Chapter Fifty Eight

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Fifty Eight

JASPER.

"Tanga ko 'no?" tanong ko kay Ayen sabay tungga doon sa beer na iniinom ko.

Tumango si Ayen, "pang ilang beses mo nang tinanong sa akin 'yan. Sinabi nang oo nga, tanga ka nga. Gago ka pa. Feeling ko nagagaguhan si Nica sa ginawa mo."

Hinablot ko yung tupperware na nasa harapan niya.

"Wag kang kakain!"

Paano kasi, after umalis ni Nica, tinawagan ko si Ayen at pinapunta sa amin para makipag-inuman. Ginawa na lang din naming pulutan yung adobo na niluto ni mama.

Hinablot niya ulit sa'kin.

"Hoy! Niluto ng mama mo yang adobo na yan para kainin ko. Wala kang karapatang patigilin ako!"

"Gago. Si Nica ang ipinagluto niya at hindi ikaw!"

He shrugged at tinuloy ang pagkain, "representative ako ni Nica tutal nila

niyasan ka niya."

"Sige, ipagdiinan mo pa," tumungga ulit ako ng beer.

Nilingon ako ni Ayen, "alam mo kung ano ang mali sa'yo, Jasper? You are giving her mixed signals. Sweet ka sa kanya, lagi mo siyang niyayaya lumabas, tapos sangkatutak pa ang green jokes mo pero sinasabi mo na friends lang kayo. Isa lang magiging conclusion nun---gusto mo siyang dalhin sa kama."

Napaayos ako ng upo.

"Hindi naman ganun yun, eh! Gago man ako, pero malinis ang intensyon ko sa kanya. I---I love her."

"Ang tanong, alam ba niya 'yan?"

Hindi ako umimik.

Ayen's right. I am really giving her a mixed signals. At malamang talaga, ganun ang magiging conclusion niya sa akin.

"Ganyan ka na ba ka-grabe na na-torpe at hindi mo masabi-sabi sa kanya na gusto mo siya?"

Nagbukas ako ng dalawang bote ng beer. Yung isa, inabot ko kay Ayen. Yung isa, tinungga ko.

"I don't know if I am willing to take the risk..." sagot ko sa tanong niya.

"Dahil baka i-reject ka niya?"

Umiling ako.

"No. Hindi dahil doon. I--I'm afraid to lose her. Alam mo yun? She told me na umiiwas siyang makipag relationship sa kahit na sino. I know her too well. Alam kong kapag sinabi niya, tutuparin niya. Gusto kong umamin. Gusto kong sabihin lahat. But what if, hindi lang niya ako i-reject? What if, umiwas din siya sa akin? Yung tatlong buwan na wala siya at hindi nagpaparamdam sa akin, sobrang hirap na hirap ako. I feel so useless nung pilit niya akong tinatanggal sa buhay niya noon. Now she's back...ayoko nang magkaroon pa ulit ng dahilan para iwasan niya ako."

Hindi umimik si Ayen. Dire-diretso niya ring ininom yung beer na in-abot ko sa kanya. Then, he heaved a sigh.

"Alam mo pre...gusto kong sabihin sa'yo na take a risk. Na wag kang duwag. Na take this chance.....But I know it is easier said than done. Sa totoo lang, naiintindihan kita. Pero, ganun talaga, eh. Darating yung oras na kailangan mong mag decide. Are you going to take a risk at aamin ka sa kanya? O doon ka sa safe side at hahayaan mong maging kaibigan ka na lang niya?"

Napayuko ako, "w-what if, sa ngayon, parang mas okay na option yung doon na lang ako sa safe side?"

"Then ask yourself this question: kaya mo bang makita siya na may iba nang nagugustuhan? Na may ibang lalaking nagpapatawa sa kanya? Na may mahal siyang iba?"

Napasandal ako at ininom ang beer na hawak ko. Feeling ko nabatukan ako ng malakas dahil sa sinabi ni Ayen.

Sa lahat ng tinanong niya, isa lang ang sagot ko---NO.

Hindi ko kayang makita na mapunta siya sa iba.

"Ayen?"

"Oh?"

"Bakit alam na alam mo yung mga ganyang tanong? Natanong mo na rin ba yan sa sarili mo?"

Hindi niya ako sinagot. Instead, nilagok na lang niya ang beer na nasa harapan niya.

~*~

Aiscelle.

"Sure kang dadami customers ko after nito ha, Aiscelle?" tanong sa akin ng pinsan kong si Kite habang pinapanuod naming mag set-up ang production team nina Stan.

Nandito kami ngayon sa cafe ni Kite. I was able to convince him na gamitin ito for our location. Buti na lang at pumayag siya. Naka-tipid pa kami.

Inakbayan ko siya.

"Of course! I'm telling you, after this, sisikat ng husto ang cafe mo."

"Hi Aiscelle!"

Napalingon ako bigla sa tumawag sa akin at nakita ko si Leigh na ngiting-ngiti na naglalakad palapit sa akin.

What the hell? Bakit lumalapit yan? Ano ba yan, magiging plastik na naman ako.

"Hi Leigh!" masigla ko ring bati sa kanya.

Yuck.

"Pinsan mo raw yung owner ng cafe?" tanong niya then ipinakita niya sa akin yung hawak niyang cupcake. "Pasabi naman sa kanya na ang sarap naman ng cupcake na 'to, pero ang hirap kainin. Ang daming toppings tapos yung pinaglagyan pa na box, ang ganda nga but when I try to take out the cupcake, nasisira. Parang gusto nung cupcake sa loob na lang siya ng box eh. Siguro yung pinsan mo medyo pa-tease 'no? Papogi pero ayaw naman magpa-tikim."

Natulala ako sa sinabi ni Leigh. Kite cleared his throat.

"Uhmm..si Kite nga pala, pinsan ko. He's also the one who made that cupcake," sabi ko sabay turo kay Kite na ngiting ngiti sa tabi ko.

Kita ko ang panlalaki ng mata ni Leigh at biglaang pamumula ng mukha niya.

"Hi! Nice meeting you, Miss Leigh," sabi ni Kite at inilahad ang kamay niya.

Parang wala naman sa sarili si Leigh na nakipag shake hands sa kanya.

"So, your theory about my cupcake is quite interesting. Care to share it with me later over dinner?"

Mas lalong namula ang mukha ni Leigh.

"Ay! Kailangan ko na pa lang mag-ayos para sa eksena. Nice meeting you!"

Tumalikod siya at dire-diretsong umalis. Siniko ko si Kite.

"Ang pilyo mo, 'no? Hindi ka pa rin nagbabago."

Natawa siya nang mahina, "sige na, aalis muna ako. Alagaan mo ang cafe ko."

After umalis ni Kite, nakita kong nag-lalakad si Nica. Hinatak ko siya.

"Hey!"

"Oh, problema mo?"

Ganda talaga bumati nang isang 'to.

"Where's Stan?" tanong ko. "Hindi ba siya pupunta ngayon dito?"

Tinignan ako ni Nica na para bang takang-taka siya.

"What?" irita kong sabi.

"Hindi mo alam?"

"Na ano?!"

"Nag out of town si Sir Stan. Bakasyon."

Natigilan ako.

Oh.. out of town.

Hindi niya ako sinabihan.

Eh bakit ba, Aiscelle? Paki mo ba? Nanay ka ba niya para iinform ka kung saan siya pumupunta.

"Buti pa si Leigh alam na nag out of town si Sir Stan, samantalang ikaw hindi."

Tinignan ko nang masama si Nica.

Nakakainis.

Edi ako na ang hindi nakakaalam. Ako na ang hindi ininform ni Stan! Bwiset siya!

"Paki-sabi sa boss mo next time paki-inform ako kung wala siya," sabi ko.

"Bakit? Dahil ayaw mo siyang mawala sa paningin mo?"

I glared at her, "hindi! Para alam ko kung pupunta ako sa set o hindi!"

"Uhmm, dapat ba nandito rin si Sir Stan pag bumibisita ka?"

Aba't--!! Anong--!

"What the hell are you trying to imply?! That I like him? Well I don't! He's my friend!"

Nagkibit balikat si Nica.

"Wala akong sinasabi na ganyan. Ikaw ang nagsabi niyan. Tsaka friends? Sus. Di mo nga alam na nag out of town siya, eh. Baka ayaw ka na niyang maging friend."

Napapikit ako.

Sino nagsabing okay na kami ni Nica? Feeling ko forever naming gugustuhing patayin ang isa't-isa.

At ngayon, ayun ang gusto kong gawin sa kanya. Nakakabwiset, eh.

Nakita kong palapit sa amin si Jasper Yu. Napayuko si Nica.

"Wait, kausapin ko lang si direk," sabi niya.

Napangiti ako at hinawakan ko siya sa wrist.

"Dito ka lang," I hissed.

Kumakalag siya sa akin, "ano ba! Bitiwan mo 'ko!"

"Dito ka lang sabi, eh!"

"Hi girls!" nakangiting bati ni Jasper sa amin.

Nginitian din namin siya at pilit nagpaka act normal.

"What are you doing?" tanong niya, nakangiti pa rin. Tapos dumapo ang mata niya sa nakahawak kong kamay sa wrist ni Nica.

Kinalag ni Nica ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Wala. Punta muna ako kay direk."

At papayag ba naman akong hindi maka-ganti sa pambu-bwiset niya? Hinatak ko siya sa braso.

"I have to tell you something!" masigla kong sabi kay Jasper.

"A-ano yun?" curious niyang tanong.

"Wala!" sabi ni Nica at hinahatak niya ang braso niya sa akin pero hindi ko binibitiwan.

"Anong wala! Sabihin mo na kasi sa kanya! Nahiya ka pa, eh!" sabi ko kay Nica.

"Anong sinasabi mo?! Wala naman akong sasabihin!" she glared at me. Ang sama talaga nang tingin.

HA! Mas lalo kang nag mukhang guilty.

"Yung sinabi mo sa akin kanina. For sure matutuwa si Jasper pag sinabi mo sa kanya," sabi ko habang ngiting ngiti pa rin.

"Bakit, ano yun?" tanong ni Jasper at halata sa kanya na mas na-curious siya.

"Wala naman akong sinasabi, eh!"

"Yung sabi mo ang hot ni Jasper!" napatakip ako nang bibig. "Ay shit. Nadulas, sorry."

Nakita kong umakyat ang kulay sa mukha ni Nica. Kung kanina, ang pula pula ni Leigh, mas mapula pa ang mukha ni Nica sa kanya.

Buti nga.

"Crush ka kasi nito ni Nica. Hot mo raw at ang pogi. Gusto ka niya i-kiss," siniko ko sa tagiliran si Nica. "Wag ka mahiya diyan kay Jasper, sanay naman maka-tanggap nang ganyang compliments yan, eh. 'Di ba?"

Nilingon ko si Jasper at nakangiti nang nakakaloko ang gago.

"Sige, maiwan ko muna kayo diyan. Puntahan ko lang si direk," sabi ko at um-exit na ako.

Ngiting ngiti akong naglakad palayo.

I feel better dahil sa ginawa kong kalokohan.

Ang saya pala mantrip 'no?

At isa pa...

Yes! Ito na talaga. Masasabi ko na talaga!

Naka, move-on na 'ko kay Jasper Yu.

~*~

NICA.

Babaeng ipinasagasa sa tren. Babaeng ipinakain sa leon. Babaeng chinopchop ang buong katawan. Babaeng inialay sa aswang. Babaeng kinuha ng duwende. Babaeng kinidnap ng mga terorista.

And the list goes on.

Ang daming ways kung paano ko papatayin si Aiscelle sa storya ko. Ano kaya mas maganda?

Kulam kaya? O masyadong cliché?

Gusto ko kakaiba, eh. Gusto ko torture.

Putangina niya talaga.

"Sarap 'no?" nakangiting sabi ni Jasper Yu habang enjoy na enjoy siya sa pagkain ng pasta na nasa harapan niya.

Tinignan ko siya nang masama. Nginitian niya lang ako.

Bwiset ka talaga Aiscelle. Humanda ka. Gagawin ko ang storya mo na sobrang brutal!!

Paano ba naman kasi, dahil sa sinabi niya, na blackmail na naman ako ni Jasper. Samahan ko raw siyang mag lunch or else isisigaw niya sa harap ng mga staff na may crush ako sa kanya at gusto ko siyang i-kiss. At sa itsura niya kanina, ramdam kong gagawin niya talaga yun.

Leche talaga 'tong isang 'to.

"So.. k-kamusta si Benedict?" tanong niya.

"Okay lang," matipid kong sagot.

"Ano yung emergency niya?"

Hindi ako umimik. Wala naman kasi talagang emergency, eh. Dinahilan ko lang yun para maka-alis ako. Nakonsensya rin naman ako pagka-alis ko dahil nag luto ng pagkain ang mama niya para sa amin.

Pero alam mo yung feeling na gusto mo mapag-isa kasi naiiyak ka at ayaw mong may makakita sa'yo kaya talagang wala ka nang naisip kundi ang maka-alis doon?

Ganun ang nangyari sa akin.

"Sorry pala, hindi ko na nakain yung niluto ng mama mo," sabi ko kay Jasper without answering his question.

"Ayos lang. Na-enjoy naman ni Ayen."

Tumango na lang ako at yumuko.

"N-Nica? Available ka ba n-next weekend? G-gusto ko sanang magpasama sa'yo sa isang lugar."

Inangat ko ulit ang tingin ko sa kanya.

"Hindi ako pwede."

"Please? Lagi ka na lang tumatanggi sa akin."

"Pero lagi ka rin naman nakakahanap nang way para isama ako. Lagi akong sumasama sa'yo Jasper, kahit tumatanggi ako. Kaya ngayon sana wag mo na akong kulitin. Hindi ako pwede. Iba na lang ang isama mo."

"Pero kasi—"

"Hindi lang naman ako ang kaibigan mo ah?"

Tutal yun naman ang palaging dahilan niya, eh.

Sinasama niya ako, dahil kaibigan niya ako.

Napa-hinga nang malalim si Jasper.

"Nica, gusto kitang isama kasi ikaw ang gusto kong kasama. At doon sa pupuntahan ko, ikaw dapat ang isama ko. Please don't ask why, you'll understand kapag nandoon na tayo. Pero please, pagbigyan mo na ako. After nito, promise hindi na kita guguluhin."

Natahimik ako. Seryosong nakatingin si Jasper sa akin. Kita ko ang sincerity sa mata niya.

Shit na malagkit naman, oh.

"Jasper kasi—"

Biglang tumunog ang phone ni Jasper. Nakita ko sa screen na tinatawagan na siya ng PA.

He cancelled the call.

"Ba't hindi mo sinagot? Hinahanap ka na ata sa set."

Umiling siya, "w-we still need to talk. Kailangan muna kitang mapapayag na sumama sa akin."

Napasandal ako.

"Okay... papakinggan kita kung bakit dapat akong sumama sa'yo. Promise yan. Pero ngayon, bumalik ka muna sa set. Maraming nagiintay sa'yo."

"Nica—"

"Nangako ako, Jasper."

Tumango siya.

"O-okay. Dinner mamaya?"

"Sige. Pero hindi mo libre."

"Nica--!"

"Sumasahod din ako."

"Pero---!"

Tinignan ko siya nang masama. Napaatras siya.

"O-okay po, boss."

Nginitian ko siya.

Napangiti rin si Jasper sa akin.

Feeling ko natunaw na naman ang puso ko.

Ang galing niya talaga. Ang hirap hirap niyang hindi-an.

After maka-alis ni Jasper, naisipan ko munang mag ikot ikot sa mall. Tutal hindi pa naman ako kailangan sa set ngayon.

Napunta ulit ako sa bookstore at hinanap yung libro na matagal na naming gustong basahin ni Benedict.

Habang naghahanap ako, may isang batang babae na nadapa sa harap ko kaya naman agad akong napaupo at tinulungan ko yung bata na tumayo.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya at pinagpag ko ang tuhod niya. Nakita kong unti unting namumuo ang luha sa mga mata niya.

Shet. Iiyak siya! Baka mapagbintanggan ako na ako nagpaiyak dito!

"Nisha!"

"Papa!" tawag nung bata at tumakbo siya doon sa lalaking palapit sa amin.

Napa-tayo ako bigla nang makita ko siya.

Hindi niya ako agad nakita dahil naka-focus siya doon sa anak niya. Pero nang i-angat niya ang tingin niya sa akin at nagtama ang mga paningin namin, kitang kita sa expression nang mukha niya na nakilala niya ako.

Of course. Paanong hindi.

"N-Nica..?"

"Theo.."

Yung ex ko.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro