Chapter 01

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Nag inat-inat muna ako bago tumayo at buksan ang bintana.

Ang ganda ng araw, halatang hindi bagay para sa kagaya kong hindi maka-appreciate ng mga magagandang bagay.

Hindi ko na inabala ang sarili na iligpit pa ang higaan dahil hindi ko ramdam ang pagiging energetic ko sa umaga kaya naman ay lumabas ako ng kwarto. Mabagal pa ang bawat paghakbang ko na akala mo ay naging zombie— sabagay, mukha naman akong zombie kaya bagay lang.

Dumiretso ako sa kusina para mag pakulo ng tubig na gagamitin ko para makapag timpla ng kape.

Sumandal ako sa lababo habang hinintay ang pinapakulo ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulala dahil kahit ang pag kulo ng tubig ay hindi ko narinig. Pakiramdam ko ay para akong robot na biglang i-on dahil ng bumalik ang diwa ko sa reyalidad ay hindi na mainit yung tubig na pinakuluuan ko kaya wala akong napag pilian kun'di ang pakuluan itong muli.

Bwesit na buhay ‘to, pati ba naman ako wala ng pakialam sa sarili ko.

Napahilamos ako ng mukha saka inabala nalang ang sarili na iligpit ang higaan para naman hindi ko ulit makalimutan ang pinakuluuan ko.

Nang matapos sa pag liligpit ay bumalik na ako sa kusina at sakto naman na kumukulo narin iyong tubig kaya ay nag timpla na ako. Tumingin ako sa drawer na nasa taas ng lababo pero naalala kong hindi nga pala ako nakapag grocery dahil abala ako sa pag lilinis at pag aayos.

Napabusangot ko nalang na ininom ang kape ko. Kinuha ko rin ang de-keypad kong cellphone para tingnan ang oras.

Sabi na, pabaya talaga. Hindi ko alam na sobrang tagal na pala akong nakatulala kanina na inabot pa ko ng ala-una ng hapon.

Inabala ko nalang ang aking sarili na langhapin ang bangong dala ng classic coffee na iniinom ko.

Ah.

Napatingin ako sa aking t’yan nang marinig ang pag atungal nito na para bang sinasabing ‘bakit hindi mo pa ko pinapakain! Nagugutom na ko!’.

Kaya kong magtiis na hindi kumain pero ayaw yata ng tyan ko. Kaya napag desisyonan ko nalang na lumabas para kumain at mag grocery narin bago umuwi.

HABANG namimili ay narinig ko ang usapan ng ilang mamimili na kasabay ko lang.

“Saan ka ba mag aaral? Malapit na ang pasukan, diba.”

“Baka sa Trimex nalang, iyon kase ang malapit sa amin,”

“Sabi ko kase sa’yo subukan mo sa Northwest University!”

“Sa N.U? Ayoko nga, baka grades ko palang ibasura na.”

Usapan ng dalawang nasa likod ko saka sila parehas na natawa. Nang ako na ang sunod sa cashier ay para akong atat na atat kakatingin sa mga pinamili ko. Hindi naman ito marami, mga essential lang dahil baka maubos ang pera ko.

Pagkauwi sa apartment ay naabutan ko ang landlady ko na nagwawalis kaya bumati muna ako at bumati naman ito pabalik. Dumiretso na ko sa ikalawang palapag para isaayos ang mga pinamili ko.

Ngayon naman ang problema ko ay kung saan ako mag tatrabaho at ang papasukan kong university.

Napaisip ako doon sa pinag kwentuhan ng dalawang babae sa grocery kaso baka malayo iyon dito saka mukhang pang private—wala akong budget.

Dumating ang gabi at sumapit ang umaga. Panibagong araw nanaman para sa akin. Kahit wala sa ayos ay lumabas ako para magpa load sa malapit na tindahan, kailangan ko kaseng mag research ng mga hiring kahit around lang dito sa lugar namin or much better na malapit sa isang state university.

Isang oras ang lumipas ay wala parin akong makita kaya napag desisyonan ko munang ihanda ang mga kailangan ko para sa pag aapply.

Una kong ginawa ang resume at iyong PSA ko ay inilabas ko narin, mabuti na nga lang at dalawang copy ang binili ko noon sa probinsya kaya pwedeng para sa school ang isa at ang isa naman ay kung saan ako mag pa-part time.

Matapos ang lahat ay nag pahinga muna ako. Iyon lang ang ginawa ko pero pakiramdam ko ay naubos lahat ng enerhiya ko, parang mas pagod pa ko kesa sa mag damag na maraming ginagawa.

Napaupo ako sa higaan ko ng makarinig ng sunod-sunod na katok kaya naman ay lumapit ako para buksan ang pinto, bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng landlady na may dala-dalang isang medium size na mangkok.

“Ahh.. Nanay Bebang, kayo po pala,” medyo awkward pa kong napangiti.

“Oh, ito. Meryenda mo,” nanlaki ang mata ko ng iabot niya sa aking iyong mangkok at mukhang mainit-init pa kaya diniretso ko na sa may lamesa.

“Salamat po, nag abala pa po kayo,” nahihiyang ani ko habang patakbong pumunta sa lalagyan ng mga plano para isalin ang meryendang kaniyang bigay.

“Ano ba wala iyon. Oy! Oy! Akin na iyan, h’wag mo ng hugasan,” sinenyas pa nito ang mga kamay na pinapalapit ako sa kaniya kaya naman ay ginawa ko nalang ang kaniyang gusto at baka mag pumilit pa.

“Sige po, ito ho. Marami po talagang salamat,” magka sunod na pag tango ang ginawa ko.

“Ay! Ano kaba, wala ito at saka gusto lang kitang i-welcome,” aniya na ngiti lang ang tangi kong nasagot. “Ay, maiba tayo. Sa Northwest ka ba mag aaral? Mukha ka kaseng studyante,” aniya saka natawa sa sariling sinabi.

“A-ah..haha, hindi po ako do’n mag aaral pero pero papasok nga po ako sa college,” sagot ko naman.

“Ayaw mo sa Northwest? Maganda doon at saka kung gusto mo mag part time habang nag aaral do’n, maraming pwede pasukan,” pag kukwento niya.

“Hindi po ba ‘yon private university?” curious kong tanong na ikinatawa lang niya.

“Alam kong tunog pang pribado pero public school lang iyon, hija. Saka halos mga tenant ko dito ay doon din nag sisipag aral,” natatawang paliwanag niya.

Ay, gano’n?

Napatango-tango naman ako dahil sa sinabi ng matanda. “Sige po, Nay. Susubukan ko po ro’n.”

Napangiti ito sa desisyon ko at saka nag paalam narin agad dahil may iba pa daw siyang gagawin. Ako naman ay bumalik sa loob ng bahay at kinain na lamang ang bigay na minatamis na saging.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro