Chapter 7

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 7

Kyle's Point of View

"Mag ingat ka kasi" sabi ko sa kapatid ni Toffer na muntik ng madulas dito sa kusina nila.

Tch, may pagka lampa rin pala 'tong isang to.

Nanlaki ang mata niya ng makita ako kaya dali dali siyang tumayo ng ayos. Hindi nakaligtas sakin ang pamumula ng pisngi niya. Pilit nyang itinungo ang ulo. I can say that she's to obvious just like the other girl I've met. Napangisi ako ng makita kong di siya komportable kapag nasa harap niya ako.

"Err,, thanks" mahinang sabi niya saka nagmadaling lumabas ng kitchen

Tss, ganon na ba kadali sa kanya na basta nalang akong lagpasan

I was about to walk ng may maapakan ako. Tiningnan ko yun

What's this?

Puro pagkain at dishwashing liquid, tiningnan ko naman yung isang papel habang nilalagyan ko ng malamig na tubig yung baso. I was to drink the water when I saw ang naka sulat doon. Puro tigda dalawa, palmolive bottled shampoo. safeguard pink, face powder at iba pa. napabuga ako ng tubig ng mabasa ko ang nasa pinaka huli ng list.

What the, sanitary napkin pink? Anong klase yun?

Pinunasan ko ang bibig ko saka nilapag yung baso dun sa lababo nila. Bago ako lumabas ng kitchen. Seriously? yung babaeng yun siguro ay paboritong kulay ang pink kaya pati yung napkin na ginagamit niya ay kulay pink rin.

Shit! ba't ba di matanggal sa isip ko yun.

"Saang grocery bibili yung kapatid mo Toffer?" tanong ko kay Toffer ng makarating ako sa living room.

"Edi dun sa madalas nating pagbilhan ng snack noon. Bakit?" tanong niya habang nakatutok siya sa laptop.

"Naiwan niya yung listahan ng bibilhin dun sa kusina" sabi ko saka pinakita sa kanya yung listahan.

"Yung babaeng yun talaga. Akin na nga, ihahabol ko dun" sabi niya saka tumayo

"Ako na" sabi ko sa kanya. Pinagtitinginan naman ako nina jake "Wag kayong ano. May bibilhin rin ako sa grocery" dispensa ko sa kanila

"Bilisan mo ah, magsisimula na" sabi ni Toffer at umupo sa sahig. May carpet naman sila eh kaya pwede silang umupo sa sahig.

"Oo" sabi ko saka lumabas.

Nakapamulsa ako habang naglalakad papunta dun sa grocery na sinasabi ni Toffer kanina. It's been a month mula nung bumili ako dun. Di na ako nakakapag grocery dahil masyado akong busy sa student council.

Nang makarating ako sa grocery ay nakita ko agad yung kapatid ni Toffer na panay ang dukot sa bulsa ng maong short niya. Hinahanap niya siguro tong listahan ng bibilhin. Tahimik akong lumapit sa kanya. Nang mapansin niya na nakatayo ako sa kanyang harapan ay saka ko pinakita ang listahan ng bibilhin.

Mukhang nakahinga siya nang maluwag ng makita niyang hawak ko yung listahan. Kinuha ko ang isang kamay niya saka nilagay dun ang listahan. "Nahulog mo kanina nung muntik ka ng madulas" sabi ko

It feels weird, di naman ako ganitong ka—ah ewan, di ko maexplain

Naiilang na tumingin siya sa'kin "Uhh,, thanks" sabi niya

Yan nalang ba ang kaya niyang sabihin? Thanks? Seryoso. Parang kanina daig niya pa ang nakalunok ng microphone sa lakas ng sigawan nila ng Kuya niya kanina.

"Di ka pa aalis?" tanong niya sa'kin.

Umiling ako "May bibilhin ako" sabi ko.

Parang nawala ata sa isip ko ang pamba badtrip sa kanya ngayon ah.

Tumango tango nalang sya saka naglakad para kumuha ng push cart.

Napag desisyunan ko nalang na samahan siya mag grocery. Since wala naman siyang kasamang mamili. Bahala na sina Toffer dun sa project namin. Bawi nalang ako pagbalik ko.

Celine's Point Of View

Ano bang nakain ng lalaking to at nandito siya ngayon?  Kasama ko pang mamili ng mga bibilhin ko? Inutusan kaya to ni kuya? Ang weird ah

Siya ang nagtutulak ng cart habang ako naman ay nilalagay ko lang dun ang mga kinukuha kong nakalista dun sa listahan. Pansin ko ang kanina pang pagtingin sa'min nung mga babae dito, ano kayang problema ng mga yon at nakatingin sila sa gawi namin.

'sana ganyan din ka gwapo ang magiging boyfriend ko'

'naku sinabi mo pa, sana ganyan din ka carring'

'ang gentleman nya naman, sya talaga yung nagtutulak ng cart ng girlfriend niya'

Rinig kong sabi nung ibang babae

Napatingin naman ako kay Kyle na naka ngiti na parang ewan habang nakatingin sa'kin. Napa kunot naman ako ng noo "Ba't ka nakatingin jan?" tanong ko sa kanya

Umiling lang siya. Ewan ko sa kanya. May toyo ata tong lalaking to

Sinenyasan ko siya na dun kami sa meat section. Katulad ng ginawa ko kanina ay kinuha ko lang kung ano ang nakalagay don sa listahan. Nang mapuno yung push cart ay dinala niya iyon sa counter. Pinabantay niya saglit dun sa saleslady na katabi ng cashier girl. Kumuha ako ng isang basket dahil yung diswashing liquid na lang naman ang natitira dun sa isang listahan at yung listahan ko ng mga bibilhin kong pambabae lang ang gumagamit.

Nagulat ako ng biglang kunin ni kyle yung basket sakin "Akin na nga yan" sabi ko sabay agaw ng basket sa kanya pero di ako nagtagumpay dahil itinaas ang niya ang kanyang isang kamay na may hawak ng basket. Edi siya na matangkad, pssh

Katulad ulit na ginawa ko kanina ay nilagay ko ulit yung mga bilihin na nakalista dun sa litahan. Bawat lagay ko ay siya namang dagdag ng isa ni Kyle, pati yung sanitary napkin. Siya rin mismo ang kumuha at kulay pink pa talaga. Nakakahiya tuloy dahil nakatingin na naman yung mga babae kanina psh

"Now I know your favorite color" bulong niya sa'kin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Imbes na dumiretso kami sa counter ay pumunta siya dun sa mga pwesto ng ice cream at drinks. Kumuha siya ng anim na gallon ng ice cream. Oo as in, anim talaga.  Pero medyo katamtaman lang ang laki non para sa taong kakain non. Pagkatapos nun ay kumuha pa siya ng mga junk foods at chocolates. Saka kami pumunta sa counter para bayaran ang pinamili.

"Ang cute nyo namang couple" sabi samin nung saleslady.

"Ayy ate nagkakamali po kayo. Di po kami couple" tanggi ko dun sa saleslady

Ngayon alam ko na kung bakit sila nakatingin samin kanina,l. Akala siguro niya couple kami ni Kyle

Kami ni kyle? Pwede na ba akong masuka? As if naman na papatol ako sa lalaking katulad nya na malakas mang asar.

"Hindi raw pero naka couple shirt." Sabi ng saleslady. "Naku  beh, itatanggi mo pa ba ang ganyang ka gwapong lalaki?" ani nung saleslady saka nginusuan si Kyle.

Yan gwapo? San banda?

Napatingin naman ako sa suot niya. Oo nga, para kaming couple dahil parehas kami ng suot. Seriously? ganon na ba ang mga tao ngayon? Masyadong malisyoso't malisyosa?

"Magkano lahat ate?" rinig kong tanong ni Kyle dun sa cashier girl

"7,270 po lahat" sabi nung cashier girl

Kukunin ko sana yung wallet ko ng pigilan ni Kyle ang kamay ko at inabot dun sa babae yung credit card niya

Seryoso? high school palang siya may credit card na agad. Sabagay, yung Kuya ko nga rin eh meron

Bali dalawang malaking paperbag yun at isang maliit. Kinuha ni kyle yung dalawang malaking paper bag, siya na daw bahala dun tapos ako nalang daw sa isa

Habang naglalakad kami pauwi ay inutusan niya akong kumuha ng isang ice cream dito sa paper bag na buhat ko, kinuha ko naman yun saka binuksan "Oh" sabay bigay ko sa kanya.

"Sa tingin mo makakain ko yan ng may buhat ako" inis na tanong niya sakin

"Anong gusto mong gawin ko? Subuan kita?" pilosopong tanong ko sa kanya

"Ano pa nga ba. Ang slow mo naman" sabi niya

Kumuha ako ng 2 plastic na kutsara. Kanya yung isa. Tapos sakin yung isa, ano siya sinuswerte? Siya lang susubuan ko?

Pinagshare-an nalang namin yung ice cream na binili niya. Syempre sinusubuan ko siya, sarap ngang isaksak sa bunganga nya yung plastic spoon eh.

"Ang sweet niyo naman" rinig kong may nagsalita sa likod namin.

Napatingin tuloy ako sa likod

 Sabay ng paglingon ko ang pag ilaw ng mga flash ng camera nila.

What the hell!

______________

First Published
Date: December 12, 2019
___
Edited 
Date: November 04, 2023

HAZELEVIIIII

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro