Chapter 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 6

Celine's Point of View

"Hoy babae, umayos ka nga jan. Porket day off nina Nanay Merli hihiga higa ka lang jan. Maglinis ka, darating sina kyle. Dito namin gagawin yung project namin" sabi sa'kin ni kuya.

Inirapan ko lang siya. Nanonood ako rito tapos papaayusin niya ako jan. Hindi naman ako yung gagawa ng project, sila naman. So dapat siya ang mag ayos jan.

Tinapunan ko siya ng isang bored na tingin. "Ikaw ang may bisita kaya ikaw dapat ang maglinis" bored na sabi ko sa kanya saka itinuon ang atensyon ko sa pinapanood ko.

"Ikaw ang babae kaya ikaw ang maglinis" sabi niya saka binato sa'kin yung walis tambo.

Nakakainis nato ah.

Tumayo ako saka sinuot ang tsinelas ko saka pinalo si kuya sa likod nang hawakan ng walis. "Ikaw ang maglinis, ano ako yaya mo? Sinuswerte ka yata" sabi ko saka nilusot yung walis tambo sa sando niya at bumalik ulit ako sa paghiga sa mahabang sofa.

Pinaningkitan niya ako ng mata.

Edi man ningkit siya jan, pakialam ko sa kanya.

Anong akala niya sa'kin? Natatakot sa paniningkit ng mata niya?

Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko "Ikaw na maglinis Cel please!" nagsusumamong sabi niya sa'kin.

Nakangiting umiling ako "Ayoko nga, parang pagwawalis lang di mo pa kaya" sabi ko.

Nagpuppy eyes siya "Ipagbe-bake kita ng paborito mong pizza" sabi niya.

Ano bang meron sa lalaking to? Binablackmail niya ba ako gamit ang pizza?

Umiling ako "A.YO.KO." matigas na sabi ko "Kahit ano pa yan, di ako papayag" sabi ko sa kanya.

Tumayo sya at nagkibit balikat "Okay, madali naman akong kausap eh, ipapamigay ko na lang puppy mong si crescent" sabi niya saka umakyat pataas.

What the. Lahat na ipamigay niya wag lang ang pinaka mamahal kong puppy. Inantay ko siyang makababa. Nang makababa siya ay inagaw ko sa kanya si Crescent pero di niya binitiwan. "Maglinis ka muna bago ko ibigay si Crescent sayo" sabi niya saka binigay sa'kin yung walis.

Tiningnan ko siya ng masama. He just grinned. Nakakainis talaga siya, parehas talaga sila ng ugali ng kaibigan niya. Nakakapang init ng dugo grrr.

Nagwalis ako ng nagwalis, "Hoy ipagbe-bake mo 'ko ng pizza ah" sabi ko sa kanya.

"Akala ko ba ayaw mo" rinig kong sabi niya.

"Wala. Ako ang naglinis kaya pagbe bake mo ko"

"Oo na" sabi niya saka pumunta sa kusina.

Yes. I won!

Nakakainis yang kapatid kong yan. Kundi lang dahil kay Crescent di ko gagawin tong pagwawalis na to.

Sabado ngayon kaya wala kaming pasok ni Kuya. Kahapon naman yung kumanta kami ni Ami, wala naman kaming masyadong ginagawa kapag Friday kaya okay lang na magpa easy easy kami. Matapos nung lunch namin kahapon, nauna na kami ni Amira kasi may quiz kami ng 1 pm.

Nang matapos akong maglinis ay itinabi ko na yung walis at umakyat papunta sa kwarto ko. Jan muna si Crescent sa baba. Babalik rin naman ako pagkatapos kong maligo.

Kyle's Point of View

"Akala ko ba mamaya pa tayo pupunta kina toffer" sabi ko kina Jake.

Nakita kong nagkibit balikat lang si Harry at Ace.

Hayyss.. ang usapan mamayang hapon kami pupunta sa bahay nina Toffer. Bago naging umaga ano bang meron sa mga utak ng mga to?

"Wag ka na daw mainis cuz, isasama niya si Amira para di kayo magdikit nung kapatid ni Toffer haha" sabi ni Red-short for Jarred.

Binatukan ko siya. Puro kalokohan ang pinagsasabi.

"Uyy Jake" sabi ng kakadating lang na si Amira

Napatingin sila Red sa kanya. "Saan ka galing? Sa bahay nina Jake?" tanong ni Ace sa kanya.

Napangisi nalang ako, ako lang pala ang nakakaalam na nakatira tong si Amira sa bahay ni Jake. Napansin ko naman na inakbayan ni Jake si Amira "Yeah galing siya sa loob, may problema ka ba sa girlfriend ko?" Tanong ni Jake kay Ace.

"Girlfriend mo si Austria? Ang alam ko pinopormahan yan ni Smith" gulat na sabi ni Harry.

Mas lalong lumaki ang ngisi ko. Alam ko na kung ano nag nasa isip ni Jake, malamang sa malamang pagdating ng lunes ipapahanap niya agad si Jasper Smith. Ang numero unong Casanova sa SSU. Pumangalawa naman sa kanya yung kaibigan naming si Drake Arevallo na marami na ring pinaiyak na babae.

I'm not one of them. Aminado naman akong marami na akong napaiyak na babae, pero di naman yung katulad sa kanila. Kaya lang naman umiiyak ang mga babaeng yun ay di ako pumapayag na maging girlfriend ko sila.. Isang babae lang talaga ang niligawan ko, yun ay si Akira Shan Hayashi. Ang unang babaeng nagustuhan ko at una ring babaeng bumasted sa'kin.

Lagi niyang kasama si Stephen Zapanta, isa sa mga kaibigan ko rin. Marami akong kaibigan at pili lang talaga sila. Di ako basta basta nakikipagkaibigan sa mga taong ang habol lang sa'min ay popularity sa SSU.

"Tara na" yaya ni Jake saka sumakay siya sa bike niya. Naka angkas naman sa likod niya si Amira.

Nagsisakayan kami sa kanya kanya naming bike. Bike lang talaga, malapit lang naman ang bahay nina toffer, mga wala pang sampung bahay nandoon na kami. Malapit lang yun para sakin dahil madalas akong tumambay roon dati, pero di ko naman nakikita roon yung kapatid niyang si Celine.

---

Nagdoorbell ako. Nahihiya kasi sila mag doorbell. Parang doorbell lang nahihiya pa sila, parang mga sira.

Maya-maya ay bumukas ang gate, thank god at si Toffer ang nagbukas. Ayoko munang maging spotlight ng asaran ngayong araw.

"Pasok" sabi niya saka nalakihan ang bukas ng gate.

Pumasok na kami sa loob.

"Si Celine? Nasaan?" rinig kong tanong ni Amira kay Toffer.

Lagi talaga nyang tinatanong kung nasaan si Celine tch

"Nasa kwarto niya" sagot ni Toffer

"Ahh" sagot ni Amira saka tumango tango nalang

"Celiiinnee!! Tara nga dito!!!" sigaw ni Toffer

Umupo naman kami dun sa mahabang sofa. Himala, luminis ata ang living room nina Toffer. Ang alam ko kapag sabado at linggo day off ng mga kasambahay nila. At alam ko rin na hindi pala linis ng bahay 'tong mokong na'to.

"Ay ang cute ng puppy oh" si Amira sabay kinuha yung puppy na nakahilata dun sa dulong part ng sofa.

"ANO NANAMAN BANG KAYLANGAN MONG BAKULAW KA?!" rinig naming sigaw nung nasa taas.

Natawa kami sa sagot ng kapatid niya, bakulaw talaga eh haha.

"PUNTA KA SAGLIT SA GROCERY!! DI KA NA NAMAN BUMILI NG STOCK SA REF!!" sigaw ni toffer pabalik.

Ang totoo, sigawan ba talaga ang trip nila?

Celine's Point of View

Minsan di ko lubos maisip kung kapatid ko ba talaga yung kuya ko. Bwiset, lagi nalang akong inuutusan ng mokong na bakulaw na yun. Pasalamat siya wala sina mom at dad dahil nasa trabaho ang mga ito. Kung nandito lang sila, paniguradong di ako mauutusan ng Kuya kong sira.

Kinuha ko ang wallet at new phone ko. Oo bago na ulit. Nawawala yung isa eh. Lumabas ako ng kwarto saka dumiretso sa baba.

"MADAYA KA MASYADO KUYA! IKAW ANG NAKA TOKANG MAG GROCERY NGAYON EH!BAGO AKO YUNG UUTUSAN MO! LETCHE KA TALAGA!" sigaw ko sa kanya.

Wala akong pakialam kung nanjan ang mga kaibigan niya. Para sa'kin kapag siya ang naka toka. Siya dapat ang gumawa.

"ASAN NA YUNG LISTAHAN?" sigaw ko pa rin sa kanya.

Nakakainis kasi.

"Andun naka dikit sa ref" sabi niya habang dala yung mga gagamitin nila sa project nila.

Pumunta naman ako sa kusina at kinuha yung listahan ng bibilhin na nakadikit sa ref. Paalis nadapat ako ng kusina ng bigla akong nadulas. Napapikit ako bigla inaantay ko ang paglagpak ko sa sahig pero may sumalo sa'kin. Tiningnan ko kung sino yun.

"mag ingat ka kasi" rinig kong sabi ng sumalo sa'kin.

Si Kyle.

----

First Published
Date: December 11, 2019
___
Edited 
Date: November 04, 2023

HAZELEVIIIII

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro