Prolongue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NILILINIS at inaayos ko ang apartment na bago kong nilipatan dito sa bayan ng Biñan, Laguna. Naisip ko noon na mag boarding nalang ang kaso lang ay hindi naman ako mahilig makipag halubilo sa mga taong hindi ko naman kilala.

Nang masiguro kong malinis na ang lahat ay napasalampak na lamang ako sa malambot na kutsong binili ko kanina sa bayan. Hindi na ko nag abalang bumili ng kama dahil hindi ko naman na iyon kailangan.

Siguro ay magandang mag pahinga muna ako kahit ilang oras man lang.

Hinayaan ko muna ang sarili ko na himiga habang nakatitig lamang sa kisame. Balak ko sanang abutin ang cellphone ko ang kaso ay naiwan ko pala sa gilid ng lababo.

"Nakakatamad naman tumayo," nababagot na sambit ko pero tumayo parin ako sa huli para kuhanin nag cellphone.

Pagkabukas nito ay ilang mensahe ang naandito na galing sa hindi lang isang tao. Napabuntong hininga na lamang ako matapos mabasa ang mga mensaheng galing sa kanila saka muling nilapag do'n ang aking de-keypad na cellphone.

Napasandal ako sa lababo habang tinitiis ang nararamdamang sakit sa dibdib. Pakiramdam ko ay dapat na habulin ko ang aking hininga kahit hindi naman dapat, unti-unting nagsi tulo ang mga butil ng luhang hindi ko na napigilan sa pag agos.

Bakit nanaman ba ganito? Hindi ko naman ginusto ang nangyari? Bakit lahat sila ako ang sinisisi?

Dahan-dahan akong napa upo sa sahig habang patuloy ang mga luhang hindi ko magawang pigilan.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari sa akin, ang hirap mabaliktad, ang hirap makipag areglo kung sa umpisa palang talo kana.

Paano ko masasabi lahat kung umpisa palang, wala ng gustong makinig?

Wala silang pakialam sa parte ko dahil para sa kanila kung anong narinig nila ay iyon na ang lahat at totoong nangyari.

Nakakainis, nakagagalit, nakakapagod na.. ganito na lang ba talaga lagi?

Tulungan mo naman ako please? Lord, sabihin mo sakin ang dapat kong gawin, gusto ko na tong matapos.

Hindi ko na napansin ang oras dahil halos wala narin naman akong pakialam sa oras, para sa akin wala ng kwenta ang oras kung oras-oras ginagago ako ng mundo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro