Kabanata XXXV: Back Home

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A B B Y

Tinitigan nang maigi ni Lawrence si Sean na tila kalmado at parang hindi namomroblema, ang kanyang mga kamay ay nasa loob ng bulsa. Ngunit pansin ko sa kanyang mala-tsokolateng mga mata ay hindi talaga ito ang nararamdaman niya.

Halos napansin ko na parehas silang hindi kumukurap hanggang sa nagsalita na talaga si Laws sa kanya. I could hear the strong cold tone from him that almost made Sean back off from the spot.

"Nandito ka na naman ba Sean para manggulo? If that's the case, we're not in the mood," sambit nito sa kanya gamit ang mahinahon at malamig na tono ng kanyang boses. Napansin ko na seryoso na talaga siya at biglang nagbago ang ugali niya simula nang dumating si Sean at nakisali sa aming usapan.

But, his tone wasn't enough. Instead of getting scared, Sean just shrugged.

Agad naman napatawa si Sean sa kanyang sinabi at agad na napailing, bakas sa kanyang mukha na hindi siya natakot sa sagot ni Lawrence. "You're such a killjoy, Laws. Hindi naman ako nandito para awayin kayong tatlo."

As if from his mockery, I could almost sense the cold glare that Lawrence was giving. And from his sides, Adrian and Dominic were already nervous from the tension lingering in the air.
Pati nga ako, ninerbyos na sa nangyari. My eyes wandered from both sides before finally looking at Lawrence's hand.

It was closed and his veins were already popping a bit, showing off that he was already ticked by Sean's smirk.

Napailing na lamang si Laws habang humakbang si Adrian ng ilang tapak palapit kay Sean - na tila nananakot siya. Ngunit, binalewala lamang ito ni Sean.

"So, kung gayon, ba't ka nandito?" Agad na tanong ni Adrian sa kanya bago hinila ako papunta sa direksyon ni Dominic. I could literally feel the air changing from the four of them until Sean began to explain.

"I just wanted to talk to Abby about - " bigla naman sumingit sa usapan si Dominic na tila nanghahamon ng away. Gusto ko sana siyang pigilan kaso mas malaki siya sa akin kaya wala rin akong nagawa kundi tingnan siya.

"Hindi puwede. Bawal kang lumapit sa kanya o kausapin man lang siya. Wala kang karapatan." Napangiti naman si Sean kay Dominic na tila nakakaloko. I wasn't really sure but I saw him showing a smirk before it fades away like it was nothing.

"Look, I wasn't asking for permission or fighting any rights whatsoever. I am literally persuading you to - " Bago pa man makatapos si Sean sa pagsasalita, agad naman sumabat si Lawrence sa kanyang sasabihin.

"And like Dominic said, we're not in favor of anything you insist us to do," banat ni Lawrence sa kanya. Nagulat naman si Sean nang lumapit muli si Laws hanggang sa malapit na malapit na siya sa kanya - konting konti na lamang ang espasyo sa kanilang dalawa.

"I'm still the leader and you're nothing but a substitute, Lawrence," sabi ni Sean habang napataas naman ang kilay ni Laws sa kanyang sinabi.

"At sino naman kaya ang umalis ng grupo para pumunta sa ibang kasamahan? Ikaw, hindi ba? A leader must know that if he is indeed leaving the group, the subordinate must take over his position," sagot ni Lawrence at biglang nag-smirk sa kanya. Kitang kita ko sa mata ni Lawrence na tila niloloko pa niya si Sean dahil hindi na siya ang magiging sunod sunuran sa grupo.

"And the leader must note that once he leaves and comes back, he will never be the leader himself." Nanahimik naman si Sean sa sinabi ni Lawrence sa kanya.

"Now, if you would excuse us," sambit ni Lawrence sa kanya bago siya lumayo kay Sean at agad na umalis sa pangyayari - iniwan na lamang kaming tatlo para sumunod.

Nang sumunod na sina Adrian at Dominic, lalakad na sana ako para makasabay nila ngunit agad kong narinig ang mahinang boses ni Sean sa aking likuran.

"God, Abby, you shouldn't have met them. I'm sorry. This was all my fault," mariin na bulong niya habang tiningnan ko siyang muli. Hindi siya nakatingin sa akin pero kung iikot siya para tingnan ako, alam ko na makikita ko ang lungkot sa kanyang mga mukha.

Dahil halata na kaagad sa boses niya ang pagsisisi.

Nakatungo at nakatingin na lamang siya sa railing ng rooftop - siguro pinagmamasdan ang scenery doon. Nakatalikod siya ngunit alam ko na sinabi niya iyon dahil pansin pa rin niya na hindi pa ako nakakaalis.

"Abby! Come on! Mala-late ka sa susunod mong klase!" Nagulat ako nang sumigaw na si Adrian para tawagin ako. Kahit nagtataka, agad akong tumakbo pababa para hindi mag-alala ang iba sa akin.

Still, I didn't even notice that Sean heard the yell and suddenly looked back at me - just to see me gone.

-♠-◆-♥-♣

Well, I didn't expect what happened next once we came into the penthouse.

Naunang umuwi sa amin si Dominic dahil kumain muna kami sa labas nina Adrian. Of course, nagtaka kami dahil nagkaroon daw ng emergency sa penthouse at nag-alarm sa kanyang phone na may 'intruder' sa kanyang kwarto.

Thinking that it was just a prank, we just ignored it. Pero pagkabalik namin, hindi na kami nakapagsalita.

Halos nanlaki ang mga mata ko nang paikot ikot si Dominic na tila iritang irita habang nakaupo lamang kami nina Lawrence sa sofa. He had already been like this since we came home.

I could see his panicked expression clearly formed on his face as he wandered off to the kitchen while yelling at the top of his lungs. And boy, nakakatakot siyang magalit.

"Nasaan ang sketchbook ko?! Saan niyo tinago?!" malakas na sigaw ni Dominic habang hinahagis niya isa isa ang mga potholder sa sahig.

"Sabi ko sa inyo, walang gagalaw sa gamit ko!" Narinig kong bumuntong-hininga si Lawrence bago siya tumayo. Kung hindi nga naman niya pipigilan si Dom, maaaring kawali at kutsilyo naman ang isunod niyang ihagis.

"Kung maghahanap ka, 'wag ka diyan sa kusina. Aking teritoryo yan, Dominic," saad niya habang lumabas kaagad si Dom at dire-diretso pabalik sa taas.

Halos tumalon naman si Adrian sa takot dahil alam kaagad niya kung saan pupunta si Dom.

"Hoy, 'wag iyong kwarto ko!" Narinig ko ang sigaw ni Adrian kay Dominic habang tumayo na lamang ako at pinuntahan si Laws.

Nagitla na lamang ako nang hindi ko nakita si Laws kundi si Sean lamang ang nakatayo roon - hawak hawak ang isang sketchbook sa kanyang kamay. Nang mapansin niya ako, hindi siya ngumiti. Nakatitig lamang siya bago niya inihagis sa sahig ang kanyang hawak.

Nang tingnan ko ang mga ito at kukunin na sana, nanlaki ang mga mata ko nang mahawakan ko ang isang litrato ng babae na iginuhit sa pahina.

"Ganda mo diyan sa drawing na iyan. Well, I can't blame Dom. He totally likes to draw beautiful images," sinabi niya bago niya inalis ang tingin at napatawa ng ilang minuto.

"Huh, I guess I was wrong. I guees that Lawrence wasn't the only one who likes you," sambit niya bago umalis sa kusina, iniwanan na lamang ako habang pinupulot ko isa isa ang mga drawings ni Dom.

Nakarinig ako ng tunog na parang may mga taong dali daling pumunta sa kinaroroonan ko. The first one I actually saw was Dominic.

His eyes were wide and he didn't even hesitate to sit next to me to pick up his drawings. His face showed a lot of panic while he kept on muttering to himself - unclear gibberish words came in a soft tone.

"God, hindi mo dapat 'to nakita," paulit-ulit niyang sinabi habang ang isa niyang kamay ay ginamit niya para ayusin ang kanyang buhok - isang sinyales na kinakabahan siya.

Pagkatapos kong ibigay ito, sinubukan niyang umalis ngunit pinigilan ko siya. Kinuha ko kaagad ang kanyang kamay para hilahin siya pabalik. Agad siyang napaupo at kitang kita pa rin ang takot sa kanyang mga mata.

"Abby, look. I'm sorry if I-" agad kong itinaas ang kamay ko para pigilan siyang magsalita. Tumikhim na lamang siya habang nakita ko kaagad sina Laws at Adrian na dali daling sumulpot at nanonood sa amin - tila takot din sa aking sasabihin.

Kaysa sumimangot at iwasan siya ng tingin, agad akong ngumiti sa kanya at kinuha ang mga imaheng kanyang iginuhit. Nakatungo si Dominic sa hiya kaya agad kong kinuha ang kanyang kamay.

"Dom, you have nothing to worry about. I just want to ask if I can at least keep these as a souvenir. Gaganda kasi," paliwanag ko habang hindi na nakapagpigil ng ngiti si Dominic.

"So, hindi ka nawe-weirdan na may drawing ka sa akin?" Umiling na lamang ako habang halos tumalon sa tuwa si Dominic sa kanyang narinig.

Bago pa man niya ako mayakap, agad akong hinila ni Lawrence. Of course, it wasn't that hard to see that glare from Dominic once I was pulled away from him.

"How about we watch a movie to release the tension? After all, it's movie night." Tumango na lamang ang dalawa nang marinig si Laws na nagsalita. Pagkatapos ng ilang segundo, pumunta kaagad kami sa living room - para lamang makita namin na nakaupo na si Sean sa sofa.

Nakangiti ito sa amin bago ngumisi, "Look at the trio, such a happy family. And look, Abby likes it."

Lalapitan sana siya ni Adrian ngunit pinigilan siya ni Laws. Siguro alam ni Laws na hindi mahaba ang pasensya ni Adrian kaya may tendency na masuntok niya si Sean. "No, Adrian. Let him be. You'll be violating a rule if you disrespect him."

Agad na tumayo si Sean at nagpagpag ng damit. Nang lumapit siya sa amin, agad akong hinila nina Dominic at inilagay sa likod nilang tatlo.

"I know what you're doing, Sean. Itigil mo na 'to." Nginitian lang ni Sean si Laws at sumagot.

"I don't know what you're talking about, Laws. I'm innocent." Naglakad si Sean papunta sa amin habang umatras ang tatlo kaya sumunod na lamang din ako.

"Oh, and speaking of movie night." saad ni Sean bago siya nagpatuloy sa pagsasalita. "It seems like it should be postponed."

"Adrian, have you received the call?" Tumingin kaagad kami kay Adrian habang nagtaka kaagad siya at kumibit balikat na lamang.

"Call? What call?" nagtatakang tanong ni Adrian bago siya nagulat nang tumunog ang cellphone niya. Isang ringtone ang nag-echo sa penthouse at halos kaming tatlo nina Lawrence ay agad tumingin sa kanya.

Who could that be?

Kinuha niya sa bulsa ang phone niya at sinagot ito. Tiningnan naming tatlo si Adrian habang lumakad siyang palayo sa amin - kitang kita na nakakunot ang noo niya dahil wala naman siyang in-expect na tatawag sa kanya.

"Hello? Sino 'to?" Agad nanlaki ang mata niya nang narinig niya ang boses mula sa kanilang linya. Halos manginig na rin siya sa kanyang kinatatayuan - halos kinailangan na nga niyang umupo dahil sa takot niya.

"Nadine? As in Nadine Lopez Castell?" bulong nito bago niya tiningnan si Sean na tila may galit sa kanyang mga mata.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro