CHAPTER 13

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 13

"Get the fuck out of my house, assholes!"

It's already past 9 a.m. and here I am, being controlled again by anger.

Sino ba namang hindi maha-highblood kung umagang-umaga pa lang ay pinipikon na ako ng mga hinayupak na lalaking kasama namin? Especially that damn hunghang jerk, Xenus!

Nakakainis sila!

Mabuti na lang at matino pa si Cole at Lexus na tahimik lang sa isang gilid. Kinakalikot nila ang cellphone nila, paniguradong naglalaro na naman ang dalawang cancer sa mobile legends.

"'Te, ang aga-aga highblood ka na naman." Reklamo ni Beatrix.

I glared at her. "Pagsabihan mo 'yang jowa mo, Beatrix. Papatalsikin ko talaga kayong lahat dito sa pamamahay namin!"
Mabuti na lamang at wala na sila mama at papa. Alas sais pa lang ay umalis na sila para mag-open ng shop dahil marami pa silang ihahabol na order lalo na't walong araw na lang ay pasko na.

Mas naging maingay ang buong bahay nang muli na naman akong pikunin ng mga gagong lalaki. Napuno ng tawanan at sigawan ang buong sala.

Hindi ko man aminin sa harapan nila pero masaya ako ngayon. I'm happy dahil kahit ganito kami kaingay ay nag-eenjoy pa rin kami. Kahit nakakapang-init ng dugo ang pamimikon nila.

"What the...tamang bahay ba ang pinasukan ko?"

Dumako ang tingin ko sa pintuan nang may marinig akong boses na nanggaling doon. Nanlaki ang mga mata ko at masayang napasigaw.

"Kuya! Na-miss kita! " Tili ko saka tumakbo sa direksyon niya at yumakap ng mahigpit.

Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. "I miss you, bunso."

Napahagikgik naman ako.

"Mukhang maraming tao ngayon dito sa bahay, ah." Iginala niya ang mata niya sa pwesto ng mga kaibigan ko.

"Ah, opo. Christmas party kasi namin mamaya sa school kaya dito na daw sila mag-aayos lahat. Mabuti na nga lang at umalis na sila mama dahil baka mabingi 'yon samin." I joked.

Hinawakan ko ang braso ng kapatid ko at saka hinila siya sa pwesto ng mga kaibigan ko.

"Guys, si Kuya Joshia nga pala." Pagpapakilala ko. Kaagad namang nagpakilala ang lahat isa-isa.

"Nice to meet you, all." Ngiting saad ni Kuya.

Ibinaling sakin ni Kuya ang atensyon niya sabay sabing, "Nga pala, bunso. Dito daw sa bahay magpapasko sila Lola, pati na rin sila Tita."

Kaagad na nalaglag ang balikat ko nang dahil sa narinig. I blinked few times and slowly nodded while biting my lips. "O-Okay..."

Nagpaalam si Kuya na magpapahinga muna dahil kagagaling lang din niya ng byahe.

Nang mawala sa paningin namin si Kuya, kaagad akong pinalibutan ng girls, kasama si Dannie, at itinulak papasok sa kwarto ko.

Mabuti na lamang at nakaligo na kaming lahat kaya nagbihis muna kami bago mag ayos ng mukha at buhok.

Si Hermmy ang nagma-make up sa akin while Thean was the one fixing my hair.

Nagtulong-tulong din ang iba na mag-ayusan para mabilis kaming matapos.

Dannie was helping Charlotte with her make up while Beatrix was curling Angie's hair. Sila Rica, Hensley, at Yzza naman ay nagtutulungan din.

Hindi nagtagal ay natapos na din akong ayusan. I can see the amusement with their eyes as they see the result of Thean and Hermmy's art work, which is me.

"Oh my gosh, 'te ang ganda mo!" Tili ni Dannie.

"Yhetty, ikaw na ba talaga 'yan? Nay, ikaw ba 'yan?" Umakto pa si Beatrix na parang naiiyak.

"Tangina, Yhetty ikaw na girl crush ko! Pero mas lalabs ko pa rin bebecakes ko." Ngising saad ni Charlotte.

"Ganda mo, Yhetty." Komento ni Hensley.

"Syempre, kami kaya ni Hermmy nag-ayos sa kanya." Pagmamayabang ni Thean.

"Korek ka d'yan, te!" Pumapalakpak na sabi ni Hermmy.

I stared myself at the mirror. I look different. Parang hindi ako itong kaharap ko.

"A-Ako ba talaga 'to?" Tanong ko habang nakaturo sa repleksyon ko sa salamin.

"Ikaw 'yan, Yhetty." Natatawang saad ni Angie.

I looked at them. "Weh?"

"Ikaw nga 'yan!" Malakas na tumawa si Yzza.

"Seryoso?" Parang ayoko maniwala.

"Ganda mo kaya, sis. Pose ka nga." Ngising saad ni Rica.

"Letche." Umirap ako.

Muli ko na namang tinitigan ang sarili ko sa salamin.

Syet, ang ganda ko! Kaso tanggal angas, pre. Putangina.

I'm wearing a simple white longsleeve na mayroong flat  collar. Pinatungan ko ito ng light pink na knitted sweater vest. Balak ko din sanang mag suot na lamang ng cream trouser kaso hindi ako pinayagan ni Dannie. Instead, he made me wore a cream two inches above the knee slit skirt. Pinartneran ko na lamang ito ng white high cut shoes.

Balak pa nga nila akong pagsuotin ng heels pero ayoko. And besides, hindi rin komportable dahil maglalaro kami mamaya.

Pinahiraman din ako ni Dannie ng white and pink beret which compliments my outfit. Simpleng make-up lang din ang ginawa nila sa akin. Hindi makapal, hindi rin naman manipis. Kinulot lang din ni Thean ang itim kong buhok na halos umabot na sa beywang ko. Naka-braid naman ang kalahati ng buhok ko at nilagyan ako ni Thean ng kaunting bangs.

Ginupitan lang naman niya 'yung mga baby hairs ko na palaging kumakalat sa mukha ko. And Viola! I'm done.

Napagdesisyunan ko munang lumabas ng kwarto dahil nakaramdam ako ng uhaw.

Naabutan ko ang boys na mga nakapalit na at nakaupo sa couch na akala mo sila may-ari ng bahay.

Hindi na lamang ako nagsalita. Tahimik akong nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Nagsalin ako ng tubig sa baso at tinungga.

"Sino ka?"

Someone spoke behind me. Muntikan ko nang mabuga ang iniinom kong tubig dahil sa gulat.

"Punyeta naman, Cole!" Inis na sabi ko.

Nagulat siyang humarap ako sa kanya. He look stunned to see me.

"H-Harrietth?" Tanong niya na parang kinikilala ako.

"Ako nga! Hinayupak na 'yan, oh!" Inis na sabi ko habang maingat na pinupunasan ang labi ko.

"Wow, ang ganda mo." Sambit niya.

Saglit akong natigilan dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ako gaanong nakakatanggap ng mga ganitong compliment so it felt new to me.

Napanguso ako. "Tangina, 'di na ako maangas, Cole." Mangiyak-ngiyak ko siyang nilapitan.

He chuckled and held my wrist at hinila ako papuntang sala.

"H-Hoy! T-Teka!" Sinubukan kong magpupumiglas pero mas malakas siya sakin.

"Guys, ito na si Harrietth, oh!" Cole announced.

Sabay-sabay na napatingin sa akin ang mga lalaki at halos mapanganga sila dahil sa gulat. Nakapamaywang naman akong umirap.

"Tangina, 'yan na ba si tomboy?"

"Pre, 'di na tomboy nanay natin!"

"Magdiwang! Dalaga na si Yhetty!"

"Ay pak, oh! Barbie sabi ko na!"

Halos si Xenus ang may pinakamalakas na boses nang inulan nila ako ng pang-aasar.Lumapit sila sakin at akmang guguluhin ang buhok ko nang marinig ko ang boses ni Hermmy.

"Subukan niyo lang guluhin ang creation namin, mapapatay ko kayong lahat!"

I looked at the boys nang tumingin sila sa pwesto nila Hermmy. They all looked amused.

"Ganda yarn?" Tanong ni Arvy saka tumawa.

Sumunod namang nang-asar ang ibang boys pero napansin ko na biglang tumahimik si Xenus. 

Ilang beses ko din siyang nakitang napalunok. Namumula rin ang kanyang dalawang tenga. Kumunot ang noo ko nang when I saw him placed his palm on his chest, where his heart located.

Ilang minuto akong napaisip at kalauna'y nanlaki ang mga mata ko at malakas na napasinghap nang may napagtanto ako.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro