Chapter 5: Downsides of Being the Youngest

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


SA HINDI mabilang na pagkakataon, nakasimangot na naman ang pagmumukha ni Ian. Sinasabi na nga ba niya't hindi maganda ang pahiwatig ng panaginip niya kanina. Hindi rin siya nasiyahan sa inihain na almusal sa kanya ng pinsan na si Kali dahil hello? Mula nang magkaroon siya ng muwang sa mundo'y panay de kalidad na pagkain lamang ang nailalaman niya sa kanyang sikmura.

Alam niyang mali na pinuna pa niya ang luto nito gayong kahit papaano'y nag-effort itong ipaghain siya ng almusal. Pero bakit ba? Hindi niya ugaling pagaanin ang kalooban ng iba kung pawang kasinungalingan lang din naman ang lalabas sa bibig niya. Ika nga ng mommy niya, 'it's better to hurt someone with the truth than comfort them with lies.' At panghuli ay ang katotohanang sarado ang mga bangko tuwing Sabado!

"Hi, gorgeous!"

Isa pa pala ito. Matalim niyang tinapunan ng tingin ang mga lalaking kanina pa nagpapapansin sa pinsan niyang si Divina. At pansin niyang panay naman ang kindat ng pinsan sa mga ito na animo'y tuwang-tuwa sa atensyon na natatanggap. Marahas siyang napabunga ng hangin dahil sa namumuong pagkayamot na naman.

Kasalukuyan silang nakaupo sa wooden bench na katabi lang mismo ng malaking fountain ng mall. Dahil nga ang plano niyang magpapalit ng dolyar ay naantala pa kaya minabuti nilang doon na lang muna magpalipas ng oras. Excited pa naman siyang bumili ng bagong cellphone at iilang damit na gagamitin niya pagpunta sa Laguna.

"Ano? Tapos ka na ba mag-emote d'yan?"

"How come you didn't know the bank's closed today?" pabalik niyang tanong kay Divina na hindi man lang ito nililingon.

"Aba't parang kasalanan ko na nakalimutan kong Sabado ngayon? Besides, I'm still human so don't expect me to be perfect. Maganda lang ako, hindi perfect. Okay?"

Marahan niya itong nilingon at hindi sinasadyang napasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa na labis niyang pinagsisisihan. Ang totoo'y kanina pa siya bothered sa suot nito ngayon - magmula sa mapulang shade ng lipstick hanggang sa fitted na dark violet na damit ay walang lalaki ang hindi mapapalunok sa sariling mga laway. And he should know what crazy things were running inside their heads because he, himself, is also a guy.

Kanina pa nga rin halos kaliwa't kanan ang nagnanais na magpa-picture sa pinsan niyang ito. But for some unknown reason, panay rin ang pagtanggi nito. Maybe she likes some time for herself? Or she's not in the mood to socialize? He wasn't really sure.

"Why are you staring at me like that?" Divina asked once more but he reluctantly shook his head due to annoyance.

Nang hindi na siya nakapagpigil ay mabilis siyang tumayo mula sa wooden bench at saka hinubad ang suot na dark blue sweater. Mabuti na nga lang at bukod sa sweater ay may panloob pa siyang t-shirt na suot. Iniabot niya iyon kay Divina na wala naman ibang naging reaksyon kundi ang titigan lamang ang naturang sweater.

"Here." Mas inilapit pa niya ang damit sa harapan ng dalaga habang maya't maya ang pagsulyap niya sa paligid. Paano't pansin niyang may mga kumukuha na rin ng videos sa pinsan niya dahil nga kilala itong social media influencer sa bansa.

Divina's eyebrow slightly arched heavenwards. "Why are you giving me your sweater?"

"Wear it around your-"

"Ayoko," pagputol nito sa sinasabi niya. "Common sense naman, Christian. Magsusuot ba ako ng ganito kung hindi ko feel mag-flaunt ng balat?"

Ian pressed his lips into a thin line, indicating that he's starting to lose his patience. Siya itong nakababata kay Divina pero sa inaasta nito ngayo'y parang siya pa ang mas dapat tumingin dito. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na mas kumplikado pa pala ang personality nito kaysa kay Kali.

"Ate Divine, isuot mo na kasi 'to." Muli niyang pakiusap ngunit panay rin ang pagtanggi ng pinsan sa kanya. Doon nga rin niya napagtantong nakapagsalita siya ng Tagalog kahit na pansin pa rin ang American accent niya. "Oh, damn it!"

Hindi na siya nakapagtimpi pa. Mabilis niyang hinila patayo ang pinsan at siya na mismo ang nagtali ng sweater niya sa baywang nito. Nang matapos ay padabog siyang naupo muli sa bench at saka humalukipkip. Divina on the other hand, was left too stunned about what he just did. Gaya niya'y naupo rin ito sa kanyang tabi ngunit hindi na niya ito pinansin.

"Christian-"

"My parents would always tell me that I should act my age." Muli niyang nilingon si Divina at saka ito seryosong tinitigan. "But how come most adults behave like they're more immature than me?"

Bahagyang nabigla sa kanyang tinuran ang dalaga pero wala siyang balak na pagsisihan ang sinabi. Wala naman siyang intensyon na ma-offend ang pinsan, bilang lalaki ay ginawa lamang niya ang nararapat. He may be raised in the States but his parents taught him the true meaning of chivalry.

And of course for him... it's not yet dead.

===●○●===

"PAKIULIT ng sinabi mo?"

Tinapos muna ni Ian ang nginunguyang pagkain bago itinuon ang tingin kay Divina. "I said, I need twenty-five hundred dollars in pesos. That's the amount my mom gave me as my allowance."

Hindi kaagad nakasagot sa kanya ang pinsan. Sa halip ay diretso itong napasimsim sa iniinom na red wine na animo'y hindi ito makapaniwala sa halagang tinuran niya. Totoong malaking halaga iyon para sa seventeen-year-old na gaya niya. Pero bilang nag-iisang anak ng kanyang mga magulang, normal na sa kanyang makuha ang anumang gustuhin.

Matapos ng naging eksena nila kanina sa may fountain ay basta na lamang siya hinila ng pinsan sa isang kilalang restaurant. Sa isip niya'y nakonsensya siguro ito sa nangyari kanina kaya sinabi nitong order-in niya ang anumang nais kainin.

"Can I try that?" aniya na ang tinutukoy ay ang wine na iniinom ni Divina.

"Hell, no! You're still a minor kaya tumigil-tigil ka d'yan." Muli itong uminom mula sa baso. "Nga pala, ano naman ang balak mong bilhin sa ganoong kalaking halaga?"

Nagkibit-balikat siya. "Some stuff. A new phone maybe." Tumusok pa siya ng iilang sausage at saka inilagay iyon sa pinggan niya. "It's okay though, Ate Divine. If you're broke, I can ask Ate Kali to lend me some money."

He heard Divina scoff. "And what makes you think I'm broke? Hindi ba p'wedeng hindi ko lang talaga feel magpautang sa pasaway na batang tulad mo?"

"How come I'm pasaway? I practically saved your reputation earlier. I mean, have you seen the look on those assholes? They're practically stripping you inside their heads..."

Basta na lamang natigilan si Ian sa hinihimutok niya nang mapansin ang pagngisi sa kanya ni Divina. Nagsimulang kumunot ang noo niya rito. Paano't ang buong akala niya'y papagalitan siya nito dahil sa paraan ng pagsasalita niya kanina subalit taliwas iyon sa nangyayari. Something's definitely off with her today but he doesn't plan to blurt it out.

"You're no doubt my cousin!" Humalakhak ito at saka inilabas ang cellphone. May itinipa ito roon bago muling bumaling ng tingin sa kanya. "I just wired your twenty-five hundred dollars into your account. You can withdraw it using your card."

Kapwa bumilog ang mga mata at bibig niya sa ibinalita ng pinsan. Muntik pa nga niyang maibuga ang kinakain na sausage dahil doon pero mabuti na lang at napigilan niya ang sarili.

"By the way, ikaw na magbayad ng kinain natin ngayon ha? Wala ka nang excuse! May pera ka na!" Tumangu-tango siya rito nang mapansin niya ang pagtayo nito. Aligaga tuloy siyang napatayo na rin dahil akala niya'y kailangan na nilang umalis. Kaagad naman napansin iyon ni Divina kaya muli siyang binalingan ng tingin nito. "Oh, you can carry on na naman siguro 'no? Buy everything you want or need. I'll have to go na eh."

"W-wait, what? You're gonna leave me here alone?" Nagsimula na siyang mag-panic. Hindi naman lingid sa kaalaman ng pinsan niyang ito na wala siyang alam sa mga lugar dito. Pagkatapos ay iiwan pa siyang mag-isa? "Ate Divine, can you atleast give me a ride? Or better yet, lend me one of your cars."

Divina squinted her eyes on him. "Wala na bang ikakapal pa 'yang mukha mo?"

Nanlaki ang mga mata niya habang unti-unting napawi ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Confirmed! Marahil ay stress na ito sa susunod na iko-content kaya ganoon na lang kabilis magbago ang mood nito - parang si Kali.

"May pera ka na, Christian. Mag-Grab ka na lang!"

"Uh, what's Grab?"

Nagsimula nang malukot ang mukha ni Divina kaya naman naihilamos na lamang nito ang isang kamay sa mukha. "Grab is like Uber in your place, for goodness' sake!"

"Uh-"

Hindi na niya natapos pa ang sunod na katanungan nang nilayasan na siya ng pinsan. Napakamot na lang siya sa ulo dahil sa hindi maipaliwanag na ugali nito ngayon. Hindi naman nagtagal ay sumenyas na siya sa waiter upang hingin ang bill ng kanilang kinain. Tumataginting na dalawang libo ang inabot ng kanilang bill kaya naman binunot na lamang niya ang card sa kanyang wallet para magbayad.

"Well, here goes nothing..."

BANDANG alas singko ng hapon nang makauwi siya sa bahay ng pinsan na si Kali. Puno nga ng pagtataka ang mukha nito matapos siyang pagbuksan ng pinto.

"How did you get here? Nasaan si Divina?"

He just shrugged as his response. Katunayan nga'y hindi na niya hinintay pa si Kali na lawakan ang pagkakabukas ng pinto dahil dire-diretso na siyang pumasok sa loob. Bitbit ang iilang paper bags na naglalaman ng ilang kilalang international brands sa Pinas, kaagad na niyang tinungo ang sala at saka sumalampak sa carpet na naroon.

"Tinatanong kita, Ian. Paano ka nakauwi rito at bakit hindi mo kasama si Divina pabalik?"

Napaangat ang tingin niya sa pinsan na kasalukuyang nakatayo habang nakahalukipkip. The suspicious look never left her face.

"Well, we ate brunch in a restaurant today then she left me alone. So I had to call a taxi via Grab for me to get home."

"And how on earth were you able to buy those things?" Mabilis na itong naglakad palapit sa kinauupuan niya. Nakuha pa nga nitong hablutin ang bagong Iphone 14 Pro Max mula sa kanya. "My god! You even bought a new phone?!"

"Well, jeez. I need a new phone for me to get a ride home. Ate Divine lent me some cash since the banks were closed today." Marahan niyang kinuha mula sa pinsan ang bago niyang cellphone. "Although she's been so weird the whole time we're together."

Tumaas ang kilay ni Kali nang bigyan siya nito ng mapanuring tingin. "Weird? In what sense?"

He smiled sheepishly at her.

"Insanely weird."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro