Chapter 32

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 32

Celine's Point of View

"Kyle"

Ngumiti siya saka lumapit at lumuhod sa harap ko. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi saka tinitigan ako. Napakurap ako, peste, yung heartbeat ko!

"Akala mo nakalimutan ko no" nakangiting sabi niya "Galing ko talagang umacting, akalain mo yun. Nagselos ka agad kay Hally" dagdag niya

Ako nagselos? What the

Hinawakan niya ang mga kamay ko "I'm sorry kung kasama ko si Hally kaninang umaga, at malamig ang tingin ko sayo. Part talaga yun ng plano ko para di mo mabuko tong surpresa ko sayo"

"Plano?"

"Yeah, nahirapan pa akong kausapin sina Ami, Cassie, Dale, Brian at Dustin para dito" sabi niya saka pinisil ang mga kamay ko

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. So, ako lang talaga ang walang alam tungkol dun? Malamang, plano nga nila diba. Kaya pala parang may kakaiba sa mga kilos nila. Ba't di ko ramdam na acting lang yun?

"Grabe, akala ko talaga di na matutuloy to. Pinakilala ka kasi ni Montgomery sa mga ka banda niya, which is di talaga kasama sa plano. Yun talagang lokong yon, dali talaga yun sakin. Pati rin si Brian, sabi ko sa kaniya lagyan ka ng blindfold pero nakipag daldalan pa siya sayo tsk"

Di ko alam kung anong sasabihin ko, nabigla ako sa mga sinabi niya. Talagang kakuntsaba niya sina Dustin at Brian. Pero di ba kalaban niya si Dustin, paano niya napakiusapan yun? Knowing dustin, di yun nasunod katulad niya

"I know na-shock ka sa sinabi ko, expect ko na talaga yan. Pero, nandito ako para tanungin ka" pambibitin niya sa sasabihin niya

"a-ano namang itatanong mo?" shit! Nautal ako

"will you be my girlfriend?" seryosong tanong niya "I know. Wala pang isang buwan mula ng ligawan kita pero I want yout to be my first girl,  Claire. Unang babaeng mamahalin ko Mula umpisa hanggang dulo, alam kong mahirap paniwalaan pero gusto kita—ay mali, mahal kita. Di man maganda ang una na'ting pagkikita atleast nakilala kita ulit, hindi bilang Claire na kapatid ni Toffer kundi Claire na babaeng nagpatibok ng puso ko"

Parang tumigil ang mundo ko ng sabihin niya yon, anong gagawin ko? Babastedin ko ba siya? Masiyado pa akong bata para dito.

'Baliw. Girlfriend palang naman, hindi asawa' sabi ng kabilang isipan ko

Shit, nababaliw na ata ako

"Boom, antagal sumagot. Basted na si Kyle" biglang may nagsalita kaya napatingin naman ako sa gawi non

"shhh!"

Sina Mom and Dad, pati si Kuya at Mommy ni Kyle. Kasama rin sina Ami pati ang mga kaibigan ni Kyle. Nakita ko naman si Dustin na nakatakip ang kamay sa bunganga ni Brian, so si Brian talaga ang nagsabi non

Halos lahat sila nakangiti, tumingin ko ulit kay Kyle. Nakita kong masama siyang nakatingin kay Brian.

Parang kinabahan ako bigla sa isasagot ko ah. Pumikit ako saka huminga ng malalim, saka tumingin ulit sa kaniya. Sana tama ang desisyon ko

"yes" sagot ko

Nanlaki naman ang mata niya at napatingin. Gusto ko siyang tawanan kasi yung singkit niyang mata ay lumaki haha. Di siya nagsalita, na-shock ba siya?

"Hoy, ano na? ganiyan ka lang jan?" natatawang tanong ko "babawi---"

"No! hindi mo babawiin yung sagot mo" putol niya sa sasabihin ko "Yes na yun eh, kapag Oo, Oo na talaga, wala ng bawian" nakangusong dagdag niya

Natawa ako ng tuluyan dahil sa sinabi niya, parang bata hahaha.

Nagulat ako ng may isinuot siya sa daliri ko, a ring na merong birthstone naming dalawa which is Garnet, may mga diamond yata na nakapalibot don

Advance magi sip si Kyle hahaha. Talagang may singsing kahit girlfriend palang hahaha rinig kong sabi ni Kuya saka tumawa.

Nakita ko namang napakamot nalang si Kyle sa ulo niya, ayyt, nahiya ang loko

Tumayo kaming dalawa saka naglakad palapit sa kanila, di parin maalis ang ngiti sa labi ko. Hay, parang kanina lang ang bigat ng nararamdaman ko ah, ngayon gumaan na

"Garnet birthstone huh? Siguraduhin mo lang na hindi mo lolokohin tong kaibigan namin, kung ayaw mong mabugbog. Aba, amazona ata ang kaibigan ng Girlfriend mo" pananakot ni Cassie kay Kyle

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya

Lumapit naman sakin si Brian at Kuya saka hinila ako palayo kay Kyle "Kapag pina iyak ka nitong lokong to sabihin mo sa'min ni Toffer, kami mismo ang bubugbog sa kaniya" sabi ni Brian

Tiningnan siya ni kuya "Ako dapat ang magsasabi nu'n sa kaniya" sabi ni Kuya sa kay Brian

Tiningnan siya pabalik ni Brian "I'm her brother now, hindi mo naman kayang maging kuya sa kaniya eh, kaya ako nalang. Inuuna mo pa ang pangchi chicks kesa sa kapatid mo" sabi ni brian kay kuya

Binatukan siya ni kuya "Bakit mo sinabi. Marinig ka nina dad dali ka sa'kin"

"Totoo naman eh" biglang sabi ni Alexander "Nanchi chicks ka naman talaga, pati nga ako ini impluwensiyahan mo" dagdag nito

Hay, mukhang nagkakabukingan na rito ah

Napatingin ako kina mom, sineniyasan nila akong lumapit sa kanila kaya lumapit ako. Nang makalapit ako ay hinawakan ni dad ang magkabilang pisngi ko "Ang princess ko, may prince na. Mukhang ayaw na niya sa King, talagang sinagot na niya ang prince." madramang sabi ni Dad

Natawa ako "Si Dad parang sira. Ako pa rin ang princess mo no, hindi magbabago yun, tsaka di pa naman ako ikakasal haha, girlfriend boyfriend palang" sabi ko

"Alam ko, pero once na malaman ko na pinaiyak ka niyang lalaking yan, naku, di ako magdadalawang isip na ilayo ka jan at dun ka na titira sa lola mo. kilala mo ako princess, ginagawa ko lagi ang mga sinasabi ko" paalala ni Dad tumango naman ako "sige na, aalis na kami ng mom mo, talagang binisita lang namin kayo, eto kasing mommy mo gustong makitang sagutin mo si Kyle kaya sinamahan ko na" dagdag ni Dad

Lumapit sa'kin si Mom saka hinawakan ang magkabilang balikat ko "I'm happy for you, ingat ka Linlin ha, mag a out of town kami ng dad mo, one and a half months lang naman, babalik rin kami kapag graduation niyo na" sabi ni mom

Tumango ako "Ngayon po ang alis nyo?" Tanong ko

Ngumiti ng malungkot si Mom "oo eh, anong gusto niyong pasalubong pag balik?"

"kahit ano nalang sa'kin mom, ayos na yun " sabi ko

Ngumiti si Mom at Dad saka humarap kay Kyle. Aalis sila, at ngayon na yun. Plinano ba nila na payagan si Kyle na manligaw sa'kin last month? Alam ba nila na Oo ang magiging sagot ko? Gusto ko sanang tanungin kaso aalis na sila.

Lumayo sila habang kausap pa rin si kyle, ako naman ay hinila nina cassie papunta sa kanila "nakss, may bf ka na rin" sabi ni Ami, tumawa naman sina Cassie

"Mukhang kinain mo ata ang sinabi mo celine, di pala natanggap ng suitors ah" nang aasar na sabi ni Dale

Napatakip naman ako sa mukha ko, nagba blush ata ako. At the same time ay nahihiya rin. Alam nila kung ano ang sinabi ko at prinamis ko. Alam rin nila na first boyfriend ko si Kyle.

"ayiieeh nahihiya siya" tukso ni Ami sa'kin saka tinusok tusok ang tagiliran ko

Tinaggal ko ang takip sa mukha ko saka sinamaan sila ng tingin. Naramdaman ko naman na may umakbay sa'kin, tiningnan ko kung sino yun, si Kyle pala "Nagpaalam na sina tito Chris, aalis na daw sila. Baka ma traffic sila papuntang airport" sabi niya sa'kin

Napabuntong hininga lang ako. I'm gonna miss my mom and dad

"Ano ka ba naman Kyle! Inaasar pa namin si Celine eh, ikaw naman tong nagpalungkot sa mukha niya" reklamo ni Ami kay Kyle

"eh bakit niyo ba siya inaasar? Tigilan niyo na nga siya, magdedate kaming dalawa" sabi ni Kyle saka niyakap ako patagilid

"Edi wow" sabi ni Dale "Sana pala di ka namin tinulungan, nakakainis ka alam mo yun" Inis na dagdag nito

"Nasa huli ang pagsisisi Dale" sabi ni Cassie saka tumingin sa'kin "Sige na magdate na kayo. Iniinggit nyo pa ako eh" sabi niya

Tumawa naman kami

Napatingin ako kay Kyle, nakangiti siya. "Tara na, magdate na tayo. Inggitin natin yung mga kaibigan mong single" aya niya

Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya, kahit kaylan talaga

------------

a/n: sa wakas nakapag update din ulit. #sanaolmaybfna #sanaolmaykadatesafeb14 #sanaolmaylabel hahaha. enjoy reading ^_^

First published: February 1, 2020

Edited: January 5, 2024

HAZELEVIIIII

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro