SENIOR HIGH FANFIC EPISODE 113: #SHTruth

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SENIOR HIGH FANFIC EPISODE 113: #SHTruth

READ AT YOUR OWN RISK‼️

DISCLAIMER: This is made for entertainment purposes only. It is purely from my own imagination and I don't claim the characters as my own, but credit to the original writers. Any scenarios are just made up and it is not based on the original script of the writers.

..

>>>start reading here

Under the shadow of a big tree, in the middle of the green grassy ground, we finally found a perfect spot for a picnic. I told Roxy to wait for me because I am going to get the stuffs inside the trunk of my car, it was a surprise. I didn't tell anyone that I prepared these stuffs, although I'm kinda confused what to bring yesterday. I didn't dare to ask mom or Z because it will be suspicious for them. This is embarrassing to say, but yeah, I searched in Google what foods are the best for picnic date. Well, I got so many ideas but I end up grabbing necessary foods from our refrigerator in the house. And some of it, I just bought on the way to pick up Roxy and Summer at their house. When it comes to art, I was suck at it.

"Huyy Archie, anong trip mo?"

The moment Roxy saw me walking back to our spot, to her, with all the stuffs on my hands, she was all shocked and confused.

"Picnic stuffs? Isn't it obvious?"

Nilatag ko yong picnic blanket sa damuhan saka ko inayos yong mga foods at the middle. Na-excite lalo si Summer nong makita nya yong mga foods kaya huminto muna sya sa paglalaro and then she sat beside us on the ground.

"Yeeyy! Yummy food!" Summer grabbed one of the sandwiches and put it excitedly in her tiny mouth.

"Lahat 'to idea mo?" Hindi pa rin makapaniwala si Roxy.

I looked at her and I can see that she was amazed and delighted for what I did, although syempre hindi naman nya 'yon ipapahalata but it's still visible on her beautiful face.

"Yeah, it's all my idea. Naisip ko lang na mas better if dito na lang tayo kumain kesa kumain sa mga restaurants out there. Mas tipid, right? Isa pa, having a family picnic is much better."

Hindi nalang sya kumibo but I saw her smiling secretly.

"Why? Hindi mo ba nagustuhan?"

"Well, aarte pa ba ako? Tsaka, may point din naman yong sinabi mo."

"So, does it mean you like it, right?"

"Hindi ba obvious?"

"I'm just asking lang naman. Kasi If hindi mo nagustuhan, pwede naman tayong kumain sa Mall later. But thanks, at least, you appreciates it."

"Oo na, Archie. Very good ka sa ginawa mo. Sana naman happy ka sa compliment ko di'ba?"

"More than happy actually. You don't have any idea kung gaano ako kasaya today."

I don't know what happened but seems like the world suddenly stops the moment na nagkatitigan kaming dalawa. When I looked into her eyes, I can see my future with her. I know deep in my heart that she is the girl that I wanna be with for the rest of my life. Hindi lang ako interested sa kanya, but I also love her with all my heart. Kahit palagi nalang syang galit at naiinis sa'kin, my heart still likes her no matter what.

"Mommy, Daddee, are you not gonna eat?" The moment got disturbed by this little one giggling beside us.

Same tuloy kaming nahiya ni Roxy.

Roxy clears her throat and helps Summer with her food, and wiping some dirt on her tiny face as well. Hindi ko naman mapigilang mapangiti while watching them together. It's just, it's really good lang sa pakiramdam to watch my future wife with our cute daughter having a good relationship to each other. I never expect na ang isang Roxanne Fatima Cristobal, na matapang at palaban nong Senior High days, will be a good mom in the future. Although, minsan, di ko magets mga trip nya sa buhay, but still, she's a good person.

"Baby ko, ba't naman ang dungis mong kumain? Pero okay lang yan, ang cute-cute mo pa din." Roxy said while gently squeezing Summer's soft cheeks.

"Mommy is pretty." Sabi naman ni Summer habang pino-poke yong nose ni Roxy.

"Thank you, baby. Syempre naman, pretty naman talaga si Mommy."

Summer laughs when Roxy tickles her.

"You too, Daddee. Tickles!" Summer did the same thing to me.

I laughed when her little fingers tickles me.

"Aha, ito pala ang gusto mong play, ha? Daddy is going to get revenge!" And I tickled her back.

She throws herself to me and continuously laughing. But the next thing she did, it was unexpected.

"Mommy, play with us!"

Summer pulled Roxy's arm, na out of balance sya, and she accidentally landed on me and our lips touched. Nanlaki ang mga mata naming dalawa but the kiss didn't take long because Roxy pushed me. She covered her mouth with her hand while hiding her blushing face. Well, even me din naman, I was blushing for what had happened.

..

..

..

I really hate Kuya for leaving me behind. He said maghahang-out daw sila together with his friends today. And then me, heto, I was so bored here in the house. I told him naman na gusto kong sumama but he doesn't want me to go with him. Gosh, I hate the silence in this house. I feel like no one is here.

Since the moment I woke up in the morning, I haven't gone out of my bed. I just finished having a video call with my friends from US, just trying to catch up with each other. After that, I layed back on my bed- starring at the blank space of the ceiling. And then, the sudden memories of my Dad plays back in my head like an old film- the way he protects me in everything.

"I miss you, Dad." I whispered to myself as the tears started to form in my eyes. "If I tell you that... I made it. Kuya and I, we're about to finish in College now, Dad. Just a little more and we're about to graduate. And If I tell you that, me and Sky are now okay. We sometimes hang out in school together... Would you be proud of me?"

I turned my head to look at the picture frame on my bedside table, it was me with Dad in the picture- we're both smiling and happy. I stretched my arm to reach out for the picture, and when I did, I hugged it tightly in my arms.

"I miss you, Dad. I miss you..." My tears started to fall from my eyes like a river. "It's still painful.. but don't worry Dad.. I-I'll be better... I'll be fine soon."

I wanted to cry more but I suddenly realized, I'm already fine na nga pala. Yes, it's still painful yong pagkawala ni Dad but I learned that I have to move forward. At oo nga pala, I have to live my life without me depending on others. Dad will be surely remembered forever in my heart. But for now, I have to find something to do, so that I will not be bored and sad. Kasalanan 'to ni Kuya eh.

I wiped my tears saka ako bumaba ng bed at lumabas ng room ko. Maybe a little sweet snacks will make me feel better. And later on, I'm planning to go out by myself or pwede ko namang yayain si Mom para pumunta sa salon. It's weekend anyways, I don't think Mom has work today.

I went down the stairs to get some snacks to the kitchen. But the sound of footsteps coming from the other side of the room, sa room nila Mom and Dad, I got distracted so I turned to look and I was surprised to see Mom with another guy- they just came out of the room. The guy was so familiar kasi I already knew it since noon pa naman.

"Mom? What is this?"

"Z, umm... Your Tito Darius just visited me. We haven't meet each other for a long time, right? So, we just had a little chitchat." Mom said na halatang kinakabahan.

"Tito? No way!!"

It's a big NO for me na ma-inlove si Mom sa ibang lalaki at mas lalong-lalo na, I don't want to have another dad because Daddy Harry was the best dad for me- he's my one and only dad, no one else.

"Don't worry, nag-usap lang naman talaga kami ng mommy mo. At gusto ko lang naman din talaga 'syang bisitahin." Darius said as he and mom looking to each other.

"Usap lang? Inside the room pa talaga? I don't think so! How dare you do this, Mom? Dito pa talaga sa bahay na'ten? Just ewww!"

After that, I just walked out at bumalik nalang ulit ako sa room ko.

"Z!" Mom called me but I don't wanna hear mom's explanation because it was all clear to me.

I don't wanna be mean again just like that Zyra Aguerro 3 years ago, maybe, I just need some time. Hindi pa nga ako nakaka-move on sa pagkamatay ni Dad eh. It's just, why everybody is mean today?

..

..

..

Sige, inaamin ko, I feel bad for Poch na sa kanya ko lahat pinapadala yong binili ko. Tsaka isa pa, I feel bad na nasungitan ko pa sya kanina. Eh kasi naman eh, tinatanong ng maayos parang tanga. Ang bobo lang sumagot pero syempre buti nalang mahal ko 'sya.

"Poch, okay ka lang?"

Gusto ko lang makasiguro na okay sya kasi kanina pa hindi kumikibo, nakabusangot pa na parang bata.

"Okay lang." Sagot nya pero hindi naman makatingin sa'kin ng diretso.

Ba't pa ba kasi ako nagtanong kung obvious naman ang sagot? Tanga ko din minsan. Napabuntong hininga nalang ako. Alam ko namang hindi talaga sya okay.

"Fine. I'm sorry kung nasungitan kita kanina, at sorry din sa mga nasabi ko. Nagtatampo ka pa din ba?"

"Medyo." Sabi nya saka sya tumingin sa'kin saka bahagyang ngumiti. "Pero since nagsorry ka na, okay na ulit ako."

Napangiti nalang din ako sa kanya. Mapapailing ka nalang talaga kay Poch, matampuhin pero mabilis din suyuin.

"Salamat, Poch."

"For what, Tim?"

For loving me.
For being understanding to me.
For being patience to me.
For being everything to me.
Gusto ko sa kanya sabihin lahat ng 'yon pero wag na muna sa ngayon. Ayaw kong maging emotional yong araw na'to dahil lang sa pagiging grateful ko kay Poch na dumating sya sa buhay ko.

"Wala," Di 'ko na tinuloy. "Tara sa clothing section, Poch. Kahit once in a lifetime lang, gusto kong bilhan kita ng damit. Libre ko."

"Wait, Tim.."

"Ayaw mo ba?"

"Hindi naman. Kaya lang... baka kasi expensive yong mga damit don. Masasayang lang yong pera mo, Tim. You could just keep it for yourself para may gamitin ka."

"Bakit naman masasayang? Ano ka ba? Para naman sayo yun, Poch. Isipin mo nalang na bumabawi ako dahil ginawa kitang taga-dala ng mga binili ko."

"Okay. Sige. Ikaw bahala. Sabi mo ee."

"Tsh, Halika na kasi. Ang dami mo pang sinabi." Hinawakan ko sya sa kamay saka ko sya hinila papasok ng clothing section.

Nong una, hinayaan ko syang mamili ng gusto nyang damit pero wala daw syang mapili at hindi din sya makapagdecide ng gusto nyang bilhin. Kaya sa huli, ako nalang daw ang mamili ng damit na babagay sa kanya. Ako pa talaga ang pinapili- ako lang naman yong sinabihan 'nyang baduy manamit nong Senior High pa kami. Pero game naman ako sa gusto nya kaya may mga pair of clothes na choices akong pinasukat sa kanya. Nagmukha tuloy syang fashion model habang ako naman yong audience nya. Well, may mga sinukat naman syang bagay sa kanya pero ang baduy tingnan. Tawang-tawa ako sa mga trip nyang pose habang rumarampa.

Okay, ito na yung last choice. Kapag hindi pa bumagay sa kanya, baka siguro sa ibang clothing section nalang kami pupunta. Medyo kinakabahan tuloy ako habang hinihintay sya na lumabas sa changing room. Sana naman bumagay na sa kanya.

Maya-maya pa, lumabas na sya. Ewan ko ba, pero parang biglang nag-slowmo yong paningin ko. Hindi ko expect na sobrang babagay sa kanya yong black long sleeve with gray trouser and a black shoes. Hindi ko naman maiwasang kiligin at mapangiti sa looks nya.

"Ano, Tim? What do you think? Bagay na ba?"

Tumayo ako para lapitan sya, saka ko inayos yong collar ng long sleeve nya. Nakatitig lang sya sa'kin habang ginagawa ko 'yon, at syempre hindi ko rin naman maiwasan na mapatingin sa kanya. Pagkatapos non, bahagya kong inilapit yong mukha ko sa kanya.

"Ang gwapo mo naman." Bulong ko. "Taken ka na ba?"

Napangiti sya sa sinabi ko saka sya tumingin sa paligid para makita kung may mga taong nakatingin, nong wala syang nakita, nilapit nya yong bibig nya sa tenga ko.

"Oo, matagal na." Bulong nya. "Kaya hindi na ako pwedeng angkinin pa."

Pagkatapos non, tumingin kami sa isa't-isa at sabay kaming ngumiti. Oo na, kinilig ako sa sinabi nya.

"Ehem! Excuse me?"

Nagulat kami ni Poch ng biglang nasa harap na namin yong babaeng taga-assist ng mga costumers.

"Sorry to interrupt. I just wanna ask you Sir's If ito na po ba yong kukunin nyo?" She's talking about the pair of clothes na suot-suot ni Poch.

"Aah, O-Oo, Miss." Nauutal-utal tuloy ako. "Ito na yong kukunin namin. Salamat."

"Okay, Sir. Pahubad nalang po tapos pa-diretso nalang sa counter mamaya. Thank you for coming and have a nice day!"

Pagkatapos non, umalis na sya. Bigla tuloy kaming nakaramdam ng hiya ni Poch. 
..

..

..

Oo na. Sige na. Hindi ko na e-dedeny na nag-enjoy kami ni Summer na maka-bonding si Archie today. Tsaka, sobrang nag-enjoy si Summer na makalaro yong daddy nya. Kaya for me, happy na din ako na happy yong baby ko. Ginagawa ko naman talaga 'to lahat para sa kanya. Infairness, natuwa ako kay Archie today. Ang cute lang nilang panuoring dalawa ni Summer habang naghahabulan kanina, kaya hindi ko rin maiwasang mag-isip ng mga 'what ifs' habang pinagmamasdan sila.

What If kay Archie nalang ako na-fall at hindi kay Tim?
What If ma-inlove ako kay Archie?
What If sya talaga yong para sa'kin?
What If walang nangyari sa'min ni Archie noon at hindi nya nalamang buntis ako, babalikan pa kaya nya ako?

Ang daming what ifs, pero ewan ko ba, hindi naman ako si Tim pero naguguluhan na din ako. Ngayon ko lang narealized na ganito pala yong pakiramdam ng confused, dama ko na din yong feelings ni Tim noon. Pero masaya naman ako sa mga naging desisyon ko sa buhay. Okay na din ako na hindi kami ni Tim ang nagkatuluyan.

"Hey, Roxy!"

Makatawag naman 'tong si Archie akala mo sya owner ng Mall. Oo, ganun na nga. Pagkatapos nya kaming dalhin sa playground ni Summer, dumiretso kami sa Mall. At heto kami ngayon, nasa clothing section ng mga pangbata. Gusto nya daw kasing magshopping ng mga damit ni Summer kaya ayun, hinayaan ko nalang din. Bahala sya sa buhay nya. Well, di 'ko naman pera yong ginagastos nya. Tsaka nabudol nanaman nya si Summer sa mga pakulo nya, tuwang-tuwa tuloy yong bata.

"Ano ba yun, Archie?"

"What do you think, bagay ba 'to kay Summer?" Tanong nya habang pinapakita nya sa'kin yong yellow dress na hawak nya.

"Ba't ba ako yong tinatanong mo? Ayan oh. Katabi mo na nga si Summer di'ba? O, tanungin mo kung gusto nya."

"What the hell, Roxy? You supposed to help me here kasi I don't know anything about girls stuffs. Baka sabihan mo pa ako ng baduy!"

"Anong I don't know anything about girls stuffs? Hindi ba babae si Z?"

"Whatever, Roxy."

Ano ba? Ba't ba ako natutuwa habang pinapanuod syang namimili ng mga dress ng anak nya? Wala lang, ang cute lang kasi nyang tingnan, mukha kasing ewan. Akala mo naman sya yong magsusuot ng mga dress kasi mas mukha syang excited kesa kay Summer.

"Can you please help me here? Don't just stand up there and doing nothing!"

"Oo na, Archie! Kumalma ka."

Ayaw ko naman na pagtinginan kami dito ng mga tao kaya sumunod nalang din ako sa trip nya para sa ikatatahimik ng sanlibutan.

..

..

..

Hindi ko naman birthday, at mas lalong hindi pa naman pasko, pero I'm so glad na makatanggap ng regalo from Tim. For the first time, binilhan nya ko ng damit. Well, although hindi naman ito yong first time na bigyan nya ako ng gift, but this one is more expensive than his usual gifts to me.

Pagkatapos namin magbayad sa counter, we decided to go home already since pagod na din naman kami kakaikot sa Mall kanina pa tsaka may mga dala din kaming iba pang gamit aside from the clothes that Tim bought for me, yes, the home decorations, at medyo mabigat sya. But the moment we stepped out of the clothing section, may bumangga sa'ming bata. Buti nalang nasalo agad namin sya ni Tim bago pa sya bumagsak sa floor.

"Sorry, sorry. Okay ka lang ba?" Tinanong agad sya ni Tim saka nya cheneck yong bata if may tama, at dahil mukhang tumatakbo din sya bago pa sya sa'min bumangga.

"Mommy.. Daddee.."

Nagtinginan kaming dalawa ni Tim and we're both concern kasi seems like nawawala yong bata, mukhang nahiwalay sya sa parents nya. Hindi namin alam kung anong gagawin namin ni Tim coz she keeps on crying.

"Poch, tulungan mo'ko dito. Anong gagawin na'tin?"

"I don't know, Tim. What if- what if dalhin natin sya sa police station? Pero mahirap na baka tayo pa pagkamalang kumidnap sa kanya."

"Grabe ka naman. Police station agad? Tulungan nalang kaya natin syang hanapin yong mga magulang nya."

"S-Sure. Sige. Pero sa tingin mo ba mahahanap natin sila? Ang laki tsaka ang lawak kaya ng Mall na'to."

"Edi humingi ng tulong. Ano ka ba, Poch? Hindi naman natin sya pwedeng iwan nalang basta."

Well, may point naman sya kaya hindi nalang ako kumibo.

After that, hinawakan ni Tim sa kamay yong bata saka sila pumunta sa side, nasa daanan kasi kami ng tao. Sumunod nalang din ako.

"Uum, alam mo ba kung san ka nakatira?" Tanong ni Tim sa kanya.

The little girl shakes her head no.

"Okay. Ganito nalang. Aah, how about yong name ng mom at dad mo, alam mo ba?"

Tumango yong bata. Finally, it's a relief na kahit papano alam nya kung sino yong parents nya.

"Kung ganon, can we get their names? Para mahanap na'tin sila agad."

"Are you really going to help me find my mommy and daddee? Are you not bad guys?" Tanong nya na huminto sa pag-iyak.

Nagtinginan kaming dalawa ni Tim saka kami ulit tumingin sa kanya.

"Oo naman, tutulungan ka namin na mahanap sila. Okay? Kaya wag ka ng umiyak. Tsaka, hindi naman kami mga bad guys." Explain ni Tim sa kanya para mabawasan yong takot nya at para narin tuluyan na syang huminto sa pag-iyak.

"Pwede ba namin malaman kung ano yong name mo?" Nagtanong ulit si Tim.

"Summer."

"Okay, Summer. Pwede din ba namin malaman yong name ng mommy mo?"

"Yoksi. Mommy Yoksi."

Saglit na natigilan si Tim.

"You mean Roxy?"

Tumango yong bata as a confirmation na yon talaga yong tamang pronunciation ng pangalan ng mommy nya.

Nagtinginan ulit kami ni Tim kasi same kaming familiar sa name. Although marami namang Roxy na name sa mundo kaya hindi na muna kami nag-react.

"Okay, Summer. Eh, yong pangalan ng daddy mo, alam mo din ba?"

"Hmmm.." Saglit na nag-isip yong bata. "Mommy always call him.. Aychie."

"ARCHIE?!" Tim was shocked. "You mean Archimedes Aguerro? Yon ba?"

"Yes, yes. That's my daddee. Bring me to daddee."

Parehas kaming na-shock ni Tim kaya nagtitinginan nalang kami sa isa't isa na para kaming nakakita ng multo.

"R-Roxy? At si Archie?" Hindi makapaniwala si Tim.

"Si Roxy at si Archie?" Kahit din naman ako hindi rin ako makapaniwala. Buong akala ko mortal na enemies yong dalawang yon since Senior High pa kami. Lagi ngang nag-aasaran yong dalawang yon eh. Although, alam ko naman na seems like interested si Archie kay Roxy but I never expected na magkaka-baby sila. Hindi lang basta baby, but she knows how to talk already. What?

"Si Roxy? May baby na si Roxy?" Hindi pa rin makapaniwala si Tim. "Ha? Pa'no... Kailan .."

"Tim," Tinapik ko sya sa likod to get his attention. "Tim, I guess parehas tayo ng iniisip. Baka nga si Roxy at Archie talaga yong parents nya. Si Archie, may phone number ako ni Archie, gusto mo ba tawagan ko sya?"

Ilalabas ko na sana yong phone ko pero pinigilan ako ni Tim.

"Ako na, Poch. Tatawagan ko si Roxy."

"Sige. Ikaw bahala."

Nagmadali si Tim na dukutin yong cellphone nya sa bulsa ng pants nya saka nya tinawagan yong number ni Roxy.

After a while, sinagot ni Roxy yong call.

"Hello? Roxy! Roxy, may baby ka na pala? I mean.. y-yong baby mo, Summer daw ang pangalan nya, kasama namin sya ni Poch. Natagpuan namin syang mag-isa kanina. Totoo ba, anak mo sya?"

"Hello? Roxy? Roxy, naririnig mo pa ba ako?"

..

..

..

Ang tanga-tanga naman o! Dahil sa sobrang nawili kami ni Archie sa pamimili ng dress na bagay kay Summer, ayan tuloy, hindi na namin napansin si Summer na umalis at nakalayo na pala sa'min. Na'san na ba kasi yong bata na'yon? Sobra na'kong nawo-worried kasi baka kung ano ng nangyari don. Ang liit-liit pa nya. Tsaka kanina pa kami paikot-ikot ni Archie para hanapin sya pero hindi pa din namin sya matagpuan.

"Na'san ka na ba kasiiii?" Kunti nalang iiyak na talaga ako.

"Just calm down, okay? Mahahanap din na'ten sya."

"CALM DOWN? Anong calm down? Pa'no ako magka-calm down ee nawawala na nga yong baby ko tapos sasabihin mo sa'kin na kumalma lang ako? Pa'no? Hindi mo ba nakikita? Sobrang nag-aalala na nga yong tao dito oh."

"I know! Okay? Nag-aalala din naman ako for her. Anak ko din si Summer. Akala mo ba ikaw lang?"

Hindi nalang ako kumibo kasi obvious din naman na worried sya. Tsaka, hindi ito yong tamang panahon para magtalo kami kasi may mas importanteng kailangan pagtuunan ng pansin.

"Na'san na ba kasi yon? Tsk. Naman oh."

Tatawagan ko na sana si Ate Ria para ipaalam sa kanya na nawawala si Summer, tsaka para humingi na din ng tulong. Sobra na akong natataranta sa sobrang pag-aalala sa baby ko. Pero bigla nalang pangalan ni Tim yong lumabas sa screen ng phone ko- tumatawag sya.

"Hello, Tim?"

Wala naman talaga akong planong sagutin yong call nya since may problema akong dapat unahin pero ginawa ko pa rin. Nagulat pa ako sa bungad nya kasi naman kung makapagsabi ng hello akala mo may emergency. Pero after kong marinig lahat ng sinabi nya, natamimi nalang ako bigla.

"Hello? Roxy? Roxy, naririnig mo pa ba ako?"

Ito na nga...
Ito na yong araw na ene-expect kong mangyari- na darating yong araw na matutuklasan din nila yong totoo. Actually, di na ako magugulat pa kung malaman man nila na ako ang mommy ni Summer. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko pwedeng itago nalang habang-buhay yong baby ko. Tsaka, ilang taon ko din namang itinago sa kanila ang katotohanan, pati yong pagbubuntis ko. Kaya ngayon, finished na. Hindi ko na mae-dedeny pa sa kanila. Tsaka nakahinga na ako ng maluwag knowing na sina Tim at Poch ang nakakita sa baby ko, I know na safe sya.

"Tim, hindi ito yong tamang panahon para magpaliwanag ako. Saka ko na sasabihin sayo ang lahat, pero sa ngayon, please pakibantayan na muna sya hanggang sa makarating kami dyan. Paki-text nalang kung saang banda kayo, pupuntahan namin kayo ni Archie."

"Okay, sige. I-tetext ko nalang sayo yong location." Sabi ni Tim sa kabilang line bago naputol yong tawag.

"What was that about?" Tanong ni Archie.

"Si Tim, tumawag. Kasama daw nilang dalawa ni Poch si Summer. Nakita daw nila kanina na mag-isa."

"Oh my God," Daig pang nabunutan ng tinik sa dibdib si Archie. "Wait, Tim and Poch? They know already?" 

Sa pagkakaalam ni Archie, wala akong sinabihang iba bukod sa kanya at ni Sky.

"Malamang. Anong tingin mo sa baby ko walang alam? Syempre kabisado non mga pangalan na'tin. Malay mo tinanong sya nong dalawa. Tsaka, importante pa ba yon sa'yo? Ang mahalaga sila ang nakakita kay Summer at hindi ibang tao."

"I was just asking anyway. So, ano pang hinihintay na'ten? Let's go!"

Nagulat ako ng bigla nalang akong hawakan ni Archie sa kamay saka nya ako hinila para sabay kaming maglakad. Trenatry kong kumawala sa kamay nya pero lalo pa nyang hinigpitan yong hawak nya. Kainis 'tong maligno na'to.

..

..

..

Pagkatapos kong makausap si Roxy, pinaupo ko sa hita ko si Summer. Sa totoo lang, masaya ako na malamang anak sya ni Roxy- ang babaeng minsan ko ng minahal pero hindi kami ang nagkatuluyan. At masaya din ako para sa kanilang dalawa ni Archie dahil nakabuo na sila ng pamilya. Naluluha tuloy ako.

"Wag ka na mag-alala, Summer. Nakausap ko na yong mommy mo. Papunta na sila dito ng daddy mo para sunduin ka."

Tumingala sya para tingnan ako sa mukha. Nginitian ko nalang sya, ganon din si Poch.

(TO BE CONTINUED)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro