Chapter Thirty Nine

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Thirty Nine

NICA.


"Okay that's enough!" sabi ni Jasper sabay hablot ng phone niya sa kamay ko.

"Eh! Hindi ko pa tapos panuorin yung video!" reklamo ko sa kanya.

"Limang beses mo nang pinaulit ulit panuorin, eh! Masyado ka nang humahanga sa dancing skills ko!"

Paano kasi nakailang ulit na ako sa panunuod nung scandal video nga ni Jasper at Geo doon sa bar. Merong part doon na nasa ibabaw ng lamesa si Jasper at sumasayaw na parang unggoy.

Kung nag focus lang ang mga tao dito sa mala-sira ulong pagsayaw ni Jasper Yu edi sana napuri pa siya kesa na bash.

"Oo. Ang galing galing mong sumayaw kapag lasing ka. Ibang level ang kagalingan mo. Isa kang tunay na dancing lord. Ikaw na. Kaya papanuod ulit."

"Ayoko!"

"Dali na! Naiinspire ako kapag napapanuod kitang mag sayaw!"

"Sasayawan na lang kita ng live," suggestion ni Yu.

"Wag. Umay."

"Hoy! Baka kiligin ka kapag nagsayaw ako!"

"Ano na namang bangayan yan?!"

Pareho kaming napalingon ni Jasper kay Ayen na papasok sa kusina kung saan kami nakatambay ni Jasper at kumakain.

"Shit! Ba't niyo kinain yung baked mac ko!" sabi niya sabay lapit sa amin.

"Pre nawawala na abs mo," sabi ni Jasper.

"Hindi ako mabubusog sa abs!" reklamo ni Ayen habang parang ang sama sama ng loob niyang kinuha ang natitirang baked mac sa lalagyan.

"Yung babaeng magiging girl friend mo, mabubusog sa abs mo kaya dapat i-maintain mo 'yan."

"Wala akong planong mag girl friend!" bitter na sagot ni Ayen.

"Bakit?" tanong ko. "Dahil friendzoned ka kay chef?"

Halos maibuga ni Ayen ang kinakain niya at nasamid siya. Agad niyang kinuha yung baso ni Jasper na may tubig at dire-diretsong ininom 'to.

Si Jasper naman, walang palya sa pagtawa.

May nakakatawa ba sa tanong ko?

"Anong kay chef!" sabi ni Ayen. "Kay Timi? Friendzoned ako?! Sus!"

"Hahaha oo nga Nica! Bakit mo naman naisip na may gusto 'tong si Ayen kay Timi? Eh tropa namin yun. At kahit ang gandang dalaga nun, balahurang babae pa rin 'yun!"

"Oo nga!" pag sangayon ni Ayen.

Nag kibit balikat lang ako.

Push na hindi siya friendzoned kahit palagi siyang nandoon sa restaurant ni Chef nakatambay at talagang nag l-lit up ang mga mata niya kada makikita niya si Chef.

Push ang pagpapanggap. Uso eh.

"Doon nga muna ako sa living room. Aabangan ko kung may bagong news ulit about sa scandal mo," sabi ni Ayen.

"Gago!" sagot naman ni Jasper.

Dinuro ni Ayen si Jasper, "hoy pre, iiwan kita kay Nica. Wag kang gagawa ng masama ah?"

"Loko! Lumayas ka rito!"

Ngumisi si Ayen at dire-diretsong lumabas ng kusina habang dala-dala ang baked mac niya.

"Wag mong pansinin yang si Ayen. Gutom lang yun," sabi ni Jasper.

Tumango ako at nginitian ko siya.

"So, anong itsura nung Adam?" tanong ko kay Jasper.

Pinanliitan niya ako ng mata, "ba't mo tinatanong?"

"Para alam ko kung sino ang ipapakulam ko?"

Napatawa ng mahina si Jasper. Inilabas niya ang phone niya at mukhang nag search ng picture nung Adam. Nang mahanap na siya, ipinakita niya sa akin.

Matangkad, mestizo, mukhang may lahi. Half American I think?

"Ohh, ayan pala ang itsura niya," sabi ko.

"Mas pogi ako 'no?"

"Naman! Mas gwapo ka! Ibang level ang kagwapuhan mo! Lamang na lamang ka dyan sa amboy na yan!"

Pinanliitan niya ulit ako nang mata, "sumasangayon ka ba sa akin dahil alam mong depressed ako ngayon?"

"Malamang! Pag di ka depress syempre sasabihin kong mas pogi si Adam."

"Ayan tayo eh!" hinawakan ni Jasper ang kamay ko na may hawak na tinidor at ibinaba ito. "Wag ka nang kakain. Inaaway mo 'ko!"

For a second, parang biglang tumigil ang pintig ng puso ko at parang biglang nag evaporate lahat ng nasa paligid ko.

Nakakatawa no? Nakakatawa kung paano ka grabeng maapektuhan sa hawak ng taong gusto mo.

"Nica..."

"B-bakit?"

Binitiwan ni Jasper ang kamay ko at nginitian niya ako, "salamat."

"Huh? San?"

"Basta. For talking to me. B-basta alam mo na 'yun!"

"D-dahil sa pagpunta ko?"

Tumango si Jasper.

I laugh awkwardly, "sus. Kanina nga parang gustong gusto mo na akong palabasin."

"I got scared."

"Huh? Saan?"

"Sa'yo."

"At bakit naman? Hindi naman kita kakagatin."

Inangat niya ang tingin niya sa akin at nginitian ako.

"Binayagan mo ako kanina, remember?"

Napailing ako.

"So natatakot ka sa akin kasi alam mong babayagan kita dahil inindian mo ako nung isang araw at hindi mo pa ako dinalaw sa ospital?"

Umiling siya.

"No. I got scared kasi alam kong ma-d-disappoint ka dahil sa mga nangyari."

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam ang dapat kong isagot sa sinabi niya. Ewan. Bakit parang lumulundag na naman ang puso ko? Nakaka-pakshet naman, oh.

Alam niyo yung pakiramdam na ilang beses niyo nang pinagsabihan ang puso niyo na wag maapektuhan o kiligin dahil sa isang tao dahil alam niyong disaster lang ang maidudulot sa inyo ng taong 'to? Pero wala. Kelan ba naging matalino ang puso ng tao? Kelan ba ito hindi naging pasaway?

"Hindi naman ako na disappoint, eh."

Ngumiti siya, "then much better! Dahil alam kong concern ka sa akin. And I'm sorry for making you feel unwelcome awhile ago. Bago ka dumating, m-may kumausap din sa akin at pakiramdam ko kanina drain na drain na ako dahil kaliwa't kanan na silang nagtatanong sa akin kung anong nangyari. Salamat din kasi hindi ka nagtanong. Thank you for making me feel better, Nica."

Napalunok ako.

Putangina bakit siya ganyan?! Anong meron?! Bakit dinadramahan niya ako nang ganyan ngayon?

"May AIDS ka na ba?" tanong ko.

"What?! No! Matapos nang lahat ng sinabi ko, magtatanong ka ng ganyan?"

"Wala lang. Ang drama mo eh. Akala ko mamatay ka na."

"At talagang AIDS ang nasa isip mong papatay sa akin?"

"Malandi ka eh."

"Correction, ako ang nilalandi."

"Ang baho mo! Maligo ka na nga!"

"Hoy! Ba't mo naamoy na mabaho ako? Inaamoy mo 'ko?"

"Leche. Abot hanggang dito ang putok mo."

Itinaas niya ang kili-kili niya at inilapit sa mukha ko, "amuyin mo pa!"

"Kadiri kainis!!

Napatawa si Jasper.

"Hay naku Veronica Briones, hindi ko makuhang mag drama sa'yo, eh."

"Ang dami nang madadramang tao sa mundo, sasali pa ba tayo?"

"May point ka!"

Inubos namin ni Jasper ang baked mac ni Ayen at after nun, nagpaalam na rin ako sa kanya dahil kailangan ko pang pumasok sa trabaho.

"Ihahatid na kita."

"Ayoko."

"As usual ayan na naman ang sagot mo. Look Nica, wala kang choice. Ihahatid na kita. Saglit lang. Kukunin ko lang ang susi ng kotse. Dito ka lang." Lumingon si Jasper sa living room. "Ayen wag mong paalisin si Nica. Pag nagtangkang umalis, itali mo sa silya!"

"Sige akong bahala dyan!" sigaw ni Ayen.

Pumasok si Jasper sa kwarto niya at si Ayen naman ay ngiting ngiti ako nilapitan.

"Galingan mo ah!" sabi niya sa akin.

Napakunot ang noo ko.

"Sa alin?"

"Basta pag patuloy mo lang 'yang ginagawa mo. Ako lang ang tumaya sa'yo eh. Kaya pag nanalo ako, yayaman ako at ililibre kita ng ice cream."

Tinignan ko siya.

Problema neto? May nakain ba 'tong masama?

"Pwede kang maging sweet ng onti?"

"Huh?"

"Ay de joke lang. Ganyan ka na lang pala. Masyado nang matamis si Yu para sa inyong dalawa."

Napailing na lang ako.

Wala akong naiintindihan sa mga pinagsasasabi nito.

"Nica-liit!" napatingin kami kay Jasper na kalalabas lang sa kwarto niya at ngiting ngiti na nakatingin sa akin. "Yes! Hindi ka tumakas!"

"Paano ako makakatakas? Sa liit kong 'to at sa tangkad ni Ayen wala akong panama."

Tinapik ni Jasper ang braso ni Ayen.

"Thanks pre! Uwian na lang kita ng pagkain."

"Wag na."

"Wag na?!" gulat na gulat na tanong ni Jasper kay Ayen na para bang first time netong tumanggi sa pagkain.

"Oo. Ilibre mo na lang ako sa eat-all-you-can."

"Loko! Sige alis na kami. Let's go Nica!"

Sinundan ko si Jasper na ngiting ngiti habang papunta kami sa garahe nila.

"Ba't ang lawak nang ngiti mo diyan?"

"Wala. Sa café ang duty mo ngayon 'no?"

Tumango ako.

"Great. Matutuwa si mommy pag nakita niyang hindi pa nag lalaslas ang pangayan niyang anak."

~*~

AISCELLE.

"You what?" gulat na tanong sa akin ni Stan. "Tell me again kasi parang hindi pumapasok sa isip ko ang sinasabi mo?"

I heaved a sigh at dire-diretso kong ininom ang alak sa harapan ko.

Dumiretso ako sa condo unit ni Stan pagkagaling ko sa trabaho. Parang the whole day lutang na lutang ako dahil sa naging usapan namin ni Jasper. Hindi ako mapakali. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Akala ko may pinangkakapitan pa ako kahit maliit. Pero parang unti unti na ring bumibitiw kahit ang maliit na pinangkakapitan ko.

Yung pakiramdam na parang isang ihip na lang ng hangin, mahuhulog na ako sa bangin. Mawawala na ang lahat.

Para akong sasabog sa dami ng emosyon na nararamdaman ko. Pumunta ako kay Stan dahil gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko ngayon.

Sometimes, I am really thankful that he came into my life.

"Aiscelle," tinapik ako sa braso ni Stan. "Paki ulit yung sinabi mo."

Napapikit ako.

"I told my mom about my designs."

"Okay. She liked it and she's willing to send you in a university abroad."

Tumango ako.

"But I think I'm going to turn her down."

Nakita kong napapikit din si Stan na para bang I said something stupid.

"Stan, I am losing him. I am losing Jasper. He's starting to fall for someone else and I can't---" napatingala ako dahil pakiramdam ko lalabas na ang mga luha sa mata ko. "I love him so much, Stan. I love him so much. Yung thought pa lang na para bang nawawala na siya sa akin ang hirap hirap nang tanggapin. If I leave now, mawawala talaga siya sa akin. I can't let that happen."

"At ano naman ang kasiguraduhan mong hindi siya mawawala sa'yo pag nag stay ka?"

"Stan, I am willing to take the risk. I should have done it ages ago. Ayokong mabuhay sa pagsisisi."

"And you think hindi ka mabubuhay sa pagsisisi pag pinakawalan mo ang opportunity na ibinigay sa'yo ng mom mo?"

Napayuko ako. Nanginginig ang buong katawan ko.

I badly want to grab that opportunity. Gutsong gustong gusto ko nang gumawa ng mga bagay na para sa sarili ko. Dahil yun ang mahal ko. I already found my passion and what I want to do with my life.

Pero hindi ko makuhang ipagpalit si Jasper sa bagay na 'to. Not again. Hindi ko kaya.

"Pag hindi ka umalis ngayon, you know there's a big possibility na hindi ka na talaga makaalis. I know pag naging kayo ni Jasper, you'll be scared enough na iwan ulit siya. You're going to be scared na pag pinili mo ulit ang career mo, mawawala siya sa'yo ng pangalawang beses."

Hindi ako umimik dahil para bang nababasa na ni Stan ang lahat nang tumatakbo sa isip ko.

"If you're going to be with Jasper, tingin mo ba papasok ka sa isang healthy relationship?"

"I love him, Stan."

"Sorry to say Aiscelle, pero minsan hindi lang sapat na mahal mo ang isang tao. Hanggang kelan ka mabubuhay para sa iba? Hanggang kelan mo ibabase ang mga desisyon mo sa ibang tao?"

"But you told me to fight for him! You told me to do everything para maibalik siya sa akin!"

"Because I thought na pwede mo nang mahanap ang sarili mo pag siya ang kasama mo! Pero mali ako. Aiscelle, think! Think carefully! Isipin mo ang papakawalan mo! Akala mo magiging masaya ka pagka kasama mo lang si Jasper? No. That's not true. Makikita mo siya, nasa spotlight, ginagawa ang bagay na gusto niya, ang bagay na mahal niya. Samantalang ikaw? Pinakawalan mo ang bagay na gusto mo para sa kanya. Nasa tabi ka niya pero paulit ulit mong iisipin ang ginive-up mo. Aiscelle, bago mo mahalin ang ibang tao, dapat matutunan mo munang mahalin ang sarili mo. Bago ka maging masaya para sa iba, dapat pasayahin mo muna ang sarili mo. Minsan hindi masamang unahin ang sarili kung buong buhay mo nabubuhay ka na lang para sa ibang tao."

Umiling ako. Tuloy tuloy na ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

"Bakit ang sakit sakit, Stan?"

Hinila ako ni Stan palapit sa kanya at niyakap niya ako.

"Mawawala siya sa akin. Pag umalis ako, mawawala siya sa akin. Hindi ko kaya yun. Ang sakit, sobra. Bakit ba parang allergic sa akin ang second chance? Why can't I redeem myself? I just want to be happy."

Humiwalay si Stan sa pagkakayakap sa akin at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Hey. You will, Aiscelle. I know you will be happy because you deserve it."

Hinawakan ko ang kamay ni Stan.

"Minsan iniisip ko bakit ko pa siya minahal nang husto. Sana iba na lang."

"Sana nga, Aiscelle. Sana nga iba na lang."

To be continued...

Aly's Note:

Hi guys! Baka po starting next week maging once a week na lang ang pag uupdate ko sa Sana. May new work na po kasi ang dakilang author niyo at magiging busy na ng bongga kaya naman hinihingi ko ang inyong patience at pang unawa. Salamat! <3 Pero kung uuwi akong di pagod, I'll try to post an update. Pero kung hindi, ayun, once a week. :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro