SENIOR HIGH EPISODE 114: #SHConfuse

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SENIOR HIGH FANFIC EPISODE 114: #SHConfuse

READ AT YOUR OWN RISK‼️

DISCLAIMER: This is made for entertainment purposes only. It is purely from my own imagination and I don't claim the characters as my own, but credit to the original writers. Any scenarios are just made up and it is not based on the original script of the writers.

..

>>>start reading here

Nai-text ko naman na kay Roxy kung nasaang banda kami pero hanggang ngayon wala pa din sila ni Archie. Saan na ba kasi nagpunta yong dalawang yon? Naaawa na din ako kay Poch dahil kanina pa sya mukhang pagod, sya pa naman may dala ng lahat ng binili ko. Isa pa, mukhang inaantok na din 'tong baby nila, kanina pa sya naghihintay at naghahanap sa parents nya.

"Tim, okay ka lang?" Napatanong tuloy si Poch kung okay ako, kanina ko pa kasi karga 'tong baby ni Roxy sa hita ko, medyo nakakangalay pero kering-keri pa naman.

"Okay ako, Poch. Ikaw ba?"

Nginitian nya ako ng slight.

"Okay lang din naman. Ano ng balita? Na'san na daw ba sila?"

"Paparating na din yong mga 'yon. Nai-text ko naman na kay Roxy yong location. Kunting tiis nalang, Poch."

Ngumiti sya sa'kin saka nya ako hinaplos sa ulo.

"Ano ka ba, Tim? I'm all fine. Hindi mo na kailangan mag-alala, okay?

Tumango nalang ako saka ko din sya nginitian.

"Summer?"

"Summer!"

Sabay kaming napalingon ni Poch kina Roxy at Archie na paparating. Kitang-kita sa mga mukha nila ang sobrang pag-aalala kay Summer.

"O, ayan na pala sila." Tumayo kami ni Summer saka ko sya hinayaan na salubungin yong mga parents nya.

"Mommy! Daddee!" Sigaw ni Summer sa sobrang tuwa saka sya tumakbo papunta kina Roxy at Archie para salubungin sila ng isang mahigpit na yakap.

"Summer, baby, are you alright?" Tanong ni Archie sa anak nila saka nya cheneck kung may tama ba si Summer sa katawan.

"Baby ko, okay ka lang ba, ha? Wala bang nanakit sayo?" Naiiyak si Roxy habang hawak nya ang dalawang pisngi ni Summer. "Are you okay?"

Nagtinginan nalang kami ni Poch sa isa't isa saka nalang namin sila pinanuod.

"I'm okay, Mommy. But I was so scared earlier."

"Saan ka ba kasi nagpuntaaa?" Tanong ni Roxy sa kanya. "Alalang-alala kami ng daddy mo sa'yo. Ikaw naman kasi ee, bigla ka nalang umalis, bigla mo nalang kaming iniwan. I'm sorry baby ko ha? Kasalanan din talaga namin kasi hindi ka namin nabantayan ng mabuti. I'm sorry, baby."

"Baby," Lumuhod si Archie sa harap ni Summer para makausap nya ng maayos yong anak nila. "Promise to daddy that you will never do that again, okay? Don't do that again, okay? Lalo na kapag si mommy lang ang kasama mo, don't leave beside mommy. Do you understand me?"

Tumango si Summer saka nya niyakap ng mahigpit si Archie.

"Yes, Daddee. I promise. I'm sorry, Daddee."

Pagkatapos non, niyakap din sya ni Archie saka sya tumayo para kargahin si Summer.

"Are you okay, baby?" Tanong ni Roxy habang hinahaplos nya sa likod si Summer.

Tumango nalang si Summer na nakayakap at nakapatong yong ulo sa balikat ni Archie.

Pagkatapos non, tumingin si Roxy sa aming dalawa ni Poch saka sya lumapit. Halos hindi sya makatingin ng diretso dahil siguro nahihiya sya sa'min.

"Aah, Tim, Poch, thank you nga pala sa pagbantay sa baby ko. Natutuwa ako na, kayo yong nakakita sa kanya. Tsaka.." Lumingon sya kay Archie at Summer saka sya tumingin ulit sa'min ni Poch. "Oo, anak ko nga si Summer, anak namin ni Archie actually. Sorry kung.. hindi ko nasabi sa inyo, lalo na sayo, Tim. Mas pinili ko nalang itago."

Honestly, hindi naman kailangan humingi ni Roxy ng sorry. Narealized ko yong sinabi sa'kin ni Obet dati, na wala na akong pakialam sa kung ano mang desisyon at gustong gawin ni Roxy sa buhay nya. Kahit may namagitan sa'ming dalawa ni Roxy noon, noon pa 'yon, matagal ng panahon. Si Poch na ang buhay ko ngayon, si Poch na ang may ari ng puso ko ngayon. Kaya kahit anong maging desisyon ni Roxy sa buhay nya, andito pa naman ako para suportahan sya, bilang kaibigan.

Oo, nong una, parang feeling ko na-betrayed din ako nong malaman kong nagka-baby si Roxy kay Archie. Inisip ko din na hindi lang pala ako ang nagcheat sa'ming dalawa ni Roxy, pati din sya. Gusto kong malaman kung bakit, paano, at kailan, pero narealized ko tapos na 'yon. Tsaka hindi ko na pag-aari si Roxy para makialam pa sa love life nya. Isa pa, kung ano man yong nangyari sa kanila ni Archie noon, choice na ni Roxy yon at hindi ko sya pwedeng kwestyunin sa choice nya, kahit alam kong ako ang dahilan ng lahat. Pero tapos na 'yon, okay na ang lahat ngayon. At kung ano man ang totoong namamagitan sa kanila ni Archie ngayon, masaya ako para sa kanila.

"Ano ka ba, Roxy? Okay lang ako. Naiintindihan kita kaya hindi mo na kailangan magpaliwanag pa. Sa katunayan, masaya ako para sayo, sa inyong dalawa ni Archie."

Tumingin ako kay Archie na nakatayo sa likuran ni Roxy habang karga yong baby nila na nakatulog na sa balikat nya. Tumango si Archie saka sya ngumiti sa'min ni Poch kaya tumango nalang din ako at nginitian din sya.

"Salamat, Tim."

Biglang naging emotional si Roxy kaya gusto nya akong yakapin.

"Sorry, pero boyfriend ko si Tim."

Hindi nga lang natuloy kasi bigla akong hinila ni Poch sa beywang para ilayo kay Roxy. Natawa nalang si Roxy sa ginawa ni Poch. Kahit ako nabigla sa ginawa nya pero hindi ko naman e-dedeny na kinilig ako. Selos ba sya?

"Oo na, Poch. Sayong-sayo na si Tim. Akala mo naman kung aagawan." Sabi ni Roxy habang pinupunasan yong luha nya.

Natawa nalang din kami ni Poch sa reaksyon nya.

..

..

..

After ng dinner, tinulungan ko na si Papa sa paghuhugas ng plato at paglilinis sa kusina kaya maaga kaming natapos. Si Mama naman hinayaan nalang namin sya ni Papa na makapagpahinga para daw hindi ma-estress yong baby nya, syempre pati na din si Mama. Kaya heto, hindi pa naman ako dinadalaw ng antok kaya naisipan ko na munang mag-scroll sa social media habang nakaupo sa study table ko. Tsaka balak ko din namang gumawa ng assignment.

Napataas yong kilay ko nong makita ko yong post ng isang anonymous account sa lumang page ng Northfordians- kung saan nandon ako kasama sina Tim, Roxy, Archie, Gino, si Poch at si Z. At naalala ko na ito yong magkakasama kami sa canteen ng Northford University nong nakaraang araw. Binasa ko yong caption at ang sabi:

"OMGGG!! Bati na silaaa"

Napabuntong hininga nalang ako at napailing ng ulo knowing na alam ko naman kung sino ang taong nasa likod ng anonymous account na 'to.

"Paniguradong si Kenji nanaman 'to. Hay naku, Kenji... hindi ka pa rin nagbabago." Sabi ko na kausap ang sarili ko.

Sinubukan ko ding basahin yong mga nakapost sa comment section.

"Wtf? Totoo ba 'to?"

...

"Omgggg! Nag-reunite na sila after 3 years!"

...

"No more fighting na ba? Ang boring naman"

...

"Team Bobo vs. Team Matatalino na ang labanan HAHA"

...

"OH MY GOD! Si Z at Archie na ba yan??? Level up!"

At di 'ko nalang tinapos lahat dahil sobrang daming comments at umabot na rin halos sa 3K ang likes at madami din ang nagshare.

"Ang OA naman ng mga 'to." Sabi ko saka ako nag-scroll para e-check yong ibang kaganapan.

"Sky? Sinong kausap mo dyan, nak?"

Pumasok si Mama sa kwarto ko na may dala-dalang isang baso ng gatas at lumapit sya sa akin. 

"Wala lang 'to, Ma." Sagot ko saka ako tumingin sa kanya.

"May gagawin ka pa ba?" Tanong ni Mama na inilapag yong baso ng gatas sa table ko.

"Yes, Ma. Saglit lang naman 'to. Isang assignment lang tapos matutulog na din ako."

"O, sige. Basta pagkatapos nyan matulog ka na, ha?"

"Yes, Ma. Goodnight po."

Ngumiti si Mama saka nya ako kiniss sa ulo.

"Goodnight din, nak. Wag mashadong magpupuyat, ha? I love you, Sky."

Kinilig ako sa sinabi ni Mama.

"I love you too, Ma. Pahinga na din po kayo."

Tumango sya saka nya ulit ako kiniss sa ulo. Pagkatapos non lumabas na si Mama sa kwarto ko na nakangiti at maganda ang mood.

Gagawin ko na din sana yong assignment ko pero bigla nalang may nagnotif sa phone ko- cheneck ko naman agad kung sino.

From: Gino
Sky, busy ka ba? May jamming ako tonight. Sama ka?

Si Gino lang pala. Pero baka kung ano pa isipin non kapag hindi ko sya nereplayan, kaya nereplayan ko nalang din.

Reply:
Pasensya na, Gino. May assignment pa kasi akong dapat gawin. Maybe next time?

...

From: Gino
Sure. No problem, Sky. Tsaka baka ipahuli pa ako sa pulis ng Papa mo.

...

Reply:
HAHAHA Grabe ka naman sa Papa ko, Gino. Mabait naman yon si Papa basta ba magpapaalam lang. Oo nga pala, nakita mo na ba yong post ni Kenji sa old page ng Northfordians?

...

From: Gino
Yeah. Si Kenji pala yon? Anonymous account kasi ang nakalagay.

...

Reply:
Wala namang ibang human cctv sa Northford kundi si Kenji. Nagkataon pa na nandon din sya canteen nong magkakasama tayo kaya ayun, pagkakataon nya yon para kuhaan tayo ng picture, at pinost pa talaga nya.

...

From: Gino
Sabagay. Anyway, Sky... I have to go na. See you soon nalang sa school. Goodnight.

...

Reply:
Goodnight din, Gino.

Sa totoo lang, medyo nakaramdam ako ng hinayang dahil gusto ko din naman talaga sumama. Siguro dahil matagal-tagal na din yong last time na nagjamming at kumanta kami ni Gino, nakakamiss lang. Pero di bale na, may next time pa naman. Pagkatapos kong makipagchat kay Gino, gumawa na agad ako ng assignment. Kasi naman, kung kailan gagawa na ako ng assignment, don pa ako makakaramdam ng antok.

..

..

..

Sobrang nakakapagod 'tong araw na 'to, ang daming nangyari. Hindi ko na nga alam kung ano yong mararamdaman ko, naguguluhan na ako. Sinabi ko naman noon na hindi ko mahal si Archie, pero bakit parang nagbabago yong tingin ko sa kanya?

Hayy, ewan.

Maagang nakatulog si Summer dahil na rin siguro napagod sya sa paglalaro kanina, dagdag pa yong pagkawala nya sa Mall. Sigurado akong takot na takot sya nong mga time na 'yon. Salamat nalang talaga kay Lord kasi kina Tim at Poch nya dinala yong baby ko.

After makatulog ni Summer, iniwanan ko na sya sa room nya. Hindi pa naman ako dinadalaw ng antok kaya lumabas na muna ako para tumambay sa kusina. Tsaka para kumuha na din ng tubig na maiinom- bigla kasi akong nauhaw.

Kainis! Iinom na nga lang ng tubig, maaalala ko pa yong nangyari kanina. Nakakainis na hindi mawala-wala sa isip ko yong Archimedes Aguerro na 'yon.

[flashback]
Sinundo kami ni Ate Ria sa labas ng gate at kinuha nya sa'kin si Summer. Ako na daw bahala sa mga gamit na dala-dala namin since nakalagay din naman sa back seat ng kotse ni Archie. Pumasok na sila sa loob habang kaming dalawa nalang ni Archie ang naiwan sa loob ng kotse.

"Thank you nga pala today." Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa ni Archie para sa'ming dalawa ni Summer. "Tsaka, mukha namang sobrang nag-enjoy si Summer sa paglalaro kanina. Kaya sigurado akong masaya sya na nakasama ka."

"How about you?" Tanong ni Archie na tumingin sa'kin. "Nag-enjoy ka din ba? Napasaya din ba kita?"

Na-speechless ako bigla sa mga banat nya. Alam ko naman na deep inside na nag-enjoy at napasaya nya ako, pero hindi ko kayang sabihin yon sa kanya ng diretso. Ewan ko ba, naguguluhan yong utak ko.

"Kailangan pa ba talagang tanungin yon, Archie? Tsaka wala ka na don. Kung nag-enjoy man ako o hindi, hindi mo na kailangan pang malaman yon. Sige na, bye."

"Wait, Roxy,"

Palabas na sana ako ng kotse ni Archie ng bigla nalang nya akong hinawakan sa braso at pinigilang makalabas.

"Ano ba Archie? Anong problema mo?" Binawi ko yong braso ko sa kanya.

"Can I get a kiss from you?" Sabi nya habang nakatingin sa lips ko.

Gulong-gulo na nga yong utak ko, mas lalo pang nagulo sa sinabi nya.

"Ano?! Anong kiss na sinasabi mo? Ewan sayo, Archie. Nabudol mo man ako nong una, una lang yon. Never na ulit akong magpapabudol dyan sa 'can i kiss you' mo."

"Just kiss. Wala na tayong gagawing iba. I promise."

"Pwede ba Archie tigilan mo 'ko? Tsaka para magising ka sa katotohanan walang tayo. Okay? Kaya hindi ka pwedeng humingi ng kiss sa'kin kung kailan mo gusto. At isa pa-"

Hindi ko na naituloy yong sasabihin ko ng bigla nalang nya akong e-kiss sa lips. Nabigla ako sa ginawa nya pero in the end, wala din akong nagawa para pigilan sya. Napapikit nalang din ako ng mga mata nong maramdaman kong lumalalim yong mga halik nya. 
[end of flashback]

Edi ngayon para akong tanga na hawak-hawak ko yong lips ko habang damang-dama ko pa yong halik ni Archie sa mga labi ko. Ang tanga mo talaga Roxy pagdating kay Archie. With honor ka pa naman nong Senior High pero ang bobo mo pagdating sa pag-ibig.

"O, bakit gising ka pa?"

Nakakagulat naman 'tong si Ate Ria. Hindi ko napansin na lumabas na pala sya ng room nya.

"Hindi pa kasi ako makatulog Ate eh. Hindi ko alam. Parang ang daming pumapasok sa isip ko."

Lumapit si Ate saka sya umupo sa harapan ko.

"Tungkol ba kay Archie yang iniisip mo?"

Hindi ko alam kung may talent si Ate Ria na bumasa ng isip ng tao o magaling lang talaga syang manghula, pero tama sya sa sinabi nya.

"Eh Ate, hindi ko na kasi alam kung ano yong dapat kong gawin. Hindi ko na alam kung ano yong dapat kong isipin. Okay naman kami ni Summer nong wala si Archie sa buhay namin, pero ayun, simula ng mag-cross ulit yong landas namin ni Archie, tapos nakilala pa nya si Summer, nagkanda-letche-letche na yong buhay ko. Gulong-gulo na tuloy yong isip ko."

Buong buhay ko, kay Ate Ria lang ako palagi naglalabas ng problema ko. Lahat ng hinanaing ko sa buhay sa kanya ko lang nasasabi, dahil sya lang naman ang nakakaintindi sa'kin.

"Ano bang part ang mahirap isipin, Roxy? Saang part ka ba gulong-gulo? Gusto kong sabihin mo sa'kin ng diretso."

"Lahat. Ewan.. Hindi ko na din talaga alam." Napakamot pa ako ng ulo dahil sa sobrang pagka-confuse ng isip ko.

"Roxy, kung naguguluhan ka sa ngayon, ipahinga mo na muna 'yan. Hindi mo kailangan isipin lahat, kasi maguguluhan ka talaga nyan. Magiging okay din ang lahat. Basta lagi mong tatandaan, andito lang ako palagi para suportahan ka."

Ayaw kong maging emotional ngayon pero ito kasing si Ate eh, nagpapaiyak. Hindi ko tuloy mapigilang mapaluha sa sinabi nya. Sana nga maging okay na ang lahat- yong puso ko, yong buhay ko, yong love life ko kung ano ba talaga kami ni Archie.

"Sige na, Roxy. Magpahinga ka na." Tumayo si Ate Ria para e-hug ako.

"Thank you, Ate."

(TO BE CONTINUED)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro