Chapter 13: Women's Intuition

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


ABALA sa kanyang paglilinis si Clarissa nang aksidente niyang matabig ang picture frame ng kanyang anak na si Ian, dahilan para malaglag iyon at mabasag. Ilang sandali rin siyang napatingin doon bago wala sa wisyong naupo upang pulutin ang iilang bubog na nagkalat. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagkabalisa.

It was only seven-thirty in the morning, California time. Halos isang linggo na rin mula nang pinauwi nila si Ian sa Pilipinas upang maghatid ng pakikidalamhati sa namayapang ina ng kanyang asawa. As much as it breaks her heart to let her only child go on his own, her husband thought that it's for the best. Anito'y kailangan daw matuto ni Ian kung paano makiayon sa iba nilang kamag-anak upang mabawasan ang katigasan ng ulo nito.

Aminado naman siyang halos lahat ng gustuhin ng binatilyo'y ibinibigay niya lalo pa't bata pa lamang si Ian ay pareho na silang abala ng kanyang asawa sa pagpapatakbo ng kanilang mga restaurants. At ang pagbibigay na lamang ng mga luho nito ang tanging paraan upang makabawi sila. Kahit pa sa mata ng iba'y hindi na tama. But she guessed, no one will understand a mother's unconditional love for their children. Na kahit gaano pa katigas ang ulo ng mga ito'y hindi iyon sapat na dahilan upang mabawasan ang pagmamahal na mayroon ang isang ina para sa mga ito. At hangga't kaya nilang ibigay ay gagawin nila, alang-alang sa kasiyahan ng anak.

"Hon, what happened?" Si Richard iyon, ang asawa niya. Naglakad ito palapit sa kanya at halos taranta siya nitong pinalayo sa nabasag na frame. "What on earth are you thinking? Look, you even cut yourself with the glass."

Awtomatikong napaangat ang tingin niya sa mister bago nalipat ang atensyon sa kanyang daliri. And true enough, it's indeed bleeding. Umiling-iling sa kanya si Richard bago siya nito iginiya sa kanilang leather sofa. Matapos iyo'y dumiretso naman ito sa kanilang common bathroom na nasa first floor para siguro kunin ang first aid kit.

Kaagad din itong bumalik at naupo sa kanyang tabi. Mula sa kanilang kit ay inilabas nito ang saline solution at bulak upang linisan ang kanyang sugat. Sunod naman nitong nilagyan iyon ng betadine bago binalutan ng band aid.

"Hanggang ngayon, lampa ka pa rin." May halong panunukso ang tono nito, matapos haplusin ang pisngi niya at diretsong titigan sa mga mata.

"Lampa talaga?" Hindi na niya napigilan ang mapangiti. "Ikaw nga itong sablay ang landing noon sa high jump way back in college."

"Huy, hindi sablay 'yon," nakangiting protesta nito sa kanya. "Hindi ba p'wedeng nabighani lang ako sa lead majorette noong mga panahon na 'yon kaya kapos ang talon ko?"

Sandali silang napatingin sa isa't isa bago siya nito binigyan ng halik sa noo. Looking back at their good old days brings so much happiness in her heart. The love they had for each other brought Ian into their lives. At totoong hindi siya nagkamali ng lalaking piniling mahalin at pakasalan.

"Pero maiba ako," muling usal ni Richard. "Ano'ng iniisip mo kanina at parang tulala ka?"

Muling nanumbalik ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib dahil sa naging tanong ng asawa. "It's Ian. Do you think he's doing fine? Should we tell him to stay at Kalixta or Divina's place until he goes home?"

Nakita niya kung paano napatiim ang panga ni Richard. Alam niyang nakukulitan na ito dahil sa paulit-ulit na inquiry niya tungkol sa kanilang anak. Pero masisisi ba siya nito gayong nag-aalala lamang siya? Lalo pa't hindi pa rin maalis sa kanyang isipan kung paano i-bully ng kanilang mga pamangkin sa side nito ang kanilang nag-iisang anak.

"Clarissa, relax." Ang kaninang malambing na pananalita nito'y napalitan ng ma-awtoridad na tono. Pagkuwa'y hinawakan pa siya nito sa magkabilang braso at diretsong tinitigan sa mata. "Ian is seventeen now. He needs to learn how to step out of his comfort zone."

"I know." She slightly closed her eyes to maintain her composure. "Pero hindi maganda ang kutob ko sa nabasag na picture frame ni Ian. What if—"

"—You and your superstitious beliefs again." Pagputol nito sa kanya dahilan para magsalubong na ang kanyang mga kilay.

Alam niyang hindi naniniwala sa mga pamahiin ang kanyang asawa. Pero sa kanya'y wala naman sigurong mawawala kung kahit papaano'y paniniwalaan ang mga iyon.

"Alam kong hindi ka natuwa sa ginawa ni Ian," may halong panunumbat na niyang palatak sa asawa. "Pero sinabi naman ng headmaster ng eskwelahan nila na nadawit lang siya sa aksidenteng 'yon. Aren't you being a little too harsh on him?"

Napahilot na lamang sa sentido nito si Richard dahil alam nitong hindi niya ugali ang magpatalo sa anumang argumento. Lalo na kung tungkol iyon kay Ian. Sa huli ay tumayo na lamang ito na siyang nagpapitlag sa kanya, dahilan para siya'y mapatayo rin.

"W-where are you going?"

"I'll get my phone and call Ate Aida to check on Ian." Nilingon siya nito at nginitian. "We can't start our day with a heated argument like this. Wait for me, okay?"

She smiled back at him. "Okay…"

Nang makaalis doon si Richard ay tila nakaramdam siya ng panlalambot sa kanyang tuhod. Muli siyang napaupo sa kanilang sofa habang hinihintay ang pagbalik ng asawa. And it took him a few minutes when he got back.

"Oo, ate. I'll send it as soon as possible," usal nito sa kausap sa cellphone. Pagkuwa'y tiningnan siya nito at saka ngumiti. "Pakisabi na lang kay Ian na tumawag kami. Okay, bye."

Hindi na siya nakatiis kaya naman kaagad na niyang nilapitan ang asawa. Halos kapapatay lang ng tawag pero nanatili itong abala sa cellphone.

"Ano'ng sabi? Kumusta raw si Ian?" Sunud-sunod ang naging tanong niya kaya naman sa wakas ay nag-angat na ng tingin si Richard.

"He's doing well. Panay raw ang labas kasama ng mga pinsan niya," anito at saka siya binigyan ng marahang haplos sa balikat. "I told you, he'll be fine. Anyway, I have to go. Clear your head and I'll see you at the restaurant later, okay?"

Tumangu-tango na lamang siya bilang pagsuko. Isang halik sa pisngi ang iginawad sa kanya ng asawa bago nito tinungo ang daan patungo sa kanilang garage. Sa isang iglap ay naiwan na lang siyang mag-isa roon. Ang totoo'y ilang araw na rin siyang hindi makapag-focus sa trabaho. Hindi kasi talaga siya mapakali dahil ilang araw na mula nang magpadala ng mensahe sa kanya ang anak.

Ayos nga lang talaga ito?

Nang hindi na siya nakatiis ay kaagad niyang tinungo ang mini office upang kunin ang kanyang cellphone. Pagkuwa'y hinanap niya sa contact list ang numero nina Kalixta at Divina. Itinapat niya sa tainga ang cellphone at hinintay na sumagot ang sinuman sa dalawang pamangkin. At halos manlumo siya sa sumunod na narinig.

"The subscriber cannot be reached. Please try again later…"

===●○●===

NAKAILANG sulyap na si Venus kay Ian, pasado alas otso ng umaga. Magkatapat sila ng upuan, sa isang pabilog na mesang gawa sa metal. Kasalukuyan silang nag-aagahan sa may poolside dahil kasama pala sa complementaries ng naturang apartelle ang breakfast. Sa isip niya'y kaya siguro mahal ang bayad dahil doon.

Ilang beses na niyang pinilit na ituon ang buong atensyon sa kanyang pagkain pero may kung ano sa kanyang kalooban ang pilit na bumabagabag. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan niya ang nangyari kaninang madaling araw. Pero sa kabilang banda'y sino ba naman siya para usisain pa ang tungkol doon? Gayong hindi naman talaga sila close ng binatilyo.

She heard Ian let out a deep sigh. "If you have something to say, just say it. You don't have to stare at me like that."

Halos masamid siya sa biglaang pagsasalita nito pero pinilit niyang huwag ipahalata iyon. Sa halip ay kinuha na lamang niya ang orange juice na nasa kanyang harapan at dire-diretsong ininom iyon. Kalauna'y itinuloy na lamang niya ang pagkain dahil kailangan na rin naman nilang lumakad para sa araw na iyon.

"You're not going to ask me about why I hugged you last night?" Dama niya ang frustration sa tono ni Ian. At kahit gusto niyang mapangiti sa hindi maipaliwanag na sayang dulot niyo'y pinili na lamang niyang magkibit-balikat. "You're one unpredictable girl."

"Alam mo, kung gusto mo naman i-open ang tungkol sa panaginip mo kagabi, p'wede naman." Mas lalo pa niyang iginiya ang sarili palapit dito at saka ngumiti. "I'm all ears."

Nagpakawala ito ng malalim na hininga bago umiling-iling. Muli ay ipinagpatuloy na lang nito ang pagkain kaya naman napaismid na lamang siya dahil doon. Ang buong akala pa naman niya'y husto na ang closeness nila ni Ian para magkuwento ito ng tungkol sa buhay nito… ngunit mali siya.

Hindi man kasi nito sabihin pero batid niyang may mabigat na dahilan ang paglalayas nito sa matandang bahay na iyon. Akala pa naman niya'y basta mayaman ay wala nang mahihiling pa pero mukhang mali ulit siya. Sadyang may pagkakaiba-iba ang bawat indibidwal sa mundo at walang pinipiling estado ang problema — mayaman man o mahirap.

"The girl you saw in my wallpaper was my best friend, Candace…" Napaangat siya ng tingin kay Ian nang muli itong magsalita. Nakatuon ang mata nito sa scrambled eggs sa plato nito at saka iyon marahang nilalaro-laro. "It's been two years but that terrible incident still haunts me in my sleep."

Kumunot ang noo niya. "Bakit? Ano'ng nangyari?"

Nakita niya kung paano mariing napapikit si Ian at kung paano unti-unting humigpit ang pagkakahawak nito sa tinidor. Parang bigla na lang niya tuloy naramdaman ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib, habang unti-unting namumuo ang tensyon sa kanilang pagitan.

"At exactly two in the afternoon of November 15, 2020. I went to their house to watch the new movie she always wanted to watch and found her… hanging on the ceiling and lifeless."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro