Kabanata XXXVI: Party?

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A B B Y

Nang mapansin namin ang takot ni Adrian sa pangalan iyon bago ito nagalit kay Sean, alam na kaagad namin na may epekto ito sa kanya. As if he was clearly avoiding that person. Whoever she was, she probably made her mark on Adrian from the past.

Kung iisipin ko 'yon ng maigi, halos matatahimik na lang ako. Isang babae lang ba talaga ang magbibigay takot sa lalaking kagaya ni Adrian? I mean, just look at this guy! This is Adrian we're talking about.

And to think that he was the fearless one.

I then saw Sean smirk as he saw Adrian's troubled reaction. Putting his hands on his pockets, he then shrugged in mockery. His brown eyes striked our gaze as he then spoke in a joking manner.

"I already knew that you would react that way, Adrian. Kaya naman tinawagan ko na siya para sa'yo," sagot ni Sean habang hindi na lamang umimik pabalik si Adrian - tila abalang abala sa pakikinig sa tawag na kanyang natanggap.

Hindi ko naman mapigilan na tingnan ang kanyang paa dahil kanina pa itong lumilikot - halatang halata na hindi siya mapakali.

"Looks like you're having troubles in your lovelife anyways." Tinitigan ni Sean ang sofa ngunit hindi siya umupo. But, he did mention us to sit.

Nagkatitigan muna kaming apat bago umupo. Ngunit, nagdalawang isip si Adrian at mas pinili na lang niyang tumayo kaysa sa sumunod sa amin. Halatang naging interesado si Sean kaya sumandal agad ito sa dingding.

"Alam ko naman kung gaano mo ka-miss ang ex-girlfriend mo-" nagsasalita pa lang si Sean ay agad nanlaki ang mata niya nang sumigaw pabalik si Adrian habang tinapos ang tawag sa kanyang cellphone.

"She was never my girlfriend. To be honest, ako mismo ang nag-reject sa kanyang panliligaw, remember?" agad itong sinabi ni Adrian bago nagpatuloy.

"Kaya paano ko magiging ex kung never ko pang naging girlfriend?" reklamo pa nito habang napatawa na lamang si Sean sa kanyang pagkairita.

"And to answer you and Nadine, hindi. Hindi kami pupunta," bungad pa ni Adrian.

Halata sa mukha ni Sean ang tuwa nang makita niya ang masasamang tingin sa kanya. Siyempre, halos lahat ng L.A.D ang gumawa nito. Nananatili pa rin akong kalmado ngunit nagtataka sa sitwasyon.

Sumagot naman si Sean nang ilang segundo nang makita niya ang kunot ng noo ni Adrian at ang pagkairita na bakas sa mukha nito. "Calm down, Adrian. It's just an invitation from Nadine."

"There's no need to be rude," saad pa ni Sean habang nanatiling nagtataka ang dalawa sa sinabi ng kanilang ka-miyembro. Napataas na lang din ang kilay ko nang narinig ko iyon mula sa kanya. Invitation? For what exactly?

Napabuntonghininga kaagad si Adrian kaya agad namin siyang tinanong. Bakas sa mukha nina Lawrence na hindi rin sila kampante sa maaaring sagot ng kanilang kaibigan.

"Adrian, anong sinasabi ni Sean?" Nakatitig nang matagal si Lawrence kay Adrian nang tinanong niya ito.

He wasn't glaring. No, Lawrence technically fixated his gaze upon him - maintaing the cold eye contact with no hint of glee in his eyes. It was just a hard stare that could break Adrian's panicking expression.

"Just an invitation to her regular 'Friday Night' parties. At sinabi niya na dapat um-attend tayo," sambit ni Adrian habang kumunot ang noo ni Dominic.

"Required ba? I mean, pwede naman tayong mag-stay dito kaysa pumunta roon," banggit ni Dominic habang umiling agad si Adrian. Siguro may sinabi na rin iyong Nadine na 'yon kaya walang choice si Adrian kundi mag-agree sa party invitation.

"No. Pupunta tayo doon. Kailangan natin pumunta. Someone's life is at stake here," sambit ni Adrian.

Hindi na nagdalawang isip pang umayos ng tayo si Dominic habang napanganga na lamang si Laws. Come to think of it, I've never seen Dominic being the serious one before.

"What do you mean, X?" nagtatakang tanong ni Laws habang tumingin kaagad si Adrian. Sinundan naman ng tatlo ang titig nila habang napakurap naman ako.

Wait, why are they all staring at me?

Habang nakasimangot si Adrian, agad siyang nagsalita. "Ayaw kong mapahamak si Abby. Lalong lalo na kung sa kamay pa ng tatlong babaeng 'yon."

"Kung hindi tayo pupunta, hindi nila papayagan na mamuhay ng tahimik si Abby," dagdag pa niya habang tumungo na lamang si Dominic at umiwas ng tingin si Laws.

"Hanggang ngayon ba naman hindi tayo titigilan ng tatlong iyon? It's been years already," bulong ni Laws sa kanyang sarili bago ko narinig si Sean na nagsalita.

"Why not leave Abby here with me? It's much more safe," sinabi niya habang sinamaan lamang siya ng tingin ni Laws.

"No. Lalo na sa'yo. Baka kung anong sabihin mo pa sa kanya," reklamo ni Dominic. Nang biglang nanahimik ang lahat, inisip ko na maganda na itong oras para masabi ko rin naman ang opinyon ko dito.

"I'll come with you," biglaan kong sinabi habang nanlaki ang mata ng tatlo. Sigurado ako na hindi nila kaagad nagustuhan ang desisyon ko.

"No, what the hell? Are you crazy?" Bunyag ni Dominic bago siya tumayo. "Sasama ka? Like, hell you would."

"Wala na rin naman tayong magagawa. Hinihintay ni Nadine si Abby do'n," kinakabahan na sambit ni Adrian sa amin. Halos umiling ng tuluyan si Dominic sa kanyang kaibigan - tila hindi makapaniwala sa sinabi.

Habang si Lawrence naman, tinaas ang kilay niya sa pagtataka. "She expects Abby to be there?"

Tumango na lang si Adrian at agad namroblema ang tatlo. Bumaling sa kanan, agad ng kaliwa, agad kong nakita si Sean na tila may ngisi sa kanyang mukha. Na parang nanloloko.

That smirk. That was what made the trio looked frustrated right now. After they saw Sean's mischievous look towards them, I already knew chaos was going to happen. And it's not very pleasant.

I then stared at Dominic strictly before speaking for myself, "You don't even have a choice here."

Agad na umiwas ng tingin ang tatlo nang ma-realize nila na tama ako. Kung hindi ako sasama, hindi ako titigilan nina Nadine. Worse case scenario pa ay kung makikisali si Cassandra at Natasha.

Before I could even add something up, Lawrence finally spoke. "Then, it's already settled."

Agad siyang tumingin sa akin at nagsalita, "You're coming with us. But, don't you dare leave our sight, got it?"

"Priority ka namin ngayong gabi," dagdag ni Dominic bago si Adrian naman ang nagpatuloy.

"And we'll do our best to keep you safe. A Diamond's Word of Honor," sagot nito sa akin bago ngumiti.

And for that part, that was the first time I could actually see the sincerity in Adrian's smile.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro