Chapter 8: A Life Full of Expectations

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

⚠️WARNING⚠️

This chapter consists sensitive scenes that may not be suitable for those who are going through anxiety/panic attacks.

Reading with proper caution is advised.


"KUMUSTA ka d'yan? You doing okay?"

"Yeah. I'm good!" Ian forced a smile on his face as he's now facetiming his cousin, Divina. "Uh, I'll have to go now. I'm having a movie night with some cousins here. Take care, Ate Divina."

Hindi na niya hinintay pang magsalita ang pinsan. Kaagad na niyang pinatay ang tawag at saka muling nahiga sa kanyang kama. Humugot siya ng malalim na hininga habang diretsong pinagmamasdan ang kisameng gawa sa kahoy. Pasado alas otso na nang gabi pero heto siya't mas pinili na lang magkulong sa kwarto.

It's been days since he got to Laguna. He wasn't really expecting much from his relatives but the way they welcomed his arrival surprised him. Paano't malalawak ang ngiti ng mga ito nang bumaba siya ng taxi. Ang mga tiyahin na kapatid ng kanyang daddy ay sinalubong siya ng yakap at halik sa pisngi. And for the first time since the last time he's been here, a little hope sprouts from deep inside him.

Or so he thought?

"Hoy, Ian! Bumangon ka d'yan at hinahanap ka ni mama." Si Sherina ito, ang pangalawang anak ng panganay na kapatid ng daddy niya. Nakataas ang isang kilay nito habang nakasandal sa may pintuan. Matanda ito ng dalawang taon sa kanya subalit hindi hamak na mas matangkad siya rito. Guessed, puberty did its job well for him.

"What is it now?" Ang pagkairita sa kanyang boses ay hindi na niya naitago lalo nang mas nalukot pa ang pagmumukha ng nakatatandang pinsan. "Fine, I'll go."

Sa huli ay wala na siyang nagawa kundi ang bumangon at lumabas ng kwartong tinutuluyan niya. Mukhang natutunugan na niya ang dahilan ng pagpapatawag sa kanya ng tiyahin at hindi niya maiwasang mapabuga ng hangin dahil doon.

"Mama, nandito na si Ian."

Mula sa mesa'y abala sa pakikipagtawanan ang kanyang tiyahin, kasama ang ilang amiga nito. Kapwa nakasuot ng makukulay na bestida ang mga ito habang nakaupo sa harap ng hapagkainan. Kasalukuyan silang naglalaro ng baraha subalit kaagad siyang nilingon nito matapos ng sinabi ni Sherina.

"Ay, naku! Narito na pala ang mabait kong pamangkin." Sumenyas itong lumapit siya na mabilis naman niyang sinunod. Marahan siya nitong hinila sa braso at saka itinapat ang bibig sa kanyang tainga. "Pahiramin mo muna si tita ng five thousand, ha? Biglaan kasi ang pagdating ng mga amigas ko, nakakahiya naman kung wala man lang akong maipapakain."

Awtomatikong nanlaki ang mga mata niya, dahilan para mapalayo siya mula sa tiyahin. Sinasabi na nga ba niya't pera na naman ang dahilan nito. Iyon ang naging habit ng mga ito mula nang dumating siya sa pamamahay ng kanyang Lola Remedios.

Noong una'y maayos pa ang pakitungo ng mga ito sa kanya. Masaya ang lahat sa mga pasalubong na dala niya, maging ang mga personal na pabaon sa kanya ng mga pinsan na sina Kali at Divina ay nilimas din ng mga ito. Subalit nagbago ang lahat mula nang basahin sa kanilang harapan ang last will and testament ng kanyang lola. At malinaw na nakasaad doon na sa kanilang dalawa ng daddy niya iniiwan ang matandang bahay, kung saan kasalukuyang nakatira ang tatlong tiyahin niya at mga anak nito.

Hindi naman kasi ganoon ka-angat sa buhay ang pamilya ng kanyang daddy noon, ayon sa kwento ng mommy niya. At tanging ang matandang bahay lamang na iyon ang masasabing pinakamalaking asset ng namayapang matanda. Kaya marahil ganoon na lamang ang ipinagbago ng mga ugali at pakitungo ng mga ito sa kanya. Sa isang iglap, daig pa niya ang isang atm machine kung mag-demand ang mga ito ng pera.

"Aren't you being a little too much?" singhal niya sa tiyahin na siyang pumukaw ng atensyon ng lahat. "I already paid for your month's worth of bills, even for the food and now you're asking for money again?"

Hindi na niya napigilan pa ang sarili sa pagtaas ng kanyang tono. He's had enough. Hindi na niya kayang i-tolerate pa ang hindi makataong pagtrato sa kanya ng mga ito. He's a freaking seventeen-year-old for goodness' sake! Ano ba'ng alam niya sa mga mana at assets na paulit-ulit na ipinupukol ng mga ito sa kanya?

"Aba't ano'ng ipinagmamalaki mong inggrato ka?" Marahas na tumayo ang tiyahin niya, dahilan para tumumba ang inuupuan nito. Hindi pa nga ito nakuntento't dinuro-duro pa siya nito. "Na porqué laki kang Amerika kaya tingin mo, lahat ng tao pera ang habol sa 'yo?"

Hindi nagtagal ay nagpasiyang mag-alisan na ang mga amiga nito, dahil siguro sa tensyon na namumuo sa kanilang pagitan. Napansin din niya ang paglabas ng ibang kamag-anak sa kani-kanilang mga kwarto.

"Hoy, Ian! Huwag mo ngang sinasagot 'yung tita natin!" singhal ni Ashley, ang panganay na anak ng pangalawang kapatid ng daddy niya. Matalim na ang mga tingin nito sa kanya.

Ang isa nga'y nagawa pa siyang hiklatin sa kwelyo bago siya marahas na itinulak, dahilan para tumilapon siya sa sahig. Nagsimulang kumuyom ang kanyang mga kamay lalo nang daluhan ng ibang kamag-anak niya ang tiyahin na halos mag-histerikal na sa inis. Samantalang siya'y nanatiling nakaupo sa sahig.

Maya-maya lang din ay patayo siyang hinila ni Jaycee, ang panganay na anak ng kanyang tiyahin at saka siya binigyan nito ng isang suntok sa sikmura. Halos umikot ang kanyang paningin dahil doon kaya naman muli siyang napaluhod sa sahig.

"Mayabang ka magsalita pero hanggang ngayon, lampa ka pa rin!" maangas na patutsada nito sa kanya.

"B-but it's true!" Halos maubo na siya dahil sa sakit na iniinda. Pero paulit-ulit niyang inaalala ang mga sinabi sa kanya ni Divina. Na kailangan niyang tumayo sa sariling paa at ipaglaban ang sarili. Nag-angat siya ng tingin sa mga ito. "The moment I step foot into this house, all you do is ask me for money!"

Mabibigat na ang bawat paghinga niya nang talikuran niya ang mga ito at dumiretso sa kwarto niya. Malakas niyang isinalpak ang pinto at saka isa-isang sinamsam ang mga gamit niya. Sandali siyang napatingin sa kahon na ibinigay sa kanya ng abogado. Galing daw iyon sa namayapa niyang lola kaya naman mabilis na rin niyang inilagay iyon sa loob ng backpack.

Isang sulyap pa ang ibinigay niya sa kwartong iyon bago dumaan mula sa bintana, gamit ang iilang kumot na pinagtagpi-tagpi niya para maging tali.

===●○●===

SA KABILANG banda'y ilang beses nang napapailing si Venus sa kaibigan niyang si Gabriella na abalang makipagharutan sa boyfriend nito. Hindi dahil sa naiinggit siya kundi dahil sa lahat ba naman ng lugar ay talagang sa labas pa ng convenience store nila napiling magpakita ng affection sa isa't isa.

Hindi na niya pinansin pa ang lampungan ng dalawa. Sa halip ay napahugot na lang siya ng malalim na hininga dahil sa matinding panlulumo na naman. May nakita kasi siyang job opening sa naturang convenience store, subalit dahil menor de edad pa siya'y hindi niya nakuha ang trabaho. Ilang araw na rin siyang palipat-lipat ng matutuluyan tuwing gabi dahil tinotoo nga ni Aling Doris ang banta nitong palalayasin siya.

"Sabihin mo munang love mo 'ko." Napukaw ang kanyang atensyon nang marinig niya ang sinambit ni Gabbie na sinamahan pa ng mumunting hagikgik.

"I love you! Ikaw lang sapat na!" At saka ito binigyan ng halik sa pisngi ng nobyong si Iñigo.

Bahagya siyang napangiwi sa mala-jejemon style ng dalawa kaya naman tiniklop na niya ang binabasang dyaryo at saka tumayo. "Mauna na 'ko. Mukhang nakakaistorbo ako sa moment niyong dalawa."

"Huy, saan ka ga matutulog ngayong gabi?" pahabol na tanong sa kanya ni Gabbie.

"Hindi ko alam. Pero hoy, ika'y umuwi na sa inyo! Baka mamaya, aligaga na naman mga ate mo kakahanap sa 'yo." Sa huling pagkakataon ay napailing na lang siya nang nag-thumbs up na lang ito sa kanya.

Tinalikuran na niya ang mag-jowa at saka nagsimulang maglakad kung saan. Isa na siyang ganap na college student sa darating na pasukan. Pero dahil sa sitwasyon niya ngayo'y mukhang mauudlot pa ang plano niyang makapag-aral sa taong ito. Hindi na nga niya mabilang kung ilang beses na niyang hiniling na sana'y nasa wastong gulang na siya, nang sa gayo'y mabilis na lang para sa kanya ang makapag-apply ng trabaho kahit saan.

Nasa kalagitnaan siya ng paglalakad nang makaramdam siya ng pagkalam sa kanyang sikmura. Sandali tuloy siyang natigilan para hawakan ang tiyan. "Hindi ka gutom, Vee. Wala kang karapatang magutom sa ngayon."

Nagpalinga-linga siya sa paligid at pansin niyang marami-rami pa ang tao kahit na pasado alas otso na nang gabi. Doon din niya napansin ang matandang bahay na matagal na niyang nais mapasok ang loob. Gawa sa konkreto ang ibabang bahagi ng bahay samantalang gawa naman sa kahoy ang itaas na bahagi niyon at ang malaking gate ay siyang nakadagdag sa pagiging elegante ng kabuuang bahay.

Ayon pa nga sa balita'y panahon pa raw ng mga Español nang maitayo ang naturang bahay at para ma-preserve ang natural na structure nito'y ilang renovation na rin ang pinagdaanan nito.

"Ang swerte siguro ng mga nakatira sa gan'yang kagarang bahay," bulong niya sa sarili matapos maupo sa gilid ng kalsada, na kaharap lang din mismo ng naturang bahay.

Sa dami ng pinagdaanan niya'y maraming beses na rin niyang nais iyakan na lamang ang lahat. Ilang beses na ba siyang umasa na darating ang araw at magbabago rin ang gulong ng kapalaran para sa kanya? Sa edad na labing-pito'y heto siya't nakikipagbuno sa hamon ng bawat araw. Iyon ang kanyang reyalidad at nakakatawang isipin dahil hanggang sa mga oras na iyo'y umaasa siyang parating na ang pagbabago… na matagal na niyang inaasam.

Matapos ang halos dalawang oras niyang pagtanghod sa matandang bahay ay nagpasya na siyang tumayo para umalis. Subalit kaagad na napukaw ang atensyon niya nang makarinig siya ng mumunting kalansing mula sa mataas na bakod ng bahay. Sinundan niya ang ingay na iyon at halos mapasigaw siya nang mahulog sa kanyang harapan ang isang lalaki.

"Ouch! That was high," komento nito bago unti-unting tumayo. Nakasuot ito ng itim na hoodie, cap at face mask. Nang magtama ang kanilang mga tingin ay bigla na lamang siyang nagtitili na parang wala nang bukas.

"T-tulong! May akyat-bahay! Tumawag kayo ng—"

Hindi na niya magawa pang ituloy ang sasabihin nang hilahin siya nito para takpan ang kanyang bibig. Nakuha pa niyang magpapalag pero sadyang mas malakas ito sa kanya.

"Hey, miss! Quiet will 'ya? I'm not a thief, I swear!" Naningkit ang mga mata niya dahil kapansin-pansin ang accent sa tono nito. Kahit pa kinakabahan siya'y pinilit na lamang niyang kumalma. "I'm not going to hurt you. I actually live here… well, mostly."

Maingat siya nitong binitawan habang nakataas pa rin ang dalawang kamay sa ere. Marahil ay para sabihin sa kanyang huwag siyang mag-ingay. Muli ay sinamaan niya ito ng tingin.

"Eh, why you jump from there?" Bahagya itong natawa sa paraan ng pagkakasabi niya no'n pero bakit ba? Understood naman na hindi niya first language ang wikang Ingles. 

"I'll explain everything but first, I need to get out of here!" Taranta itong napalingon sa bahay kaya ganoon din ang ginawa niya. Pagkuwa'y hinawakan siya nito sa kamay at saka hinila paalis doon. "I'm Ian by the way."

==●●==

A Travelogue Series written by various authors under different genres. Let us take you to different destinations in the Philippines. You may read our stories in order:

Puzzle of my Heart by: Happysnowfeet

Seven Days of a Lifetime by: MissMaChy23

Whispering Secrets by: Velvet_Summers

Reflection by: Wintermoonie

Get to know more about Gabriella in our upcoming collaboration!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro