Chapter Eight

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter Eight

JASPER.


(Flashback. Three years ago)

Ang hirap hirap pala talaga nang buhay kapag wala ang kaibigan kong si Timi. Ba't naman kasi niya naisipang sa Paris na mag-aral? Ngayon, wala na akong malapitan para humingi ng tulong dito sa bine-bake ko.

Hindi ko talaga maintindihan kung ba't hindi umaalsa 'tong heart-shaped na chocolate cake na ginagawa ko. Nakaka-frustrate na ha. Nauubos na ang ingredients ko! Aba ang mahal pa naman ng mga kasangkapan pang bake. Halos naubos ang pang isang-buwan na baon ko rito. Yari na naman ako kay mama.

"Kuya, ano ba 'yan? Ba't ang kalat naman dito sa kusina?"

Napalingon ako sa kapatid kong si Jaden na papasok sa kitchen namin. Pawis na pawis at ang dumi ng puting shirt na suot. Sa kanang braso niya ay ipit-ipit niya ang bola ng basketball.

"Nag basketball ka ba o nakipag wrestling?" tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin at dumiretso siya sa ref sabay inom ng tubig.

"Ano 'yan kuya? Ikaw nagluluto ng dinner natin ngayon? May himala."

"Loko. 'Di 'to para sa'yo. Para 'to doon sa nililigawan ko."

Sinilip niya yung bine-bake ko.

"Heart shaped cake? Ang bakla kuya ha!"

"Walang basagan ng trip pre!"

Naupo si Jaden sa bar stool. Ako naman, chineck ko ulit yung cake at laking tuwa ko nang makita kong umalsa na ito. Tinusok ko ng toothpick ang gitnang bahagi ng cake. Wala nang sumasama na crumbs.

"Salamat naman at nabuo ka rin!" masigla kong sabi sabay kuha nito sa loob ng oven.

"Oh shit!" napabitiw ako bigla sa pastry tray dahil napaso ako. "Shit shit! Ang sakit!"

"Ayan tanga."

Lumapit si Jaden at kinuha yung cake sa oven.

"Kuya uso gumamit ng pot holder."

Hindi ko siya pinansin at dire-diretso ako sa sink at hinugasan ang daliri kong napaso. Lumulobo na ang paso ko. Ang hapdi bwiset. Sa daliri pa! Makahawak sana ako ng drum sticks ng maayos nito kundi yari ako kay Ice at Geo. 'Pag na beastmode pa naman ng sabay ang dalawang yun ang sakit sa ulo.

"Anyare na kuya?"

"Ang sakit ng paso ko."

"Lagyan mo ng toothpaste."

"Effective ba 'yun?"

Nagkibit balikat si Jaden, "ewan. Oo raw?"

"Mamaya na. Tatapusin ko muna 'tong cake. Marunong ka bang maglagay ng icing na maayos?"

"Seryosong tanong 'yan kuya? Alam mong puro bola ng basketball ang hawak ko, tas tatanungin mo ako dyan?"

I grinned, "bola ng basketball? Baka pati babae."

Napatawa ng mahina si Jaden at umiling, "wala akong panahon dyan."

"Sus. Sinasabi mo lang 'yan kasi highschool ka pa lang. Naku pag ikaw tumungtong sa college..."

"Ewan ko sa'yo kuya. Ayokong makita ang sarili ko na nag b-bake para sa isang babae. Ang korni."

"Effort ang tawag doon!" depensa ko sa sarili ko habang pinapahiran ng chocolate icing ang cake.

Ang ewan ko mag-lagay. Sana ma-appreciate pa rin ni Aiscelle.

"Bahala ka dyan kuya. Akyat na ako sa taas. Lagyan mo ng toothpaste yung paso mo."

"Oo na sige na."

Nag concentrate ako maigi sa cake. Hindi ko na alam kung ano ang ginagawa ko. Basta pinuno ko na lang ng gumpaste na bulaklak yung itaas ng cake. Hindi na ako nag dare na sumulat pa ng message sa gitna nito at baka masira ko pa.

Nang matapos ko ito, ang sarap sa feeling!

Excited na ako sa magiging reaction ni Aiscelle bukas! For sure mapapangiti ko siya!

Kinabukasan, maaga akong pumasok habang dala-dala ko ang cake na ginawa ko. Iniiwasan ko ang EndMira, mamaya hingin pa nila yung cake o baka asar-asarin ako ng mga ugok na yun pag nalaman nilang nag bake ako. Sabihin pa nila mga babae lang gumagawa nito.

Sus. Hindi rin.

Ang lalaking in love, kayang gawin ang lahat mapangiti lang ang minamahal.

"Aiscelle!"

Agad akong napatakbo papalapit sa kanya nang makita ko siyang naglalakad sa corridor.

Nilingon niya ako.

"Oh Jasper. Good morning," bati niya sa akin.

Napangiti ako nang malawak.

Yes, improving na rin sa wakas ang relationship namin! Hindi na niya ako dinededma kapag nagkakasalubong kami.

"Aiscelle, m-may ibibigay ako."

"Hmm?"

Ngiting-ngiti kong iniabot ang box ng cake sa kanya.

"I baked that for you," proud kong sabi.

Tinignan ko siya at inaantay ko ang reaksyon niya. Inaasahan kong ngingiti siya pero nagulat ako nang kumunot ang noo niya.

"Uhmm... I-I know hindi ganoon kaganda ang itsura. Pero masarap promise! Pinatikim ko sa kapatid ko at sa mama ko. Masarap daw!"

Tumango si Aiscelle at tinignan ako. Hindi pa rin niya inaabot yung cake.

"Thank you Jasper. I really appreciate your efforts but I'm on a diet."

"Oh."

"I-I'm sorry."

I forced a laugh, "okay lang ano ka ba! W-walang problema."

"Wait."

Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Aiscelle ang kamay ko.

"Bakit may bandaid ang daliri mo?" tanong niya.

"Ha? Ah.....natusok ng....uhm...ballpen."

Kumunot ang noo niya.

"Dahil ba nag bake ka?"

"H-hindi. N-natusok nga ng ballpen."

Bumuntong hininga si Aiscelle at kinuha niya ang cake na ginawa ko.

"Okay. I'll take this."

Agad ko itong binawi sa kanya at nginitian siya.

"Aiscelle, okay lang."

"Pero Jasper---!"

"Okay lang," pagputol ko sa sasabihin niya. "I'm glad you told me that you're on a diet. At least alam ko na ngayon. Don't worry, tomorrow gagawan kita ng ceasar salad," I winked at her.

She smiled at me.

"Ba't ba sobra ang effort mo sa akin?"

Mas lalong napalawak ang ngiti ko, "mahal talaga kita eh."

~*~

Maaga akong gumising kinabukasan para ipag-handa si Aiscelle ng ceasar salad.

"Ano na naman ang ginagawa mo kuya?" tanong ni Jaden habang kinukusot-kusot pa ang mata nito.

"Ceasar salad for my love," nakangisi kong sabi.

"Wow. Nung isang gabi, cake. Ngayon naman salad. Ginagawa ka na bang katulong ng babaeng yun?"

"Hindi. Hindi niya rin naman nakain yung cake kaya binigay ko na lang kay Ayen. At 'tong loko-lokong Ayen na 'to nakailang tanong sa akin kung bakla ba ako at ba't ko siya binibigyan ng heart-shaped cake," natatawa-tawa kong paliwanag.

"Wait, ba't hindi tinanggap ni Ate Aiscelle yung cake na gawa mo?"

"Diet siya."

"Bullshit."

"Oy language!" saway ko sa kanya while imitating our mom's voice.

Napailing na lang si Jaden.

"Sayang effort mo."

"Hindi rin. Kukunin na niya nung nakita niya ang paso ko pero ako na ang humindi. Ayoko naman ipilit sa kanya yun kung alam kong nag d-diet siya."

"Sayang pa rin sa effort. Tas ngayon salad naman? Kuya ang tagal mo nang nililigawan yun ah? Sinulatan mo na ng kanta, nagpa-flash mob ka na sa harap niya, ginawan mo ng banner, ng tula, ng sulat, ng cake tapos hindi ka pa rin sinasagot. Aba baka basted ka na?"

"Oy hindi 'no! Wala siyang sinasabing basted na ako. Tsaka hindi na naman niya ako pinagtatabuyan eh.Ine-entertain niya lahat ng ginagawa ko. Nakikita kong natutuwa rin siya. Pakiramdam ko malapit na niya akong sagutin."

"Eh paano kung paasa lang pala siya?"

"Ewan ko sa'yoo Jaden. Bumalik ka na sa basketball mo. Hindi mo maiintindihan kasi hindi mo pa nararanasan."

Napailing si Jaden.

"Sa nakikita ko pa lang sa'yo kung gaano ka nagmumukhang tanga, parang ayoko nang maranasan."

[End of Flashback]

~*~

JASPER.

Natapos din ang band rehersal for today. Sa wakas ayos na ang first two tracks ng bagong album na ilalabas namin. Parehong maganda mga lyrics. Mukhang inspired si pareng Ayen sa pag co-compose ng kanta.

At aaminin ko medyo ganado rin akong tumugtog ngayon.

Oo na. Kasi nandyan si Aiscelle at nanunuod. Hindi ako nagpapakitang gilas. Pinapakita ko lang sa kanya ang narating ko simula nang iwan niya ako noon.

Halso hindi ko siya kinakausap. I know she's looking at me. Ilang beses na nagtatama ang paningin namin eh. At ewan ko ba ba't kesa ma-ilang ako, ba't iba ang nararamdaman ko?

Nakakabwiset na feelings 'to. Nakaka bullshit.

Naalala ko ang payo ni Nica sa akin. Na malalaman ko lang na deserving sa second chance si Aiscelle kung hahayaan ko siyang patunayan ang sarili niya. Ilang beses kong pinagisipan yun. Ilang beses kong sinubukang ngitian siya, o mag hi man lang, or just talk to her casually pero wala eh. Napapaatras ako.

Hindi dahil sa natotorpe na naman ako. Iba 'to.

More like, natatakot ako sa pwedeng mangyari. Nakakatakot na baka mapalapit na naman ako sa kanya at in the end, mag mumukha na naman akong tanga.

Ayoko na kasing maulit yun.

Nagsi-alisan na ang ibang End Mira. Mag i-stay ako, si Ayen at Geo dito sa HQ samantalang sina Ice at William naman ay uuwi sa kani-kanilang bahay.

Papasok na sana ako ng kwarto ko nang bigla akong lapitan ni Aiscelle.

"Jasper..."

Napayuko ako.

"Hmmm?"

"Ahmm.. u-una na ako. Sabay na kami ni Ice."

"Ah... ingat," matipid kong sabi na hindi siya tinitignan.

"A-ano, J-Jasper... p-pag nagkita kayo ni Nica, please tell her I'm sorry."

Doon napa-angat bigla ang tingin ko.

"Huh? Bakit? What happened?"

"S-sakanya mo na lang tanungin. Sige bye!"

Bigla na lang niya akong tinalikuran at tumakbo siya palayo sa akin.

Okay? What happened? Ba't siya humihingi ng sorry kay Nica?

Napatingin ako sa wristwatch ko. It's almost 11pm. Sa pagkaka-alala ko, mga ganitong oras ang labas ni Nica sa bar.

Nagpaalam ako kina Ayen na may pupuntahan lang ako sagli.

"Pare please magsusulat ako ngayon, wag kang maguuwi ng babae ah? Kung gusto mo ideretso mo sa motel!" sabi ni Ayen.

Tinawanan ko lang siya at dire-diretso ako sa sasakyan ko. Agad ko naman itong pinaharurot papunta sa bar kung saan nagtatrabaho si Nica.

Saktong pagdating ko, nakita ko na siyang palabas.

"Psst Nica!" tawag ko sa kanya mula sa loob ng kotse.

Nilingon niya ako at napakunot ang noo niya.

"Jasper? Anong ginagawa mo rito?"

Ibinaba ko ang binata ng kotse ko at nginitian siya.

"Tara coffee! My treat!"

"Ayoko."

"Dali na! May paguusapan tayo."

"Ayokong makipagusap sa'yo."

"Eh basta pumasok ka na dali! Babawiin ko sa'yo yung mga binigay kong libro," pananakot ko sa kanya.

Natawa ako dahil dali-dali siyang pumasok sa kotse ko.

Libro talaga ang katapat ng isang 'to.

"Ano ba kasi ang paguusapan natin?!" irita niyang sabi.

"Mamaya na sa coffee shop," nakangisi ko namang sabi. "Kain din tayo ng cake."

Hindi siya umimik.

"Uhmm... may sugar free cakes doon sa coffee shop na pagdadalhan ko sa'yo," mabilis kong sabi.

"May chocolate cake ba?" tanong naman niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Chocolate cake?"

"Oo. Yung naguumapaw sa chocolate icing."

"Meron naman. Ayun ang sa'yo?"

She look at me in disbelief.

"Oo baket? Anong masama doon ha? Huhusgahan mo ako ha?! Aba eh hindi na ako sasama sa'yo!"

Napatawa ako bigla.

"Yung ibang babae halos hindi na kumakain dahil sa pag d-diet. Samantalang ikaw..."

"At anong masama doon? Paki ko sa diet na 'yan. Gugutumin lang ako niyan leche."

Napailing na lang ako habang tatawa-tawa.

"At tinatawanan mo talaga ako? Hinuhusgahan mo ako dahil gusto ko ng chocolate cake?"

I chuckled.

"No Nica. I think you're cool."

"Talaga? Edi ilibre mo 'ko."

Napahagalpak na lang ako ng tawa.

To be continued


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro