CHAPTER 12

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 12

It's been a week since we came to the horror house. Mag-iisang linggo ko na ding hindi pinapansin ang magaling na lalaking nang-iwan sa akin sa loob ng horror house.

Sa lumipas na isang linggo, walang minuto na hindi niya ako kinukulit. Tatabi siya sakin tapos magdadaldal pero kapag sinasamaan ko naman siya ng tingin kaagad siyang tumatahimik. Pati sa mga social media accounts ko pinepeste niya ako.

Actually, I'm not mad at him at all. Nawala na din ang tampo ko sa kanya. Trip ko lang na hindi siya pansinin ngayon.

Madalas din akong magsungit at madaling uminit ang ulo ko nitong nakaraang araw dahil sa sinumpong na naman ako ng monthly period ko.

"Nagugutom ako." Malamyang saad ko.

Kasalukuyan kaming nasa gymnasium ngayon dahil may mini event na ginaganap. Hindi ko nga lang magawang makinig dahil kanina pa sumasakit ang puson ko at pakiramdam ko pumipintig ang ulo ko.

"Gusto mo?"

Walang gana kong nilingon ang katabi ko. I looked at him in the eyes before setting my eyes at the food that he was offering.

Halos maglaway ako nang makita ko ang takoyaki. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

Sa lahat ng in-offer niya, bakit 'yan pa?! Bawal ako n'yan! I'm on a freaking diet.

Gustuhin ko mang tanggapin 'yon pero bawal.

"Yhetty, 'di mo talaga ako papansinin? Sorry na nga, uy." Kinalabit niya ako kaya inis ko siyang nilingon.

"Ano ba!" Nagugutom na ako kaya 'wag mo akong kausapin dahil umiinit ulo ko! Masakit din ang puson ko baka makaltukan kita ng wala sa oras.

Bumuntong hininga siya. "Ano bang gusto mong pagkain para mabilhan kita?" Nakanguso niya saad.

Saglit naman akong napaisip. Ano bang gusto ko?

Ice cream?

No. Bawal pala sakin ang malamig.

Turon?

Kaso may langka 'yung turon na binebenta nila dito kaya 'wag na lang.

"Corndog," wala sa sariling saad ko. "Gusto ko ng corndog."

"Sige. Ilan ba ang gusto mo?" Tanong niya.

Pinakita ko ang dalawa kong daliri. Tumango naman siya bago tumayo.

"Bayaran ko na lang mamaya pag dating mo." Pahabol ko.

Nakangisi naman niya akong nilingon sabay sabing, "'Wag na. Basta bati na tayo mamaya, ah?" Kinindatan pa akonng unggoy.

Inirapan ko naman siya. Huli ko na napagtantong nakangiti na rin pala ako. "Oo na. Shoo!" Pagtataboy ko sa kanya.

Nag makaalis siya, iginala ko muna ang mga mata ko para hindi ako mabagot. May isang teacher na nagsasalita sa stage pero walang pumapasok sa utak ko.

Tamang chismisan naman ang mga kaibigan ko na nakapwesto sa ibaba namin. Samantalang 'yung mga may jowa naman ay tamang landian lang. Halos lahat kasi ng kaibigan namin ni Xenus ay nasa ibaba namin, tanging kaming dalawa lang ang nahiwalay.

Actually, ako lang dapat ang mahihiwalay. Ewan ko ba bakit sumunod ang hunghang na 'yon. Pero ayos na rin 'yon para may kasama ako kahit papaano.

Hindi nagtagal ay nakarating din si Xenus na may dala-dalang corndog. Malawak ang ngiti niya nang iniabot niya sakin ang corndog.

Kinunotan ko siya ng noo. "Anong nangyari sayo?"

Umiling naman siya. "Wala naman. Masaya lang ako kasi bati na tayo."

My heart suddenly raced. Malakas at mabilis ang pagpintig nito kumpara sa normal na kumpas.

Shit ka, Xenus. What the hell did you do to me to make my heart react like this?

Hindi na lamang ako sumagot at itinuon ang atensyon ko sa pagkain.

"Masaya ako na bati na tayo kasi mayroon na naman akong pipikunin." Nagpintig ang tenga ko dahil sa narinig.

"Fuck you!" Bulyaw ko.

Malakas naman siyang tumawa saka ako inakbayan. Pilit ko namang inaalis ang braso niya dahil sobrang bigat ng hinayupak na hunghang!

"Na-miss kaya kitang pikunin! Halos isang linggo din akong walang napipikon. Nakakatakot pikunin sila Dannie baka mapatay ako." Dagdag pa niya.

I glared at him. "Peste ka!" I growled.

***

Naging mabilis ang paglipas ng panahon. Parang kahapon lang ay pasukan namin pero ngayon, December na. Bukas na rin gaganapin ang Christmas party namin.

Nakasimangot akong nakaharap sa monitor ng laptop ko habang pinapakinggan ang usapan ng mga kaibigan ko.

"Omg! Excited na ako para bukas!" Tili ni Hermmy.

"Same, 'te! Mag-ba-barbie theme ako. Ayoko ng mafia!" Saad naman ni Dannie.

"Mukhang tayo lang ang excited, eh." Komento naman ni Yzza.

"Huh? Bakit?" Tanong ni Hensley.

"Tignan niyo si Harrietth nakasimangot." Puna ni Rica.

Natawa naman silang lahat.

"Mga punyeta kayo." I gritted my teeth.

"Yieee magiging babae na siya bukas. Ay, barbie sabi ko na!" Pang-aasar ni Xenus.

"Yieee 'di na siya tomboy!" Gatong pa ni Arvy.

"I-make over na yan!" Tawang saad ni Ark.

"Yieee forda first time gaganda na siya." Pakikisali ni Leinard.

"Ay, 'te! Ako mag-me-make up sayo!" Pagpepresinta ni Thean.

Napangiwi ako. I don't like make up. Kahit magsuot ng dress ay hindi ko gusto. Minsan nga lang din ako magshort kahit nasa bahay. Madalas ay palagi akong nakapants tuwing lumalabas at pajama naman kapag nasa bahay.
Hindi ako tomboy. Sadyang mas gusto ko lang ng ganito. It's more comfortable.

"Aha! What if pumunta tayo bukas ng umaga sa bahay nila Yhetty? Ala-una naman start ng Christmas party 'di ba?" Nanlaki ang mata ko sa suggestion ni Charlotte.

"Hell nah!" Kaagad na tutol ko pero huli na dahil nakapag-agree na ang lahat. Napapalakpak naman ang gagang Charlotte.

"Maghanda ka ng maraming foods, Yhetty. Makikikain kami." Ngising saad ni Angie.

"Eh, kung kayo lutuin ko?" Masungit na saad ko.

"8 a.m. kami pupunta d'yan kaya maghanda ka." Paalala pa ni Beatrix.

"Ang aga naman." Reklamo ni Arvy.

"Aba, sinong nagsabing sasama kayong boys? Except kay Dannie." Taas kilay na saad ni Thean.

"Oo nga, mga istorbo lang kayo, eh." Hermmy agreed.

"Pupunta pa rin kami ni Lexus! Mabait naman kami. " Singit ni Cole.

Pumayag naman ang kababaihan kaya nagreklamo ang ibang lalaki. Napahilot na lamang ako ng sintido.

"Tangina, pumunta na lang kayong lahat mga bwisit." Saad ko saka binaba ang tawag.

Panigurado din namang pupunta silang lahat kaya hindi ko na hinayaang humaba pa ang usapan. Besides, it's already past midnight. Maaga pa ako bukas.

Naghilamos muna ako bago ko inayos ang isusuot kong damit bukas. Bahagya akong napangiwi dahil sa totoo lang hindi ko gusto ang susuotin ko.

It look decent naman but I don't like it. Definitely not my type! Masyadong girly. Sabagay barbie theme ang pang-girls.

Bumuntong hininga ako. "Sana lalaki na lang talaga ako." Bulong ko.

Naiinggit ako sa mga boys kasi Mafia theme ang kanila. Mas marami pa akong damit na pwedeng gamitin pang-mafia kesa barbie!

Nakakainis talaga!

But I had no choice. It's either magsusuot ako ng barbie theme outfit or hindi ako pupunta. I don't want to miss the fun at maging killjoy kaya kahit ayoko, gora na lang.

Matapos kong ihanda lahat ng gamit ko, pabagsak akong dumapa sa kama at ipinikit ang mga mata na kalaunay nilamon na rin ng antok dala sa pagod.

Sana lang talaga hindi ako paulanan ng asar bukas. Baka imbes na maging mahinhing barbie ako, baka maging amazonang barbie ako ng wala sa oras at masapak ko silang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro