Chapter 33

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 33

Kyle's Point of View

"Yes, paniguradong maiiyak yun dahil sa ginawa mo" sabi ni Alex saka sumandal sa upuan niya

Nakapalibot kaming lahat sa isang mesang mahaba. Lahat kaming magkakaibigan ay narito mismo sa tambayan namin rito sa SSU

"I don't think if that's a good idea" biglang sabi ni chester dahilan para mapatingin kaming lahat sa kaniya "Wala naman silang ginawang masama para ganunin niyo sila" dagdag nito

"We don't care kung concern ka sa kanila, Chest. That's what you get in being gentleman. Soft hearted ka pagdating sa mga babae" Toffer hissed

Tinapunan siya nito ng masamang tingin "At least i'm not an asshole like you"sabi ni chester saka pinaglauran ang ballpen na hawak niya

i sighed "Stop!" saway ko sa kanila "Andito tayo para pag usapan ang plano. Whether we like it or not, gagawin na'tin to dahil isa to sa kaylangan nating gawin bago tayo grumaduate"

"Yeah, and that's--" pinabitin ni denver

Saka nagkatinginan kaming lahat na may mga ngisi sa labi

Celine's Point of View

"Oy bruha! yung boyfriend mo nasa labas" sabi sa'kin ni Ami

Napatingin naman ako sa bintana, tama nga siya, nasa labas si Kyle.

Mapakunot naman ang noo ko, ano namang ginagawa nu'n dito?

Ngumiti siya saka kumaway sa'kin. Tumayo naman ako saka nag lakad palabas ng room

"Bakit?" tanong ko sa kaniya

Makangiting inabot niya sa'kin ang isang box na kulay pula. Ano nanaman kayang pakulo netong mokong na to?

"Para san to?" takang tanong ko sa kaniya

"I want you to be my date this coming Graduation ball" sabi niya saka tinuro ang hawak kong box "And yang nasa loob ng box na yan ang gusto kong maisuot mo kapag Graduation ball na na'tin" dagdag niya

Mapakunot naman ang noo ko saka binuksan ang box na yon. Si Kyle talaga kahit kaylan ang hilig mang sorpresa

Di makapaniwalang napatingin ako sa kaniya, it's a complete accesories. Gold and diamonds with heart design. Shet,, he must be out of his mind.

Binalik ko ang box sa kaniya "I can't accept this, tin" I said

Ayoko ng ganon. Di naman ako mukhang gold digger para tanggapin lahat ang mga ibibigay niya.

Pansin ko ang pag iiba ng ekspresyon niya. I can see a pain in his eyes "Kahit naman di mo ako bigyan ng mga materyal na bagay eh sasama pa rin ako sayo" I sincerly said. "You don't have to ask me kung pwede mo akong maging kapareha. Alam mo na agad ang sagot dun" dagdag ko

Nagbaba siya ng tingin. I held his hands, yung hindi nakahawak sa box. "Hoy, wag ka ng mag tampo, para ako yung lalaki sa ating dalawa eh" pagti trip ko sa kaniya

Napanguso siya "Kinakabahan kaya ako, baka di ka sumama" sabi niya

"Engot lang?" sabay pisil ko sa pisngi niya "Ikaw talaga, di ka parin nagbabago. Ang hilig mo talagang iispoil ako" dagdag ko "Pero, this time di ako papayag na basta basta mo lang akong bibigyan ng mga expensive accesories. Remember, tatay mo pa rin ang sumusustento sayo"

"I know. I get it" sabi niya "Pero tanggapin mo na to. Para namang papayagan kitang hindi to tanggapin" pilit niya saka inilagay ang box sa kamay ko

Tinaggap ko yun. "Happy?" Sarkastikong tanong m ko

Nakangiting tumango naman siya

"Sige na, bumalik kana doon sa room niyo. May gagawin pa ako" sabi ko sa kaniya

Tumango naman siya saka pinisil ang pisngi ko. Umasim nalang ang mukha ko bago pumasok sa room, nag flying kiss siya bago umalis.

Napailing iling nalang ako. Hay na'ko, yung lalaking yon talaga

"Edi sanaol may flying kiss" biglang sabi ni Cassie, nakangiti siya. Yung ngiting nang aasar

"Flying kick gusto mo?" pambabara ko.

Tumawa naman sina Ami at Dale. Napanguso lang si Cassie

Inusod ko yung upuan ko saka umupo at pinagpatuloy ang ginagawa ko

____

"my C, my only one C" paulit ulit na sabi ni Kyle at pinaglaruan ang kamay ko habang naglalakad kami pauwi

Ano naman kaya ang topak ng lalaking to? kanina pa yan ganiyan mula ng lumabas kami ng University

"Ay ang cute ng baby oh!" biglang sabi ko. Ang cute talaga nung baby na nakita ko, chubby cheeks, maputi & chinky eyes. Waah!! sarap pangigilan

"Ma's cute pa ang magiging baby na'tin jan" rinig kong sabi ni Kyle

Napatingin ako sa kaniya, nakangisi siya habang nakatingin sa'kin "Mga panaginip mo Kyle" pangbabara ko dun sa sinabi niya saka inunahan siyang maglakad

"Yah! Yah! Claire! Wait!" rinig kong tawag niya sa'kin pero mas binilisan ko lakad ko

Di ko napansin ang dinaraanan ko masiyadong mabilis ang mga pangyayari

"HALA!!"

Nakahiga nalang ako sa may kalsada. Nakita ko si Kyle na tumatakbo palapit sa'kin. Sobrang sakit. Hindi ko maigalaw ang katawan ko.

Unti unti nang lumalabo ang paningin ko. Napaubo ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Sobrang tinis ng tunog ang naririnig ko.

"Celine! Celine! Please! Wag kang pipikit!" Rinig kong sabi ni Kyle sa kabila ng matinis na tunog na naririnig ko. Napaluha ako dahil sa kanya. Nakahawak siya sa kamay ko at ramdam ko ang pagtulo ng mainit na likido roon.

"K-kyle." Nahihirapang tawag ko sa kanya at napapikit. Pinilit kong aninagin ang mukha niya kahit na sobrang labo na ng paningin ko. "M-maki-nig k-ka sa-kin."

"Wag ka na magsalita Celine, parating na ang ambulansiya. Okay? Wag kang bibitaw."

Nahihirapan na talaga akong huminga. Parang namanhid na ang buong katawan ko. Hindi ko alam. Hindi ko na ata kaya. "T-tell t-hem I-i–" napaubo ako. "L-lo-ve them o-kay?" Nahihirapang bilin ko sa kanya. Tumango lang siya ng paulit ulit habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko

"M-ma-hal n-na mahal k-kita."

___

a/n: Epilogue is coming! Sorry for late update. I tried my best to make an update pero sunod sunod ang mga school projects, dapat nung Feb 14 pa to eh. Pasensya na talaga

First Published:  March 14, 2020
___
Edited: January 5, 2024

HAZELEVIIIII

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro