2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Forage


Pagka-uwi ko ng bahay, nilapag ko lang 'yong bag ko sa sofa at nagdiretso na sa kuwarto para magpalit. Nang makapagbihis ay saka ako muling bumaba para gawin ang aking mga takdang-aralin.

Habang naka-indian seat sa sahig at napapalibutan ng mga module at libro ay hindi mawala-wala sa isipan ko 'yong lalaki kanina. Ang pogi kasi! Kaya naman ang traydor kong kamay ay imbes na simulan na ang mga gawain, ay dinampot no'n ang phone ko sa coffee table at nag-text sa aming gc.

Aiya: May kilala ba kayong Vans?

Humilig ako sa paanan ng sofa habang naghihintay sa reply nila, tinutuktok ang kuko ng gitnang daliri sa gilid ng phone.

Cea: Vans? Sapatos 'yon, ah Hashshs.

Jayda: Ako meron.

Napa-ayos ako ng upo sa message ni Jayda at agad nagtipa ng ire-reply.

Aiya: Talaga? Pa send.

Matagal bago niya sinent 'yong reply niya.

Jayda sent a photo.

Napairap ako sa hangin nang makita ang pinasa niyang picture. In-angry ko iyon na siyang tinawanan naman ni Cea. Potek, literal na sapatos ang pinasa!

Jayda: Mapapalanghap-sarap ka pa sa amoy niyan kapag sininghot mo yung loob AHHAHAHA.

Cea: Gago HAHAHA ginawang chicken joy yung sapatos.

Napairap ako sa screen ng phone ko dahil sa message niya. In-angry ko pareho ang message nila ni Cea. Ano pa bang aasahan ko sa mga 'to? Puro kagaguhan!

Aiya: Edi wow!!! Sira-ulo!

Inis kong nilapag ulit 'yong phone ko sa table at inabala na lang ang aking sarili sa paggawa ng mga activities.

Pero nakakailang minuto pa lang ako sa paggawa ay muli kong dinampot 'yong phone ko at pumunta sa Facebook. Tiny-pe ko sa search bar 'yong pangalan ni Kuyang pogi at inisa-isa lahat ng results.

Halos ma-scroll ko na lahat ng may Vans na pangalan pero puro sapatos lang ang pinapakita! Kung hindi sapatos ay 'yong mga bumibili ng mga sapatos. Kainis!

Ano ba kasing buong pangalan niya? Nahiya naman akong tanungin kanina kasi baka mahalata niya akong interesado sa kanya. Well, totoo naman pero slight lang. Isa pa, ang sungit niya! Nakaka-alangan makipagkaibigan.

Sunod kong pinag-search-an ay sa Instagram at Twitter, nagbabaka-sakaling doon ko mahahanap ang hinahanap ko. Pero pare-parehas lang 'yong mga lumalabas kaya nag-give up na ako at nag-aral na lang.

Ngunit kahit anong gawin kong focus ay hindi ako nilulubayan ng taong iyon sa aking isipan. Pa-stop-stop ako sa aking ginagawa para lang muling i-search siya kahit wala naman nang pag-asa. Wala lang, gusto ko lang.

Kaya naman nang matapos ako ay pasado 9 pm na. Umakyat ako sa aking silid matapos kumain para ro'n na lang manood ng K-drama at makapagpahinga na.

Gabi na kung umuwi si Mama kaya madalas ay mag-isa ako rito sa bahay. Sanay na ako roon. Isa pa ay para sa amin naman 'yong ginagawa niya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtawa sa pinapanood ko nang tumunog 'yong phone ko sa may side table. Inabot ko iyon nang hindi tumitingin sa gawi no'n

"Ano?" bungad ko sa kanila nang mag-request ang mga ito ng VC. Kung kailan hating gabi na ay saka mangungulit!

{"'Di ako makatulog,"} tinig ni Cea sa kabilang linya ang sumagot sa akin.

Mula sa screen ng laptop, tumingin ako sa phone ko. Madilim ang background niya kaya hindi ko siya makita. Si Jayda naman ay ceiling ang ipinapakita.

"So? Share lang?"

{"Inom ka kape para makatulog ka o kaya chocolate drink."} Narinig ko ang mahinang tawa ni Jayda sa kabilang linya nang sabihin niya iyon.

{"Boba! E 'di mas lalo akong 'di nakatulong no'n, girl,"} ani Cea sa mahinang boses ngunit mahihimigan ang pagtataray. Natawa kami pareho ni Jayda nang mahina.

Pinatay ko na lang 'yong pinapanood ko dahil natuon na ang buong atensyon ko sa kanila. Isa pa, wala na rin naman na akong maintindihan doon.

Napahaba ang usapan namin at inabot kami ng madaling-araw nang hindi namin namamalayan. Tuloy ay late na akong nagising kinabukasan kaya na-late ako ng 3 minutes.

Habol ang hininga kong inakyat nang mabilis 'yong hagdan. Dala-dalawa na 'yong step na hinahakbangan ko para lang hindi maabutan 'yong pagpasok ng adviser namin.

Unti-unti kong binuksan 'yong pinto at nakayukong naglakad nang mabilis papunta sa upuan ko. Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang hingal nang makaupo ako. 'Buti na lang wala pa si Miss, hindi niya malalamang late ako.

"Late."

Napatingin ako sa likuran ko nang may nagsalita roon. Nag-peace sign ako sa aming baklang secretary habang umuupo ito sa kanyang upuan. Umiling-iling lang ito sa akin habang binubuklat ang attendance sheet. Awit na 'yan, akala ko nakaligtas na. May bruha pa pala.

Nagkaroon kami ng mga activity sa umagang iyon. Karamihan ay puro group works naman kaya hindi gaanong hassle. 'Yon nga lang, nauuna ang tawa at chikahan kaya late kami madalas magpasa.

"Nag-transfer na si Jae, sino na ngayon ang leader?" tanong ko nang magbilog muli kami sa sahig nang sumunod na subject. Bahagya kong inatras ang aking ulo nang tumingin sila Jessie at Rosell sa akin.

"Ikaw," diretsong sagot ni Jessie. Aapila sana ako kaso ay um-agree na silang lahat. Naitikom ko na lang ang aking bibig at napangiwi nang kaunti.

Bakit ako?! Wala tayong magagawa nito. Gusto kong isawika ang nasa isipan ko sa kanila, 'kaso panigurado sa huli ay ako at ako pa rin ang ituturo. Kaya wala na akong nagawa at tinanggap na lang ang aking kapalaran.

"Hoy! Sino 'yong sinasabi mo sa 'min kagabi na Vans, Aiya?" tanong ni Cea habang kumakain ng baon niyang kanin at giniling na may tomato sauce. Break time na kaya nandito kami sa may gym.

Uminom ako ng tubig para mabilis kong malunok 'yong nasa bibig ko bago siya sinagot.

"Wala," diretso kong sabi.

Ngumisi siya. "Weh? Sino nga? Crush mo? 'Oy, Jayda, may crush na raw si Aiya," pangtsi-chika niya kay Jayda nang maupo ito sa 'baba namin, dala-dala 'yong binili niyang pagkain.

"Talaga? Sino? 'Yong sapatos ba? 'Di mo sinabing sapatos pala ang nais mo, Aiya, hindi tao," sunod-sunod na sabi ni Jayda saka tumawa.

Tumawa rin si Cea sa harap ko, nag-apir-an pa ang mga loka. Palihim akong umirap sa kanilang dalawa. Ang epal!

"Oo raw, 'te. Kinikilig nga siya, e," tatawa-tawang sabi niya. Sumulyap pa siya sa akin ng may ngisi kaya mahina kong sinabunutan 'yong buhok niya.

"Gaga, sinungaling!" Inismiran ko siya na siyang ikinalakas ng tawa nila. Shuta!

Pagkatapos ng break time ay puro lecture ang ginawa naman namin hanggang mag-hapon at kaunting seat works.

Nang uwian, nagsabi ako kay Mama na 'wag na niya akong sunduin dahil may late activity kami... kahit wala naman. Gusto ko kasi ulit pumuntang Advincula, baka sakaling makita ko ulit si Kuya sungit.

"O, 'ayan na 'yong bus." Turo ni Cea sa bus na lagi kong hinahabol tuwing commute ako.

Umiling ako. "May bibilhin pa akong materials para sa PT namin. Mauna kana," sabi ko kahit wala naman talaga. 'Buti hindi na siya nagtanong at sumakay na sa bus.

At kagaya ng sinabi ko, pumunta akong Advincula para roon maghintay ng bus kahit malayo. Wala lang, nagbabaka-sakali lang naman.

Wala pang tao nang makarating ako roon. Umupo ako sa bench habang nakatulala sa kawalan, tinitingnan 'yong mga taong naglalakad at mga sasakyan na dumaraan.

Ilang bus ang pinalagpas ko dahil baka bigla siyang dumating at hindi ko makita. Ang kaso naka-trenta minutos na yata akong naghihintay roon... pero wala 'yong Vans.

"Paano ba kasi ako napunta rito?" bulong ko sa hangin. Tumayo ako at sumakay na lang sa bus na dumating.

As usual, punuan na naman kaya standing na naman ako.

Napalingon ako sa likuran ko nang may biglang humalakhak doon. Pati ang ibang pasahero na malapit sa kinaroroonan no'n ay napatingin din. Nagulat ako at napa-iwas kaagad ng tingin nang si Jabez iyon kasama 'yong taong hinahanap ko.

So, sabay pala sila? Gusto kong lumingon kaso baka makita ako ni Jabez at tawagin pa ako. 'Tapos lilingon si sungit, tapos magtititigan kami. Charot! Imagine lang.

I pursed my lips, napahigpit ang kapit ko sa handle. Gusto kong pigilan 'yong bus at bumaba rin sa kung saan sila bumaba. Kaso madalang 'yong bus na humihinto roon diretso sa amin. Isa pa, don't be obvious nga raw, e. Low key lang dapat.

"'Ma, nandito na po ako!" sabi ko nang makarating at makapasok ng bahay. Saktong nasa pinto 'yong dalawa naming husky kaya umupo ako sa paanan ko at hinaplos ang balahibo nila.

"Hi, Diamond and Silver!" Tumayo si Diamond sa akin at dinilaan ang pisngi ko kaya napaupo ako sa sahig. Si Silver naman ay kumakawag-kawag ang buntot, nakalawit pa ang dila at paikot-ikot sa akin.

"Na-miss nila ang Ate." Napatingin ako sa gawi ng kusina nang lumabas doon si Mama, hawak-hawak 'yong bi-na-ke niyang banana cake.

Tumayo ako at nagmano sa kanya. "Ang bango!" sabi ko nang mailapag ni Mama 'yong cake sa hapag.

Kasing bango niya. Charing!

Umakyat muna ako sa 'taas para makapag-bihis at mailapag ang aking mga gamit. Saka muling bumaba para kumain ng meryenda.

"Masarap?" tanong ni Mama sa tabi ko.

Lumingon ako sa kanya. Tumango ako at nag-thumbs up dahil puno ang bibig ko.

Ako ang nagluto ng hapunan namin. I cooked creamy chicken paste that I just watched randomly on Tiktok a while ago while waiting for that grumpy guy.

"Bakit hindi siya dumating? Kainis!"

Itinuloy ko 'yong pinapanood ko kagabi pagka-akyat ko ng silid. Wala naman na akong gagawin kaya mag chi-chill muna ako.

Ang ending, napasarap ang nood ko at late na naman akong nakatulog kaya kinabukasan ay kamuntikan na naman akong ma-late.

"Sorry..." sabi ko nang may nabangga akong tao sa balikat dahil sa pagmamadali. Tumingin ako sa likuran ko para sana mag-peace sign pero nagulat ako nang si sungit iyon.

Nakasuot ulit siya ng salamin at may dala-dalang libro sa kanyang bisig. Ang fresh niya tingnan! Suot niya ang usual naming MTTHF na uniform. Mustard polo shirt na naka-tuck in sa cream pants na may black leather belt. Ang kanyang polo ay plantsadong-plantsado at kahit isang gusot ay wala kang makikita rito. Pati ang kanyang pants ay ganoon din.

Ang kumikintab niyang buhok dahil sa wax ay nakaayos pagilid, may dalawang strands na nahuhulog sa kanyang nuo na mas nagpapa-attract sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay saka umiling-iling na nauna nang pumasok sa loob.

Tiningnan ko 'yong TV na nasa 'taas ng wall nang mag-tap siya ng I.D para malaman kung anong name niya, habang unti-unting pumapasok sa loob. Nakikita kasi roon ang buong pangalan at grade and section ng students tuwing mag-i-in at mag-o-out.

'Kaso ang bilis! May sumunod na nag-tap na sa kanya kaya 'yong full name niya lang 'yong nakita ko at wala 'yong grade at section. At least, nalaman ko full name niya. Salamat monitor!

"Vayden Celvin D. Alvarez," mahina kong sabi sa sarili ko habang naglalakad patungo sa classroom. I bitted the inside of my cheek to stifle a smile, holding the straps of my black backpack.

Bagay sa kanya 'yong pangalan niya, lalo siyang gumwapo. Pero mas bagay ako sa kanya, emz!

"Anong ngiti 'yan?" tanong ni Jeli, ka-seatmate at ka-groupmate ko, nang makaupo ako sa upuan ko.

"Ngiting tagumpay, girl," sagot ko saka humagikhik.

Recitation at dalawang quiz sa umaga ang bumungad sa amin. Halos masayang ang oras ko kakatitig sa test paper dahil surprise iyon at walang nakapag-review sa amin. Nakaka-deads! Sinagot ko na lang kung ano ang sa tingin kong tama. Sa awa ng Diyos, nakapasa naman at parehong mataas kahit papaano.

Sa hapon ay discussions at seat works naman ang ginawa namin. Halos masugat ko na ang aking ibabang labi kakakagat dito habang nagdi-discuss 'yong Religious 1 namin, pinipigilang hindi antukin sa klase dahil importante ang topic.

Pagdating naman ng uwian, nagpaiwan kami ng mga groupmates ko para tapusin 'yong presentation namin bukas na ipi-present sa ibang grade at sections. 'Kaso hindi kinaya dahil naabutan kami ng curfew ng school. Kaya naman dumiretso na lang ako sa isang café pagkalabas ko para roon tapusin 'yong powerpoint at makapag-review na rin ng mga sasabihin ko bukas.

"One large winter melon," ani ko habang nakatingin sa digital menu sa
'taas.

"Anything else, Ma'am?" Doon lang bumaba ang tingin ko sa cashier girl. I shook my head and slid the payment over the counter before sitting on the vacant seat I saw.

Ginugol ko ang oras ko roon habang nakikinig ng instrumental music sa laptop ko. Nang dumating ang order ko ay paminsan-minsan akong sumisipsip roon.

I huffed when I'm already done with our powerpoint. I reached for my phone beside me to send the powerpoint's link to them and also to check our gc.

Aiya: Oyy @Cea.

Wala pang isang minuto ay nag-reply kaagad si Cea.

Cea: Ano?

Aiya: Wala lang. Share ko lang buhay ko sa 'yo, 'yiee! HAHAHA.

Jayda: HAHAHAH. Btw, kailan presentation niyo @Aiya?

Cea replied to you:

Kikiligin na ba ako? 'Wag ka nang mag-present, oyy. Babagsak din lang naman, char! Makikinig ako para sa 'yo, mahal ko... 'yiee! Kelegen ka, plishhh.

Napairap ako sa screen ng phone ko sa ka-korni-han niya at nakagat ang laman ng aking bibig, pinipigilang matawa dahil baka kung anong isipin ng iba. Ang dami pa namang dumadaan.

You replied to Jayda:

Bukas.

You replied to Cea:

Kahit wag ka nang makinig, Cea, kilabutan ka na lang sa sinabi mo. Mang-de-demonyo lang naman kayo, e.

Cea: Aww bait kaya mehh 'yong tipong 'di ka pa nagsasalita, makita mo lang 'yong mukha kong 'maganda', pasado ka na plus matatawa ka pa. HHAHAHA.

Jayda: Taena HAHAHAHA. Ano ka clown?

I pursed my lips. Nakagat ko na yata lahat ng side ng bibig ko para lang mapigilan ang pagtawa... pero hindi ko pa rin mapigilan. Sumasakit na tiyan ko!

Aiya: Sorry, hindi ko makita ganda mo, Cea.

Aiya: @Jayda clown talaga 'yan. Anak ni Pennywise yarn ih HAHAHHA.

Cea . . .

Hindi ko na hinintay ang reply nila. Binaba ko 'yong phone ko sa may table at nilagay 'yong laptop ko sa bag no'n. Saka inubos 'yong order kong milk tea na halos hindi ko nakalahati dahil tutok ako sa paggawa kanina.

Tumingin ako sa relong pambisig ko. 7:00 pm na pala. Umangat ang tingin ko at lumingon sa katabing bintana habang sumisipsip sa inumin.

Shit! Umuulan.

Agad kong hinalungkat 'yong bag ko kung nadala ko 'yong payong. Ang malas, naiwan ko na naman!

Bigo akong muling tumingin sa bintana na halos mapuno na ng maliliit na tubig-ulan at nasisilawan ng kahel na ilaw mula sa street lights.

Kahit ayaw ko munang lumabas ng café ay napilitan ako dahil hindi naman na humihinto! Ginawa ko na lang na payong 'yong bag ng laptop ko at lakad-takbong pumunta sa malapit na silungan doon.

Kinuha ko 'yong phone ko sa bulsa ko at nag-text kay Mama kung nasaan na siya. Baka sakaling papauwi na siya para hintayin ko na lang at makasabay, mag-e-explain na lang ako nang maayos. 'Kaso mamayang 10:00 pa raw ang out niya dahil over time sila ngayon.

Naitakip ko 'yong bag ng laptop ko sa mukha ko. "Argh! Bakit naman minalas ako ngayon?!"

"Aiya?"

Tinanggal ko 'yong bag sa mukha ko para tingnan kung sino 'yong tumawag sa akin. And there I saw Jabez with our polo shirt underneath his sweatshirt and his cream slacks with black leather belt.

"O, Jabez. Ikaw pala."

"Anong ginagawa mo rito? Wala kang sundo?" sunod-sunod niyang tanong.

Ngumiti ako. "Ano... may tinapos kasi akong presentation para bukas. E, kaso 'ayon... naabutan ng ulan," sabi ko at nagkibit ng balikat. "Ikaw?"

"Ah, may binili lang." He smiled. "Puwede kang sumabay sa amin. Sakto pauwi naman na ako, e," pagpapatuloy niya sabay turo ng kanyang hinlalaki sa kanyang likuran.

Umiling ako at ngumiti ulit."Nako, hindi na! Nakakahiya."

"No, Aiya, it's okay. Isa pa ang lakas ng ulan. Baka magkasakit ka," concern niyang sabi saka muling ngumiti.

Kahit anong tanggi ko, hindi niya ako tinatantanan kaya pumayag na lang ako. Kinuha niya 'yong laptop ko at nagpayong kami papunta sa kotse nila na nakaparada sa mga puno. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago lumigid papunta sa shotgun seat.

"Ahm, Aiya, puwede bang umikot tayo saglit sa may school? Nag-text kasi 'yong best friend ko. Wala raw siyang sundo ngayon, e. Nagpapasabay," aniya habang nasa byahe kami. Lumingon ako sa may rearview mirror kung saan rin siya nakatingin. Tumango ako.

"Sige lang," ngiting sagot ko saka muling tumingin sa labas na bumubuhos pa rin ng malakas na ulan.

Bumaba saglit si Jabez pagka-U-turn namin sa Circle para salubungin 'yong kaibigan niyang sinasabi niya kaya naiwan ako sa loob kasama ng kanilang driver.

"Ang tagal mo, a'." Lumingon ako sa kabilang pinto nang bumukas iyon.

Hala! Destiny ba 'to?

Nag-iwas ako ng tingin. Binuksan ko 'yong cellphone ko na kanina ko pa hawak-hawak para sana maglaro at magkunwaring 'di ko siya napansin, kaso lowbat na. Yumuko ako at kinuha na lang 'yong pocketbook ko sa bag.

"Tapos mo na ba 'yong assignment?" rinig kong tanong ni Jabez sa harapan nang nasa byahe na ulit kami. Matagal bago sumagot si Vayden.

Wow, Vayden talaga? Feeling close 'yan?

"Stat? Yes, I have already done it since yesterday," sambit niya.

Napanguso ako. Halos isubsob ko na 'yong mukha ko sa librong hawak ko maiwasan ko lang tumingin sa kanya. Lord, bakit naman pati boses ang gwapo?

"I didn't know na may tao pa lang nagbabasa ng baliktad."

Napatalon ako sa aking kinauupuan sa biglaan niyang pagsalita. Malaki ang mga mata akong napatingin sa kanya na diretso lang ang tingin sa harap. Narinig ko pang tumawa nang mahina sila Jabez sa harapan pagkasabi niya no'n.

Saka ko lang na-realize kung ano 'yong tinutukoy niya. Binaliktad ko 'yong libro ko at sumandal na lang nang tahimik sa backrest. Sinadya kong itakip 'yong kabilang side ng book sa side ng mukha ko kung nasaan siya para hindi niya makita 'yong kilig ko.

"O, I forgot to introduce to you to each other. Anyway, Vance this is Aiya. Aiya..." Umangat ang tingin ko kay Jabez na nakadungaw sa amin mula sa kanyang kinau-upuan.

"Hmm?" ungot ko at bahagyang nagtaas ng dalawang kilay.

Ngumiti siya. "This is Vance, best friend ko."

Lumingon ako sa best friend niya at ngumiti. Siya naman ay nagtaas-baba lang ang dalawang kilay at tumingin na ulit sa harap.

Naiwan ang paningin ko sa kanya at bahagyang umabante. Pati side view niya ang gwapo!

Ang ilong niya ay perpekto at maganda ang pagkakatangos. Ang labi niyang natural ang pula at hindi kanipisan ay maganda ang pagkakakurba. Pati sa kung paano niya basahin ang ibaba no'n ay hindi nakaligtas sa aking paningin.

Ang dark brown nitong mga mata na na-reflection-an ng ilaw mula sa street light na nadaanan namin. At ang mahaba nitong pilik-mata na tumatama sa talukap ng kanyang mga mata na lalong nagpapa-gwapo sa kanya. Lahat 'yon ay kita ko kahit hindi siya nakaharap sa akin.

Grabe! Tao pa ba 'to? Halos lahat ng features ng leading man na nakikita ko madalas sa movie at drama ay nasa kanya na. Full package!

Now, I wonder how many girls desired to become his girlfriend? Imposibleng walang nagkakagusto rito. Ako nga crush ko na siya, e. Slight lang naman.

Nakita ko siyang ngumiwi at tumikhim kaya umiwas ako ng tingin sa kanya at nagbasa na lang ulit kunyari.

Nang ma-bored, binalik ko sa bag ko 'yong libro at kinuha 'yong powerbank para mai-charge ko 'yong phone ko.

Nang bumukas iyon ay pumunta ako sa Facebook para subukang i-search ulit siya, baka sakaling mahulaan ko na this time. Hininaan ko 'yong brightness ng phone ko para hindi niya makitang sine-search ko ang pangalan niya sa social media. Nakakahiya baka makita niya.

At kagaya rati ay hindi ko nahanap ang account niya. Ano ba kasi ang pangalan niya? Titingnan ko lang naman, e!

Kung tanungin ko na lang kaya si Jabez? Kaso baka magtaka siya at mabuking pa ako. Makarating pa kila Jayda, Marites pa naman 'yong mga 'yon.

Umalis ako sa pagkakasandal ko at tumingin sa bintana. Mula roon ay malaya kong pinanood ang reflection niya.

Nakatingin na siya ngayon sa katabing bintana niya, pinagmamasdan ang kalangitan na kakatila lang sa ulan.

"Aray ko!" mahina kong sigaw. Biglang nag-break 'yong sasakyan kaya nasubsob ako sa likod ng shotgun. Napatingin silang lahat sa akin bigla.

I heard him chuckle a bit.

Sira-ulong 'to! Tinawanan pa 'ko!

"Okay ka lang, Aiya?" tanong ni Jabez. Umangat ang tingin ko sa kanya saka ko siya binigyan ng sure na ngiti. Umayos ako nang upo at hindi na muling tumingin sa kanya, imbes ay sa harap na lang.

Ano bang ginawa ko sa araw na ito at puro kamalasan ang nare-receive ko?! Mula kaninang umaga hanggang ngayon. 'Tapos 'eto, putcha! Kung kailan katabi ko si crush ay saka naman may nangyayari. Walang pakisama, 'te?!

Hindi na ako nagpahatid pa hanggang sa tapat ng bahay namin. Gusto ni Jabez na ihatid ako pero ang sabi ko ay hindi na. Isa pa ay malapit naman na 'yong bahay. Isang liko na lang ay nandoon na ako.

Hinubad ko isa-isa ang sapin ko sa paa nang makapasok ako sa bahay saka umakyat na sa 'taas para makapag-shower na't makapagpahinga.

Pakiramdam ko parang ang dami-daming nangyari sa araw na ito na nakakapagod. Sa school, 'yong sa café, at 'yong sa kotse kanina. Kung hindi ko lang crush 'yong taong 'yon, baka binatukan ko na 'yon. Tawanan ba naman ako imbes na tulungan. Grr!

No'ng Thursday ay halos isumpa ko ang araw na iyon dahil sa mga kamalasang dumating sa akin.

Una, ay hindi natuloy ang dapat na presentation namin dahil in-extend ni Sir ang pasahan. Unti pa lang daw kasi ang mayroon na. Sayang tuloy effort kong pumunta pa sa café para lang madaliing gawin 'yon.

Pangalawa, nahulog lang naman ako sa kanal habang naglalakad ako pauwi dahil sa mga estudyanteng nagtutulakan sa gitna ng daan! Ang nakakainis, imbes na mag-sorry ay ako pa ang tinarayan.

Pangatlo ay naiwan ko 'yong susi sa loob ng bahay dahil sa pagmamadali ko kaninang umaga sa pag-aakalang may presentation kami. No choice ako kung hindi ay hintayin si Mama'ng makauwi para makapasok sa loob.

No'ng Friday lang yata umayon ang araw sa akin. 'Yon nga lang ay hindi ko naman siya nakita. Absent siguro.

"ABM 11-B, STEM 11-D, and STEM 12-A," anang guro namin sa P.E and health, kinakausap kami ng aking mga ka-grupo, habang nakatingin sa hawak-hawak niyang chart. Napabuntong-hininga at napangiwi ako nang marinig ang section ng mga kaibigan ko.

Dala ang aking laptop, lumabas ako ng classroom nang lumabas na rin ang iba para roon na lang hintayin ang iba kong mga ka-grupo. I jog their memory first for what they will do during the presentation before we proceed.

Pagkapasok namin sa silid nila Cea ay nagtama kaagad ang aming paningin. She covered her mouth using her handkerchief to hide her laugh there. Palihim ko siyang nginiwian.

Hindi naging mahirap sa amin ang aming presentation dahil sa ilang araw naming practice. I made sure that everyone is ready and participated. Hindi naman ako nabigo dahil lahat ng mga sinasabi at pagpapaalala ko sa kanila ay ginawa nila. Lahat may kusa at walang naging pa-buhat. And here it is, smooth and successful.

Ngunit nang matapos kami sa grade 11 at nasa 12-STEM na kami ay kinakabahan ako. Hindi naman ako gan'to kanina. Maybe because dito ay wala akong kakilala at kila Cea at Jayda ay meron?

Nanginginig ang aking mga kamay habang nagsasalita dahil sa kaba. Ang bilis din nang pintig ng aking puso. Idagdag mo pa 'yong hangin na nagmumula sa aircon kaya kahit naka-jacket ako, nilalamig pa rin ako.

Diretso na lamang ang tingin ko sa pader sa likod para maiwasan ang mga mata nila't hindi mabulol sa mga sinasabi. Nang matapos, nagpasa lang kami ng signature ng mga teacher kay Sir at bumaba na sa gym para makisabay kila Jayda'ng kumain.

"'Ina ka talaga! Bakit mo 'ko tinawag?!" ani Cea saka mahinang hinila ang strand ng buhok ko nang maupo ako sa baba nila, tinutukoy ay 'yong pagtawag ko sa kanya kanina para sagutin ang hinanda naming tanong. Panay kasi ang tawa niya sa akin... kaya siya ang tinawag ko.

"'Sorry..." ani ko saka ngumisi. "Not sorry." At inirapan siya. Ginantihan naman niya ako sa pagtulak sa likod ng ulo ko saka ngumisi kaya ako naman ang nairita. Tinaas ko ang gilid ng aking labi at pabiro siyang inirapan.

"Ito nga nakita ko nagpaalam kunwaring pupunta ng CR 'tapos nakasalubong ko, turon ang hawak." Turo ko kay Jayda na ngumisi lang habang umiinom ng tubig.

Lumunok muna siya saka tinuro si Cea sa tabi niya. "At least, hindi ako natawag kagaya nito," aniya saka tumawa.

"Mahuli ka sana," pikon na ani Cea kay Jayda at isa-isa kaming inirapan. Tinawanan lang namin siya.

No'ng uwian ay nagsabi sa akin si Jayda'ng mau-una na raw siya dahil may lakad daw sila ng parents niya. Si Cea naman ay hindi pa sila pinapalabas ng adviser nila. Kaya habang hinihintay siya sa tapat ng room nila ay sumandal muna ako sa pader at naglaro sa phone ko.

I murmured a curse when I lost the game. "Pot-" Akma sana akong magsasalita nang bigla akong tawagin ng adviser namin. Umangat ang tingin ko kay Miss. Tinigil ko ang paglalaro at binaba ang phone ko sa aking gilid.

Umayos ako ng tayo at ngumiti nang nakatikom ang bibig. "Good afternoon, Miss!"

Tumugon siya sa aking ngiti bago nagsalita.

"Good afternoon, Ms. Valenciez! Can I have a favor? Can you give this papers to 12-A? Pinapatawag kasi ako sa baba, e. Emergency," aniya saka nilahad sa akin 'yong mga papel.

Bahagya akong ngumiti at tumango. "Sige po, Miss," magalang kong tugon at inabot 'yong mga papel.

"Thank you!" She smiled before turning her back to me and walked away.

Lumapit ako sa room nila Cea at tumingkayad para silipin siya na mukhang may ginagawa pa. Minessage ko na lang siyang papanhik muna ako sa 3rd floor saglit para ibigay itong pinabibigay ni Miss, bago umalis.

I knocked on the student's door, but no one's opened it kaya pumunta ako sa may teacher's door para roon kumatok. Pero nakailang katok na ako ay wala pa ring nagbubukas.

Kumunot ang nuo ko. "Bingi ba ang mga 'to?" Akma sanang kakatok ako ulit ngunit bumukas na iyon.

"Yes?" aniya sa malalim na boses. Napatanga ako.

Seryoso ba 'to? Tumingin ako sa may pader para tingnan kung tama ba 'yong pinagkatukan ko na section at tama naman. Ibig sabihin dito ang room niya? Ibig sabihin napanood niya ako kanina?!

Nakataas na ang isa niyang kilay at naka-poker face nang bumalik ang tingin ko sa kanya, hinihintay akong magsalita.

"Ahm... pinabibigay po ni M-Miss. Santos sa adviser niyo," sabi ko, hindi makatingin sa kanya nang diretso dahil sa kaba. Inilahad ko 'yong hawak kong papel sa kanya na agaran naman niyang tinanggap.

Nakagat ko ang laman ng aking bibig nang aksidenteng magtama ang kamay namin bago siya muling pumasok sa loob.

Napayuko ako at napangiti sa nangyari. Tumalikod ako at aalis na nang biglang bumukas muli 'yong pinto at tawagin niya ako.

"Ms. Gray sweatshirt!" Lumingon ako sa kanya at nagtaas ng dalawang kilay.

"Hmm?" ungot ko.

"You forgot this," aniya sa walang ekspresyong mukha. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakalahad at hawak-hawak ang panyo ko. Nahulog ko pala iyon kaninang nagpe-present kami.

Aabutin ko na sana iyon nang marinig ko ang tinig ni Cea 'di kalayuan kaya napalingon kaming pareho sa gawi niya. Ikinawit niya ang kanyang braso sa akin nang makalapit saka kumaway kay pogi.

"Hi, Vance! Kumusta?" aniya na parang sobrang close sila.

Bahagyang ngumiti si pogi. "Okay lang," tipid at diretso niyang sagot saka muling binalik ang paningin sa akin.

Napakurap-kurap ako nang bahagya niyang ini-stretch 'yong kamay niya para kunin ang atensyon ko. Inabot ko iyon at binulsa sa aking palda, siya naman ay pumasok na ulit sa classroom nila.

Tumalikod na rin kami roon ni Cea at naglakad na paalis. Kiniliti niya ako sa tagiliran nang makalayo-layo na kami kaya napaatras ako pagilid, saka niya ako binigyan ng nanunuksong ngiti.

"May ibibigay lang daw pero may pagbigay ng panyo. Hmp! Ikaw, ha. Crush mo pala si Vance, a'. Grade 12 ang nais!"

To be continued... <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro