Kabanata 17: Police Line. Do Not Cross.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

KABANATA 17—Police Line. Do Not Cross.


KUNG NAKAPAPATAY lang ang pagtitig ng masama, paniguradong kanina pa patay 'tong si Blue. Ngayong araw kasi ang nakatakdang araw para puntahan namin yung boyfriend ko. Pero ang mokong, ngayon pa tinamad!

"Blue naman, kung kailan isang tao na lang ang natitira saka ka pa ba tatamarin? Tumayo ka na kasi diyan!"

"'Wag ka ngang magulo, Creamy. Nanonood ako, e."

"Argh!"

"'Wag ka ring maingay, hindi ko na maintindihan."

"Puwede bang mamaya mo na lang panoorin 'yan?"

"Hindi puwede."

"Bakit naman hindi puwede?! Mas importante ba 'yan sa lakad natin?"

"Oo."

Kaunti na lang talaga maiiyak na ako. Kung kailan naman kasi malapit na naming matapos yung misyon saka naman siya nagkakaganyan. Parang sira lang, e. Muli ko siyang pinasadahan ng masamangtingin bago napabuntong-hininga.

Palabas na sana ako sa kuwarto niya nang bigla naman siyang magsalita.

"After lunch na tayo umalis, wala naman sigurong lakad yung boyfriend mo, e."

Unti-unti ko siyang nilingon habang naka-kunot ang noo. Iba kasi yung page-emphasize niya ng sabihan niya ang salitang 'boyfriend mo', parang may something bitterness na ewan. Pero paglingon ko, seryoso pa rin namang nakatuon ang atensyon niya sa pinapanood niya.

'Yan, naga-assume kasi agad, e.

Tuluyan na akong lumabas at sa 'di malamang dahilan, lumabas ako ng kuwarto niya na may kakaibang ngiti sa mga labi.


NANG MATAPOS kaming kumain ng lunch, nagpapasalamat naman ako at tinupad niya ang pangako niyang pupuntahan na namin si Red. Malapit na kami sa apartment kung saan nakatira ang boyfriend ko at hindi ko maipaliwanag ang halo-halong emosyong nararamdaman ko. Iba kasi talaga ang pakiramdam ko ngayon. Parang... may mali na ewan.

"Excited ka na bang makita 'yon?"

Napalingon agad ako kay Blue dahil sa malamig na tono ng pananalita niya.

"H-huh? S-sino naman?"

"Kawawa naman yung boyfriend mo, ang bilis mong kalimutan."

"Si Red?"

"Bakit? May iba ka pa bang boyfriend bukod sa kanya?"

"Ano?!"

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano dahil sa pakikitungo ng Asul na 'to ngayong araw, e. Akala ba niya hindi ko napapansin ang trato niya sa akin ngayon?

"Ikaw, anong problema mo?" tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay.

"B-bakit ka ganyan makatingin?" nauutal na tanong niya habang todo iwas ng tingin sa akin.

"Answering my question with another question, huh?"

"Wala naman kasi akong problema."

"Liar."

Itinuon ko na lang muli yung atensyon ko sa labas. Maganda ang panahon ngayon dahil hindi na masyadong mainit sa labas. Katamtaman na lang. Sa dami ng iniisip ko ngayon, pakiramdam ko mabibiyak na lang ng wala sa oras ang ulo ko.

"T-teka... bakit tayo humint—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansing naipit pala kami sa traffic. Nagtataka kong tinignan ang paligid dahil maluwag naman ang kalsada kanina. Bakit parang biglang nagkaroon ng traffic?

"Sa may Seventh Avenue pa tayo, 'di ba?" pagbasag ni Blue sa katahimikan at sa... awkwardness.

"Oo." matipid na sagot ko. Wala naman kasi akong ganang magsalita ngayon. Yeah, not the usual me pero ewan! Ang weird ko lang these past few days. Pati sarili ko kasi hindi ko na lubusang maintindihan.

"Um... tutal, mukhang medyo matagal pa bago tayo makausad... Puwede ka bang magkuwento?"

Tumingin ako sa gawi niya at hindi ko naman inaasahan na nakatingin na rin pala siya sa akin. Pa-simple ko ulit na hinawakan ang malakas na kabog ng dibdib ko. Hoy, tumigil ka nga! Mamaya marinig pa niya ang pagkabog mo, e.

"A-ano n-na namang iku-kuwento ko?"

"About him."

"Him? Sinon—"

"I'm talking to Red, your boyfriend."

"Ano namang gusto mong malaman tungkol sa kanya?"

"Kahit anong gusto mong sabihin. It's up to you."

"Sabihin mo na lang kung ano'ng gusto mong malaman at sasagutin ko na lang."

"Paano kayo nagkakilala?"

Napapikit ako sa una niyang tanong. First question pa lang nahihirapan na agad akong sumagot. Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? Tutal, wala naman atang masama kung malalaman niya. Isa pa, magkaibigan naman na kami.

Dahil sa isang tanong, nai-kuwento ko ang magulong buhay pag-ibig ko. Himala nga at wala akong komento o pang-aasar man lang na narinig sa kanya habang nagku-kuwento ako. Tahimik lang siyang nakikinig sa akin at patango-tango. Ilang segundo ang lumipas matapos kong i-kuwento ang sa amin ni Red nang magsalita na siya.

"Ang gwapo naman pala ng boyfriend mo. Dalawa pa kayo ni Peach ang nabihag niya."

Hindi ko alam kung sarcastic ba yung pagkakasabi niya o ano. Nang lingunin ko naman siya, parang nagpipigil siya ng tawa. Ano'ng nangyari sa isang 'to? Nababaliw na ba siya?

"Bakit ka natatawa?" kunot-noong tanong ko.

"Excited na kasi akong makita ang mukha ng boyfriend mo. Biruin mo, dalawang magaganda ang nag-agawan sa kanya."

"Ewan ko sa 'yo, puro ka kalokohan."

"Bakit... guwapo ba talaga 'yang boyfriend mo? Ano bang itsura niya? Mas guwapo ba siya sa akin?"

Tila hindi ako makasagot sa tanong ni Blue. Bigla kasing sumakit ang ulo ko at doon ko lang na-realize na... hindi ko maalala ang mukha ng boyfriend ko. Ang mukha ni Red.


"—I'M SORRY but I think this is the right thing to do right now. I'm not deserving for your love. I'm really sorry..."

"Oh my gosh!" wala sa wisyo kong sigaw.

"Creamy, what happened? Ayos ka lang ba? Gigisingin na sana kita, e."

"N-nakatulog ako?"

"Yeah. Halos kalahating oras din kasi tayong naipit sa traffic. Baka dahil sa sobrang pagod kaya ka nakatulog bigla."

Napahawak ako sa ulo kong walang anu-ano na namang sumakit. Anong klaseng panaginip naman 'yon?

"Nasaan na pala tayo?" tanong ko nang maka-ayos ako ng pag-upo.

"I think we're already here." sagot naman niya.

Ten storage building ang apartment na tinitirahan ni Red. Hindi ko na pinapunta pa sa information desk si Blue at dumiretso na agad kami sa fifth floor kung nasaan ang apartment ng boyfriend ko.

"Sige lang, mag-doorbell ka lang. Baka nakatulog lang 'yon." sabi ko.

"Baka naman kasi wala siya dito." halata na ang pagka-inis sa tono ng pananalita niya.

"Gusto mong pumasok?" alanganing tanong ko.

"No way! Mamaya makasuhan pa ako ng trespassing, 'no."

"Sisilip lang naman tayo to make sure na wala nga siya sa loob."

"Ayaw ko. Kung gusto mo ikaw na lang. Maghihintay na lang ako dito."

"Tsk. Okay."

Wala na akong sinayang pa na oras at dali-dali na akong tumagos sa pintuan niya. "Ouch!" reklamo ko nang bumangga ang buong katawan ko sa matigas na bagay.

"Creamy, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Bakit hindi ako nakatagos?" nagtatakang tanong ko naman.

"Tumayo ka nga muna diyan." sabi ni Blue habang inaalalayan ako sa pagtayo.

"Wait lang, ita-try ko ulit." sabi ko at muling sinubukang tumagos sa pintuan.

"Aray!" muli kong reklamo nang sa pangalawang pagkakataon, hindi na naman ako nakatagos. Ano na bang nangyayari sa akin?

"Tsk. 'Wag mo na ngang subukan kung hindi mo naman na kaya. Naghahanap ka lang ng sakit, e." panenermon pa niya sa akin.

"Wait—may isa pa akong alam na paraan para makapasok sa loob. Tumabi ka muna diyan." determinadong sabi ko sabay concentrate para makapag-teleport papunta sa may looban.

Ilang segundo lang ako nag-concentrate at sinubukan ko ng makapasok ulit. "O-ouch..."

"Alam mo kung gusto mo lang palang saktan ang sarili mo, sana sinabi mo na lang sa akin at ako na ang babatok sa 'yo ng paulit-ulit."

"Bakit pati teleportation power ko ayaw ng gumana?"

Hindi ko na talaga alam ang mga nangyayari sa akin. Hindi kaya may kinalaman 'to sa nalalapit ko ng pagbabalik sa katawan ko? Baka dahil doon, kaya unti-unti ng nawawala ang mga nagagawa ko bilang multo.

"Ano, uupo ka na lang ba? Halika na at tumayo ka na diyan." sabi niya sabay abot ng kamay ko.

"I've never imagine myself entering into someone's apartment in my entire life." rinig kong bulong niya. "Alam mo ba kung ano'ng passcode nito?"

"Birthday niya." matipid na sagot ko.

"Great. Baka alam ko kung kailan ang birthday niya."

"041997."

"Mali."

"Talaga?"

"Hindi, nagbibiro lang ako."

"Tsk. Then try my birthday instead."

"Huhulaan—"

"120899."

Nang ma-enter na niya yung passcode, unti-unti ng bumukas yung pintuan ng apartment. Sabay na kami ni Blue na pumasok sa loob at laking gulat namin nang ang bumungad sa amin ay...

POLICE LINE. DO NOT CROSS.

Siguro pareho kaming nagulat ni Blue dahil hindi kami agad nakapag-react at nang magre-react na sana ako, bigla namang humangin ng malakas at may pamilyar na boses akong narinig.

"Hi, my dear Creamy. Kumusta na?"

Napatingin agad ako sa likuran ko kung saan nanggaling ang pamilyar na boses na 'yon. At hindi nga ako nagkakamali nang makita kong nakatayo malapit sa pintuan si Goddess M.

"C-Creamy... s-sino 'yan?" halata ang pagkabigla sa boses ni Blue. Nauutal-utal kasi siya.

"Kailangan mo munang sumama sa akin saglit, Creamy."

"Saan naman tayo pup—"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya kong hinila at muli ko na namang nakasalamuha ang kakaibang liwanag na 'yon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro