Kabanata 26: The Disappearance

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

KABANATA 26—The Disappearance


DITO NA ako sa may rooftop ng DVMC nagpalipas ng gabi. Ayaw ko na kasing bumalik pa sa unit ni Blue dahil baka sa huling sandali ay mag-iba na naman ang desisyon ko.

Pasado alas siyete ng umaga nang maisapan kong puntahan si Red sa apartment niya. Sa sitwasyon ko kasi ngayon, siya na lang ang natatanging makakatulong sa akin para sa binabalak ko mamaya.

"Red?" pagtawag ko sa pangalan niya, matapos kong tumagos sa pinto. "Uy, Red, yuhoo! Nandito ka ba?"

Tahimik ang buong paligid. Walang ni isang ingay akong naririnig. Saan naman kaya nagpunta ang isang 'yon sa gan'tong oras?

Paalis na sana ako nang may tunog ng pagbukas ng pinto akong narinig. Paglingon ko sa likuran ko, tumambad sa akin ang bagong gising na Red.

"Creamy?!" gulat na gulat na sabi ni Red nang mapansin niya ako. "Ikaw ba 'yan?" tanong niya nang makalapit sa akin at mayakap ako. "Saan ka ba nanggaling kagabi? Alalang-alala kaming lahat sa 'yo buong gabi, alam mo ba 'yon?"

"Paano—"

"Right after you disappeared in front of him, agad niya kong tinawagan kung kasama ba kita."

"You mean magkasama kayo ni Blue kagabi?"

"Sa paghahanap sa 'yo? Yes."

"Sorry..."

"Bakit ba kasi hindi mo man lang pinakainggan yung paliwang nung tao?"

"Red, hindi ako nagpunta para diyan. So, please lang, ayaw ko munang pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yan."

"O, anong pinunta mo rito?"

"I need your help."

"And what kind of help is that?"

"May ipapasabi lang sana ako para kay Blue."

"At bakit hindi ikaw ang magsabi?"

"Hindi puwede."

"At bakit hindi—"

"Puwede bang 'wag ka ng maraming tanong!" sigaw ko dahil sa sobrang inis. "Okay, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sigawan ka. Ang kulit mo kasi, e."

"Creamy, may nangyari ba? Okay ka lang ba?"

"Red... please. Wala akong panahon na mag-explain pa sa 'yo. Basta, nakikiusap lang ako na kung puwede sabihin mo kay Blue na gusto kong makipagkita sa kanya sa rooftop ng ospital niyo mamayang 7PM." panimula ko. "Isa pa, gusto ko ring itipon mo ang pamilya ko sa gano'n ding oras sa kuwarto kung nasaan ang katawan ko. Dapat kumpleto sila, okay? Isama mo na rin si Orange pati ikaw."

"Creamy, sigurado ka bang ayos ka lang?"

"Umaasa akong magagawa mo yung pakiusap ko, Red. Sige na, kailangan ko ng umalis. Kitakits na lang mamaya. Bye."

"Sandali lang—"

Hindi ko na narinig pa ang pahabol na sabi ni Red dahil dali-dali na kong nag-teleport paalis.


"BAKIT PARANG hindi ka naman masaya na mayamaya lang ay makakabalik ka na sa katawan mo?" pagsasalita ni Goddess M sa tabi ko.

Habang hinihintay ko kasi ang pagpatak ng alas siyete ng gabi ay nakipag-usap muna ako kay Goddess M.

"Masaya ako, Goddess M." pagkumbinsin ko sa kanya.

"Iba ang sinasabi ng mga mata mo, Creamy." napatingin ako sa kanya nang bitawan niya ang mga salitang iyon.

"Ano bang sinasabi ng mga mata ko?" nagtataka kong tanong.

"Isa lang naman ang gustong sabihin ng mga mata mo, e. At 'yon ay ang gusto mo pa siyang makasama ng matagal."

"Pero hindi na puwede dahil nakapag-desisyon na ako."

"May oras ka pa naman para baguhin ito."

"Hindi na rin, Goddess M. Sa mahigit isang buwan kasi na pagiging kaluluwa ko, mas nanaig sa puso ko ang pagmamahal para sa pamilya ko. Dahil do'n, mas nanaig ang kagustuhan kong makasama pa sila nang mas matagal."

"I'm happy that you already learned your lesson, Creamy. I'm so proud of you. Isa pa, masaya rin ako na mas pinapahalagahan mo na ang pamilya mo sa iba."

"At hindi ko magagawa 'yon kung hindi dahil sa 'yo, Goddess M. Thank you sa pagtuturo sa akin ng mga bagay na 'yon."

Pagkatapos kong sabihin 'yon, binigyan ko siya agad ng isang mahigpit na yakap na siyang ikinagulat niya dahil naramdaman ko ang biglaan niyang paninigas. At mas lalo ko pa itong hinigpitan nang niyakap na rin niya ako pabalik.

"Mami-miss kita, Creamy."

Dahil sa sinabi niya, dali-dali akong kumalas mula sa pagyayakapan namin. "A-anong ibig mong sabihin, Goddess M? Hindi na rin ba kita makikita? Makakausap?"

"Creamy, tapos na ang misyon ko sa 'yo. Sa oras na magising ka na, pati ako ay makakalimutan mo na rin."

"Goddess M..."

"Sige na, umalis ka na. Mukhang ngayon na ang oras."

Pagkasabi niya niyon, bigla na lang akong kusang naglaho at natagpuan ko na lang ang sarili ko sa rooftop ng DVMC habang nakatingin sa likuran ng lalaking mami-miss ko rin ng lubusan.


"CREAMY, MASYADO mo naman akong pinag-alala. Saan ka ba nagpunta at bigla ka na lang nawala? Saan ka natulog? Ayos ka lang ba? Bakit ganyan ang itsura mo? May problema ba? May masakit ba sa 'yo? May nararamdaman ka ba? Ano, Creamy? Magsalita ka naman diyan."

Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa sunod-sunod na tanong niya sa akin. Blue, 'wag mo naman akong pahirapan ng gan'to sa huling pagkakataon.

"U-Uy, Creamy. Bakit ka umiiyak? May masakit ba talaga—"

Bago pa niya matapos ang pagsasalita niya ay agad ko na itong pinutol sa pamamagitan ng paghalik sa labi niya. At bago pa siya tumugon sa halik na ginawa ko ay pinutol ko rin ito agad.

"Creamy—"

"Shh, Blue..." sabi ko habang nilagay ko ang aking hintuturo sa labi niya upang pigilan siyang magsalita. "Puwede bang makinig ka muna sa mga sasabihin ko sa 'yo?"

Nang bigyan niya ko ng isang tango bilang tugon, huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita. "Blue, una sa lahat, salamat. Salamat sa lahat, lahat. Salamat dahil pumayag kang tulungan ako sa misyon ko. At dahil sa 'yo kaya napagtagumapayan ko 'yon. Salamat dahil isa ka rin sa mga nagbigay sa akin ng dahilan para muling mabuhay uli. Salamat dahil hindi ako makakabalik sa katawan ko kundi dahil sa 'yo. Salamat dahil kahit papaano, pinaramdam mo sa akin na puwede pa rin naman akong mahalin."

"Creamy, bakit ba ganyan ka magsalita?"

"Blue, oras na kasi, e."

"Oras na? Anong oras na?"

"Oras na para bumalik na ako sa katawan ko."

"Totoo?!"

Tumango ako at binigyan siya ng isang matipid na ngiti. Ngiti na may halong kalungkutan.

"O, bakit parang hindi ka naman ata masaya?"

"Blue kasi..."

"Kasi ano?"

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang dahilan kung bakit hindi ko magawang maging masaya sa pagbabalik ko sa katawan ko. Hindi pa kasi ako handa sa magiging reaksyon niya. Natatakot pa rin ako.

"Creamy, nagpapaalam ka na ba sa akin?" nilingon ko siya ng marinig ang garalgal na boses niya.

"Blue, hindi naman sa gano'n—"

"Bakit ba, Creamy? Kapag ba nagising ka na... hindi mo na ako papansinin? Kakalimutan mo na ba ako? E, yung relasyon natin? Paano na 'yon? Babalewalain mo na lang ba 'yon? Creamy, sumagot ka!"

"I'm sorry, Blue."

Tumayo na ako para sana puntahan na ang mga mahal ko sa buhay na naghihintay sa akin nang makaramdam ako ng panghihina. "A-Aray..." reklamo ko.

"Creamy, teka lang—" napatigil si Blue nang hindi na niya ko mahawakan. "Creamy, anong nangyayari sa 'yo? B-Bakit hindi na kita mahawakan at... at bakit unti-unti kang nawawala?"

Nang sabihin niya 'yon, dali-dali akong napatingin sa sarili ko. At napagtanto ko nga na unti-unti ng nawawala ang mga kamay at paa ko. Siguro, ito na nga ang oras...

"Salamat ulit Blue at..." naramdaman kong sa huling pagkakataon ay may pumatak na naman na luha sa mga mata ko. "...paalam na." huling sabi ko dahil naramdaman ko na rin ang unti-unting paglaho ng buong katawan ko.

"Creaaaaaaaaaamy!" rinig kong huling sigaw niya.

At bago ako tuluyang maglaho ay ibinigay ko na kay Blue ang isang bagay na puwede kong maiwan sa kanya: ang aking totoo at matamis na... ngiti.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro