Chapter Fifty Seven

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter Fifty Seven

STAN.

"Open the door!" Leigh hissed then her lips are on mine again.

Medyo humiwalay ako, "wait."

"Hurry up!" sabi niya. Inumpisahan na niya ang pagtatanggal ng butones ng polo ko.

Napangiti ako.

"Relax, sweetheart. May CCTV. Gusto mong magka-scandal tayo?"

"Ang tagal mo kasi! I can't wait any longer."

"Hindi ko mahanap ang susi ko."

"Oh for pete's sake!"

Kinapa niya ang bulsa sa gilid ng pantalon ko at kinuha niya ang susi doon. With a teasing smile, she opened the door to my condo unit.

The moment na makapasok kami sa loob ng condo ko, we started kissing each other again. Itinuloy niya ang pagbubukas ng butones ng polo ko. I removed her cardigan pati na rin ang tali sa buhok niya. I ran my fingers through her hair as I kissed her neck.

Napahiga kami pareho sa couch ko. She's on top of me. Inalis niya na ng tuluyan ang polo ko.

Napatingin ako sa mata niya.

Damn.

"Stop," sabi ko.

"Huh? What?!"

Umayos ako ng upo.

Bakit mata ni Aiscelle ang nakikita ko?

"T-this is wrong. You're drunk and..."

"I'm not drunk!" sabi niya. "Isang bote lang ang ininom natin. Are you serious?"

"But still.."

"Don't worry, I'm not going to ask you to marry me after nating gawin 'to. We are just doing this for fun. If you want proof, you better ask Jasper."

Napatingin ako bigla sa kanya.

"May nangyari na sa inyo ni Jasper?!"

"Relax, dati pa yun. As in dating dati pa nung kauumpisa pa lang namin maging magka-love team. Isang beses lang nangyari at hindi na naulit. At tanungin mo pa siya, hindi ako naghabol, kung ayun ang ikinakatakot mo." Pinanliitan niya ako ng mata, "not unless may STD ka. Hahabulin kita ng palakol pag hinawahan mo ako."

Napatawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya.

"So do you want to..?" she ask then she bit her lower lip.

Napayuko ako.

"I-I'm sorry.."

Hindi agad umimik si Leigh. Naramdaman kong tumayo siya at pinulot niya ang cardigan niya na hinubad ko kanina.

Muli siyang sumalampak sa tabi ko.

"So who's the lucky girl?" tanong niya.

Napalingon ako sa kanya, "huh?"

"Yung babaeng pinagseselos mo kaya ka sumama sa akin."

Nagitla ako sa sinabi niya.

"Leigh, I—"

"I know you're not interested in me."

Napayuko ako.

"Hey!" tinapik niya ako sa balikat. "Don't feel bad. Gwapo ka and I want to have a one night stand with you but you're so stiff, you're not my type."

Napangiti ako nang bahagya.

"Eh si Jasper?"

"Hmmm... that guy is a good kisser. Enjoy na enjoy ko ang kissing scene namin but he is way to childish for me. So...nope. Isa pa, may lovelife na yun. Back off na 'ko. Pero pansin ko kayong dalawa ha, ginagamit niyo ako para pag selosin yung mga babae niyo. Pagka ako nakalbo nila ng di-oras ah!"

"I'm not using you!" depensa ko. "Hindi ganun yun. H-hindi ko siya pinagseselos."

"Suuus! Mga lalaki, pare-pareho kayo. Mga style niyo, bulok!" Tinuro niya ako, "oy ikaw ha, mamaya mag backfire sa'yo yang ginagawa mo. Mamaya niyan mas lalo siyang lumayo sa'yo, sige ka. Tsaka isa pa, nanggagamit ka, eh. Pareho kayo ni Yu. Paano na lang kung marupok ako? Edi kawawa ako?"

"I-I'm sorry..."

She rolled her eyes, "favorite salita ng mga lalaki."

"W-well, I'm really sorry. I'm not trying to use you... it's just that, everytime na nakikita ko siya, nasasaktan ako. At hindi ko na alam yung ginagawa ko. Alam mo yun? Gusto kong maramdaman din niya yung nararamdaman ko. Gusto kong masaktan siya kasi nasasaktan na ako nang dahil sa kanya. Ang hirap. Gusto kong mag-selos siya, gusto kong ipakita kung ano ang nawala sa kanya. Kahit alam ko naman na hindi siya maapektuhan because she's not in love with me."

Natahimik si Leigh.

"Ang sama kong tao, 'no?" I whispered.

Umusog palapit si Leigh sa akin.

"Hmm.. alam mo, masama nga yun. Yung winiwish mo na sana masaktan din siya?"

Napayuko ako. Ramdam na ramdam ko ang guilt.

"But you know what?" pagpapatuloy ni Leigh, "it's normal, Stan. Tao ka, eh. Hindi ka perpekto. Lahat nang taong nasaktan, nagiging ganyan mag-isip. But by the end of the day, you can't do anything but to accept the fact that she can't love you back."

Napatingin ako nang bahagya sa kanya.

"Ang sakit naman nun."

She smiled at me.

"Well, truth hurts. But the question is, nagawa mo na ba talaga ang lahat lahat pero wala pa rin?"

Natahimik ako. Hindi ko magawang sagutin ang tanong ni Leigh.

Nagawa ko na nga ba?

May ginawa nga ba ako?

Leigh gave me a meaningful look.

"Naku naku. You know what, Stan? You're hot. As in sobrang hot. Pero alam mo ang downside ng pagiging sobrang gwapo? Sanay kayong unang nagkakagusto ang mga babae sa inyo. Or kung may nagustuhan kayo, gorabells agad si girl kasi gwapo kayo. Kaya ayan, hindi natutong mag effort. Dinadaan sa paselos selos effect. Sarap niyong pag-untugin dalawa ni Jasper. Parehong pareho kayo ng style. Kaya ayoko nang mainlove sa mga pogi, eh."

Umiling-iling si Leigh at kinuha niya ang bag niya. May inilabas siyang isang envelope at ini-abot sa akin.

"W-what's this?"

"One night stay sa isang hotel sa Tagaytay. I think you badly need to unwind at nang makapag-isip isip ka naman. Sana matauhan ka."

Inayos ni Leigh ang gusot niyang damit at magulong buhok na kagagawan ko.

"U-uwi ka na?" I asked her.

"Bakit, tuloy pa ba sex natin?"

Umiling ako.

She heaved a sigh.

"Alis na ako."

"Uhmm, Leigh. Thank you, ah? And sorry."

Ngumiti siya.

"No prob! Basta ligawan mo muna bago ka sumuko."

After that, dire-diretso na siyang lumabas sa condo ko.

Napa-sandal ako.

I told her I love her pero after that, nag decide na rin ako na sumuko na.

She love Jasper so much at sa isip ko, napaka-imposible na magustuhan niya ako.

I was always there for her, but still, hindi pa rin niya ako magawang makita. Lagi siyang sa iba nakatingin.

At masakit.

Naalala ko ang ex ko na si Grace at yung ginawa niya sa akin. Kung paanong ilang beses akong nagmakaawa sa kanya na balikan ako. Kung paano niya ako paulit-ulit na ginamit at itinapon na parang basura. She treated me like a trash. Ilang beses kong naranasan ang rejection nang dahil sa kanya.

At hanggang ngayon, takot pa rin akong ma-reject.

Kaya sumuko agad ako kay Aiscelle.

But damn, I love her so much. Ang hirap nang ganito. Yung hindi naman naging kami pero pakiramdam ko hindi ako makakapag move on sa kanya.

Ang sakit sakit. Nakakatakot.

But maybe, Leigh is right.

I need to take a risk.

But before that, kailangan ko munang humanap ng lakas nang loob.

~*~

NICA.

'Jasper, nagpunta kami ni Jaden sa mga tita mo. Birthday ni Jovit. Ipinagluto ko na kayo ni Nica. Wag mo siyang gugutumin. Pag tumanggi kumain, ipagpilitan mo pa rin. Sabihin mo di uso sa'yo ang diet diet. Okay?

P.S. Gumamit ng condom.

P.S again. Pero gusto ko na rin magka-apo so okay lang pala kahit wala.

Love,

Mommy.'

Pakiramdam ko, pulang-pula ang mukha ko nang mabasa ko ang note na iniwan ng mama ni Jasper sa lamesa ng bahay nila.

Nadatnan namin na walang tao sa bahay at ako ang unang nakakita ng note sa lamesa.

Sabay namin binasa ni Jasper. Ako ang may hawak nung note at nandoon naman siya sa likuran ko.

Hindi ako makatingin sa kanya o makalingon.

Ano ba 'tong nabasa koooo?!

"Well.. that's sad. Ubos na ang stocks ng condom ko. Pero okay naman daw kay mommy ang wala. Sana sa'yo rin."

Hinarap ko siya at binatukan.

"Aray!"

"Wala ka bang kasing manyak?!"

"To naman, joke lang!"

"Uuwi na 'ko," sabi ko sa kanya.

"Eh! Pumayag ka nang sumama sa akin dito tapos uuwi ka na agad?"

"Ba't hindi mo tawagin si Leigh? Tutal naudlot naman ang pag p-party niyong dalawa dahil sumingit ako. Baka siya pumayag na walang condom."

"Hindi naman talaga ako sasama kay Leigh dahil wala akong planong umalis doon nang hindi ka pumapayag na sumamang mag dinner sa akin."

Pinanliitan ko siya nang mata, "at bakit?"

"Wala! Anong masama? Miss na kita. Ang tagal kitang di naka-sama. Marami tayong pagkukwentuhan!"

"Nagkwentuhan na tayo last time 'di ba? Kailangan ba araw araw?"

"Bakit ba iwas ka nang iwas sa akin?"

"Bakit ba yaya ka nang yaya sa akin?"

"Anong masama?! Dati ko pa naman ginagawa 'to, ah. Dati niyayaya kita kung saan saan, pumapayag ka. Ba't ngayon nagiging big deal na?"

Napa-atras ako.

Hindi ko alam ba't nagagalit ako kay Jasper. Ano ba.

Ayan ang napapala nang umaasa, nag eexpect.

Napalunok ako at tumango.

"So..hindi talaga big deal 'to..."

"N-Nica..."

"Pero Jasper, alam mo ba na aalis ang mama mo at si Jaden ngayon?"

Umiling siya, "no! G-gusto ko makasama mo sila."

"Dahil?"

"Nica..."

Napaiwas ako nang tingin.

"Naguguluhan ako, Jasper."

"J-just don't think about it. Gusto lang kitang makasama."

"Why?!"

"Kasi nga—gusto ko lang. You're my friend and---"

Tinalikuran ko siya at inilabas ko ang phone ko. Naghalungkat ako doon ng messages. Kunyari may binabasa kahit wala naman.

Wag kang iiyak, bwiset ka.

"Nica..."

"May emergency. Kailangan ako ni Benedict."

"Pero nandito ka na."

"Kailangan ko talagang umalis. Importante."

"Pero sabi mo mag di-dinner tayo..."

"Kaibigan ko rin si Benedict. Kailangan niya ko," sabi ko.

At bago pa siya maka-angal, lumabas agad ako.

Hinabol ako ni Jasper but good thing nakakita ako ng tricycle kaya naman sumakay ako agad dito.

Nakakainis.

Friend. Friend. Friend.

Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko.

Yung gusto mong mag assume pero nakakatakot kasi baka ma-hopia ka lang?

Yung mga kilos niya, para sa'yo kakaiba na, pero para sa kanya wala lang pala yun?

At pinaka malupit.. yung willing kang mag risk pag umamin sa'yo...

Kahit na alam na alam mong kayang kaya ka niyang sirain at saktan.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro