Chapter 28

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Tinignan lamang siya ni Hadrian. Nagulat ako nang mas dumami ang mga bodyguards ni Hadrian.

Mabilis umatake si Avianna sa aking likuran. Lahat sila ay binabantayan ako kaya mas lalo ako nairita.

Why do we need to fight each other? Why can't we just do this in a proper way?

Gusto ko isigaw ang mga salitang iyon mula sa aking isipan. Pero hindi ko alam kung paano kapag ganito ang sitwasyon ko.

"It doesn't mean that you fooled Eisha, you can fool us too." sabi ni Leigh kaya nalilito ko sila tinignan.

Tumawa ng sarkastiko si Hadrian.

"I'm not fooling anyone." maiksing sabi ni Hadrian. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kaba. Tumawa ng sarkastiko si Keidon.

"Yeah? Keep it to yourself, Asshole. Tama ang hinala ko na gagawa ka talaga ng paraan para mapatay kami." nakangisi na sabi ni Keidon.

Lalapit sana ako sa kanila nang hilahin ako pabalik ni Avianna. Pumipiglas ako sa hawak niya pero tila ginagamit niya na ata ang lakas niya sa akin.

"Bitawan mo ako, Avianna!" sigaw ko rito pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Sinipa niya ang lalaki sa aming harapan bago ako niya ako nilingon ulit.

"I know what you're planning to do, Eisha! And I'm telling you, don't do it!" banta niya. I gritted my teeth because of frustration.

Sa inis ko ay naitulak ko na siya ng malakas. Napasinghap ako na makitang tinutok na ni Keidon yung baril niya kay Hadrian.

"Eisha! Shit..." tawag saakin ni Avianna na ngayon ay nahihirapan nang tumayo dahil sa aking ginawa. Hindi ko siya pinansin at tinignan si Hadrian.

Walang emosyon tinignan ni Hadrian si Keidon. Pipigilan ko sana si Keidon nang may tumutok rin ng baril kay Keidon. It's Axcel. Seryoso niyang tinutok ang baril kay Keidon.

Ngumisi si Keidon.

"Don't even try it," mas nagulat ako nang gumitna si Zaryl saka tinutok ang baril kay Axcel. Hindi nag bago ang ekspresyon ni Axcel.

Lahat sila ay may baril maliban kay Hadrian. Tinapunan ako ng tingin ni Hadrian kaya tumaas ang balahibo ko.

Nakita iyon ng dalawa kaya masama nila tinignan si Hadrian.

"Wag ka magpa-awa na parang tuta, Hades." sabi ni Keidon kaya kinuyom ko ang kamao ko. Natawa ng mahina si Hadrian. Kinasa ni Keidon ang baril kaya mas lalo kinabahan.

Hindi ko alam kung paano sila pahihintuin. Sumasakit ang ulo ko na makita lahat sila ay nag lalabanan na samantalang ay dapat kami ang nag tutulungan.

Napasinghap ako dahil may biglang sumanib sa akin. Dumoble bigla ang paningin ko kaya parang matutumba ako. Lahat sila ay napatingin sa akin.

"Zaryl! Si Eisha!" Sigaw ni Avianna mula sa kalayuan kaya napamura si Zaryl. Naibaba niya ang baril kaya mas tinutok ni Axen ang baril sa kaniya.

Hindi makakilos si Zaryl dahil sa baril na nakatutok sa kaniya.

"Shit, namumutla siya." sabi ni Leigh.

Parang pipikit ang mga mata ko. Ano ang nangayayari saakin?

"Argh!" daing ko kasabay na pag dilat ko.

Lahat sila ay napatigil dahil sa aking sigaw. Humangin ng malakas kasabay ng pag tuyo ng bawat halaman sa paligid. Maging ang mga halaman sa puno na nakikita ko ay bigla nalanta at bumagsak sa lupa.

Ang damo na inaapakan ay namatay bigla dahil sa aking ginawa.

"Put it down, Axen." utos ni Hadrian kaya napalingon si Axen sa kaniya. Pero agad rin siya sumunod.

Lalapit sana sa akin si Hadrian nang tuluyan nag wala ang sarili ko at nandilim ang aking paningin.

'You are a threat to the two worlds.'

ATHALEIGH'S POV

Lahat kami natigilan na makita ang walang emosyon na mga mata ni Eisha. Her eyes glowing in anger, those eyes wants to tell us something.

I clenched my fist when I saw Hadrian walking towards her.

"Stay there--"

Naputol ang sasabihin ko nang bigla itaas ni Eisha ang kamay niya parang may tinuturo. Kumunot ang aming noo habang nakatingin sa kaniya.

Pero napalitan ng gulat ang pag tataka nang biglang nagtalsikan ang mga baril na hawak namin. Magka-salubong ang kilay niya habang tinitignan namin.

"What's happening?!" tanong ni Avianna.

"Oh please, don't tell me she's out of control again..." sabi ko habang tinitignan si Eisha na ngayon wala sa sarili.

"Boss, give us orders." sabi nung lalaki na katabi ni Hades kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Orders?! Can't you see what's happening to Eisha, you jerk?!" inis kong sabi dito. Tiningnan lamang ako nito.

Hinila ako ni Avianna pabalik. Nag buntong hininga si Hadrian.

"I can handle this, you can go back--"

"But boss, your enemies are still here." mahinahong sabi ng lalaki kaya mas lalo ako nairita.

"Just listen to your damn boss besides you're out of this. Don't wait for us to smash your filthy head!" inis kong sabi sa lalaki. Sinamaan na ako ng tingin nito, nakakamangha na malaman na may emosyon pala ito.

Hades glared at me but I just rolled my eyes.

"That's my order, Axcel." sabi ni Hades kaya wala na nagawa yung Axcel na iyon kundi tumango.

Tingnan ko si Eisha na nakatulala sa kawalan. Pumapaligid sa kaniya ang mga namatay na halaman. Ang malakas na hangin ay pumapalibot rin sa kaniya kaya mahirap siya lapitan.

Pero hindi na ako nag sayang ng oras. Lalapitan ko sana siya nang bigla ako tumalsik. Tumama ang likod ko sa puno kaya napamura ako.

"Leigh!--- tangina!" si Keidon ay napatalsik rin tulad ko.

"Keidon what's--- ouch!" si Avianna naman ay sunod. Nanliit ang mga mata ko. Tinignan ko si Eisha na walang emosyon ang mukha.

Mukhang nananadya na ata 'to?

Ngumisi ako. Hinihintay ko na lamang si Zaryl na tatalsik din.

"Fucking shit, please don't tell me-- damn it, Eisha!" tumalsik rin si Zaryl kaya natawa ako ng mahina.

Tatayo sana ako nang makaramdam ako ng sakit sa aking likuran. Damn, nakakaiba ang lakas ni Eisha kumpara saamin.

"I'm telling you, Hades. You don't wanna wait for her to smash you too." sabi ni Zaryl. Ngumiwi ito dahil sa sakit ng likod.

Tinignan lang siya ng malamig ni Hades kaya tumaas ang kilay ko.

"She will listen to me, don't worry." sabi nito kaya kumunot ang noo ko.

"Who do you think you are, huh?" inis kong tanong pero hindi niya lang ako pinansin. Maging si Keidon ay natawa ng sarkastiko dahil sa sinabi niya.

"You're being assuming, as always." nakangisi na sabi ni Keidon. Umirap ako. Right, ex best friends.

"Wag mo ako itulad sayo, Lorenz." nagulat kami dahil sa sinabi ni Hades. Nananaliksik ang mga mata ni Keidon dahil sa sinabi niya.

"Gago..." bulong ni Keidon.

Pinapanood namin kung paano lumapit si Hades kay Eisha. Maging ang mga bodyguards niya ay nalilito sa kaniya, at natatakot rin para sa kaniya.

I smirked. There's no way he can make her calm in this state. Kung kami ay napatalsik, paano pa kaya siya na masama para sa mga mata ni Eisha?

I was waiting for Hades to get hurt too but my jaw fell when I saw him still standing in front of Eisha. Eisha was just staring at him.

"Oh my gosh... Why don't she hurt him?" Avianna asked. I gritted my teeth.

Please don't tell me she fell in love with that damn man?!

Nagbuntong hininga si Hades. Naging pula ang mga mata nito. Kinuyom ang kamao ko na makitang lumapit siya kay Eisha. May binulong siya sa kaibigan ko.

Napatitig naman si Eisha sa kaniya. Hinawakan ni Hades ang mukha niya. May sinasabi si Hades na hindi pamilyar sa aming mga tenga.

"What the hell is he doing? Zaryl, let's stop him, now." naiinis na sabi ni Keidon pero umiling lang si Zaryl.

"No, just let him." sabi ni Zaryl kaya uminit ang ulo ko.

"Let him?! Are you even thinking? He tried to kill us earlier and I bet he's just doing this to kill Eisha too!" I said.

Nag buntong hininga si Zaryl. Tinuro niya ang pwesto ng dalawa kaya napatingin rin ako.

Patuloy lang si Hades sa ginagawa. Nakakamangha dahil ngayon ay hindi pa rin siya sinasaktan ni Eisha. Tinitignan nila ang isa't isa, ang mga mata nila ay napako sa isa't isa.

"It's their bond. This is the only way to make her calm. Hades is a genius for doing this, actually." sabi ni Zaryl habang pinapanood ang dalawa.

"What do you mean?" tanong ni Avianna habang pilit na tumatayo.

"Hindi ko ito naisip kanina kaya nataranta ako. Pero ngayon naiintidihan ko na..." sabi ni Zaryl kaya mas lalo kami nalito.

Nagulat ako na makita si Eisha ay bumabalik sa dati. Ang halaman na lumilipad na pumabalibot sa kaniya at unti-unting bumabagsak sa lupa.

"That's not Eisha, It was the real Persephone." nahulog ang panga namin dahil sa sinabi niya.

Binalik ko ang tingin ko sa dalawa. Ang walamg emosyon na mga mata ni Eisha ay bumalik sa normal.

"There's only one reason why she didn't hurt Hades." dagdag niya pa.

"And what is it?" tanong ni Keidon.

"He has the spirit of the real Hades that's why Persephone was hesitant to hurt him. He used their bond to take the real Persephone away from Eisha's body. In short, he acted like a real God Hades." paliwanag ni Zaryl kaya sumeryoso kaming lahat.

"He can do that?" wala sa sarili kong sabi. Hindi ako makapaniwala na may kakayahan si Hades para gawin iyon.

Ang mga impossibleng gawin ay nakasulat sa aming libro. At nakakayanan niya gawin iyon na walang hirap.

"He really trained well." sabi ni Zaryl.

"Tss." singhal ni Kiedon.

Nang bumalik na sa normal si Eisha ay nanghina siya bigla. Muntik na siya matumba kaya mabuti na lang ay nasalo na agad siya ni Hades.

Isa isa niya kami tiningnan na may pagtataka sa kaniyang mga mata.

"A-ano nangyari?" tanong niya kaya nag tinginan kaming lahat. Seryoso lamang ang mukha ni Hades.

"Well, sinira mo lang yung spinal cord namin that's what happened--" agad ko siniko si Keidon.

He glared at me so I glared at him back. Kumunot ang noo ni Eisha. Nagulat rin siya na makita si Hades sa kaniyang tabi.

"A-ano ginagawa mo dito? May nangyari ba na hindi ko alam?" sabi niya kaya natahimik kaming lahat.

"Make sure she will take a rest. Let her breath fresh air from nature." sabi ni Hades sa amin. Nag tataka naman siya tinignan ni Eisha.

"What? H-hoy--"

Agad siya hinila ni Keidon mula sa bisig ni Hades. Tinignan siya ng masama ni Hades.

"We already know what to do. We don't need your help. And don't act like you care, Hades. You almost killed us even Eisha." sabi ni Keidon.

"We misunderstood that, Keidon. H-hindi siya ang pakana lahat ng ito--" agad ko na pinutol ang sasabihin ni Eisha.

"Not now, Eisha. We have to go now." sabi ko. Nag buntong hininga si Hades.

"Let me finish first! Hindi siya ang pakana ng lahat ng ito. Kung gusto niya tayo patayin sa una pa lang edi sana ginawa niya na iyon simula pa lang nung pumunta tayo dito!" sabi ni Eisha kaya kumunot ang noo namin.

"He's the only one who has guards on that time, Eisha!" sabi ni Avianna. Tumango naman ako.

"He owned this resort, Avianna. If he wanted to kill us, he would have done that yesterday or the day we arrived!" sabi naman ni Eisha.

Sinamaan ko ng tingin si Hades. Ang galing niya mang-uto ng babae.

"Why can't you--"

Lahat kami napahinto nang marinig namin ang putok ng baril. Lahat kami ay nag tago sa puno. Sinamaan namin ng tingin si Hades.

"Again?! Hindi ka pa ba nakuntento, gago?!" galit na sigaw ni Keidon kay Hades. Hindi siya sinagot nito.

Mabilis hinigit ni Hades si Persephone para mag tago. Nakita ko ang pag sulpot ng mga tauhan ni Hades. Damn it!

Mabilis ako lumapit sa kanilang dalawa.

"Leigh! Take cover!" sigaw sa akin ni Avianna pero hindi ako nakinig.

Mataas akong tumalon at inatake isa isa ang mga nakaharang na lalaki sa aking harapan. Tatamaan sana ako ng suntok ng isa nang mabilis ako yumuko para umilag.

Ngumisi ako. Sinipa ko ito sa tiyan. Hanggang maubos ko na ang mga lalaki sa aking harapan.

Hinawakan ko si Eisha sa kamay tsaka hinila papunta sa aking likuran. Tinignan ako ng masama ni Hades.

"L-leigh wait--"

Mabilis rin pumunta sina Keidon sa aming harapan. Pinalibot kami ng mga natitirang bodyguards ni Hades at tinutok ang baril sa amin kaya napamura ako.

"What should we do now?" sabi ni Avianna. Lahat kami ay nakaharang kay Eisha.

"I got this," sabi ni Keidon.

Biglang nag palit ang mga mata nito. Ang pag ilaw ng asul nitong mga mata ay sumabay sa malakas ng pag alon ng dagat kaya kinabahan kami.

Dumilim rin ang kalangitan kasabay ng pag kidlat ng malakas. Shit! He's using his ability!

"Take it slow, Keidon!" sabi ni Zaryl pero hindi nakinig si Keidon.

Dahan dahan tinaas ni Keidon ang kamay. Nanlaki ang mga mata namin na makita ang pag taas ng tubig mula sa dagat.

Kingina, may plano pa ata itong gumawa ng tsunami.

Ngumisi si Keidon.

"I'm sure that you don't want me to destroy your fucking resort, Hades." sabi ni Keidon. Narinig namin ang pag kulog kaya napaigtad si Eisha.

Binaba ng mga lalaki ang baril. Pero lahat kami nagulat nang may dumaan na van. Nakita namin si Melissa.

"Guys, let's go!" sigaw ni Melissa kaya nag tinginan kaming lahat.

"Nice timing, Melissa." nakangiti kong sabi.

"Go now," sabi ni Zaryl. Tumango kami. Hinila ko na si Eisha pero nakatingin lamang siya kay Hades.

Ayaw niya gumalaw. Haharangan na sana kami ng mga bodyguards nang pinigilan sila ni Hades. Nanatiling na kay Eisha ang kaniyang tingin.

"Tss! Let's go now!" sigaw ko. Mabilis ko na hinila si Eisha. Mabilis kami tumakbo papasok sa van. Pinapasok ko agad si Eisha sa loob. Si Avianna ay nasa loob na rin.

"Zaryl! Keidon!" tawag ko sa dalawa. Tumigil na rin si Keidon sa kaniyang ginagawa. Sumabay ang pag bagsak ng tubig mula sa dagat sa pag baba ng kamay niya.

Pero nakakapag taka ay madilim pa rin ang kalangitan. Mabilis na sila pumunta sa van. Nakapasok na rin kami sa loob ng van.

Tinignan ko si Eisha na nakatulala lang sa bintana. Nag buntong hininga na lang ako.

~~••~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro