Kabanata 27: Who Is Blue?

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

KABANATA 27—Who Is Blue?


"ANAK, SALAMAT naman at lumaban ka. Salamat sa Diyos at pinakinggan Niya ang mga dasal ko." bungad sa akin ni mama nang makapasok siya sa kuwarto ko matapos akong i-check nung doktor ko.

"M-Ma... saglit lang po. Hindi po ako makahinga." nahihirapang sabi ko habang yakap-yakap ako ng mahigpit ni mama.

"Oh, I'm sorry. Na-miss lang talaga kita." sabi niya at kita ko nga sa mga mata niya na masaya talaga siya.

"N-Na...miss niyo po ako?" hindi ko makapaniwalang tanong. Tama ba yung narinig ko? Na-miss niya talaga ako? "H-Hindi ka na po ba galit sa akin?" kinakabahang tanong ko.

"Bakit naman ako magagalit sa 'yo?" naka-ngiting tanong ni mama. "'Di ba, nag-sorry ka na sa akin? Kaya ano pa ang dahilan para magalit ako sa 'yo?"

Dahil sa huli niyang sinabi, napakunot ako ng aking noo. Nag-sorry na ako sa kanya? Kailan? Paano?Itatanong ko na sana yung mga nasa isip ko nang bigla na namang bumukas ang pintuan at iniluwa na nito sina ate Peach, Orange, at... si Red. Bigla tuloy akong na-guilty nang maalala ko ang itsura niya nung araw na nakipaghiwalay ako sa kanya.

"Creamy! My little sister!" halos mangiyak-ngiyak na sigaw ni ate sabay takbo palapit sa akin. "Akala ko isang taon pa bago ka gumising, e! Pinakaba mo ko—kaming lahat." dugtong pa niya sabay yakap din sa akin ng mahigpit.

"A-Ate Peach?" tawag ko sa kanya.

"Hmm?" tugon niya.

"H-Hindi ka na rin galit sa akin?" kinakabahan na tanong ko ulit.

"Huh? What do you mean?"

"'Di ba—"

"Um... Babe, mukhang kailangan pa atang magpahinga nitong si Creamy kaya bukas na lang natin siya kausapin." mahinahong sabi ni Red kay ate Peach.

"Babe?!" gulat na tanong ko. "T-Tinawag mong 'babe' si ate Peach? OMG! So, you mean... kayo na ulit?!"

Kita ko ang pamumula ni ate Peach kaya mukhang alam ko na ang sagot sa tanong ko.

"At salamat sa 'yo, sis." nakangiting sabi ni ate.

"No, ate. Hindi mo kailangang magpasalamat sa akin dahil alam kong ako pa rin ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay. Kaya sobrang saya ko na nagkabalikan na rin kayo sa waka. I'm so happy to the both of you!" masayang sabi ko.

"Grabe! Hindi mo man lang ba ako papansinin?" sabay-sabay kaming napatingin kay Orange nang magsalita siya.

"OMG! My best friend forever!" sigaw ko sa kanya at lumapit naman siya para yakapin ako. "Na-miss kita! Super!" dugtong ko pa.

"Na-miss din kita, 'kala mo ikaw lang." masayang sabi ni Orange.

"O siya, maiwan ko muna kayong apat dito, ah. Peach and Red take in charge kay Creamy, okay?" pagsasalita ni mama.

"Saan ka pupunta, 'ma? At si papa nga pala, nasaan? Galit pa rin ba siya sa akin hanggang ngayon?" malungkot na tanong ko.

"Do'n nga ko pupunta sa papa mo. Nasa opisina kasi siya ng doktor mo at may pinag-uusapan lang sila tungkol sa sunod na gagawin sa 'yo." sagot ni mama. "At Creamy, napatawad ka na rin ng papa mo... matagal na. Kaya wala ka ng dapat na ipag-alala pa."

Awtomatiko akong napangiti dahil sa huling sinabi ni mama.

"Sige na, mauna na ako—" napatigil si mama nang buksan niya ang pinto dahil sa isang lalaking nakatayo roon. Medyo nakatago siya kaya hindi ko maaninag ang itsura niya. "O, Blue hijo, nandito ka na rin pala." rinig kong sabi ni mama do'n sa lalaki. Blue?

"Creamy, anak, nandito na pala ang kaibigan mo. Sige hijo, pasok ka lang."

"Um... Peach, Orange, I think we should give them an alone time. Labas muna tayo, tara." biglang sabi ni Red paglabas ni mama.

"U-Uy, t-teka lang! Bakit niyo ko iiwan? Saan kayo pupunta—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis pa sila sa alas kwatro na nawala.

Paglabas nila, sa 'di malamang dahilan, bigla na lang akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Pabilis pa ito ng pabilis dahil hindi pa rin lubusang pumapasok yung lalaki na nasa pintuan pa rin hanggang ngayon.

"C-Creamy..."

Nang marinig ko ang boses niya, pansamantalang tumigil sa pag-pintig ang puso ko. Bakit gan'to na lang ang epekto ng boses niya sa akin?

At nang tuluyan na siyang pumasok, muli na namang bumalik sa malakas na pag-pintig ang abnormal ko na atang puso. Kilala ko ba siya? He looks familiar to me pero... hindi ko siya matandaan.Napahawak na ako sa puso kong mas dumoble ang pag-pintig dahil sa kakaibang pagtitig na ginagawa nitong lalaking nasa harapan ko sa akin. Hindi ako magaling makipag-eye contact pero hindi ko maintindihan ang sarili kong mga mata kung bakit nakatitig lang din sila sa mga mata nitong lalaki na 'to. At napansin ko na parang kakagaling lang niya sa isang matinding pag-iyak. Medyo mugto kasi ang kanyang mga mata.

Magha-hi pa lang sana ako dahil naa-awkward'an na ko sa atmosphere na bumabalot sa amin nang magulat ako sa mabilisan niyang paglapit sa akin sabay yakap ng mahigpit. Hindi agad ako nakapag-react dahil sa bilis ng pangyayari.

"Creamy, akala ko tuluyan mo na kong iiwan." At nang sabihin niya 'yon ay saka lang ako nabalik sa wisyo. Kaya naman wala na kong pag-aalinlangan na itulak siya palayo.

"Bastos ka! Sino ka para basta-basta na lang akong yakapin, huh?" malakas na sigaw ko. Oo, guwapo siya. Pero hindi 'yon sapat na dahilan para yakapin na lang niya ko basta-basta.

"C-Creamy..."

"Sino ka ba, huh? Kilala ba kita? Close ba tayo?" sunod-sunod na tanong ko.

"Hindi mo ba ako naalala? Ako si Blue. Blue Gonzales."

Sa pagbanggit niya ng pangalang Blue Gonzales ay bigla akong nakaramdam ng pagsakit sa ulo. Saan ko ba narinig ang pangalang 'yon?


ISANG LINGGO na ang nakakalipas simula nang ibalik na nila ako rito sa private room ko sa DVMC. Nang araw kasi na magising ako, kinabukasan, ay inilipat agad nila ako sa ibang kuwarto para raw sa observation pa na kailangan nilang gawin sa akin. Ayos naman na ang lagay ko at sabi ng doktor, puwede na raw ako makalabas ng ospital bukas.

Ayos lang din naman ang pamamalagi ko rito sa ospital pwera lang sa part na palaging pagpunta nung makulit na lalaki na Blue raw ang pangalan at kinukulit ako. Simula kasi nung araw na bigla na lang niya kong niyakap, naging uncomfortable na ako sa kanya. Ni hindi ko na nga siya pinapansin tuwing bumibisita siya. Pero ang lolo niyo, mukhang determinado talaga na magpapansin. Wala kasing araw na hindi siya nagku-kuwento sa akin tungkol sa kung anu-anong bagay na weird. Kahit pinaparamdam ko naman sa kanya na hindi ako interesado at ayaw kong makinig, wala pa rin siyang pakialam at patuloy pa rin siya sa pagku-kuwento. Katulad kahapon, out of the blue, bigla na naman siyang nag-kuwento tungkol sa isang kaluluwang nakasama niya raw. Hindi ako mahilig sa mga multo dahil matatakutin ako kaya hindi ko siya pinansin at nakinig na lang ako ng mga kanta ni Ed Sheeran.

Isa pa palang kinaiinisan ko ang pagpupumilit nila Red at Orange na magkakilala talaga kami ni Blue. Tuwing dadalaw ang isa sa kanila sa akin ay 'yon lang parati ang pinagtatalunan namin. Push kasi sila ng push na kilalanin ko pa ng mabuti si Blue. Tapos may kung anu-ano pa palang mga pangyayari silang ikinukuwento sa akin na hindi ko naman matandaan. Wala naman daw naging problema sa memorya ko sabi ng doktor kaya nakakapagtaka na hindi ko matandaan yung mga pinagsasabi nila kahit medyo pamilyar naman sa akin ang mga 'yon. Katulad na lang nung ikinuwento nila sa akin na pagpunta raw namin sa resort nila tita Maris. May kakaibang pakiramdam ako na pumunta nga kaming tatlo ro'n pero kahit anong gawin ko, wala naman akong maalala.

Pino-problema ko rin pala yung mga kakaibang panaginip ko these past few days. Hindi ito malinaw dahil blurred lahat ng nasa paligid ko kaya paggising ko, hindi ko naman na maalala. Tapos may times pa na bigla na lang sasakit ang ulo ko at may lalabas na mga senaryo sa isipan ko. Pero katulad ng mga napapanaginipan ko ay blurred din ang mga ito.

Napatigil ako mula sa malalim na pag-iisip nang may biglang kumatok sa pintuan ko. Umayos muna ako ng upo mula sa pagkakahiga. Tinignan ko ang oras sa wall clock at napairap na lang ako. Mukhang nandito na naman siya. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinabing, "pasok."

"Ano naman kayang ikukuwneto mo—"

Napatigil ako nang hindi si Blue ang tumambad sa akin pagbukas ng pinto.

"O, little sis, are you expecting someone? Did I disappoint you?" mapanuksong tanong ni ate Peach sa akin.

"No, ate." sagot ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Don't worry, nandito lang ako para sabihin sa 'yo na nag-text sa akin si Blue." nakangiting sabi niya. "May meeting daw siya ngayon kaya baka mga seven o'clock ka na raw niya mabisita."

Hindi ko alam pero pagkatapos sabihin 'yon ni ate ay may kung anong kumislot sa puso ko. Bakit ba ganito ang epekto mo sa akin Blue? Sino ka ba talaga kasi sa buhay ko? 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro