Chapter Thirty Eight

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Thirty Eight

AISCELLE.


Nakakainis ang traffic na 'to. Nakakainis. Kung kailan naman kailangan ko nang puntahan si Jasper Yu atsaka pa naging ganitong ka-traffic!

Nakailang busina ako dahil hindi umuusad yung mga sasakyan.

Nagkataon pa kasi na rush hour. Nakita kong naka-ilang missed calls sa akin ang secretary ko dahil malamang eh hinahanap na ako sa opisina.

But I just need to see Jasper. I need to know what happened. Bakit nandoon siya sa bar. Bakit ginawa nila ang mga bagay na yun ni Geo. Anong pumasok sa isip nila at nagpakalasing sila samantalang alam nila ang magiging epekto nito.

Aside from that, I just need to know if he's okay.

Doon sa balita parang hindi maganda ang nangyari.

Halos dalawang oras ang naging byahe ko papunta sa kanila dahil sa tindi nang byahe. Nang makarating ang sa HQ, agad akong sinalubong ni Ayen.

"Aiscelle? What are you doing here?" takang taka na tanong niya sa akin. "Nasa shoot sina Ice."

"Si Jasper?"

"Oh. You're looking for Jasper."

Tumango ako, "I need to talk to him."

Nakita ko ang pag aalangan sa itsura ni Ayen at mas kinabahan ako.

May malaki bang problema?

"Uhmm, Aiscelle I think hindi ito magandang oras para kausapin si Jasper."

"Dahil ba doon sa nangyari?"

Tumango siya.

"Tingin ko kailangan mapag-isa muna nung tao. Kailangan niyang mag isip."

"But maybe he needs someone! Kailangan niya nang kausap. Ayen please!"

Umiling siya.

"Sorry Aiscelle ah? I'm going to be honest with you. Isa ka sa ikinakagulo ng isip ni Jasper kaya nope, kung may kakausapin siya, hindi dapat ikaw."

I clench my fist. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa frustration.

Why is he being like this?

"I need to talk to Jasper," mariin kong sabi kay Ayen.

Napahinga nang malalim si Ayen at napatakip sa noo.

"Ang sakit talaga sa ulo ng mga babae. Kaya ayoko magka-girlfriend, eh. Hindi talaga kayo marunong pagsabihan 'no?"

Napangisi ako.

"So ano na? Nasaan si Jasper?"

"Nandoon sa living room naglalaslas."

"What?! Shit!"

Tuloy tuloy akong pumasok sa loob ng bahay at dumiretso ako sa living room nila.

Nakita ko si Jasper doon na nakahiga sa sofa, may nakapatong na gitara sa kanya at parang ang lalim nang iniisip habang nakatingin sa kisame. He is strumming the guitar strings absentmindedly.

"Jasper..."

Napatingin siya sa akin at agad siyang umayos ng upo.

"Aiscelle? What are you doing here?"

Lumapit ako sa kanya.

"What happened?"

Napayuko si Jasper at huminga siya nang malalim.

"It's just a big mistake."

Tumabi ako sa kanya at kinuha ko sa kamay niya ang gitarang hawak niya. I started strumming it. Kung anu-anong chords lang na natatandaan ko.

Pareho kaming tahimik ni Jasper. Tanging ang musikang nagmumula sa gitara ang naririnig namin. Ang daming gumugulo sa isip ko. Ang dami kong gustong tanungin kay Jasper pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

It's just a mistake.

I want to comfort him. I want to say it's okay but I know na hindi naman talaga ganun yun.

Gusto kong tanungin sa kanya na bakit isa ako sa gumugulo sa isip niya? May nagawa na naman ba ako?

Mahal pa ba niya ako kaya siya naguguluhan ngayon?

"Marunong ka pa rin palang tumugtog ng gitara."

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa gitarang hawak ko.

"Ah, yes. Medyo. Kahit papaano."

"Jasper, yung nangyari sa bar---"

"I told you it's just a mistake."

Huminga ako nang malalim.

"Ba't ka nandoon sa bar na yun?"

"Kasi sinamahan ko si Geo. Hindi ko intensyong malasing nun but it happened. Wala naman na akong magagawa 'di ba? Nangyari na ang nangyari."

Halata ko sa tono ni Jasper na ayaw niya nang pagusapan ang bagay na 'to pero paano ko siya matutulungan kung hindi ko malalaman ang nangyari?

"Pero papalitan ka nila."

Umiling siya, "nope. Pansamantala lang 'yun."

"But still Jasper! Mamaya hindi na nila ibalik ang pwesto mo sa EndMira! We need to do something!"

Jasper gave me a reassuring smile, "don't worry Aiscelle, I got this."

Napayuko ako. Nanginginig ang buo kong katawan. Gusto kong pigain ang utak ko sa pagiisip kung paano ako makakatulong kay Jasper.

Damn. I feel useless.

Maybe it's my fault?

Huminga ako nang malalim.

"Ayen told me na...na naguguluhan ka raw because of me?"

Napatingin sa akin si Jasper at napakamot siya sa likod ng tenga niya.

"Kahit kelan talaga si Ayen," he muttered.

"S-so it's true?"

Hindi umimik si Jasper. Napahinga ulit ako nang malalim.

Bakit ang awkward?

I used to be so comfortable beside him.

"Why Jasper?"

Naramdaman ko ang pag buntong hininga ni Jasper sa tabi ko.

"I know we're already okay, Aiscelle. Naayos na natin kung ano yung gulo na nangyari sa past. But the thing is, hindi ko pa rin maayos ayos ang nararamdaman ko ngayon."

"Maybe you're just scared to take a risk. I know nasaktan kita at kung ako man ang nasa kalagayan mo, matatakot na rin akong mahalin ulit ang taong minsan nang nanakit sa akin. I understand Jasper. I really do. So please tell me, ano pa bang dapat kong gawin para mapatunayan ko sa 'yo na hindi ko na uulitin yun?"

"Aiscelle---"

"Jasper please? Kasi sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko kapag hindi ka bumalik sa akin."

Napatingin ako sa kisame. Pilit kong pinipigilan ang mga luhang gustong bumagsak sa mata ko.

"Aiscelle."

Pilit akong pinaharap ni Jasper sa kanya.

"I'm so sorry."

Umiling ako.

"Don't say sorry please. Para mo na ring sinabi na wag akong umasa sa'yo. I am willing to wait hanggang sa maging ready ka na. Panghahawakan ko na lang yung thought na may pag asa pa."

"Aiscelle, hindi ganoong kadali yun."

"Alam kong hindi madali na ibigay mo agad sa akin ang trust mo. I know that."

"It's not that."

Natigilan ako.

Tinignan ko ang expression sa mukha ni Jasper at parang biglang sinaksak ang puso ko because it finally hit me.

"You're starting to like Nica."

Hindi sumagot si Jasper. Pero ang katahimikan niya ay parang sagot na rin niya.

"Hindi lang ako ang nakakagulo sa isipin mo. Kaming dalawa ni Nica."

Tumango siya.

Napapikit ako.

This isn't happening. Please. Tell me this is just a bad dream.

"I need to be away for awhile. I need to sort out my feelings. Pero sa paglayo ko, ayokong matali ka sa akin, Aiscelle. Ayokong umasa ka." Jasper touched my face. "You deserve to be happy at kung hindi man ako yung magpapasaya sa'yo, I'm hoping that you'll end up with someone who's more deserving."

Tumayo ako.

"No."

"Aiscelle."

"Sabi mo naguguluhan ka 'di ba? Ibig sabihin hindi pa tapos para sa akin. Itatali ko ang sarili ko sa'yo. Aasa ako at wag kang mag alala, kung masasaktan man ako sa huli, kasalanan ko yun at hindi ikaw. Pero hangga't hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo, aasa ako na ako pa rin Jasper."

Pinunasan ko ang luhang bumagsak sa mata ko.

"You know me, Jasper. Hindi ako agad nagpapatalo."

Hindi ko na siya hinayaang magsalita at dire-diretso akong lumabas.

He likes Nica. He likes Nica.

No. Hindi pa siya sigurado doon. May pag asa pa.

At gagawin ko ang lahat bumalik lang siya sa akin.

~*~

NICA.


Punyeta ang presidente natin. Ano puro na lang pa-pogi? Ni hindi masolusyonan kung ano ang gagawin sa hinayupak na MRT na yon na ang hobby na ata eh ang masira? Leche!

Nag emergency break kanina at halos 20 minutes kaming nakahinto. Sobrang siksikan. Ni hindi ko maigalaw ang kamay ko para mag paypay. Sobrang init pa naman. Kaya pag baba ko, nanlilimahid na ako. Yung ilang strands ng buhok ko eh nakadikit na sa leeg ko dahil sa pawis. Amoy mandirigma na rin siguro ako.

Isa pa, ang sakit na nang paa ko. Una kong pinuntahan ay ang bahay nina Jasper but it turns out nasa HQ pala siya ngayon. Tinawagan ko ang phone niya kaya lang cannot be reach. Siguro nakapatay. Lakas maka-chiks naman kasi magmukmok ang lecheng yun. I-off daw ba talaga ang phone. Kainis!

"Aleluya! Praise the Lord!" bulalas ko nang makarating ako sa HQ. Nakakapagod ang nangyari sa akin aba!

Nakita ko agad si Ayen na nakaupo sa porch at mukhang may sinusulat. Alam kong ang mga writers hindi dapat binubulabog ang momentum pag nagsusulat pero kailangan ko talaga siyang guluhin ngayon.

"Ayen!"

Napa-angat ang tingin niya sa akin.

"Nica?"

Nilapitan ko siya.

"Si Jasper?"

Napapalo siya sa noo niya.

"Ikaw rin?! Ano ba naman yan!"

"Eh?"

"Jusko naman! Kayong mga babae kayo talaga, oh! Ano pag sinabi kong ayaw makipagusap ni Jasper kahit kanino at gusto niya mapagisa magagalit ka rin sa akin at titignan mo rin ako nang masama at tatarayan?!"

Tinignan ko si Ayen nang seryoso.

Tinignan niya rin ako nang seryoso.

Pa chicks si Jasper. Ayaw makipag usap. At papayag ba ako doon eh antindi ng byahe ko makita lang siya?!

Nginitian ko si Ayen, "s-si Jasper?"

"Bakit ba hindi niyo muna nga siya hayaan mag-isa? Mamaya umuwi ka ring umiiyak tulad nung isa."

Hmm. So nauna na pala si Aiscelle rito. Bakit hindi ako nagulat?

Tumango ako.

"Okay."

"Okay? Ganun lang yun?"

Nginitian ko si Ayen. Binuksan ko ang bag ko at kinuha yung chocolate na baon ko.

"Ayen, nasaan si Jasper?" nakangiti kong tanong sa kanya sabay abot nung chocolate.

Napatawa bigla nang malakas si Ayen. Kinuha niya yung chocolate.

"Nasa'yo ang pusta ko. Lagi mo akong binibigyan ng pagkain, eh."

"Huh?"

"Sabi ko nasa loob si Jasper! Pumasok ka na!"

"Thanks!"

Pagka pasok ko sa loob, nakita ko si Jasper na kalalabas lang sa kwarto niya. Nag-tama agad ang tingin namin.

He look disheveled and stress at parang may malalim siyang iniisip.

I missed him. I missed him so much.

Nilapitan ko siya.

~*~

JASPER.


"N-Nica?"

Napabuntong hininga ako nang makita ko si Nica.

Halos kakaalis lang ni Aiscelle. Halos gusto kong iumpog kanina ang ulo ko sa pader.

Naiinis ako sa sarili ko na hindi ko ma-i-ayos ang nararamdaman ko. Ayoko nang may masaktan.

I just want to be left alone for now.

Pero si Nica naman ang nasa harapan ko ngayon.

"Jasper."

Lumapit siya sa akin.

"Okay Nica I know you are going to ask about the incident. Nagkatuwaan kami ni Geo, nalasing kami, kaya nangyari yun. Kung bakit, walang dahilan kundi tanga kami pareho. Please, I know magagalit ka sa akin. Pero drain na drain na kasi ako ngayon. I just want to rest. I'm so sorry."

Nginitian ako ni Nica.

I blinked.

S-she's smiling at me sweetly. Why the hell is she smiling at me sweetly? She never smiled at me like that before!

"N-Nica..?"

"Jasper," malumanay na sabi niya.

Shit. Wala naman sigurong droga yung nainom kong alak kagabi 'no?

Lumapit siya sa akin habang nakangiti pa rin.

Hindi ko alam bakit parang may umiipit sa dibdib ko. Ano ba 'to! Anong nangyayari?

Ipinatong ni Nica ang mga kamay niya sa magkabila kong balikat. Hindi ako makakilos at nakatingin lang ako sa kanya.

Is this really happening? Hindi ba ako nagha-hallucinate talaga? Is she seducing me? Mag papaparty na ba ako?

"Jasper.."

Mas lumawak ang ngiti niya...

....at bigla niyang tinuhod ang itlog ko.

"ARAY!!!" napahiwalay ako sa kanya then I clutched my crotch. "AW!!" Nagtatatalon ako. "WHAT THE HELL NICA?! BAKIT MO AKO TINUHOD HA?! GANYAN KA BA TALAGA KAGALIT SA AKIN?!"

"Eh bwiset ka eh!"

"Isa ngang malaking kalokohan lang ang nangyari!"

"Gago! Para yan doon sa pang iindian mo sa akin! Hayop ka! Pinagantay mo ako ng matagal sa gitna ng ulan non. 'Tong lecheng 'to! Tapos ako pa nagbantay sa'yo nung nilalagnat ka tapos ano?! Nag thank you ka sa ex mo at hindi sa akin! Nagka-lagnat pa ako dahil nahawa ako sa mikrobyo mo! At ikaw na magaling na lalaki ni hindi ako dinalaw sa ospital! Ni hindi mo ako dinalan nang pagkain tapos sasabihin mo magkaibigan tayo?! Aba hoy! User mo tsong! Ano nakakaalala lang pag may kailangan?!"

Tumayo ako. Nilapitan ko siya at pinitik ko ang noo niya.

"ARAY HA! SAPAKIN KITA!"

"Dumalaw ako sa ospital 'no! Tulog ka lang! Tanungin mo pa doon sa jowa mo!"

"Jowa ko?"

"Yung Benedict!"

"Walang sinasabi sa akin si Ben!"

Malamang kasi sinabi kong wag niyang sasabihin sa'yo. At bakit ba bigla ko na lang binanggit kay Nica na pumunta ako? Edi lahat nang pagtatagong ginawa ko nabalewala!

"M-malay ko sa jowa mo!"

Napakunot ang noo ni Nica.

"Hmm. Baka nag selos. Baka akala niya may something sa atin. Si Ben talaga."

"W-wait, so shota mo na talaga yun?"

Nginitian ako ni Nica.

"Uhmm.."

"Hoy! Hoy! Ba't hindi mo sinasabi sa akin ha? Ba't hindi mo man lang pinakilatis? Mapagkakatiwalaan ba 'yon?! Sure ka bang straight yon ha?"

"Bi siya."

"Bi?! Edi iisa kayo nang gusto!"

"Kahit na. May pag-asa pang magka-crush siya sa babae. Aasa ako!"

"Eh ba't hindi ka na lang sa straight?!"

"At sino namang straight?"

"Si--! Si..."

"Si..?"

"S-si Ayen!"

What the fuck am I saying?! Bakit ko binebenta si Ayen?! At ba't si Ayen?

Napatawa si Nica.

"Ewan ko sa'yo Jasper Yu. Buhay ka naman pala. Mabuti naman."

"Uhmm.. s-so nandito ka para bayagan ako at hindi para awayin ako dahil doon sa.. ano.."

Nginitian ako ni Nica at mahinang sinuntok sa braso.

"Sino ba yang lecheng Adam na yan na papalit sa'yo sa EndMira? Gusto mo ipatumba na natin? Sabihin mo lang, may kilala akong assassin."

Napatawa ako nang malakas.

"Halika nga rito!"

Inipit ko si Nica sa braso ko. Ang liit liit niya at sakop na sakop ko ang kabuuan ng leeg niya.

"May pagkain si Ayen sa fridge. Kainin natin," aya ko sa kanya.

"May alak ka?" tanong niya.

"Ayoko na magpakalasing."

Napatawa siya nang mahina.

"Good boy."

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro