3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Vance


"Pasado ka?"

Nagtaas ako ng tingin kay Cea nang magtanong ito. Umiling ako sa tanong niya at muling nagbaba ng tingin sa kinakain kong kwek-kwek.

Katatapos lang ng klase at quiz ko sa ELSC kaya nandito kami sa canteen, kumakain at hinihintay na makababa si Jayda para sabay-sabay na kaming umuwi.

"Same," aniya, tumatawa. Umangat ang tingin ko sa kanya tsaka kami humalakhak na dalawa.

"Kaka-quiz lang din namin kaninang umaga. Pucha, ang hirap! Nag-review naman ako. Paulit-ulit pa nga, e. Kaso, ewan ko ba? Basta ang hirap!"

Mahina akong tumawa. "Same. Nag-review rin ako, kaso..." Nagkibit ako ng balikat. "Wala, e... Bagsak pa rin," ani ko at sabay kaming natawa.

Natahimik kami. Yumuko siya saglit at may dinukot sa bulsa niya. Tumingin naman ako sa gawi ng pinto para pagmasdan 'yong mga pumapasok at lumalabas na mga seniors.

"Oh." Napabalik ang tingin ko kay Cea nang magsalita ito at pinadausdos papunta sa gawi ko 'yong phone niya.

Kumunot ang noo ko. "Anong gagawin ko ja'n?"

Ngumisi siya. Nakita kong umukit sa kanyang mga mata ang panunukso. "Kunyari ka pa. Tingnan mo na," aniya.

Inikot ko ang aking mga mata bago unti-unting binaba ang paningin ko sa screen ng phone niya habang sumusubo ng kwek-kwek.

No'ng una ay hindi ko nakuha kung kaninong account sa Facebook iyong pinapakita niya, nickname lang kasi ang nakalagay. Ngunit nang tumawa siya at muling magtama ang aming mga mata ay alam ko na.

"Gaga!" sabi ko sa mababang tono ngunit nakangiti, tinawanan niya ako. Halos mapatingin sa amin 'yong mga katabi namin sa pagtawa niya nang pabiro ko siyang irapan at taasan ng gilid ng labi.

"'Sus! Kunyari ka pa. Alam ko namang gustong-gusto mo. Kilala kita, Aiya. Sine-search mo siya 'no? V. A. N. C. E ang pangalan niya hindi 'Vans' na sapatos." Bahagya siyang tumawa.

Bahagyang humaba ang aking nguso. Pinatong ko 'yong dalawa kong braso sa ibabaw ng lamesa saka nagsalita. "E, malay ko ba! Tsaka... Pa'no 'pag sinabi kong oo?" Unti-unting sumilay ang ngisi sa aking labi.

Humalakhak siya. "Ay, 'di tinanggi, girl! Hay nako! Grade 12 pa nga. Kuya ang nais!" aniya.

Bahagya akong umangat sa aking kinauupuan at inambangan siya ng tuktok sa ulo, saka muling umirap. "Ingay mo!"

Walang katapusan ang tawa niya hanggang sa dumating si Jayda. Tumingin si Jayda sa akin at tinuro si Cea na nakahawak na sa tiyan niya.

"Kailangan na ng mental nito," aniya saka hinila 'yong upuan sa gitna namin ni Cea at naupo roon.

Tinapat ko 'yong hintuturo ko sa aking tainga at inikot-ikot 'yon bago itinuro kay Cea, saka kami mahinang tumawa.

"Jayda," tawag ni Cea rito. Lumingon si Jayda sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"O, bakit? Tapos ka na tumawa? Handa ka na bang ma-selda? 'Wag kang mag-alala, dadalawin ka namin doon."

She raised her middle finger to her and rolled her eyes that made Jayda simper.

"Anong sasabihin mo?" tanong ni Jayda. Sumulyap si Cea sa 'kin kaya napasulyap din si Jayda sa gawi ko. Bahagya ko siyang pinanlakihan ng mata, gano'n din ang ginawa niya pabalik.

"Hay, nako! Nagpalakihan pa nga ng mata. Ano nga 'yon, Cea? Spill the tea!"

Napairap na lang ako sa hangin at sumandal sa likod ng inuupuan ko saka humalukipkip, nakatingin sa may pinto.

"Kilala mo si Vance, 'di ba?" panimula ni Cea. Lalo akong napairap. Peste! Sinasabi na nga ba, e!

"'Yong tiga-12-A? Oo, bakit?"

Ramdam ko ang titig ni Cea sa akin habang nagsasalita. "Alam mo ba? May nagkaka-crush do'n na kakilala natin."

"Weh? Sino?" From my peripheral vision, I saw Jayda move her chair closer to the table and start to become attentive to Cea's tea.

Loob-loob ko ay gusto ko nang takpan ang bibig ni Cea para tumahimik na ito. Ngunit may parte sa akin na sinasabing 'wag at ipagpatuloy niya lang. Baka sakaling may mabanggit si Jayda'ng info. Baka lang.

Nagkuwentuhan ang dalawa habang ako ay nakatingin lang sa may pinto, walang pake kung mahalata ni Jayda.

Bumaling ako sa katabi kong upuan at kinuha sa lunch bag 'yong tubig ko para uminom.

"Si Aiya, crush si Vance." Naibuga ko sa table ang ibang tubig na nasa bibig ko dahil sa sinabi ni Cea. Napaubo-ubo ako at tinapik-tapik nang mahina 'yong dibdib ko.

"Crush mo si Vance?" natatawang tanong ni Jayda.

Inirapan ko si Cea na nagkibit lang ng balikat at ngumisi, bago ako bumaling kay Jayda.

"Slight lang," sabi ko nang mahimasmasan.

Hindi nila ako tinigilan at panay pa ang kantyaw sa akin. Ang lakas pa ng boses nila, lalo si Cea! Gusto ko nang takpan 'yong bunganga nila dahil baka may makarinig. Marami-rami pa namang nakakakilala ro'n. Pati 'yong nangyari no'ng nakaraan sa 3rd floor ay hindi pinalampas ni Cea.

"Dalaga na siya. May crush na at talagang tinarget ay pogi pa. 'Taray!" si Jayda at siniko ako.

"Pangit mo ka-bonding!" sabi ko at inikutan siya ng mata.

"Gusto mo sabihin ko sa 'yo information about sa kanya?" aniyang muli, nang-aasar ang tingin at ngiti.

Pinatong ko ang aking siko sa ibabaw ng lamesa at pumahalumbaba, saka ngumiti at tinaas-baba ang aking kilay.

Tinalasan ko ang aking pandinig. Siyempre, ako pa! Choosy pa ba ako? Nandiyan na ang grasha, tatangihan ko pa ba? Gora na!

Sinabi niya sa akin ang small information ni Vance. Pinalabas niya pa 'yong phone ko sa akin para picture-an 'yong mga social medias niya nang mai-stalk ko raw mamayang pagkarating ko sa bahay.

"Ang akala ko ba ayaw mo sa mga tangkay at pass ka sa mga 'yon? Bakit nahulog ka kay Vance?" singit ni Cea sa gitna ng aming hagikhikan.

"Ayaw niya ng ka-level niya, girl, gusto mas ahead sa kanya. Kuya Vance pa nga," si Jayda. Tinampal ko ang kanyang braso dahil napalakas ang tono niya ng pagkakasabi no'n.

Bumaling ako kay Cea. "Sinabi ko bang ayaw ko ng mga tangkay? Wala akong sinasabing gano'n, 'no! Baka literal na tangkay 'yon," pambibiro ko. Pabirong inikot ni Cea ang kanyang mga mata sa akin, si Jayda naman ay tinawanan lang ako.

"'Oy, 'yon na naman 'yong crush mo, o." Turo ko sa may pinto nang mapalingon ako roon.

Huminto si Jayda sa pagtawa at yumuko sa may lamesa, nagtatago. Ako naman ang natawa ngayon sa kanya.

"Don't look at his way, guys. Sino mga kasama niya?"

Kumunot ang noo ni Cea sa kanya. "Don't look at his way, pero sino mga kasama niya? Ayos mo kausap, ah. Tuleg ka ba? Pa'no namin malalaman kung hindi kami titingin sa gawi niya?"

"Mga kasamahan niya sa basketball," sabi ko, nakatingin sa gawi no'ng crush niya.

"Ilan sila?" tanong ulit ni Jayda.

Pinaliit ko ang aking mga mata at tinuro isa-isa 'yong mga kasamahan niya para bilangin sila. Tinapik ni Jayda ang kamay ko kaya napabaling ako sa kanya.

"'Wag mong ituro, tanga! Mahahalata tayo!"

"'Di tayo mahahalata niyan. Ang layo nila, tsaka hindi sila nakatingin sa gawi natin. Assumera ka lang talaga," sabi ko.

"What are you doing, Jayda?" Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang marinig ang boses ni Jabez 'di kalayuan. Napalunok ako. Umangat ang ulo ni Jayda at tumingin sa pinsan niyang nasa kanyang tabi na. Ngayon ay ako naman ang pumalit sa ginagawa ni Jayda kanina.

Pinagpatong ko ang mga braso ko sa ibabaw ng lamesa at hiniga ang ulo ko roon saka tumingin sa kabilang side, nagtatago.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Cea sa harap ko pero hindi ko siya tiningnan.

"Hi, Vance!" Si Cea ang unang bumati bago si Jayda.

Napapikit ako nang mariin. Pa'no kumalma sa mga 'to?!

Hindi ko narinig ang boses no'ng Vance, siguro'y tumango lang.

"Aiya?" Tinig ni Jabez iyon. Wala akong choice kundi mag-angat ng tingin sa gawi nila.

"Hi!" I greeted him with an ambivalent smile.

Alam kong nasa tabi niya 'yong best friend niya, ngunit hindi ko sure kung sa akin ang tingin niya. Hindi ko kasi siya makita sa gilid ng mata ko.

Humugot ng upuan si Jabez mula sa kabilang table at tumabi sa pagitan namin ni Jayda.

"Kumusta kayo?" Kasual niyang tanong sa lahat. Si Jayda ang sumagot. Luminga-linga ako. Nasaan siya?

Hindi ako makapag-focus sa mga tanong at kuwento ni Jabez. At parang pasok dito, labas doon lang ang nangyayari.

"Aiya, 'di ba bibili ka ng pagkain mo?" tanong ni Cea.

Kumunot ang noo ko sa kanya nang hindi matukoy ang pinagsasabi niya.

Bahagya niya akong pinanlakihan ng mata at pasimpleng isinenyas ang gawi ng mga cart gamit ang kanyang paningin. Saka ko lang nakuha iyon nang tumingin ako sa gawi ng mga 'yon.

Tumayo ako at kinuha ang pouch wallet sa bag saka kunwaring bibili ng kung ano kahit busog na ako.

Lakad-takbo akong pumunta sa kung nasaan siya para maunahan 'yong babaeng dapat sana'y kasunod ni Vance sa pila.

"Anong sa 'yo?" tanong no'ng tindera nang makuha ni Vance 'yong order niya't makaalis.

"Kung ano po 'yong in-order no'ng kaharap ko kanina." Bahagya pang kumunot ang noo ng tindera nang sabihin ko 'yon, ngunit binigay rin kung ano 'yong in-order ni Vance.

Pinigilan kong mangiti habang naglalakad pabalik sa puwesto namin. Pero pagbalik ko ay wala na sila at tanging bag ko na lang ang naroon.

Iniwan ako!

Isinuot ko sa aking balikat 'yong strap ng bag ko habang kinukuha sa pouch 'yong phone ko para i-message sila. Kaya pa naman siguro ng SuperSurf50 ko ang data.

Aiya: Shuta kayo! Bakit niyo ako iniwan?!

"Why are you still here? anang baritonong boses. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagme-message sa gc namin kahit alam kong mamaya pa sila magre-reply.

"Ano sa tingin mo? Malamang, iniwan ako! Obvious ba?" iritado kong sagot sa taong 'yon.

"Easy, lady. I'm just asking."

Nakasimangot kong ini-angat ang tingin ko sa kumakausap sa akin. Umayos ang mukha ko nang makitang si Vance iyon.

Nakataas ang isa niyang kilay at nakangiwi. Kagaya rati, naka-suot ito ng salamin at naka-side pagilid ang naka-wax niyang buhok. Naka white and mustard shirt siya at gray shorts, P.E uniform namin.

He put his tongue on the inside of his cheek. I can't see any emotions on his face, just plain. The line of his lips was straight, and his eyes were deep, while his brow was slightly up. "Are you just looking at me like that or what?"

"Ikaw, ano pang ginagawa mo rito?" Inilihis ko ang usapan. "Nasaan si Jabez? Ba't 'di mo siya kasama?"

Ngumiwi siya nang kaunti. "He's with his cousin and Cea, obviously?"

Ka-nosebleed ang Kuya mo Ate'ng! Wala pa naman akong dalang tissue today.

Tumalikod siya at naglakad na paalis. Agad kong inilagay 'yong phone ko sa pouch at lakad-takbong umalis sa kinaroroonan para maabutan siya.

Pinagmasdan ko ang likod niya habang naglalakad rito sa may covered walkway.

Matangkad siya. Iba ang tangkad niya sa mga players ng basketball at volleyball namin. Parang may lahi. Kaya kung pagtatabihin kami ay para akong grade 7 or 8 niyang kapatid. Maputi siya at mukhang matalino, gwapo pa. 'Yon nga lang masungit. Payat siya pero hindi mukhang malnourished, sakto lang sa height niya.

Kinuha ko 'yong phone ko sa pouch nang maramdamang nag-vibrate iyon. Akala ko gc namin, si Mama pala.

Mama: Hindi kita ulit masusundo. Commute ka na lang ulit, anak. May sudden meeting ako. Ingat ka, I love you.

Nagtipa ako ng ire-reply kay Mama habang paunti-unti akong humahakbang.

Aiya: Okay, 'Ma. Love you, too.

Napaupo ako sa sahig nang biglang may tumama sa aking bola mula sa field. Nasapo ko ang gilid ng ulo ko kung saan ako tinamaan.

Tumayo ako at nagpagpag ng palda. Lumapit sa akin 'yong nakatama para daluhan ako.

"Sorry po. Hindi ko sinasadya," pagpapaumanhin no'ng lalaking player ng volleyball.

Tumango ako at ngumiti. "Okay lang," sabi ko. Bahagya siyang yumuko, senyales ng muli niyang paghingi ng sorry. Kinuha niya 'yong bola at bumalik na ulit sa mga kalaro niya.

Maglalakad na sana ako nang may maalala. Napalinga-linga ako sa paligid. Nasa'n na 'yon?

Napabuntong-hininga ako at napanguso. Bakit pa ako umaasang hihintayin ako no'n? E, wala nga pa lang pakialam sa 'kin 'yon.

Hindi na ako pumuntang Advincula dahil saktong huminto 'yong bus diretso sa 'min pagkalabas ko ng school. Tsaka para maaga rin akong maka-uwi dahil marami ang re-review-hin kong subject para sa MTA namin sa Wednesday.

Pagkabukas ko ng pinto ay tumakbo papunta sa 'kin 'yong mga aso. Nilapag ko lang sa sofa 'yong bag ko at hinaplos sila sa ulo isa-isa.

Pumanhik ako sa 'taas para magpalit pagkatapos ay nag-review na.

Unlike JHS, lahat ng subject na meron ang ABM ang ita-take namin sa MTA. Gustuhin ko mang mag-focus lang sa pagre-review ay marami ring kailangan gawing activities at PT na ipapasa before and right after ng exam. Nakakaloka, stress is real na naman!

Inabot ako ng alas nueve y media sa pagre-review. Hindi pa lahat 'yon. Mga tatlong subjects pa ang re-review-hin ko bukas kung hindi ako tatamarin. Late na tuloy akong kumain at naabutan pa ako ni Mama.

"Bakit ngayon ka lang kakain?" aniya nang mailapag ang bag sa sofa at halikan ako sa ulo.

"Kinalahati ko pa po kasi 'yong mga re-review-hin para sa MTA kaya na-late ako. 'Di ko namalayan 'yong oras."

Tumango siya. "'Wag mo nang gagawin 'yan next time, ha? Hindi magandang nalilipasan ka ng gutom, anak. Magkakasakit ka."

Tumango lamang ako saka muling nagsubo ng pagkain.

Pumanhik si Mama sa itaas para magbihis. Nang makababa siya'y sinaluhan niya akong kumain at binuksan ang dala niyang dessert, pagkatapos namin.

Inulit ko lang muli 'yong ni-review ko kanina at pinasadahan 'yong ibang subjects, bago ako umakyat para maligo na.

Nang makapagbihis ako ay kinuha ko ang aking cellphone sa side table.

Umupo ako sa kama at umurong hanggang sa may pader at doon isinandal ang likod ko. Maaga pa naman tsaka weekend naman bukas.

Sabog kaagad ang notifications ko nang mag-connect ako sa wifi. Puro GC ang mga 'yon. Kung hindi GC namin sa classroom at groupings ay GC naming tatlo. Halos mag-lag na ang cellphone ko!

In-ignored ko muna ang mga 'yon, mamaya ko na lang babasahin. Pumunta ako sa gallery at tiningnan 'yong pinicture-an ni Jayda kanina. Una akong pumunta sa Instagram para tingnan 'yong pangalan niya ro'n.

Vance (@VCAlvarez)

12 posts. 5k followers. 30 following.

Ang famous naman! 'Na all!

Nag-stop ako sa saglit sa profile niya.

Nakaharap siya sa camera. Nakapatong ang magkabila niyang braso sa railings at hindi naka-ngiti. Gabi 'yong background niya at mukhang kuha iyon mula sa itaas dahil sa view sa 'baba na maraming ilaw. Naka-white small printed siyang T-shirt na naka-tuck in sa ilalim ng kanyang cream khaki pants na may mamahaling leather belt. Nakasalamin ito kagaya sa tuwing pumapasok siya at nakahati sa gilid ang buhok niyang itim na pinong-pino.

Nag-scroll down ako. Iilan lang 'yong mga post niya na siya lang. Karamihan ay kasama ang parents niya o kaya sila ni Jabez at iilang mga kaibigan nila.

Humiga ako nang mangalay at nagtalukbong ng comforter. Sunod ko namang tiningnan ay 'yong Twitter niya.

Vc (@AlvarezVance)

PH. Joined April 2016.

36 following. 900 followers.

Nag-scroll up ako. Wala siyang post doon at puro mga tags lang sa kanya at mga re-tweet niya. Naka-private. Huli kong pinuntahan 'yong Facebook niya. Kusang ngumiti ang labi ko nang makitang may maliit na green dot sa gilid ng kanyang profile. Active.

Nag-scroll-scroll ako ro'n. Puro mga shares niya iyon ngayon-ngayon lang at kahapon. Mga educational meme. Nahiya naman ang profile page ko na walang katuturan ang mga meme na shini-share at mga post.

Ang profile picture niya ay kagaya ng nasa Instagram niya. 'Yon nga lang, nakatalikod siya.

Puro tags, mentioned, at share niya lang ang laman ng page niya. Kaunti lang ang mga picture, at kung meron man ay hindi niya solo.

Nag-scroll up ako. I-o-open ko sana 'yong profile picture niya nang biglang pumasok si Mama kaya agad kong pinatay 'yong phone ko at nagkunwaring tulog. Dapat kunwari lang, kaso nagising ako ay umaga na. Na-diretso ko ang pagtulog!

Kinuha ko 'yong phone ko sa ilalim ng unan at inilagay muna sa side table para mag-ayos ng kama. Nang makapaghilamos at makababa ay saka ko lang iyon binuksan.

Unang tumambad sa akin ang message ni Mama sa number ko habang kumakain. Half day lang daw sila ngayon kaya sa labas na lang daw kami mamaya kakain.

Binuksan ko ang Messenger ko para sana basahin ang mga message sa group chats. Pero nagtaka ako bakit pangalan ni Vance ang una kong nakita. I opened it out of curiosity and went to his profile.

Naibaba ko ang kubyertos nang makitang friends na ang nakalagay roon. Agad kong tiningnan 'yong notification ko para i-double check. Indeed, in-accept niya nga!

Hindi ko alam kung matutuwa ako o mahihiya. Paano ko siya na-add friend, e, hindi ko naman cli-nick 'yong add friend kagabi?!

In-screenshot ko 'yon at binigay kila Cea.

Iniwan ko muna 'yong phone ko sa mesa para maglinis. Pagkabalik ko ay ang dami na nilang message sa akin.

Cea: HAHAHA. Magaling, girl. Friends agad.

Jayda: Sabaok in-accept ni crush sa FB HAHAHH.

Cea: @Jayda HAHAHA. Mahina ka pala, e. Don't be shy @Aiya, i-message mo na. Say, hi crush! Future mo nga pala.

Nagtipa ako ng reply sa kanila isa-isa

You replied to Cea:

Siya talaga nag-friend request sa akin. In-accept ko lang. Joke! Ayaw ko nga i-message. Mamaya mahalata niya.

You replied to Jayda:

@Jayda HSHSHAHAHSH.

Iyon ang ginawa ko ng umaga at nanood saglit ng k-drama. Pagdating ng tanghali ay nag-review naman ako ng mga natitirang subjects. Nag-virtual meeting din kami ng mga kaibigan ko para mag-review ng hapon ding iyon, saka ako nagbihis para sa pupuntahan namin ni Mama.

Pinili ko 'yong kabibili ko lang na damit from online shop no'ng nakaraang linggo. White long sleeves iyon na crop-top na may hindi kasikipang choker neck. Pakrus iyon mula ilalim ng hupungan ng aking bisig hanggang sa aking tiyan. Pinartneran ko iyon ng ripped denim pants at black leather belt. Inipit ko ang aking buhok pataas, mas mataas unti sa usual na ponytail style.

Nang makapaglagay ng earrings at relo ay saka ako naglagay ng liptint sa labi at pisngi ko. Sling bag lang ang dinala ko dahil cellphone at panyo lang naman ang aking dadalhin. Isa pa, pabigat lang sa balikat.

Pagkababa ko ay saktong kararating lang ng kotse. Mabilisan kong isinuot 'yong pink closed-toe-shoes ko at lakad-takbong tumungo sa sasakyan.

"Anong order mo?" tanong ni Mama habang nakatingin sa menu sa 'taas, nang makarating kami ng mall.

"'Yong dati, Mama, 'tapos ice tea."

Naghanap ako ng mau-upuan matapos sabihin ang order ko, sumunod naman si Mama sa akin.

"Tapos mo na lahat ng re-review-hin mo?" tanong ni Mama sa gitna ng pagkain namin.

Umangat ang tingin ko kay Mama. "Opo." At pinunasan 'yong sauce sa gilid ng aking labi gamit ang panyo ko.

Hindi kami nagtagal sa mall pagkatapos naming kumain. Bumili lang ako sa National Bookstore ng ballpen at paper para sa exam. Si Mama naman ay damit ang binili sa loob ng Department Store, at umuwi na kami.

Nagpahinga ako kaagad pagkauwi namin ng bahay at pagkatapos maligo. Nakakapagod! Mentally at physically.

Pagdating ng Sunday ay buong maghapon akong nag-review ulit. Hindi gaya no'ng Saturday, hindi ako nanood ng Netflix at nakapatay ang cellphone ko. Tanging instrumental music lang mula sa dinownload ko sa laptop ang maririning sa loob ng silid.

No'ng Monday naman ay gano'n din ang ginawa ko. Pagka-uwi ng bahay, magbibihis lang ako at magre-review na.

Hindi ko rin gaano hinahawakan ang cellphone ko. Hinahawakan ko lang 'yon 'pag may ise-search ako o kung may itatanong sa GC namin, pero madalas ay laptop ang gamit ko dahil 'yon ang mas kailangan ko. Mas lalo akong naging tutok sa pag-aaral nang mag-Tuesday.

"Distribute the papers," anang proctor namin, Miyerkules ng umaga.

I inhaled and exhaled when the test paper was given to me. I studied the whole week so maybe I could answer the questions well. I hope so.

Hindi naman ako gumagawa ng milagro pero sa t'wing pumupunta 'yong proctor sa tapat ko, kinakabahan ako.

Half day lang kami ngayon. Kaya nang matapos ang dalawang unang subject sa araw na iyon ay diretso akong bahay para gawin ang mga activity na hindi ko pa natatapos. Gano'n ang naging schedule ko hanggang Friday.

"May pupuntahan kayo bukas?" tanong ni Jayda pagkababa ng iniinom niyang ice coffee.

Tapos na ang exam kaya narito kami sa malapit na coffee shop sa Advincula.

"Wala," sagot ko. Gano'n din ang sinagot ni Cea.

"Punta kayo sa isang bahay. Wala naman sila Mommy, nasa Baguio sila," aniya.

"Anong gagawin natin do'n?" si Cea.

"Tambay. Tapos naman na MTA day kaya puwede nang mag-chill. Sama ka, Aiya?"

Nagkibit-balikat ako. "Tingnan ko," maikling sagot ko saka bumaling sa katabing bintana.

"Kasama si Jabez," aniya.

"So?"

"E 'di kasama siya."

Bumaling ako kay Jayda. "Ga'no ka ka-sure?"

"Sure na sure," aniya at mahinang tumawa. Nginiwian ko siya.

"Punta ka na. Kita tayo sa may transpo. Libre ko pamasahe mo. 'Pag 'di ka pumunta tapos naaya ni Jabez, magsisisi ka," sabat ni Cea.

"Pa'no 'pag hindi niya naaya?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sige, 'wag kang pumunta. Tapos 'pag pumunta siya, awit ka."

"Biro lang! 'Di mabiro 'tong mga 'to. Siyempre basta pagkain G ako," ani ko.

Ngumisi silang dalawa sa harap ko at medyo napailag pa ang ulo. "Pagkain daw. Baka gawing pagkain siya sa future, oo," ani Cea saka tumawa ng mahina.

"Kalat mo, 'oy!" Bahagya akong umangat para ambangan siya ng tuktok na inilagan naman niya kaagad.

Sa bus stop doon na kami sumakay nang matapos kami. Bigla pa ngang umalan, e. 'Buti na lang nakasakay na kami ng bus at may mga dalang payong nang biglang lakasan.

Unang bumaba si Cea bago si Jayda. Kamuntikan pa ngang lumagpas si tanga dahil sige ang chika niya.

Binuksan ko 'yong payong ko pagkababa ng bus. Saktong may bus ding tumigil kaharap ng sinakyan ko. Nakita ko siyang bumaba roon kasunod ng ale. Tinulungan niya ito sa dala niyang bayong bago tumawid sa kabila. Sinundan ko siya ng tingin.

"Mabait din pala siya minsan," bulong ko sa hangin.

May tinatago rin pala siyang pagka-gentleman sa iba. Pero bakit kapag sa mga ka-edad niya na babae ang sungit niya? Kung sa bagay, kahit ako rin naman siguro ay i-ignore sila kapag hindi na acceptable 'yong paghanga nila. Nakakailang at nakakainis na, gano'n.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Parang wala nga akong tulog! Hindi naman ako uminom ng may chocolate o kumain, pero hindi ako makatulog! Pinasyal ko na lang 'yong mga aso at nag-jogging.

"Anong oras ka aalis mamaya, Aiya?" tanong ni Mama pagkabalik ko ng bahay.

"Mayang mga 5 pm po, 'Ma," sabi ko habang nagpapahid ng paa sa basahan sa pinto.

"Ano oras ka uuwi?"

"After rin po ng kainan namin. Magkikita po kami ni Cea sa may transpo. Sabay na raw po kaming pupunta sa kabilang bahay nila Jayda."

"Sige. 'Wag kang magpagabi, ha? Umuwi ka after ng kainan niyo."

Tumango ako. "Opo." Saka uminom ng tubig sa water bottle na nasa mesa.

Pagkaalis ni Mama ay saka ako naligo. Tinamad na akong magluto kaya nag-order na lang ako sa grab ng pagkain pagsapit ng tanghali.

Habang kumakain, inabot ko 'yong phone sa gilid ko nang mapansing umilaw iyon.

Cea: Kita tayo maya sa may transpo. Suputin mo ako, ah.

Natawa ako sa typo niya.

Aiya: Sige. Anong size ng plastic ang pangsusupot ko sa 'yo mamaya? HSHSHSAH.

In-angry niya 'yon saka nag-type ng ire-reply.

Cea: Siputin kasi 'yon. Ina mo. HAHAHA.

Ni-react ko na lang iyon ng "haha" at chi-narge saka pumanhik sa 'taas para maglaro muna ng COD sa ipad habang naghihintay ng oras.

Nag-suot ako ng stripe V-neck white crop-top long sleeves na pinartneran ko ng black fitted pants at black leather belt, nang sumapit ang alas sinko. Pinaresan ko rin ito ng white sneakers. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at tanging lip-balm lang ang in-apply ko sa aking labi. Wala akong ibang dala kundi ay pouch lang na ang laman ay baong pera at cellphone.

"Ba-bye, babies!" Isa-isa kong hinaplos ang ulo ng mga aso nang pagbaba ko ng hagdan ay naroon sila, bago umalis.

"Aiya!" malakas na tawag sa akin ni Cea nang makababa ako sa loob ng transport hub.

"Nakabili na ako ng ticket. Ano, arat na?" aniya nang makalapit ako.

Tumango ako. "Nandoon na ba raw si Jayd? Hindi nagse-seen sa message ko, e."

"Oo, nando'n na siya. Nando'n na nga raw si Jaybez, e. Malay mo naro'n na—"

"Tara na," pinutol ko ang salita niya at nauna nang pumasok sa van. Sa may gilid ng bintana ako umupo, kasunod ko naman si Cea. Tahimik lang kaming dalawa buong byahe. Siya ay busy sa pag-scroll sa phone niya at ako ay nakikinig ng music sa airpods, nakatingin sa tanawin sa labas.

"Sa'n daw bahay nila?" tanong ko nang makababa kami, hindi alam kung saan ang susunod na pupuntahan.

Tumingin siya sa cellphone niya. "Sabi niya sakay pa raw tayo ng tricycle. Sa may Santa Lucia raw," aniya.

Tumawid kami sa kabila para roon sumakay ng tricycle papunta kila Jayda. Ako na ang nagbayad ng pamasahe namin since siya naman kanina. Ayaw niya pa no'ng una pero pumayag na rin kalaunan. 20 pesos lang naman compare sa 35 pesos kanina na pamasahe namin.

"Manong, dalawang Santa Lucia po," sabi ko at inabot ang bayad sa driver.

Hindi naman kalayuan ang bahay nila Jayda. 15 minutes lang na binyahe namin mula gate hanggang tapat ng bahay nila.

"'Mare, namamasko kami!" sigaw ni Cea mula sa gate. Tumawa ako.

"Pasensya na. Patawad!" malakas na sabi Jayda mula sa loob bago lumabas.

Nang makapasok kami sa loob ay namangha ako sa disenyo nito.

Kung titingnan mo sa labas ay simple lang ang bahay nila Jayda, ngunit sa loob ay maganda. Pinaghalong white at light brown ang kulay ng bahay nila. Wooden ang kanilang floor imbes na tiles at may kahabaang mabalbong gray carpet sa may sala. Pati ang mahaba nilang hagdanan ay gawa rin sa kahoy. Mataas ang ceiling. Pati nga bintana nila ay ang tataas din. Hindi ko ma-imagine kung paano nila tinatanggal at nililinisan 'yong mga kurtina nila.

Umupo kami sa isa sa mga sofa. Ang mga furniture ay gawa sa narra. May recliner rin silang kulay kayumanggi sa tabi ng mahaba nilang sofa kung nasaan kami. May mga mamahaling chandelier din na kumikinang tuwing natatamaan ng ilaw o sinag ng araw, mukhang galing pa sa ibang bansa.

"Kain na. Nakapagluto na kami. Wala sila Manang, nasa kabilang bahay kaya tinawag ko si Jabez," ani Jayda pagkalabas ng kusina at may dala-dalang ulam, mukhang igado. Tumayo kami at tinulungan siyang maghain.

"Nasa'n pinsan mo?" tanong ni Cea habang naglalagay ng mga kubyertos sa mga pinggan.

"Nasa 'taas. Naliligo. Aiya, wala pa crush mo. Mamaya pa raw," ani Jayda.

"Gunggong! 'Di ko tinanong." Inirapan ko siya.

"Talaga ba?" si Cea at kinuha ang dala ni Jayda'ng macaroni salad.

'Di ko sila sinagot at nginusuan lang. Saktong pagkababa ni Jabez ay nakapag-ayos na kami.

"Hindi raw makakasama si Vance ngayong dinner. Snacks na lang daw mamaya, nag-aaral pa raw siya. Masipag talaga 'yon," ani Jabez sa gitna ng kainan. Tumingin sila Jayda sa akin at humagikhik. Napa-angat tuloy ng tingin sa kanila si Jabez.

"Bakit?" Kumunot ang noo ni Jabez sa kanilang dalawa.

"Nothing," si Jayda ang sumagot, natatawa.

"Bakit, crush mo si Vance, Jayda?"

Nabilaukan si Jayda, natawa naman si Cea.

"Jayda pa nga. Baka 'yong kilala ko ja'n," pagpaparinig ni Cea. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Sinong isa ja'n?" Nilingon ako ni Jabez. "Ikaw, Aiya?"

Agad akong napatingin sa kanya para tumanggi pero naunahan ako ng dalawa sa pagsagot.

Peste!

Tumango si Jabez at napanguso. "Gustuhin nga naman ang isang 'yon." At sumubo sa kutsara.

Hindi na ulit kami umimik. Nagsasalita na lang kami kapag magpapaabot ng pagkain. Si Jabez ay ang bilis kumain at nag-paalam na aalis na para sunduin ang bestfriend niya.

Dumating ang dalawa sa helper nila Jayda kaya sila na ang naghugas ng mga dishes, nang matapos kaming tatlong kumain.

Niyaya kami ni Jayda sa sala at sinindi ang kanilang TV saka pinatay ang ilaw para manood ng movie. Horror ang pinili naming panoorin. Hindi kami nanonood ng mga romance kapag kaming tatlo lang ang magkakasama. Mas preferred namin 'yong katatakutan kaysa nakakakilig.

Wala pa lang 'yong multo ay nakatakip na ng unan si Jayda sa mukha. Tig-iisa kami ng puwesto. Sa may mahabang upuan si Jayda, ako sa may recliner, si Cea ay sa may maliit na upuan.

"Ay, anak ka ng Nanay mo!" Napatalon si Jayda sa kinauupuan niya nang biglang may nag-doorbell. Pati kami ay nagulat sa kanya. Binato tuloy siya ni Cea ng throw pillow.

"Kagulat naman 'to!" ani Cea.

Sinilip ko sa bintana kung sino 'yong nag-doorbell. Si Jabez iyon kasama si Vance. Napaayos ako ng upo.

"Sino 'yon, Aiya?" tanong ni Cea.

"Sila... sila Vance."

Sinindi ni Jayda 'yong ilaw at lumabas para salubungin 'yong dalawa. Malakas ang ulan sa labas. Napa-angat ang tingin ko sa wall clock. 6:40 na pala.

"Pasok kayo."

Pinag-cross ko 'yong legs ko at pinatong doon ang isa kong braso habang ang isa ay nasa gilid at nakalaylay.

Tumikhim si Cea sa harap ko at ngumisi.

"Upo ka rito, Vance," alok ni Jayda sa may mahabang upuan sa tabi ko mismo.

Hindi niya pinansin ang sinabi ni Jayda. Sa may gitna siya ng sofa umupo at si Jabez 'yong pinaupo niya roon sa tabi ko.

Nilabas ni Jabez 'yong monopoly sa may ilalim ng coffee table at naglaro kami. Naglabas naman ng beer si Jayda at chichirya.

"Tanduay?" bulong ni Cea nang lumipat siya ng puwesto sa may mahabang sofa sa tabi ko pagkaalis ni Jabez at bigyan siya ng beer ni Jayda.

"Tanduay naman 'to. Pulang kabayo meron kami, gusto mo?"

"No, thanks. Sa 'yo na lang," aniya.

Juice ang hiningi ko kay Jayda dahil hindi ako umiinom ng beer, wine lang tuwing may celebration. Narinig kong gano'n din ang hiningi ni Vance.

Na-enjoy namin ang laro at nanood pa ulit kami ng Netflix kaya ginabi kami.

"Anong oras na, 'Mare?" lasing na sabi ni Cea, nakasalampak na sa sahig at nakahiga sa may coffee table. Si Jayda ay knockout na, nakahiga sa maliit na sofa at nakalawit ang dalawang paa.

"Eight-thirty na," si Jabez ang sumagot sa malalim at mababang boses habang papikit-pikit ang mga mata at nanamlay na, senglot na rin.

"Hoy, Cea! Pa'no 'ko uuwi nito?" Niyugyog ko ang kanyang balikat. Nagkibit-balikat lang siya at pumikit hanggang sa makatulog na.

"Knockout na rin ang isang 'to," rinig kong sabi ni Vance sa likuran ko.

Lumingon ako sa kanya. Nakapamewang siyang tinitingnan ang kaibigang nakahandusay na sa sahig. Kapagkuwan, kinuha niya ang dalawang kamay nito at ini-angat, saka ini-akbay ang isang braso sa kanyang balikat para i-akyat na si Jabez sa 'taas.

Inayos ko ang coffee table at tinapon ang mga bote at plastic ng chichirya sa basurahan. Nang makaligpit ay saka ko inayos ang mga kaibigan ko sa pagkakahiga.

Dinaluhan ako ng mga kasama nila sa bahay at sila na ang umasikaso sa dalawa. Ite-text ko na lang si Tita mamaya na magpapa-iwan si Cea rito pero hindi ko sasabihing lasing. Papagalitan 'yon panigurado.

"Tayo na?" ani Vance nang makababa siya sa hagdan.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti. "Sige, tayo na."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Uuwi na."

"Oo nga," sabi ko pero nag-double meaning sa akin.

Sinulyapan ko pa nang isang beses ang mga kaibigan ko bago umalis.

"Dalawang estudyante po, Manong. Sa may sakayan lang po," aniya nang makasakay kami ng tricycle at i-abot niya ang bayad.

Naglabas kaagad ako ng pambayad sa kanya para hindi niya isiping pinagsasamantalahan ko ang kabaitan niya. Isa pa, wala naman siyang sinabing libre 'yon.

"Ito, o." Abot ko ng bente sa kanya. Tiningnan niya lang iyon at muling tumingin sa harap.

"Itabi mo na lang 'yan," seryoso niyang sabi.

"Huh? E, baka—"

Nilingon niya ako. "Hindi kita sisingilin. Itabi mo na lang 'yan. Baon mo sa Lunes."

Itinabi ko na lang iyon at tumingin na lang din sa harapan.

Nang makasakay kami ng multi-cab papunta sa amin ay inunahan ko na siyang magbayad. Nginitian ko siya nang maupo siya sa tapat ko. Tiningnan niya lang ako.

Hindi ako komportable sa lalaking katabi ko pero hindi ko pinapahalata. Parang sinasadya niya kasing idikit 'yong kamay niya sa gilid ng legs ko kaya hinarang ko 'yong pouch ko sa may banda no'n.

Nag-preno 'yong cab. Ti-ni-ming naman niya 'yon para hawakan nang tuluyan ang legs ko. Napa-cross legs ako at nagtindigan ang mga balahibo sa kaba. Bumaba 'yong katabing ale no'ng lalaking matanda. Ang akala ko ay uurong siya, pero hindi. Mas lalo niyang idinikit 'yong sarili niya sa akin. Napayuko ako at mas kinabahan na. Sa isip ko'y tinatawag na si Mama at gusto nang maka-uwi.

"Excuse me."

Nanatili akong nakayuko. Napalunok ako sa kaba.

"Wala na." Roon ko lang nilingon ang gawi ng katabi ko. Nakakapit siya sa handle habang seryosong nakatingin sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang huminto 'yong sasakyan at bumaba na 'yong matanda.

"Para po!" aniya. Bumaba kami sa may Advincula at doon na lang sumakay ng bus pauwi.

"Salamat nga pala, ah... Vance," sabi ko pagkababa namin ng bus at naglalakad na.

Tumango lang siya, diretso ang tingin sa daan. Binulsa niya 'yong dalawa niyang kamay sa kanyang black bermuda shorts.

Naglahad ako ng kamay. "Alaiya Chaerin Valenciez nga pala."

Tumango lang ulit siya. Hindi niya ako sinagot o kinamayan man lang. Naibaba ko ang kamay ko, medyo napahiya. Alam ko namang alam na niya ang pangalan ko dahil no'n kay Jabez, pero gusto ko pa ring magpakilala ng sarili ko.

"Sa tangkay ka, 'di ba?" Pag-o-open ko ulit ng topic. Masyado kasing tahimik kung maglalakad lang kami. Ang awkward.

"Yeah, scholar. Ikaw?"

"ABM," sagot ko at ngumiti kahit hindi niya ako nililingon.

"Graduating ka na 'di ba? Anong course kukunin mo sa college, engineer? Architect?" tanong ko ulit.

Umiling siya. "Doctor."

Tumango-tango ako. "Wow! Makapagpagamot nga sa 'yo sa future. Hahanapin kita," pambibiro ko. Tumawa ako nang mahina, sinusubukang pahabain ang convo namin at pagaanin ang atmosphere.

"Pedia. Bata ang gagamutin ko hindi isip bata," naka-poker face, diretso niyang sabi.

Grabe, ah! Nagbibiro lang naman, e.

Yumuko na lang ako at pinagmasdan ang anino namin.

"Ikaw?"

Napatingin ako sa kanya. Ngumisi ako.

"Tinatanong pa ba 'yan? Ikaw, of course!"

Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Joke lang!" agap ko. "'Di mabiro 'to. Tourism ang kukunin ko."

Hindi siya sumagot o tumango at seryoso ang mukha niyang binalik ulit ang tingin sa daan.

Wala na akong maisip na topic kaya pinaglaruan ko na lang 'yong mga dahon na nadadaan ko.

"Sa'n bahay niyo?" bigla ay tanong niya. Napa-angat ulit ang ulo ko sa kanya.

Tumaas ang kilay ko at napangisi. "Bakit, interesado ka?"

Pagod na mukha ang iniharap niya sa akin. "Hindi. Idadaan lang kita."

Nagkibit-balikat ako. "Okay." Saka ngumiti sa kanya.

Tinuro ko sa kanya ang daan papunta sa bahay. Hindi na kami nag-usap hanggang sa makarating kami sa tapat ng gate namin.

"Salamat sa—"

Hinawakan niya ang balikat ako at pinagpalit niya kami ng puwesto nang may motor na dumaan at tumalsik ang nadaanan nitong tubig sa gawi namin. Napahakbang ako ng isang step sa maliit na hagdan at napasandal sa gate ng bahay habang siya'y nakalagay ang isang kamay sa gilid ng ulo ko.

Diretso siyang nakatingin sa akin, para bang isa akong topic na kanyang pinag-aaralan. Ngumuso siya. Na-reflection-an pa ng ilaw mula sa street light ang salamin niya.

"Pumasok ka na," aniya.

"Huh?" Napatanga ako.

"Pumasok ka na." Binaba niya ang kamay niya at binulsa iyon. Tumalikod ako't binuksan na ang gate at pumasok na sa loob. Lumingon ulit ako sa gawi no'n nang nabuksan na 'yong pinto para sana magpasalamat sa kanya, pero tumalikod na siya't umalis na.

Nilabas ko ang phone ko sa bag at minessage na lang siya sa Messenger.

Aiya: Salamat sa paghatid :)

Ilang minuto lang ay nag-vibrate iyon. Agad kong iyong binuksan at binasa ang reply niya. Napangiti ako.

Vance: Wc.

To be continued... <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro