Chapter Seven

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter Seven

JASPER.

[Flashback – 3 years ago]

"Pre talagang ililibre mo ako after nito," sabi sa akin ni Ayen habang naka-busangot ang mukha. "Pre talaga! Kailangan mo akong pakainin ng marami. Dahil sa'yo walang-wala akong tulog. Hayop ka talaga."

"Okay lang 'yan pre. Pagka-ikaw naman ang nangailangan ng tulong para manligaw, tutulungan kita!"

Napailing na lamang si Ayen at ibinalik ang atensyon sa gitara na tinotono niya.

Mamaya pang 10am ang first class naming ni Ayen. Pero 7am pa lang, nasa university na kami at nag-aantay sa labas ng classroom nina Aiscelle dahil 8am ang first class niya.

Alam kong ilang beses na akong binasted ni Aiscelle. Mula highschool pa lang, habol na ako nang habol sa babaeng yun. Buti na lang talaga pinalaki ako ng mga magulang ko na mahaba ang pasensya.

Nag hikab si Ayen.

"Ayoko nang manligaw kung kailangan kong gumising ng maaga para mangharana. Breakfast lang ang nakakapagpabangon sa akin sa kama at hindi babae," sabi niya.

"Sinasabi mo lang 'yan 'tol kasi hindi ka pa tinatamaan ni Kupido. Gagawin mo rin 'to pag may nagpapatibok na ng puso mo."

"Wala akong tyaga," iiling-iling niyang sabi.

"Edi mawawalan ka rin ng nilaga!"

"Huh?"

"Di ba sabi nila pag may tyaga may nilaga? So sa sitwasyon ko ngayon, si Asicelle ang nilaga ko."

Napakunot ang noo ni Ayen, "ang weirdo ng comparison mo."

"Eh basta gets mo na yun!"

He shrugged, "basta ang alam ko lang gusto kong kumain ng nilaga pagkatapos nito."

"Oo na ililibre na kita!"

"Aiscelle, nagawa mo ang homework natin sa English?"

Bigla kaming napatayo ni Ayen sa kina-uupuan naming hagdanan at sumilip. Naglalakad na papalapit si Aiscelle kasama ang mga kaibigan niya.

"Ayen shit kinakabahan ako!"

"Leche Jasper ha? Wag kang aatras 'tol! Matapos mong istorbohin ang pagtulog ko, wag mong sasabihin na aatras ka na lang."

"Tae Ayen, may daga sa dibdib ko."

"Patayin mo."

"Takte kinakabahan ako."

"Umayos ka nga! Ayan na siya!"

I cleared my throat at sinubukan kong alisin lahat ng kaba sa dibdib ko.

Pinaulit ulit ko sa isipan ko ang mantra ko kada kinakabahan ako.

Gwapo ka Jasper. Gwapo ka. Nasa-code ng mga gwapo ang bawal ang torpe. Kaya wag kang mato-torpe. Gwapo ka.

Nang padaan na sina Aiscelle sa hagdan kung saan kami nagtatago ni Ayen, bigla namin siyang hinarang kaya naman napatigil sila ng mga kaibigan niya.

Nginitian ko sila.

"What the hell?" taas kilay na tanong ni Aiscelle sa akin.

Tinignan ko si Ayen at nagsimula na siya sa pagtugtog ng gitara.

I cleared my throat again at sinumulan kong kantahin ang kanta na pinagpuyatan kong isulat kagabi.

"Hi miss, magandang umaga.

Maari ko bang masilayan ang matingkad mong ngiti?

Sige na please kahit isa lang?

Para kahit umaga pa lang ay buo na ang aking araw."

"Ang cute niya," rinig kong bulong ng isa sa mga kaibigan niya.

"Hi miss, kamusta ang iyong gising?

Nawa'y ika'y nakatulog ng mahimbing.

Ngunit kung ako ang iyong tatanungin

Hindi ako nakatulog dahil ikaw ang laman ng aking isip."

Iniwas ni Aiscelle ang tingin niya sa akin. Kita ko ang pamumula ng pisngi niya kaya naman mas lalo akong nilakasan ng loob na ituloy ang pagkanta.

"Kada umaga bumabangon ako.

Nagmamadaling pumasok sa banyo para magpa-pogi.

Excited akong makita ka.

Excited akong masilayan ang maganda mong mukha.

Kaya naman kahit isang ngiti lang.

Wag mo na sanang ipagdamot sa akin.

Kahit saglit na ngiti lang.

Para buo na ang araw ko kahit umaga pa lang."

"Oohh ang cute cute Aiscelle!" sabi ng kaibigan niya na chinita at maikli ang buhok. "Ang sweet ng suitor mo."

"S-shut up Mai!" bulong niya rito.

"Pogi, ikaw ba ang gumawa ng song na yan?" tanong naman ng morena niyang kaibigan.

Napakamot ako sa likod ng ulo ko and I smile sheepishly at them.

"Uhmm, oo."

"Ang sweet ah?"

"Korny kaya," masungit na sabi ni Aiscelle.

"Gaga ka! Sinulatan ka na ng kanta! Effort yun ah!" sabi ni miss chinita.

"Lagi ka na lang nakasimangot kada nakikita mo 'ko," sabi ko kay Aiscelle. "Sige, isang smile lang," nginitian ko siya ng malawak.

"E-ewan ko sa'yo Jasper Yu! At pwede wag mo na akong guluhin ha?! Tabi nga!"

Tinabing niya ako at dire-diretso siya naglakad palayo sa amin.

"Uy Aiscelle!" habol ng mga kaibigan niya sa kanya.

Napa-buntong hininga ako at tinignan ko si Ayen.

"Korny ba talaga?"

"Oo pre. Sobrang korny. Wag mo na ulit kakantahin yan please lang," sabi naman ni Ayen.

"Oh well, gagawa na lang ulit ako ng bago. Basta magagawa ko rin pangitiin ang nilaga ko."

"Wala ka na ba talaga maisip na ibang endearment kay Aiscelle?"

Hindi ko sinagot si Ayen at tinignan ko na lang si Aiscelle habang naglalakad palayo.

Ilang beses na siyang nag walk out. Ilang beses na niyang dinedma ang effort ko.

Pero ganun pala talaga kapag mahal mo.

Yung tipong nawawalan ka na ng pag-asa pero hindi ka makasuko.

Dahil alam mong siya lang ang magpapasaya sa'yo.

Biglang huminto si Aiscelle sa paglalakad at nagulat ako ng lumingon siya ulit sa direksyon ko..

...and she smiled at me bago siya pumasok sa room nila.

SHIT.

She smiled at me!

Nilingon ko si Ayen. Nakayuko si Ayen at busy na kinakamot ang tyan niya.

"Pre! Pre nginitian ako ni Asicelle!"

Inangat ni Ayen ang tingin niya.

"Huh? Gutom lang 'yan. Tara na ilibre mo na 'ko."

"Kainis naman 'tol eh! Nginitian nga ako sabi!"

"Oo na naniniwala na ako. Ilibre mo na ako ng nilaga!"

"Tara pre! Hindi lang nilaga! Kakain din tayo ng adobo, sinigang, tinola, lahat na. Dahil umaga pa lang buo na ang araw ko!!"

[End of flashback]

~*~

AISCELLE.

Arrgh Aiscelle ano bang ginagawa mo sa buhay mo?! Bakit mo ba naisipang abutan ng pera si Nica?!

Nandito ako ngayon sa coffee shop at naka-ngudngod ang mukha ko sa harap ng laptop ko. Hindi ako makapag concentrate sa trabaho ko. Naalala ko na naman ang eksena namin ni Nica sa bookstore kanina.

Oo, naguilty talaga ako sa ginawa ko. Paano kung hindi siya bayarang babae at magkaibigan lang talaga sila ni Jasper?

Dapat nag sorry na lang ako eh.

Well, hindi ko naman sadya na insultuhin at husgahan siya. Concern lang ako kay Jasper. Ayokong kung sinu-sinong mga babae na ang nakaka one night stand niya.

At oo na, I admit, I'm jealous!

Halata naman sa kilos ni Jasper na he cared for Nica. Nung araw na yun, I asked him kung gaano na niya katagal kakilala si Nica. Sabi niya 24 hours pa lang silang magkakilala.

Paano ka magkaka-care sa isang taong isang araw mo pa lang nakakasama?

So I thought, naka-one night stand niya ito.

And I hate it. I hate the thought na may iba siyang babaeng tinitignan. Ayokong isipin na may ibang babae siyang hinahalikan at kung anong kababalaghan pa ang ginagawa nila.

Ayoko.

He used to be mine.

Dati lahat ng atensyon niya nasa akin. Lahat ng oras, ng efforts nakatuon sa akin.

Hindi ako sanay na binabalewana na lang niya ako ngayon.

I miss him. I miss Jasper.

I badly want him back.

Please, sana hindi pa huli ang lahat...

To be continued...


Sorry po short update lang. Busy-busyhan si author. Bawi ako next chapter.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro