Chapter 12: The Girl of his Dreams

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

⚠️WARNING⚠️

This chapter contains disturbing scenes that might be uncomfortable for some. Please feel free to skip this part if you feel like it's not for you.

"I REALLY think we should go to Rizal's house. That's the most well-known historical place here in Laguna."

"Timang ka ba? Eh malinaw na nakasulat dito sa bucket list ng lola mo na hindi basta-basta historical place lang ang tinutukoy niya."

Napakamot na lang sa kanyang ulo si Ian. Nagsisimula na naman siyang mairita sa kakulitan ni Venus. Katunayan nga'y kanina pa sila nagtatalo ukol sa pangalawang bagay na nakatala sa bucket list ng kanyang lola. Inabot na lang sila ng pagkagat ng dilim ay hindi pa rin nila mawari kung saan sila pupunta.

Ilang oras na ang nakalipas mula nang matapos ang huling misa para sa araw na iyon. Oo, napilit din siya ng dalaga na dumalo ng misa. At hindi na naman niya alam kung paano siya nito nahikayat. Is he under some kind of sorcery or something? Hindi niya rin alam.

"Ito ha? Basasahin ko ulit." Tinapik pa siya sa braso ng dalaga nang pansin siguro nito'y wala na rito ang atensyon niya. "Makasaysayang lugar, ating bisitahin. Ngunit sandali lamang, hindi ito madaling hanapin."

Tumaas ang kilay niya. "And so? Rizal's house is the obvious answer."

Nakita niya kung paano gumuhit ng tuwid na linya ang labi ng dalaga, dahil siguro tulad niya'y nauubusan na rin ito ng pasensya. Ginulo-gulo pa nito ang sariling buhok kaya naman hindi na niya napigilan na matawa.

"Pambihira! Nakukuha mo pa talagang tumawa? Ilang oras na tayo rito oh! Gutom na 'ko!" Halos manlisik na ang tingin nito sa kanya pero ipinagpatuloy pa rin niya ang pagtawa.

Eh kung bakit ba naman kasi hindi na lang ito sumang-ayon sa mungkahi niya? 'Di yata't totoo naman ang sinasabi niyang ang bahay ng pambansang bayani na si Jose Rizal ang tinutukoy ng kanyang lola. Kaya bakit kailangan pa nilang pahirapan ang mga sarili?

"We can continue this argument tomorrow," aniya sabay hawak sa kamay ng dalaga. "For now, we need to figure out where to eat and sleep."

Tila nanibago siya nang hindi na ito umapela pa sa kanya. Sa halip ay ito na nga mismo ang humila sa kanya papunta sa sakayan ng jeep, dahilan para matigilan siya. Nilingon siya ni Venus na puno ng pagtataka ang mukha.

"There's no way I'm riding another jeepney," protesta niya. Mabilis niyang binawi ang kamay sa dalaga at saka humalukipkip. Matapos ng nangyari kahapon, ipinangako niya sa sariling hindi na muling sasakay pa ng jeep.

Paano't sa pinakaloob siya napapuwesto kagabi kaya naman ang sistema, halos lahat ng pasahero'y siya ang nagsilbing taga-abot ng bayad ng mga ito. Ang dapat sana'y relaxing na pagsakay sa sasakyan na iyo'y naging bangungot para sa kanya.

"Aba't saan mo balak sumakay?" Nakataas na rin ang kilay ni Venus habang mapanuri itong nakatingin sa kanya. "Wala ka naman choice 'no! Ito lang ang mode of transportation dito, maliban sa tricycle."

"Oh, dalawa na lang, aalis na!" Anunsyo ng barker kaya naman sabay silang napalingon dito. Muli ay napatingin sila sa isa't isa, tila tinatantsa ang susunod na mangyayari. "Kayo ba? Sasakay ba kayo o hindi?"

"Saan pa ho ang bakanteng upuan, manong?" Pagkuwa'y nilingon siya nito, ang mukha'y nakabusangot na. "Tara na kasi! Ang arte mong lalaki ka!"

"Sa unahan, bakante pa."

Wala nang sinayang na oras pa si Venus at kaagad na siyang ipinagtulakan nito papunta sa harapan. Napabuntonghininga na lamang siya dahil mukhang wala na naman siyang magagawa pa. Sa huli ay pinauuna na niya ng sakay ang dalaga at saka siya sumunod. Sa isip niya'y mas mainam na sa may bukana siya uupo dahil siya itong lalaki. Isa pa'y hindi tulad ng nakasanayan niyang sasakayan, walang pinto ang passenger seat ng jeep na iyon.

===●○●===

"ANO?! Isang kwarto na lang ang available?"

Halos mapatakip siya ng tainga dahil sa matinis na boses ni Venus. Matapos nilang kumain kanina sa isang kilalang fast food chain sa bayan ng Santa Cruz ay muli silang sumakay ng jeep. Pasado alas onse na nang marating nila ang bayan ng Pila at ngayon nga'y kasalukuyang nakikipagtalo ang dalaga sa receptionist ng apartelle na kanilang napuntahan.

"Opo, ma'am." Hindi nawala ang malumanay na tono sa boses ng receptionist. Halatang well-trained ito hindi gaya sa naunang INN na kanilang napuntahan. "Nagkaroon po kasi ng parang party kanina sa katabing resort ng apartelle na ito kaya 'yung ibang dumalo po roon ay dito dumiretso."

"Pero wala na ba talagang iba pang room? Dalawa lang naman kami ng kaibigan ko." At saka siya nilingon ni Venus, bago nito ibinalik ang tingin sa kausap.

Sandali siyang natulala sa dalaga. The way she emphasized the word friend sounded familiar to him. It felt nostalgic the second time around. And right now, he really needs to stop thinking about someone from his past. Kaya naman naisipan niyang sumabat na dalawa dahil lumalalim na rin ang gabi.

"We'll take the room," aniya saka bumunot ng pera sa kanyang wallet. Akmang iaabot na niya ang bayad sa receptionist nang muli siyang hinila palayo roon ni Venus. Bahagyang kumunot ang noo niya rito. "What?"

"Bingi ka ba? Isang kwarto na lang daw ang available kaya bakit kukunin mo pa?"

He let out a deep sigh. "Look, I don't mind even if I share a room with someone. I mean, it's not like we're literally sleeping together in one bed." Umiling-iling siya nang hindi pa rin nawala ang matalim na tingin sa kanya ng dalaga. "What the heck do you want me to do? I'm not spending another hour roaming around in the middle of the night. Besides, I'm tired."

"Pero—"

Hindi na niya hinintay pang tumanggi ang dalaga. Masyado nang mahaba ang araw na iyon para sa kanya. Kaagad na siyang bumalik sa counter upang magbayad. Nang ibigay ng babae ang susi ay mabilis na niyang binalikan si Venus at saka ito hinila papunta sa kanilang kwarto.

Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. He's aware that this girl isn't as liberated as him but she needs to trust him. Wala naman siyang balak gawin sa lugar na iyon kundi ang magpalipas ng magdamag. Nothing more, nothing less.

"I'll sleep on the couch." It wasn't a suggestion but a statement.

Tulad kanina'y hindi na niya hinintay pa na sumagot ang dalaga. Kaagad na niyang tinungo ang CR matapos ilapag ang kanyang backpack sa may mesa na naroon. Malawak ang kwartong iyon. Iisa ang kama ngunit kaagad niyang napansin ang pahabang sofa. Mayroon din complementaries doon gaya ng tsinelas, tuwalya at ibang gamit sa paliligo. Napansin din niya ang air conditioner, maging ang 32-inch flatscreen na nakakabit sa pader. Overall, the place speaks for its price. Aba'y gumastos din siya ng kulang-kulang dalawang libo para roon.

NAPABALIKWAS sa kanyang pagkakahiga si Ian. Iyon ay matapos siya makarinig ng malakas na kalabog kung saan. Puno ng pagtataka ang kanyang isipan nang mapagtanto niya kung nasaan siya ng mga oras na iyon. It was Candace's place!

"What the heck am I doing here?" Nagpalinga-linga pa siya sa paligid para hanapin si Venus. Alam niyang ito ang kasama niya bago tuluyang matulog kagabi. Subalit may parte sa kanya ang naguguluhan dahil paano nga naman niya masasabing kasama niya si Venus kung nasa bahay nga siya ni Candace? Isa pa'y ano'ng ginagawa niya sa lugar na iyon at paano siya napabalik ng Amerika?

He shook his head to clear his endless thoughts. Matapos iyo'y pinili na niyang hanapin ang lugar kung saan niya narinig ang kalabog kanina. Dahan-dahan siyang naglakad, sinisigurong hindi makagagawa ng anumang ingay.

"Why am I doing this anyway? I know this place pretty well." Bahagya siyang natawa sa sariling kalokohan. Since middle school ay matalik na magkaibigan na silang dalawa ni Candace. Ilang beses na rin siyang nakapunta sa bahay nito kaya bakit pa siya mahihiya?

Kalauna'y nagdesisyon siyang puntahan na lamang ang dalaga upang surpresahin ito. Malawak ang kanyang ngiti habang tinatahak ang pasilyo na magdadala sa kanya sa kwarto nito. At nang marating iyon ay hindi na siya nag-abala pa na kumatok. Kaagad na niyang binuksan ang pinto para sana gulatin ito.

"Candace..." Pero mukhang siya yata ang nasurpresa, dahilan para kaagad din siyang matigilan. Magulo ang kwarto at nakita niyang humahagulgol ng iyak ang kaibigan. Punit ang laylayang bahagi ng damit nito at kapansin-pansin din ang iilang pasa sa braso at binti nito. "Hey, what's wrong?"

Sinubukan niyang lapitan ito dahil sa tingin niya'y hindi man lang nito napansin ang presensya niya. Pero ang sumunod na pangyayari ang siyang nakapagpatigil sa kanya sa paghakbang. Mula sa higaan ay tumayo ang dalaga. Tuloy pa rin ito sa pag-iyak nang kunin nito ang wooden chair na nakapaloob sa study table nito. Pagkuwa'y tumuntong ito sa bangko at saka isinuot ang telang nakatali sa isang bakal na nasa kisame.

"C-Candace..." Nanlalaki ang kanyang mga mata at tila hinimas ng malamig na bagay ang kanyang sikmura nang magtama pa ang kanilang mga tingin sa isa't isa. Bago tuluyang sinipa palayo ng dalaga ang tinutungtungan nito.

Hindi na siya nagdalawang-isip na takbuhin ang kanilang distansya upang saluhin ang naghihikaos na kaibigan. Ngunit mas lalo lamang dumoble ang panlulumo niya nang basta na lamang tumagos ang katawan nito sa mga kamay niya. Animo'y isa siyang kaluluwa na walang kakayahang humawak ng anumang bagay. It took a lot of struggling before the girl finally stopped and that's when he realized that she's gone.

"N-no... Candace, no!" Kulang na lang ay magsisigaw at maglupaypay siya sa buong kwarto matapos masaksihan ang pangyayaring iyon. "Candace!"

"Ian! Gising!" Kaagad siyang nagmulat ng tingin at mula roo'y kaagad na bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Venus. "Kanina ka pa umuungol na parang tanga. Ayos ka lang ba?"

Ilang pagkurap-kurap pa ang ginawa niya bago wala sa wisyo niyang hinila ang dalaga para yakapin nang mahigpit. Dinig niya ang pag-alma nito pero hindi na niya inalintana iyon dahil sa paghahabol niya ng hininga. Kalauna'y naramdaman na lang niya ang banayad na paghagod sa kanyang likuran ni Venus.

"Relax ka lang," anito habang patuloy siyang pinakakalma. "Panaginip lang 'yon. Isang masamang panaginip."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro