claire. Sagutin mo lang ako okay na sa'kin yun" he said and wink

Natawa nalang ako sa kaniya "sira! Bahala ka na nga" sabi ko saka binuksan ang pinto "thank you ulit" nakangiting paalam ko sa kaniya

Sinenyasan niya lang ako na pumasok sa loob, pumasok naman ako. Napailing nakang ako. Hayy,, parang timang talaga yung isang yun

Nakita ko naman si Kuya sa sala, naka higa siya sa mahabang sofa habang may kain kain na junk foods. Nalipat ang tingin niya sa'kin, siguro ay napansin niya kung sino ang pumasok "hoy babae" biglang tawag niya sa'kin

Nakatingin lang ako sa kaniya saka binigyan siya ng nagtatanong na tingin

"bakit ngayon ka lang?" tanong niya sa'kin "bakit di mo sinasagot ang mga tawag namin kagabi ha?" dagdag na tanong niya

Kinuha ko yung cellphone kong nasira na saka hinagis yun sa kaniya, sinamaan niya ako ng tingin "anong gagawin ko rito?" tanong niya sakin

"pagawa mo o kaya bilhan mo ko ng bago" sabi ko sa kaniya saka naglakad papuntang hagdanan

Natuluyan na yung cellphone ko kagabi, sabi ni Kyle bigla nalang daw pumutok yun nung chinarge niya. Sayang naman, andun pa naman ang number nina Ami, Cassie & Dale

"Kay kina mommy ka nalang magpabili, hindi mo ko ATM no" sabi niya saka nilagay yung cp ko sa maliit na mesa na nasa harap niya

"ewan ko sayo" sabi ko saka umakyat

Bago ako makapasok ng kwarto ay narinig ko siyang sumigaw "HOY!! MAY BISITA KA NGA PALA!! MAMAYA MAKIKITA MO KUNG SINO!!" sigaw niya

Napa kunot naman ang noo ko

Bisita?

Sino naman kaya yun?

----
a/n: hmm? sino naman kaya yun? panibagong character nanaman ang makikilala niyo haha. enjoy reading ^_^

First published: January 18, 2020

Edited: January 5, 2024

HAZELEVIIIII

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro