Chapter 4: Preferences of a 17-Year-Old

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

⚠️WARNING⚠️

This chapter contains disturbing scenes that might be uncomfortable for some. Please feel free to skip this part if you feel like it's not for you.


MALAWAK ang ngiti ni Ian habang sabay nilang tinatahak ng kanyang matalik na kaibigang si Candace, ang kahabaan ng dalampasigan. Gabi na nang mga oras na iyon subalit ang liwanag na nagmumula sa bilog na buwan ang siyang nagbibigay tanglaw sa kadiliman.

"I don't know why you always wanted to take a walk along the seashore..." binalingan niya ng tingin ang dalaga at saka mas ngumiti. "But I must admit, this is a nice experience."

Mahinhin na natawa sa kanya ang kaibigan at sapat na iyon para bumilis ang pagkalabog sa kanyang dibdib. Sa totoo nga lang ay nagtataka rin siya kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para hawakan ang kamay nito.

"It's nice to walk by the seashore with a good friend beside me..."

Kaibigan. Alam niyang walang masama sa salitang iyon subalit para sa tulad niyang may lihim na pagtingin sa dalaga'y hatid niyo'y kirot sa kanyang puso. He's always been the introvert-type of guy since pre-school and Candace somehow brought him out of his shell. She made him feel as if he's also important, like he's a precious thing in a world full of adversities. At tingin niya'y dahil doon kaya unti-unting nahulog ang loob niya rito.

Mas humigpit pa ang hawak niya sa kamay ng dalaga, dahilan para sandali silang napatitig sa isa't isa. Kalauna'y kapwa na lang sila napangiti bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Ang totoo'y may iba pa siyang pakay sa pagsama niya ngayon kay Candace. Ang nais niya sana'y magtapat na ng nararamdaman sa dalaga at bahala na si Batman sa mga sunod na mangyayari.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago huminto sa paglalakad. He's been contemplating for a while now and he has these doubts whether it's the right thing to do or not. But in the end, he was able to muster up his courage and convinced himself — it's now or never.

"Uh, Candace? There's actually something I want to tell..." Awtomatiko siyang natigilan sa sasabihin nang mapansin ang malalim na pagkakatulala ng dalaga. Nakatingin ito sa malawak na karagatan at napansin niya kung paano unti-unting nanlaki ang mga mata nito. Magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay ngunit ramdam na niya ang panginginig ng kamay nito.

"Hey, what's wrong?" He asked with full concern. Sa huli ay sinundan niya ang direksyon kung saan nakatingin ang dalaga at halos mapasinghap siya nang maaninag ang isang bangkay na palutang-lutang sa hindi kalayuan.

Nagsimulang gumapang ang kakaibang kilabot sa buo niyang katawan. Gustuhin man niyang hilahin na si Candace palayo roon ay hindi niya magawa. Pakiramdam niya'y may kung ano'ng enerhiya ang humihila sa kanya para mas titigan pa ang naturang bangkay. Hindi nga niya mawari kung tao ba talaga ito? At kung oo'y ano ang kasarian nito?

"Candace, I think we should—"

Halos mapapitlag siya nang makitang wala na sa kanyang tabi si Candace at sa halip ay ang duguang si Divina na ang may hawak ng kamay niya ngayon. Nanlaki ang kanyang mga mata at halos mawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod. Nais kumawala ng boses niya sa pamamagitan ng pagsigaw. Subalit kahit ano'ng pilit niya'y walang tinig ang lumalabas sa kanyang bibig.

"HOY, Christian Uytingco-Acapulco! Gising!"

Pabalikwas siyang napabangon mula sa pagkakahiga at wala sa wisyo niyang naibato ang isang unan sa mismong mukha ng pinsang si Kali.

"What the hell, Ian?!"

Dinig niya ang pagkayamot ng pinsan ngunit abala siya sa paghabol ng sariling paghinga. Malamig naman ang kwarto dahil sa aircon subalit tagaktak ang pawis niya sa noo at animo'y daig pa niya ang tumakbo sa isang marathon. Marahan siyang napapikit sabay hinga ng malalim nang mapagtantong panaginip lang iyon.

"Hey, what's wrong? Ayos ka lang?" muling tanong sa kanya ng pinsan. Napaangat ang tingin niya rito at halos manlaki ang mata niya nang tumambad ang hitsura nito sa kanya. Bukod sa wala itong kolorete sa mukha'y halata rin ang malalalim na eyebags nito. Idagdag pa ang buhok nitong nakatali sa isang magulong bun at suot nitong apron na puro mantsa.

"Holy sh—" kaagad niyang tinakpan ang bibig dahil alam niyang makakatikim siya ng sapok dito. He cleared his throat and tried his best to act natural. "Good morning, Ate Kali!"

Nakita niya kung paano napalitan ng yamot na reaksyon ang kaninang concern na pagmumukha ni Kali. To be honest, it's somewhat amusing to him. How can women change their mood in an instant?

"Hurry up and have some breakfast before Divina gets here."

"Ate Divine? But I thought you're the one—"

"Busy ako!" 

Hindi na siya pinatapos nito sa pagsasalita dahil kaagad na itong lumabas ng kwarto. Napakamot na lang siya ng ulo dahil doon. Naisip niyang baka apektado pa rin ito sa nangyari kagabi. Kahit naman siya'y nabigla nang datnan itong walang malay at nang magising naman ito'y tila kapwa silang naguguluhan sa nangyayari.

"Well, that explains the dark circles and sudden mood swings."

Umiling-iling siya bago tuluyang bumangon para ayusin ang hinigaang kama. Pagkuwa'y sunod naman niyang tinungo ang dala niyang mga maleta, para sana pumili ng isusuot na damit. Subalit doon niya napagtantong pawang mga pasalubong nga pala galing sa kanyang mga magulang ang laman niyon. May mga pangalan na ang bawat item na naroon kaya kung tutuusin, hindi na mahirap na i-distribute sa kanyang mga pinsan at iilang kamag-anak ang mga iyon.

Pero ewan ba niya kung bakit sadyang ganoon ang kaugalian ng ibang mga Pilipino. Na tuwing may isang uuwi galing ibang bansa, ang ilang kamag-anak ay awtomatikong maghahangad ng pasalubong. Sa isip niya'y daig pa ng mga ito ang may patago, samantalang mabibilang lamang niya sa daliri kung ilang beses silang kinamusta man lang ng iba sa mga ito. Na maaalala lamang sila kapag may nalalapit na okasyon o kapag may kailangan.

"This is so frustrating!" aniya bago kinuha ang backpack kung saan niya inilagay ang iilang piraso ng damit. Dumiretso na siya sa common bathroom sa second floor para maligo.

===●○●===


"WHAT on earth are you gawking at? Kumain ka na dahil parating na si Divina anytime now."

Nanatiling nakatitig si Ian sa pagkain na nasa kanyang harapan. Kasalukuyan siyang nakaupo sa bar stool sa may kusina, habang sa harapan niya'y busy sa pagkakape ang pinsan na si Kali. Nakakunot na naman ang noo nito sa kanya nang ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa niya ginagalaw ang pagkain.

He wasn't even sure whether the unidentified things on his plate were edible or not. Marahan niyang kinuha ang tinidor sa gilid ng kanyang pinggan at saka tinusok ang kulay itim na ayon kay Kali ay hotdog daw. Pinagmasdan niyang mabuti iyon bago muling ibinalik sa plato. Sunod na nalipat ang tingin niya sa tostadong itlog at halos mapangiwi siya roon.

"Uh, Ate Kali... I don't mean to offend you but are you trying to kill me with your cooking?" He said those words in the most innocent way possible.

"If I were to kill someone, Ian? I'll strangle them to death instead of offering them my precious cooking," Kali said in gritted teeth. Her sharp gaze directed to him.

"Wow, sucks to be your boyfriend—"

"I work in a freaking hospital, Ian so I don't do the boyfriend thing! At saka isa pa, do you have any idea how demanding my work is? You one, ungrateful bastard!"

Wala nang nagawa si Ian kundi ang mapanganga sa tila emotional outburst ng pinsan niya. Guess, he crossed the line this time. An awkward silence starts to crawl between them when they heard the ring from the door bell.

"U-uh... I'll get it."

Hindi na niya hinintay pa ang pagpayag ng pinsan. Kaagad na niyang tinungo ang pinto para pagbuksan ang kanyang Ate Divina. Pero bago tuluyang patuluyin ito'y inihanda muna niya ang sarili dahil panigurado'y hindi na naman siya titigilan nito.

"Ate Di—"

"We'll go ahead, Kali!" Bungad nito sa kanila bago siya hinila sa braso. "Let's go, you little twit."

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi na niya halos namalayan na nasa loob na sila ng sasakyan ni Divina at matulin na itong nagmamaneho. Hindi niya mawari pero tila may nag-iba sa kilos at paraan ng pananalita nito. Nahawa na ba ito sa ugali ni Kali? O sadyang normal na talaga sa mga babae ang ganitong shifting ng mood? Hindi niya rin alam.

"The hell are you staring at?" Halos mapapitlag siya sa biglaang pagtataray ni Divina at doon lamang niya napagtantong kanina pa pala siya nakatitig dito. "Look, kid. I know I'm gorgeous but you know it's called incest when you think dirty things about me, right?"

His eyes widened. "W-what?!"

"Relax, I was just joking!" At saka ito humalakhak na animo'y nakakatawa ang naging biro nito sa kanya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla na lamang uminit ang magkabilang pisngi niya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at sa halip ay itinuon na lamang ang atensyon sa kahabaan ng daan.

It's true that his cousins have their own sets of charms and he knew for a fact that it runs through their blood. But if he were to set his own preference when it comes to women? He'll choose someone who's strong-willed yet sweet. Someone like his first love... Candace.

==○○==


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro