Kabanata 16: Red Bracelet

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

KABANATA 16—Red Bracelet


EVERY TIME na may problema ako sa bahay at wala na talaga akong mapaglabasan ng sama ng loob na kinikimkim ko. Hindi na talaga ako nagda-dalawang-isip pa na pumunta sa resort ng tita Maris ko. Kahit medyo malayo 'to mula sa Manila, wala akong pakialam. Alam ko naman kasing magiging worth it ang biyahe ko kapag nakita at nakausap ko na si tita Maris.Noon kasi, siya lang ang sa tingin ko ang lubusang nakakaunawa sa akin. Lubusang nakakaintindi sa mga nararamdaman ko.

Matapos mag-check in ni Blue, wala na kaming sinayang pa na oras at nagpunta na kami sa opisina ni tita Maris. Habang si Orange naman ay nauna na sa kuwarto namin at si Enzo, maglalakad-lakad daw muna.

"Good afternoon po, Miss Sy. I'm Blue Gonzales po, Creamy's friend."

"O, hijo! Ikaw pala yung kinu-kuwento nila ate sa akin. Call me tita Maris na lang, tutal kaibigan ka naman ng pamangkin ko."

"Ah, sige po."

"Siguro po alam niyo na kung bakit po ako nandito? Gusto po kasi kayong makausap ni Creamy."

"'Yon nga. Dumalaw ako sa ospital kahapon at nai-kuwento nga nila ate sa akin na may lalaki raw na nakakakita at nakakausap sa kaluluwa ng pamangkin ko. Um... ngayon, kasama ba natin siya?"

"Opo. Katabi ko po siya ngayon."

"Hi, tita Maris!" kahit alam kong malabo niya kong makita, kumaway pa rin ako at nag-hi sa kanya. Natutuwa ako na nagkita ulit kami ni tita matapos ang ilang linggo.


KAMI NGAYON ni Orange ang magkasama dito sa cabin na ni-rentahan ni Blue malapit sa dagat. May kakausapin lang daw kasi siya saglit. Habang itong si Enzo naman, kanina ko pa hindi nakikita. Nang matapos kasi ang pag-uusap ni Blue at tita Maris kanina na halos abutin ng isang oras ay agad ko ring hinanap si Enzo pero hindi ko naman siya makita. Kung saan-saan din kasi nagsusuot ang multong 'yon, e.

"—isa pa bestie, may nanliligaw na pala sa akin. Kilala mo si Brown Terrence? Yung captain ng swimming team natin sa school? Kyaaaaah! Siya lang naman yung nanliligaw sa akin! My ghad, every time na naaalala ko yung unang araw ng panliligaw niya kinikilig pa rin ako!"

Napatingin ako sa kanina pa nagsasalita na si Orange. Kung may nakakakita nga lang sa kanya, paniguradong mapagkakamalan siyang baliw o siraulo.

"Creamy!"

Sa may pintuan naman ako napatingin nang biglang sumulpot ang pawisan at hingal na hingal na si Blue.

"O, Blue, ano'ng nangyari sa 'yo?" nagtatakang tanong ni Orange.

"Kaya nga. Bakit ka hingal na hingal? Saan ka galing?" tanong ko rin.

"Creamy, may problema."

"Problema? Anong problema?"

Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil sa tono ng pananalita niya pati na sa kanyang ekspresyon. Ang lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko.

"Tumawag kasi yung secretary ko. Nagkaroon daw ng kaunting problema para sa ginawa nilang presentation para sa bagong product na ilalabas namin. Kaya naman I have no choice kundi ang bumalik sa Manila para ayusin ang problemang 'yon."

Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ko na yung sinasabi niyang problema. Akala ko naman kung ano na, e.

"Ayos lang naman sa akin. Isa pa, nakausap na rin naman natin si tita Maris kaya ayos na 'yon."

"Sige. Um... ikaw Orange? Sasabay ka na rin ba sa amin ni Creamy?"

"Kararating pa lang natin tapos aalis na agad tayo? Ang KJ niyo naman! Hindi pa nga ako nakakapag-swimming, e."

"So... dito ka lang muna?"

"Gano'n na nga. Magpapasundo na lang ako kay Brown."

"Sigurado ka?"

Nauna na kong lumabas sa cabin dahil mukhang magkakaroon pa yung dalawang 'yon ng heart-to-heart talk. Tsk. Nagmamadali raw siya pero nagawa pang makipag-chikahan.

Hindi ko na siya hinintay pang lumabas at nagsimula na akong maglakad papunta sa may parking lot. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang hindi maisip na ilang araw na lang ang natitira sa akin. Alam kong dapat matuwa ako dahil kung saka-sakali may chance na akong makabalik sa katawan ko. Pero hindi ko alam kung bakit parang may kung anong kirot sa puso ko. Siguro dahil... unti-unti na kong nahuhulog sa kanya.

"Argh! No, creamy! Nababaliw ka na. Hindi puwede mangyari ang bagay na iniisip mo."

"Ay, palak—!" gulat na sigaw ko nang may bigla na lang may lumitaw na red bracelet sa kaliwang kamay ko. Kasabay niyon ang paglabas ng red string. "A-anong ibig sabihin nito?"

"Creamy, ayos ka lan—"

"Ay, palaka!" muling gulat na sigaw ko nang may kamay naman na humawak sa balikat ko. "Blue naman, bakit ka nanggugulat?"

"Kanina pa kita hinahanap. Okay ka lang ba? Bakit parang nakakita ka naman diyan ng multo?"

Hindi ko siya pinansin at muling tiningnan ang kaliwang kamay ko at laking gulat ko na lang nang wala na yung red bracelet na sumulpot kani-kanilang.

"May nakita ka bang red bracelet sa kaliwang kamay ko kanina?" kinakabahang tanong ko kay Blue.

"Red bracelet? Wala naman. Bakit?"

"A-ah... wala, wala. Baka namamalikmata lang ako."

"So, ano? Tara na?"

"Tara."


HATING GABI na pero wala pa rin si Blue. Nandito ako ngayon malapit sa may bintana at malayang pinagmamasdan ang mga bituin. Habang nakatingin ako sa isa sa napakaraming kumikislap na mga bituin, naisip ko na naman si Goddess Sol at Enzo. Hindi ko kasi talaga ma-gets kung bakit ako ang naging dahilan kung bakit napunta si Enzo sa sitwasyon niya. Saka kung kilalang-kilala ko siya... bakit hindi ko naman siya matandaan?

"Creamy, g-gising ka pa rin hanggang ngayon?"

Napatingin ako sa may pintuan at nakatayo si Blue doon. Halata sa itsura niya na sobrang pagod siya ngayon.

"Bakit ngayon ka lang?" wala sa wisyo kong tanong.

"Teka—don't tell me, hinihintay mo na naman ang pagdating ko?" pang-aasar niya habang naglalakad papunta sa gawi ko.

"Wala ako sa mood para makipagbiruan sa 'yo kaya tigilan mo ko, ah." seryosong sabi ko sabay irap.

Narinig ko pa siyang nag-'tsk' bago dumiretso sa refrigerator. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan habang kumukuha ng dalawang bote ng beer.

"Mag-iinom ka?" nagtatakang tanong ko. Kung nagkataon, unang beses ko pa lang siyang makikitang mag-inom.

"Hindi." halata ang pagka-sarkastiko sa boses niya kaya hindi ko na lang siya pinansin. "Malamang iinom ako. Ikaw talaga, Creamy, mga tanungan mo rin, e."

"Mind to join me?" tanong niya nang umupo siya sa harapan ko. "Malungkot kasing uminom mag-isa, e. Nakaka-senti."

"Sure—I mean, matagal na rin kasi no'ng huli akong uminom."

"So... bakit gising ka pa? Hindi mo talaga ako hinihintay?"

Muli ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa tanong niya. "Umaasa ka talagang hinihintay ko ang pagdating mo?"

"Medyo." seryosong sagot niya.

Hindi ako sanay na seryoso siya kaya hindi na ako magtataka pa kung nararamdaman ko na naman ang kakaibang pakiramdam na ito. Pa-simple kong hinawakan ang dibdib ko na kasalukuyang malakas ang pagkabog nito.

"Baliw ka talaga." sabi ko na lang sabay iwas sa nakakalunod niyang pagtitig. "Marami lang kasi akong iniisip ngayon kaya hindi ako makatulog."

"Tulad ng?"

"Tulad ng... dalawang araw na lang at maaari na akong makabalik sa katawan ko."

"O bakit parang hindi ka naman excited?"

"Kinakabahan kasi ako, Blue. Baka kasi... hindi ko pala nagawa ng maayos yung misyon ko. Baka hindi na ako makabalik pang muli. Natatakot ako."

"Wala kang dapat ikatakot. Naniniwala akong muli kang makakabalik sa katawan mo."

"Paano kung hindi?"

"Creamy... ano bang pinagsasabi mo? May nangyari ba para masabi mong hindi ka makakabalik sa katawan mo?"

Hindi ko siya agad nasagot. Hindi na kasi yung misyon ko ang iniisip ko, e. Kundi yung sinabi sa akin ni Goddess Sol. Halos kalahati kasi ng puso ko sinasabing kailangan kong mag-sakripisyo. Hindi ko naman alam kung bakit.

"Blue, puwede ba magtanong?"

"Oo ang sagot ko kung aayain mo kong maging boyfriend mo."

"Blue!"

"Biro lang. Tungkol saan ba yung tanong mo?"

"Um... m-minsan... minsan ka na bang nagsakripisyo?"

"Nagsakripisyo? What do you mean? Paanong sakripisyo?"

"Yung tipong kahit hindi mo naman lubusang kakilala yung isang tao, may parte sa 'yo na handa mong isakripisyo ang sarili mong buhay para sa taong iyon."

"Ang hirap naman ng tanong mo. Puwedeng mag-pass?"

"Blue naman. Hindi na ba talaga kita makakausap ng seryoso?"

"Pinapagaan ko lang naman yung atmosphere. Masyado ka kasing seryoso, hindi ako sanay."

"At masyado ka namang makulit. Mas lalong hindi ako sanay."

"Pasenya naman na." natatawang sabi siya sabay tingin ng seryoso sa akin. "Sige, magse-seryoso na nga ako. Tungkol sa tanong mo... hmm? Depende ang sagot ko. Depende sa sitwasyon, I mean. Kasi kung kailangan talaga nung taong 'yon ng tulong ko, bakit naman hindi, 'di ba? Pero syempre, kailangan mo pa ring isipin ang sarili mo. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong magsakripisyo para sa iba, e."

"Pero... paano nga kung lubusan talagang kailangan nung taong 'yon ang tulong ko?"

"E di, tulungan mo siya."

Lalo lang gumulo ang isipan ko dahil kay Blue. Parang hindi naman siya nakatulong sa akin, e.

"Teka—sino ba yung taong kailangan mong pag-sakripisyo-han? Ikaw lang ba talaga yung maaaring makatulong sa kanya?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro