Chapter Fifty Six

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Fifty Six

NICA.


"Giraffe ba ang favorite animal mo?" tanong ko kay Aiscelle.

Lumingon siya sa akin habang nakakunot ang noo.

"Huh? What kind of question is that?" irita niyang sagot sa akin.

Nag kibit balikat ako, "kanina pa kasi nagkakanda-haba ang leeg mo, eh. Malay ko ba. Baka ini-imitate mo ang favorite animal mo."

Tinignan niya ako ng masama. Yung tingin na akala mo gusto niya akong balatan ng buhay. Di ko siya pinansin.

Nandito kami ngayon sa viewing area ng office nina Sir Stan. Mag p-preview kami ng first episode ng mini series namin together with the staffs and crew pati na rin ang mga artista. Naka-tayo kami ni Aiscelle sa may cocktail area habang umiinom ng coffee. Wala lang. Magkatabi lang kami pero hindi kami masyadong naguusap. Busy kasi siya na maya't-maya tumingin sa may pintuan habang ako naman ay busy ma-weirduhan sa kanya.

Nagpapaka-hirap pa siya diyan, eh. Sana tinatanong na lang niya ako kung bakit hindi pa dumarating si Sir Stan. Edi sana kanina pa niya nalaman na nandoon pa sa office at may pinipirmahan lang na mga papeles, pero papunta na. Feeling ko magkaka stiff neck ang babaeng 'to mamaya.

Maya maya lang, nakita ko nang pumasok si Sir Stan sa room.

"Oh si Sir Stan—"

Napalingon ako kay Aiscelle pero wala na siya sa tabi ko. Nakita kong mabilis na siyang naglalakad papalapit kay sir.

Wow. The Flash.

Inubos ko na yung kape na iniinom ko atsaka ako humanap ng seat.

Parang mini theater ang itsura ng viewing room namin. Pang movie house ang mga seats pero hanggang 30 lang ang capacity sa loob. Maliit lang. Pang mga private viewing or advance viewing lang ng mga ginagawa naming films.

Pinili kong maupo sa right side, pinaka dulo. Medyo madilim na sa part na 'to ng viewing room. Hindi ako pansinin.

Bakit ko ba siya pinagtataguan?! Wala naman akong ginawang masama?!

Napailing ako.

Wala akong pinagtataguan. Dito lang talaga ako pumwesto kasi...gusto ko ng privacy? Walang tatabi sa akin dahil sulok? Walang maingay? Walang kakausap sa akin?

Tama. Ayoko ng kausap. Hindi ako magaling sa mga small talks. Isa pa, gusto ko ng kapayapaan kapag nanunuod ako. Ayoko ng makulit kaya ayokong tatabi sa akin si Jasper Yu kasi makulit siya. Mapipikon lang ako at baka masapak ko pa siya.

"Hi Nica liit!"

Napapikit ako.

Puta talaga.

Naramdaman kong in-occupy ni Jasper Yu ang katabing seat ko. Kinalabit niya ako.

"Uy!"

Hindi ko siya nilingon. Kinalabit niya ulit ako.

"Uy!!"

Dedma pa rin.

"Nicaaaa! Grabe 'to. Nag seenzoned ka na nga doon sa chat ko kagabi, hanggang ngayon ba naman dinededma mo pa rin ako?"

Nilingon ko siya. Naka-ngisi siya.

"Pogi ko 'no?" sabi niya. "Bawal ka mag disagree, ni-like mo yung comment ko kagabi na pogi ako."

"Aksidente yun!" sabi ko.

"Sus. Ini-stalk mo na naman ako."

"Hindi. Ang ingay mo. Wag ka nga rito. Doon ka sa tabi nina Aiscelle sa unahan!" sabi ko sabay turo kina Aiscelle. Magkatabi sila ni Stan at nakita ko sa kabilang side ni Stan, nakaupo si Leigh.

"Eeeh ayoko. Dito ako sa tabi mo. Kawawa ka naman, eh. Loner ka."

"Sanay akong mag-isa."

Ngumisi siya, "nasabi ko na rin 'yan pero na-realize ko na hindi kop ala kaya."

Sinuntok ko ng mahina ang braso niya.

"Boy pick-up ka talaga."

"Naman! Kaya pag nahulog ang puso mo, pi-pick up-in ko," sagot niya sabay tawa.

Hindi ako naki-tawa. Tinignan ko lang siya ng seryoso habang tumatawa siya na mukhang sira doon.

"Tumawa ka naman!" sabi niya.

"Ha. Ha. Ha."

"KJ mo! Ganda ganda ng banat ko, eh."

"Kung banatan kita?"

"Saan?"

"Buong parte ng katawan mo!"

"Sure. Basta sa kama tayo mag banatan."

Binatukan ko nga. Bwiset, eh. Napaka-manyak.

"Amazona talaga nito!" reklamo niya habang hinihimas himas ang likod ng ulo niya na binatukan ko. "Anyway Nica, may gagawin ka ba mamaya?"

"Marami," mabilis kong sagot.

"Wala kang gagawin."

"Marami nga."

"Wala nga. Sasama ka sa akin mag dinner."

Tinaasan ko siya ng kilay, "ba't ba yaya ka nang yaya sa akin kumain sa labas, ha?"

"Dali na! Libre ko!"

Ang lapit ng sagot niya sa tanong ko.

"Nagtatapon ka ba ng pera?"

Nag kibit balikat siya, "slight. Wala na akong mapaglagyan, eh."

Bwiset.

"Busy ako," sabi ko ulit.

"Eh, dali na! Bawal tumanggi!"

"Eh bakit nga kasi ako niyayaya mo?"

"Eh ikaw gusto kong yayain, anong masama?"

"Hindi nga ako, pwede. Ba't hindi na lang si Chef Timi? O si Sir ayen? O ituloy mo ang bible study niyo nina Geo at William. Bakit ako ang pinipilit mo, ha?"

"Ikaw nga gusto kong kasama!"

"Bakit nga?! Eh ang boring ko naman kasama!"

"Kasi nga! Kasi...friend kita."

Putang ina talaga.

Huminga ako nang malalim.

"Friend mo rin naman sila, ah? Ba't hindi sila ang yayain mo?"

"Kasi—"

Hindi na natuloy ni Jasper ang sasabihin niya dahil bigla nang nag play ang palabas. Umayos ako ng pagkakaupo at medyo dumistansya sa kanya.

"Wag ka magsasalita, gusto kong mag concentrate sa panunuod," pabulong kong sabi.

Hindi siya umimik at nakapako na lang din ang tingin niya doon sa screen.

Nagstart na ang palabas.

First scene, exterior, coffee shop. Kita na bumubuhos ang ulan. Next scene, nasa loob na ng coffee shop. Nakatingin sa labas ng bintana si Jasper habang pinapanuod niya ang pag buhos ng ulan. Ibinaling niya ang tingin niya kay Leigh na katapat niya. Makikita sa screen na umiiyak si Leigh.

Ito yung break up scene nila.

Leigh is breaking up with Jasper. Humahagulgol siya ng iyak samantalang nangingilid ngilid ang luha sa mata ni Jasper.

Tahimik lang yung eksena. Walang background music. Tipong yung buhos lang ng ulan at ang pagiyak nilang dalawa ang naririnig.

Pero nakakakilabot. Unang scene pa lang tinamaan na 'ko. Ang galing nila pareho. Ang ganda ng emosyon. At oo na, kahit asar na asar ako kay Leigh, aaminin ko, ang galing niyang artista.

Kahit yung sunod na mga eksena ang ganda rin.

Ewan dahil ba concept ko 'to kaya nagagandahan ako? Pero kasi ang ganda talaga ng pagkakagawa nila.

At bwiset talaga. Nakakayamot mang aminin, pero may chemistry talaga si Jasper at Leigh.

Para tuloy biglang sumikip ang dibdib ko.

Feeling ko, darami lalo fans ng loveteam nila kapag napanuod na nila ang mini-series na 'to. Sisikat sila ng sobra. Yung mga fans nila ipagpipilitan na sana maging sila na. Tapos kada may ma-li-link na ibang tao sa kanila, dadagsain ng pambabash nitong mga fans.

Sus. Mga Pinoy fans pa.

Paano kung ma-link kami ni Jasper? Edi nabash ako?

Paano kung maging kami? Edi palihim lang kasi may iniingatan nang image?

Ano ba Nica! Wag assumera. As if naman mangyari yun.

Pero kung mangyayari man yun, nakakalungkot naman.

Oo inaamin ko mahal ko siya. At kung may katiting man na chance na mahal niya ako, babaliin ko na yung sinabi ko na mag co-concentrate muna ako sa trabaho.

Pero kung magiging kami nga...hindi ko sigurado kung magiging masaya ba ako sa ganoong set up.

Narinig kong nagtawanan yung mga nanunuod. Napatingin ako sa screen. Lasing si Jasper at mukha siyang tanga doon, pero hindi ko makuhang tumawa.

"Di ka ba natatawa sa akin?"

"Tumawa ako di mo lang narinig," sagot ko naman.

Di na siya ulit nagtanong. Ako naman, tuluyan nang nawala ang concentration ko sa pinapanuod namin.

Paano puro what if na lang ang laman ng utak ko.

~*~

AISCELLE.

"H-hi Stan," bati ko sa kanya pagkapasok na pagka-pasok niya sa viewing room.

Alam kong para akong sira na lapitan si Stan matapos kong ipangako sa sarili ko na iiwasan ko na siya para makapag move on na siya.

Pero nakakainis naman. Miss na miss ko na siya, eh. Gusto ko siyang makausap at makasama. Namimiss ko na yung Stan na lagi kong ka-kwentuhan at laging nandyan para sa akin.

At ngayon pakiramdam ko ako na ang pinaka selfish na tao. Eto ako, nilalapitan siya eventhough I cannot return his feelings.

Nginitian ako ni Stan at lumapit siya sa akin.

"Hey Aiscelle! How are you?" tanong niya na parang normal lang ang lahat. Na parang hindi siya umamin sa akin ng feelings niya kahapon. Na parang walang nangyari.

How are you?

Eto, hindi ko na alam ang gagawin ko because of you.

"A-ayos lang," sabi ko. "You?"

"Great!" masigla niyang sabi. "Tara upo na tayo?"

Sumunod ako sa kanya at pumwesto kami sa gitna sa third row.

"Kanina ka pa?" tanong niya.

"Ah, hindi. Kararating lang. I-ikaw?"

"Kanina pa ako dito sa office."

"Ay, o-oo nga pala. Office mo nga pala ito."

I let out a nervous laugh. Ngumiti naman siya nang bahagya.

Damn. I hate this. Nakakainis. Hindi kami 'to. Nagpapanggap na okay lang, na parang walang nangyari. But deep inside, pareho kaming awkward sa isa't isa.

I miss him. I miss him so damn much.

"Stan.. a-about yesterday---"

"Leigh!"

Naputol ang sasabihin ko nang tawagin ni Stan si Leigh. Lumapit si Leigh sa amin.

"Stan!" yumakap ito kay Stan and he hugged her back. "Naku, I'm so excited na mapanuod ang first episode natin!"

"Me too! I saw the rashes at ang gaganda ng mga shots. You're a great actress, Leigh," sabi nito rito.

Naupo si Leigh sa tabi ni Stan.

"Naku nambola pa siya. Dahil diyan, tataasan mo ba ang talent fee ko?"

"Hmm, sa next project na lang."

Nagtawanan sila.

"Well at least I know you're still planning na kunin ako sa next project."

Feeling ko na out of place ako bigla.

Nag start na ang viewing. Kung lahat tutok sa first episode, ako hindi makapag concentrate.

Yung kada may magandang eksena, nag l-lean forward si Stan kay Leigh para mag comment about dito. Pag may nakakatawang eksena, sabay silang tumatawa. Yung maya't maya nagbubulungan sila.

Paano kung hindi na-in love sa akin si Stan? Paano kung close pa rin kami?

Edi kami ang nagtatawanan ng sabay. Kami ang nagbubulungan, ang naguusap. Si Leigh ang makakaramdam ng pagka-out of place at hindi ako.

Ang selfish mo talaga Aiscelle.

Gusto ko nang umuwi. Feeling ko maiiyak na naman ako.

~*~

JASPER

Jasper Yu, ang tanga mo! Pogi ka nga pero ang tanga mo!

Ano na naman 'to?! Gusto ko siyang makasama because she's...my friend? Anong kagaguhan yun!

Ba't hindi ko ba masabi?! Lagi na lang ako pinapangunahan ng daga sa dibdib ko! Samantalang dati, mas malalala pa nga ang sinasabi ko sa mga babae.

Tara sex?

Ganyan ako magyaya nung panahong gago pa ako. At uma-agree naman sila!

Ngayon simpleng pagyayaya lang sa dinner dahil gusto ko siyang makasama, hindi ko magawa nang maayos? What the fuck is wrong with me?!

Tinignan ko si Nica na nandoon sa may cocktail area at kausap yung scriptwriter namin. Kanina matapos ang viewing, umalis siya sa tabi ko without saying a word. Feeling ko tuloy na offend ko siya.

Tumayo ako para lapitan si Nica. Wala akong planong umalis ngayon dito nang hindi sumasama sa akin si Nica. Hindi pwede talaga.

Jasper, gwapo ka. Umayos ka. Akitin mo si Nica para sumama sa'yo. Alisin mo ang masamang espiritu ng katorpehan na sumapi sa'yo.

Malapit na ako sa kinatatayuan ni Nica nang bigla namang sumulpot sa tabi ko si Leigh.

"Jasper!!" sabi niya sabay yakap sa akin. "Ang galing natin!"

Medyo natawa ako.

"Naman! Tayo pa ba?"

Humiwalay siya sa akin ng pagkakayakap at ngiting ngiti siya.

"Celebrate tayo! Ano bet? Bar hopping?" aya niya sabay kindat.

"Bar hopping?"

"Oo! Don't worry. No naughty business katulad nung last time na nag bar hopping tayo," she said then she gave me a meaningful look.

Medyo natawa ako.

Naalala ko na naman yung last time na nag bar hopping kami na Nauwi sa one night stand. Pero matagal na yun. Ayun yung panahon na hindi ko pa kilala si Nica at bitter pa ako sa buhay.

"Jasper!"

Bigla akong napalingon nang marinig kong tawagin ako ni Nica. Medyo nakasimangot siya.

Napalunok ako.

Shit. Narinig kaya niya ang sinabi ni Leigh?

"N-Nica.."

"Tara na?" kunot noo na tanong ni Nica.

"T-tara na saan?"

"Akala ko mag d-dinner tayo?"

Napangiti ako bigla. As in yung pang ear to ear na ngiti.

Ha! She's jealous! SHE. IS. JEALOUS!!

Nilingon ko si Leigh at nginitian.

"Sorry Leigh. May pupuntahan kami ni Nica, eh."

Napangiti si Leigh and she gave me a meaningful look. Knowing her, alam kong na-ge-gets niya na agad ang sitwasyon.

"Ohh, I see. Then enjoy kayo guys!" masiglang sabi ni Leigh.

"Oo naman. Mag-e-enjoy kami," ngiting ngiti na sabi ko.

Hinila ako bigla ni Nica palabas.

"O-o t-teka. Baka isipin ni Leigh sabik na sabik ka nang makasama ako!" natatawa-tawa kong sabi nang makalabas kami.

"Anong sinasabi mong mageenjoy! Mamaya iba ang isipin nun!"

"Hayaan mo siya kung ano gusto niyang isipin," naka-ngisi kong sagot.

Hinampas niya ako sa braso.

"Bwiset ka! Diyan ka na!"

Mag w-walk out na sana siya kaya lang hinatak ko ang braso niya.

"Oy! Hindi ka na tatakas! Sasama ka sa akin kundi hahalikan kita dito sa tapat ng CCTV camera para magka-issue tayo!"

Kinunutan niya ako ng noo.

"As if namang gagawin mo."

Ah ganon. Naghahamon.

Hinila ko siya palapit sa akin at inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Bigla niya akong tinulak nang malakas.

"Bwiset!" irita niyang sabi.

Ba't ang ganda niya pag nababadtrip?

Tinawanan ko lang siya at muli kong hinawakan ang braso niya.

"Let's go miss hot-headed. Iniintay na tayo nina mommy."

"N-nino? M-mommy mo?"

Tumango ako.

"Yep. Nagluto siya ng dinner para sa atin."

At bago pa siya tuluyang tumakas, hinila ko na siya pababa sa parking lot.

~*~

AISCELLE.

"Gawa ulit tayo sa susunod. Next time, try natin tragic stories naman. Yung puro drama. Feeling ko aangat sina Leigh sa ganung genre," sabi ni Direk sa akin.

Hindi ko na halos alam ang sinasabi niya. Puro tango na lang ako. Kung hindi lang ako na-corner nito, kanina pa ako umalis.

Gusto ko na lang talaga umuwi.

"Direk! Ang ganda ng first episode!"

Nabaling ang atensyon ni direk doon sa scriptwriter at ayun naman ang chinika niya. Nakakuha na ako ng pagkakataon na lumayas.

Nakita ko si Stan na nandoon sa may unahan at inaayos ang gamit niya.

Lalapitan ko sana siya para magpaalam na uuna na ako kaya lang naunahan na naman ako ng bruhang si Leigh.

"Stan! Let's go celebrate! Tayo na lang mag bar hopping at hindi pwede si Jasper eh. May date!"

Natawa si Stan.

"Ah ganon? So second option ako?" pabiro niyang sabi dito.

"Ito naman! Nagtampo agad! Tara na!"

Isinukbit ni Leigh ang braso niya sa braso ni Stan. Biglang napalingon sa direksyon ko si Stan at nagtama ang paningin namin.

1 second.

2 seconds.

Ibinalik niya ang tingin niya kay Leigh at nginitian ito.

"Wait lang aayusin ko lang ang gamit ko."

"Sasama ka?" masiglang tanong ni Leigh.

"It's Friday night, kaya sige, go ako."

Tumalikod na lang ako at tuloy tuloy na lumabas.

Bakit ang sakit?

To be continued...


Aly's Note:

Hindi po inspired sa pelikulang How To Be Yours ang conflict nina Nica at Jasper. Bukod sa hindi ko pa napapanuod ito, bago pa lang ipalabas ang pelikulang ito ay ganito na ang tema ng Sana. Nawa'y iwasan po natin ang pag co-compare. Maraming salamat po :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro