Chapter 7: A Young Boy's Dilemma

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

RAMDAM ni Ian ang marahas na paghampas ng tubig sa kanya, matapos siyang pinagtulungang ihagis ng mga pinsan sa swimming pool. Sa liit ba naman niya'y walang kahirap-hirap para sa mga ito ang gawin iyon. Ano nga bang magagawa ng isang apat na taong batang tulad niya?

Nanatili siyang nakapikit habang pinakikiramdaman ang unti-unti niyang paglubog. Marahil ay kung sa ibang pagkakatao'y kanina pa siya nagkakakawag upang maiangat ang sarili. Subalit sa mga oras na iyo'y tila nawalan siya ng lakas na gawin iyon. Pakiramdam niya'y may kung anong mabigat na bagay ang siyang humihila sa kanya paibaba.

Bagama't unti-unti na siyang kinakapos ng hininga'y tila naba-blangko ang kanyang isipan. Mula roo'y unti-unti siyang nagmulat ng paningin at halos mapapitlag siya nang tumambad sa kanyang harapan ang isang bangkay. Nais niyang sumigaw o gumalaw man lang subalit mas lalo niyang ikinagimbal, nang makita ang isang malaking bato na kapwa nakatali sa kanilang mga paa.

"Puyat ka ba?" Halos mapabalikwas siya ng pagkakaupo nang magsalita ang pinsan. Doon lamang niya naalala na kasalukuyan na pala nilang binabagtas ang daan papunta sa Laguna.

Hindi na niya mabilang kung ilang beses na ba siyang humikab. Paano't hindi na naman siya nakatulog nang maayos kagabi. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya talagang nakakapag-adjust sa time differential ng US at Pinas. Dumagdag pa ang panaginip na hanggang ngayo'y malinaw na malinaw pa rin sa isipan niya.

Marahan siyang pumikit upang alisin ang tila masalimuot na alaalang iyon sa kanyang isipan. Ngunit ang pangyayaring nag-udyok sa kanyang mga magulang na ilayo siya sa bansang sinilangan ay muli na naman siyang ginambala — samahan pa ng panibagong bangungot patungkol sa pinsan niyang si Divina.

"Oh, I discovered a new game that I can play on my phone," palusot niya. Nilingon niya ito at saka ipinakita ang larong halos kada-download lang niya. "It's called Mobile Legends and it kept me up until six in the morning."

Tumangu-tango sa kanya si Divina kaya kaagad na niyang itinago ang cellphone. Pagkuwa'y ini-recline niya ang inuupuan para sana umidlip kahit papaano.

"One week ka lang sa Laguna, right?"

"Uh-huh," tipid niyang sagot bago tuluyang pumikit.

"Kumain muna tayo bago ka tuluyang matulog. Nasa Rich Love na tayo in ten minutes." Maya-maya rin lang ay narinig niya ang pagtunog ng flasher, indikasyon na patungo sila sa kabilang direksyon. "Say hello to Lola Remedios for me, okay?"

"Ate Divine, I thought my dad told you about it?" Tuluyan nang nawala ang kanyang antok. Minabuti niyang umupo nang tuwid at saka seryosong binalingan ng tingin ang pinsan. "She's gone for almost a week now and buried six feet under. You might be in an episode during the time my dad talked to you."

Hindi kaagad nakasagot sa kanya ang pinsan dahil mabilis na nilang tinungo ang daan papasok ng naturang bakeshop. He then offered to open the door for his cousin before he followed inside. The aromatic smell of the bread and other pastries made his stomach grumble.

"I'm sorry, Ian." Kaagad siyang napalingon kay Divina nang muli itong magsalita. "Condolence."

He just shrugged. Wala naman siyang nakikitang masama kung nakalimutan man nito ang tungkol sa lola niya. Aware naman siyang busy ang dalawang pinsan sa mga trabaho nito kaya normal lang na makalimot ng maliliit na detalye.

"Oh god!"

Hindi na niya halos napansin ang mga sumunod na nangyari kung hindi lang siya sapilitang kinuhang photographer ng iilang tagahanga ng kanyang pinsan. Napapailing na lamang siya habang nakangiti.

"Do you not get tired being the center of attention whenever you're outside?" Out of curiosity niyang tanong dito. Kasalukuyan na silang nakaupo malapit sa glass window habang siya'y nakasubsob lang ang mukha sa mesa.

"Hindi naman ako magiging vlogger kung hindi ko gusto ang attention." He nodded in agreement. "Pero hindi naman ako sobrang attention-seeker. I still have my limits at gusto ko pa rin ng privacy."

Sandali siyang napaisip sa naging paliwanag ni Divina. Hindi pa rin kasi tuluyang mawala sa isip niya kung paano ito kumilos noong Sabado. Pero gaya rin ng sinabi nito sa kanila ni Kali, baka nagkaroon lang ito ng bipolar episode.

"Here's your order, ma'am and sir!"

Marahang inilapag ng server ang kanilang orders. Muli ay naging abala ang kanyang pinsan sa pakikipagusap dito habang siya'y itinuon na ang atensyon sa pagkain. Hirap kasi sa tulad niya, kahit kakakain pa lamang ay sadyang mabilis pa rin magutom. Ang hiling niya nga lang ay kahit papaano'y madagdagan pa ang laman niya sa katawan.

Hindi rin nagtagal ay nagdesisyon na silang ipagpatuloy na ang biyahe. Handa nang i-atras ni Divina ang sasakyan nang bigla nilang maramdaman ang pagbangga ng kung ano sa likod ng kanilang sinasakyan. Dali-dali silang bumaba at halos manlumo ang kanyang pinsan sa pinsalang tinamo ng sasakyan nito.

"Oh my god! What did you do?!" Halos mag-histerikal na ito sa sobrang inis. Alam niyang sadyang maingat sa mga gamit nito ang pinsan kaya hindi niya masisisi ito sa exaggarated na reaksyon nito ngayon.

"Sorry ma'am, hindi ko nakita eh."

"Ang laki-laki ng sasakyan ko, hindi mo nakita?"

Nakita niya kung paano unti-unting namula ang mukha ng pansin dahil sa matinding pagkainis. Minabuti niyang lapitan na ito upang pakalmahin.

"Ate Divine—"

"Tumawag ka ng pulis, Ian."

"H-how? Do I dial nine-one-one?" Doon na nagsimulang kumunot ang noo niya. Ang tensyon na kanyang nasasaksihan ay unti-unti nang gumagapang sa kanyang sistema, at hindi niya nagugustuhan ang pakiramdam na iyon.

Sa sobrang gulo nga'y hindi na niya halos nasundan ang mga nangyayari. Napukaw lamang ang ulirat niya sa pagdating ng isang pulis. Panay pa rin sa pagtataray ang pinsan niyang si Divina kaya naman muli siyang lumapit dito.

"Ate Divina, we need to go." Maagap siyang nilingon ng pinsan bago muling bumaling ng tingin sa kausap na pulis.

"Mamang pulis, saan may pinakamalapit na bus terminal papuntang Laguna?"

Sa isang iglap ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng panlalamig sa kanyang sikmura. He wanted to convince himself that it's impossible for his cousin to leave him all alone again — but given the current situation they're in? Something tells him that it is indeed possible to happen.

"You're not saying that you want me to take the bus, right?" Ang nginig sa boses niya'y hindi na maitago.

Divina gave him an apologetic look. "Ian, kailangan mong tumayo sa sarili mong mga paa. Itatawag kita ng taxi at ako na rin ang magbabayad."

Tuluyan nang bumagsak ang dalawang balikat niya dahil sa sinabi nito. And true enough, makalipas nga ang ilang minuto ay may dumating nang taxi roon. Si Divina pa mismo ang nagbukas ng pinto ng taxi para sa kanya, kaya naman wala siyang choice kundi ang sumakay roon. She then asked him to roll down the window which he submissively followed.

"Remember, pagdating mo sa terminal, basahin mong mabuti ang karatula slash destination ng mga bus." Tumangu-tango na lamang siya kahit pa wala na halos pumapasok na paliwanag sa isip niya. "Magtanong ka sa conductor para hindi ka mawala. Huwag kang makikipag-usap kung kani-kanino para hindi ka mabudol."

"Ate…" Nagawa pa niyang magpaawa rito ngunit mukhang hindi na rin tatalab pa iyon.

"You will be okay, Ian." Marahan siyang hinawakan nito sa pisngi at saka nginitian. "Nakarating ka nga rito sa Pilipinas on your own. Kapag nasa terminal ka na, take a picture of the bus, the conductor, and the driver na sasakyan mo. At i-send mo sa akin. Update me every minute."

Napayuko na lamang siya nang umalis na sa kanyang harapan si Divina. Pinipigilan niyang huwag maiyak dahil hindi magandang tingnan iyon sa lalaking tulad niya. Subalit hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot lalo pa't mag-isa na lang siyang bibiyahe sa lugar na pinakaayaw niyang puntahan.

Pinagmasdan niya ang pag-abot ng pera ni Divina sa taxi driver bago ito kumaway sa kanya. When she turned her back at him, that's when he remembered something.

"Can you wait for a moment?" paalam niya sa driver bago muling bumaba ng taxi. "Ate Divine!"

Awtomatikong natigilan ang dalaga sa paglalakad nito at kaagad siyang nilingon. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at mabilis niyang tinakbo ang kaonting distansya nila sa isa't isa.

"Ian—"

Hindi na nito natapos banggitin ang pangalan niya dahil sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap. Noong una'y nagtataka ito marahil subalit kalauna'y gumanti rin ito ng yakap sa kanya. Nang humiwalay siya'y diretso niyang tinitigan ang pinsan sa mga mata.

"I know this may sound crazy but as much as possible, stay away from the ocean. Take care of yourself, okay?"

Isang yakap pa muli ang ibinigay niya sa pinsan bago tumakbo pabalik sa taxi na kanyang sasakyan. Hindi rin naman nagtagal ay tuluyan na iyong umalis sa Rich Love Bakeshop. Nagawa pa niyang lingunin ang kinaroroonan ni Divina at nakita itong pinagmamasdan din ang pag-alis niya.

"Sa terminal tayo ng bus 'no?" tanong sa kanya ng driver.

Mariin siyang napapikit bago humugot ng malalim na hininga. Alam niyang nais lang siyang maging independent din ng Ate Divina niya kaya ganito ang ginawa sa kanya. Pero wala naman itong sinabi na hindi siya maaaring umisip ng paraan kung paano ligtas na makakauwi.

"Uh, can you travel all the way to Laguna?"

"Travel? Didiretso ho tayo sa Laguna?" Bakas ang confusion sa mukha ng matandang driver kaya tumango na lamang siya. "P'wede naman. Ang kaso'y mas magiging mahal ang singi—"

"Don't worry, Kuya. Sagot kita."

Gumuhit ang pilyong ngiti sa kanyang labi dahil sa naisip. Although it scares him to be around the people he despises so much, at this point of life for him… he doesn't really have a choice — just a dilemma.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro