Chapter Thirty Seven

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Thirty Seven

AISCELLE.


Hay naku Stanley Ryan, bakit lahat nang mga advices mo ang hirap mawala sa isip ko?

Napabuntong hininga ako at tinignan ko ang sketch pad ko.

Naalala ko dati nung nag O-OJT ako sa States. Nakaka stress ang naranasan ko doon. Yung feeling na parang ang bobo bobo ko kasi hindi ako makasabay sa mga kasamahan ko.

Gusto kong mag release ng stress noon. Dati ang way ko ng pag r-release ng stress ay ang pag tugtog ng gitara. Kaya lang itinigil ko ang kahit anong may kinalaman sa musika noon dahil naalala ko si Jasper. Kaya naman ibinaling ko sa iba ang stress ko.

Nag sketch ako nang nag sketch ng kung anu-ano.

Minsan mukha ng tao. Minsan mga bagay. Minsan mga lugar.

Hanggang sa nauwi sa pag s-sketch ng mga designs ng damit. At nakasanayan ko na ito. Gabi gabi pag may idea ako, nag s-sketch ako. Lagi kong dala ang sketch pad na 'to.

And then Stan saw it accidentally yesterday.

He said na ang ganda ng mga gawa ko. Na pwede kong isama ito sa business namin. Pwede na kaming mag release ng clothing line. Sabi ko wala naman akong alam about dito. Now he's pushing me to take a course na may kinalaman dito.

Yung mere fact daw na nag eenjoy ako sa pag gawa ng ganito, dapat hindi ko na bitiwan. Baka raw ito na yung dapat gawin ko sa buhay.

And maybe he's right. I'm really enjoying those things. Kada ginagawa ko ang bagay na yun, para akong nagkakaroon ng peace of mind. Ito yung nagpapakalma sa isip ko.

Naisip ko na rin na sabihin it okay mommy dati kaya lang baka hindi niya gusto.

I heave a sigh kasi parang narinig ko na naman sa isip ko ang boses ni Stan.

"Take a risk. Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?"

Oo na Stan! Oo na! Ikaw na! You win! Grabe ka! Pinalitan mo na ba ang konsensya ko at kahit hindi tayo magkasama eh mga payo mo ang naririnig ko?

Minsan hindi ko alam kung nakabuti o nakagulo ang pagpasok ni Stan sa buhay ko.

Kinuha ko ang sketch pad ko at pumunta ako sa kwarto ni mommy. Narinig kong bukas ang TV at mukhang nanunuod siya ng news.

Huminga ako nang malalim. Ramdam na ramdam ko ang kaba ko. Yung feeling ko para akong mag p-present ng proposal sa boss ko.

Well... that's partly true.

She's my mom but she's my boss as well.

God, I'm so nervous. Magagalit siya sa akin. Pakiramdam ko sasabihin niyang walang kwenta itong sinasabi ko at itigil ko na ang kalokohan na 'to.

Wrong idea ito. I know my mom. She wouldn't like this. I'll just save my self from disappointment...

"Aiscelle?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang magbukas ang pintuan sa kwarto ni mommy.

"M-mom..."

"What are you doing here? Do you need anything?"

"Uhmmm..."

"Take a risk Aiscelle. You can do it."

Oh damn it, Stan! I hate you!

"Mom, can I talk to you?"

"Sure."

Pinapasok niya ako sa loob ng kwarto niya. Hininaan niya ang volume nung TV at tumingin siya sa akin.

"So?"

"Uhmm, mom I-I want to show you this."

Iniabot ko sa kanya yung sketch pad ko at takang taka naman niya tinignan 'to.

"Ako po yung nag sketch and nag design ng mga damit na 'yan. I was just wondering, maybe we could venture the clothing line business. Pwedeng pang pair sa mga jewelries and accessories natin."

Hindi sumagot si mommy at busy lang siyang nagbubuklat sa sketch pad ko.

Pakiramdam ko hihiwalay na ang puso ko sa katawan ko dahil sa sobrang kaba ko. I'm scared that she won't approve.

And yes, I just realized how I badly want this.

"Uhmm I-I know my designs are not that good but we could hire a professional fashion designer na pwedeng mag handle. Aside from that, I also have an eye for fashion so I think may maitutulong din po ako."

She closes the sketch pad then she looks at me.

"Yeah, you're designs are not that good."

My heart sank.

At parang nadurog ito.

Sabi na. Kaya ganito ako. Alam kong hindi ako mapakikinggan.

I tried my best to smile.

"I see."

Kinuha ko kay mommy yung sketch pad.

"But you have a potential my dear."

"H-huh?"

"Ikaw lahat ang nag design niyan?"

Tumango ako.

"Yes mom."

Napangiti si mommy.

"Why didn't you tell me earlier? Lagi kong iniisip kung ano ang gusto mong gawin pero hindi ka naman nagsasalita. You have a potential, Aiscelle."

Hindi ko mapigilan ang paglawak ng ngiti sa labi ko.

"R-really? So okay po sa inyo yung proposal ko?"

Tumango siya, "if that's what you want to do then I'll help you."

"Oh my gosh! Mom!" napayakap ako sa kanya ng mahigpit. "Thank you po! Thank you talaga!"

Tumawa siya nang mahina.

"You know, ngayon lang kita nakita na ganyang kasaya. Sige i-push na natin 'to!"

"Yay! Thank you talaga!" hinalikan ko siya sa pisngi. "You're the best! So hahanap na po ba ako ng mga fashion designers?"

"Hmm? Bakit pa? Kung gagawin natin yan, ikaw dapat ang h-handle. Dapat hands on ka."

"Pero wala pa po akong masyadong alam about dito."

"That's why I wanted you to learn para matutukan mo 'to."

"W-what do you mean po?"

"Mag enroll ka kahit sa short course lang."

Napaisip ako.

"Hmm meron po kayang magandang pasukan dito?"

"Bakit dito pa kung kaya naman natin sa States? May alam akong magandang school."

Napatingin ako agad sa kanya.

"Sa States?"

"Yes. Para ibang level agad. Tsaka for one year lang naman. Mag enroll ka na as soon as possible. Kaya ko naman i-handle ang business natin habang wala ka."

Hindi ako makasagot.

I really want this. For the first time in my life alam ko na ang gusto kong gawin.

Pero si Jasper. Pag umalis ako alam kong tuluyan na siyang mawawala sa akin.

"Aiscelle?"

Napabalik ang tingin ko sa mama ko.

"What's wrong? Ayaw mo ba? I thought gustong gusto mo 'to?"

Napaiwas ako nang tingin.

"Ah mom kasi..."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil naagaw ng TV ang atensyon ko.

Sa balita, nandoon si Jasper at Geo.

Napatingin si mommy sa TV.

"Wait, mga ka-bandmates ni Ice 'yan 'di ba?" dinig kong sabi ni mommy sabay palatas. "Naku naku, ano ba naman mga pinag gagagawa ng mga yan! Sana naman wag nilang hawahan ang kakambal mo."

Napatayo ako.

"Ma may pupuntahan lang po ako."

"Huh? Saan?"

"Somewhere."

Dire-diretso akong lumabas ng kwarto ni mommy at nagmamadali ako sa pagpapalit ng damit.

Kailangan kong puntahan si Jasper.

~*~

NICA.

Self control, sumapi ka sa akin ngayon. Kailangan kita para hindi ko mapaulanan ng mura ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Kailangan kita para mapigilan ko ang sarili ko na sipain siya below the belt sabay walk out.

Self control, asaan ka?

Huminga ako nang malalim at tinignan si Sir Stan habang binabasa ang story na ginawa ko.

Pinagsulat niya kasi ako nang story na may character na isang artista at isang fan. Kahit anong storya basta may umpisa, gitna at katapusan at dapat nasa linear form.

He gave me 1 and a half hour para magsulat. At ngayon binabasa na niya ang gawa ko.

Ang lawak ng ngiti niya. Maya maya ay tatawa siya habang binabasa niya ito.

Okay lang ang ganitong reaction, understandable, kung romcom o comedy ang sinulat ko.

Pero shit na yan, psychological thriller/crime yung storya eh! Tapos nakangiti siya! Tapos tatawa tawa siya!

Anong dapat kong maramdaman?!

"Okay!" nakangiting sabi niya sabay baba nung papel na pinagsulatan ko ng istorya.

Sumimangot ako.

"Oh, why the long face Miss Briones?" nakangisi niyang tanong.

Pasalamat siya sa kanya nakasalalay ang future ko kundi sinapak ko na talaga siya.

Bakit ba ang asshole ng isang 'to sa akin? Hindi pa rin siya makagetover sa pagtapon ko ng beer sa kanya?

Jusko. Talo pa niya ang jowang di makamove on sa ex. Kainis.

Kinuha ko yung papel sa desk niya.

"Gagalingan ko na lang po sa susunod."

Napangiti siya lalo.

"I like the story."

Natigilan ako.

"W-weh?"

"Yes. It's good and quite surprising. I didn't know someone so innocent looking could write such twisted story like that. Take note, nagawa mo yan in just one and a half hour."

"P-pero tumatawa ka..."

"Because I am really surprise. I thought magpapasa ka sa akin ng typical romance story dahil sa binigay kong characters sa'yo. You surprised me, Miss Briones."

Napangiti ako.

Binabawi ko na ang sinabi ko. Hindi siya asshole at talagang naka move on na siya sa pagtapon ko sa kanya ng beer!

Thank you Lord!

"Salamat po."

"Bibigyan kita ng assignment okay? Sana kasing ganda rin ng ipinasa mong gawa yung mga ipapasa mo pa. Don't disappoint me."

"O-opo! I'll do my best!"

"Good. But before that, mag s-set na tayo ng meeting para doon sa mini series na gagawin natin. Yung para sa ad campaign ng isang ng isang company?"

Napaayos ako nang upo bigla.

Shocks ito na!

"Gusto ka nang ma-meet nung partner ko sa project na 'to and may naiisip na rin kaming artista na kukunin."

"Talaga po? Sino?"

"Secret muna. Kailangan ko lang i-finalize ito. But I hope you're available next week?"

"Yes po! Mag papaoff po ako kung kelan ako need pumunta dito."

"Good, good. I'll give your assignment later. May kailangan lang akong kausapin. Hintayin mo ako sa lobby."

"Okay sir."

Para akong lumulutang na naglakad palabas sa opisina ni Sir Stanley. Hindi ako makapaniwala na unti-unti ko nang natutupad ang pangarap ko. Parang dati lang ang layo layo nila at hindi ko maabot.

Ang sarap sa pakiramdam.

Naupo ako sa sofa sa lobby at napatingin ako sa balita doon.

Agad akong napatayo.

Shit. SHIT.

Sa news nandoon si Jasper at si Geo sa bar. Nasa ibabaw sila ng lamesa. Nakikipagsayaw sa mga babae na hindi ko kilala. Sa sumunod na picture may mga kaakbay siya na ibang mga babae naman.

Alam kong kung isa silang typical adult na nagpunta sa bar, this scene is quite normal.

Pero mga artista sila. Kilalang tao. Bawat galaw huhusgahan sila. Bawat maling aksyon, pag p-pyestahan ng balita sa internet na akala mo sila na ang pinaka masamang tao sa mundo. Na daig pa nila ang mga Isis.

Napaupo ulit ako.

Shit Jasper. Bakit ka na naman naglasing?! May problema ka ba ulit?

Parang nanikip ang dibdib ko.

Dapat di ba nagagalit ako o nagseselos sa nakita ko?

But instead, nakaramdam ako ng matinding kaba kasi baka may pinagdadaanan ang isang yun.

Napatingin ulit ako sa TV at halos manlumo ako sa narinig ko.

Suspended si Jasper sa EndMira.

At hindi sigurado kung papalitan na siya o kung makakabalik pa siya.

No.

Agad akong tumayo at binalikan si Sir Stan para magpaalam na kailangan ko na munang umalis.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro