Chapter 29

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

EISHA'S POV

"Keidon, Hades is not here anymore. So control your power." seryosong sabi ni Zaryl.

Tumaas ang kilay ni Keidon. Sumilip siya sa bintana, kumunot ang noo niya nang makita ang madilim na kalangitan maging ang alon mula sa kalayuan ay malakas na humahampas sa dalampasigan.

Tumingala ako sa itaas. Kumikidlat ng malakas at kahit ang kulog nito ay nakakarindi sa tenga.

"Are you kidding me, bro? Lightning is not one of my fucking abilities." sabi ni Keidon kaya natigilan kami. He's right, Zaryl is the only one who can manipulate lightning.

Si Zaryl ay natigilan.

"Oh yeah, I almost forgot about that. But I'm not doing anything right now." sabi ni Zaryl.

"Hindi kaya may bagyo?" tanong ni Avianna.

"Walang bagyo. Hindi ko kayo dadalhin rito kung meron. And I did some research, you know." pag yayabang ni Keidon. Umirap na lang ako.

"You did research huh. But you didn't even think to do some background research about the resort that we checked in?" sarkastiko sabi ni Leigh.

Umiwas na lang ako ng tingin. Tinignan ko na lamang ang labas mula sa bintana.

"Malay ko ba kung kay Hades ang resort na iyon?" inis naman na sabi ni Keidon. Napailing na lang si Leigh.

Si Zaryl ay malalim pa rin nag iisip tungkol sa nangyayari ngayon. Possible na gagawan namin ito, since kasama namin si Zaryl at Keidon. May mga ability sila na may related sa karagatan at kalangitan.

Pero sino ang may gagawan nito?

"It's the Gods and Goddesses." biglang sabi ni Melissa kaya napalingon kami.

"What do you mean?" tanong ni Leigh. Nagbuntong hininga si Melissa, tinuro niya ang kalangitan. Nagulat kami na biglang kumidlat.

"I guess they're having an argument from above. Siguradong may ginawa kayo na hindi nila nagustuhan." seryosong sabi niya kaya napalunok kami.

It's the Gods and Goddesses? Is that even possible?

Minsan ko na rin nakita ang totong Persephone sa aking panaginip. Lagi siya bumibisita kasama ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko makilala.

Simula nung malaman ko ang totoo tungkol sa kung ano talaga ang nagaganap sa aking pagkatao, hindi na siya bumibisita sa aking panaginip.

Himala dahil noon lagi akong excited matulog para makita lang siya. I guess they're definitely real. Tumingala ako sa kalangitan, maaaring totoo ang sinabi ni Melissa sapagkat ang mga nangyari kanina ay labag sa batas sa libro.

"Are we in danger now?" kinakabahan na sabi ni Avianna.

"I think no..." sabi ni Keidon. Ngumisi naman si Leigh.

"For now," sabi ni Leigh kaya natahimik kami. Inis ako tumingin ulit sa bintana.

"Hindi ito mangyayari kung magkaka-isa tayo. Walang gulo at walang away." sabi ko kaya natigilan sila.

Nagbuntong hininga na lang si Leigh. Habang si Keidon ay sumimangot.

"It was Hades who started the fight, Eisha." sabi ni Keidon kaya mas lalong uminit ang ulo ko.

"At saka pinalibot tayo ng mga tao niya kanina, diba?" sabi ni Avianna. Kinuyom ko ang kamao ko.

"Kung gusto niya tayo patayin, edi sana nagawa niya na iyon bago tayo nakarating dito. You already said it, he's powerful enough to do it quickly." I explained.

"It's obvious that you're taking his side, Eisha." sarkastiko na sabi ni Keidon.

"I'm not. I'm tired for listening to all of you! Can't you just open your mind? He's not the enemy here. Hindi niya ako ililigtas sa una pa lang kung siya talaga ang pasimuno sa pag putok ng baril." inis na sabi ko.

Natigilan naman si Avianna sa aking sinabi. Parang naintindihan niya agad ang punto ko. Mag sasalita na sana siya nang inunahan na siya ni Leigh.

"How can you be so sure that he don't have any intentions to hurt you?" sabi ni Leigh. Lahat sila ay napatingin saakin.

Ngumisi ako.

"Because I know him." maiksing kong sabi kaya natigilan sila. Ngumisi si Keidon.

"Yeah, it seems you know him very well." sarkastiko niyang sabi. Umirap na lang ako bago binalik ang tingin sa bintana.

Nakita ko ang pag sulyap saakin ni Melissa. Iniwas niya ang tingin niya nang mahuli ko siya nakatingin saakin. Speaking of Melissa, paano niya nalaman na nandito kami?

I thought she was busy in her studies kaya hindi na sinabi ni Keidon kung saan kami pupunta dahil hindi rin siya makakasama.

I still remember her words though. If I couldn't tame Hades, I just have to kill him right away. It's easy to say but it's hard to do. I can't kill a certain person with that reason.

Bigla ako natulala. Kanina pa ako hindi mapakali. Feeling ko ay may nangyari sa akin na hindi ko alam. Tulad ng kanina, nagulat na lang ako nasa harapan ko na si Hadrian.

Naginit ang pisngi ko nang maalala ang mga sinabi niya kanina. Hindi nakakatakot o mabagsik ang mukha niya kanina sa halip ay parang nag aalala ito.

Inaalalayan niya ako kanina. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang sinabi niya. Babalik daw siya dito, wag ko daw balakin na tumakas dahil itatali niya na daw ako.

Natawa na lang ako ng mahina. Bigla ako napatingin sa jeans ko at nagulat na makita ang baril na binigay niya saakin. Paano niya nailagay ito na hindi ko napapansin?

First time ko humawak ng baril kaya natatakot ako. Siguradong bihasa na si Hades sa pag gamit ng baril. Pero ayoko rin gamitin ito sakali, natatakot ako na baka makapatay ako ng tao.

Bigla may ako nakaramdam ng kakaiba na tila may sumusunod saamin. Mabilis ko tinignan ang nasa likuran namin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na may sumusunod na kotse sa likuran namin.

"May sumusunod sa atin." sabi ko kaya lahat sila ay napatingin saakin. Lahat sila ay naalerto.

Seryosong tinignan ni Leigh ang nasa likuran namin. Nagulat ako nang mag palit ang mga mata nito. Hinarap niya kami.

"Mga bodyguards ang sumusunod sa atin. Damn it." naiinis na sabi ni Leigh kaya kumabog ang dibdib ko.

"That asshole, Hindi talaga tayo titigilan." dugtong pa ni Leigh. Kumunot ang noo ko.

Bakit pakiramdam ko na hindi si Hadrian ang sumusunod saamin ngayon?

"Stop the car, Zaryl!" sabi ni Avianna kaya nataranta ako. Susundin na sana siya ni Zaryl nang mag salita si Melissa.

Natawa ito ng mahina kaya kumunot ang noo namin.

"Guys, relax. It's our bodyguards." nakangiti na sabi ni Melissa kaya nahulog ang panga ko.

"Bodyguards? Kailan pa tayo nagkaroon ng bodyguards?" tanong ko.

"Ngayon?" inosenteng sabi ni Melissa kaya napatampal ako sa noo.

"Why you didn't inform us?" seryosong tanong ni Leigh.

"I did! Kay Keidon nga lang." sabi ni Melissa kaya napairap ako.

"Great," sarkastiko na sabi ni Avianna saka tinapunan ng masamang tingin si Keidon.

"We hired some bodyguards for our of safety. It's from great security agency so don't worry. But hey! I didn't know na dadalhin ni Melissa dito ang nga iyan." sabi ni Keidon kaya napahinto ako.

That makes sense...

So totoo nga ang sinabi saakin ni Hades. It wasn't Hadrian who started the fight. It was our bodyguards. Inosente sila sa pangyayari, wala talaga sila intensyon na saktan kami sa una pa lang.

Kaya saka na lang siya nagalit nung nagpa-putok na ang mga bodyguards ng baril.

Pinag-bigyan niya talaga ako sa gusto ko pero binigo ko siya. Kami ang nag simula ng away. Kinuyom ko ang kamao ko.

Despite that, he's still thinking about my safety even though we are the ones who started the fight.

Nanggilid agad ang luha ko.

"It was us, then..." nangigigil na sabi ko. Natigilan naman sila.

"The what?" tanong ni Leigh. Masama ang tingin ko kina Melissa at Keidon. Kung alam ko lang sana ito sa una pa lang, edi sana hindi ko pinag hinalaan si Hadrian at binato ng masasamang salita.

I even called him the devil. Damn it. I hurt his feelings.

"Are you okay, Eisha?" tanong ni Zaryl.

Natawa ako ng mapait. Okay?

"Wala talagang intensyon si Hadrian na saktan tayo. Tayo ang simula ng away, niloko natin siya." nag pipigil na galit kong sabi.

"Huh? Hindi ko maintindihan..." tanong ni Melissa.

"Ang bodyguards natin ang nagpa-putok sa una pa lang. Halata sa ekspresyon nila kanina ang gulat kaya mabilis ako hinatak ni Hadrian sa ilalim ng mesa. Hindi niya gagawin iyon kung siya mismo ang nag utos bumaril." sabi ko kaya natigilan sila.

"So, what's your point then?" tanong ni Leigh kaya nahulog ang panga ko. Hindi ako makapaniwala.

"Nagpa-hirap ako sa task na ito. Ginawa ko ang lahat para makuha ang loob niya but you wasted it. Sinayang niyo ang pagkakataon na pinag hirapan ko." naiinis na sabi ko.

"Oh my gosh... I promise, I didn't know that it was our bodyguards. Ngayon ko lang nalaman din." mahinhin na sabi ni Avianna. Nag buntong hininga ako saka pagod tinignan ang iba.

"It doesn't matter, mukhang nagpa-hirap rin ako sa wala." walang emosyon kong sabi.

"You're wrong, Eisha." sabi ni Melissa kaya tumaas ang kilay ko. Ngumisi ito.

"Yes, our bodyguards were there. We were watching you from afar. Akala rin namin maayos na pero nagkamali kami. Nahuli namin sa akto ang pag tutok ng baril ng bodyguard ni Hades kay Athaleigh." sabi niya pero hindi man lang ako nagulat o ano.

"Now, that's the truth..." sabi ni Keidon saka sumulyap saakin. Tinignan ko ng mabuti ang mukha ni Melissa.

Kahit gusto ko maniwala sa mga sinabi niya parang sarado ang utak ko. Bakit parang impossible ang mga sinasabi niya? O sadyang mas pinipili kong paniwalaan si Hadrian kaysa sa kanila?

"Tell me, Eisha. Do you like him now?" biglang tanong ni Leigh kaya natigilan ako. Sumeryoso ang mukha ni Keidon. Dumilim pa ang mukha nito.

Like him?

Kumabog ang dibdib ko. Iniwas ko ang tingin ko.

"N-no..." sabi ko kaya tumaas ang kilay niya.

"I thought it was only a task, Eisha. What happened?" tanong ni Leigh kaya lumamig ang kamay ko.

Bakit ako kinakabahan? Matapang ko inamin ang tunay na nararamdaman ko kay Hadrian pero bakit sa kanila naduduwag ako?

"Guys, that's enough. She needs to rest." sabi ni Zaryl saka sumulyap saakin. Nakahinga ako ng maluwag. Laking pasalamat ko kay Zaryl na naligtas niya ako ngayon.

Nagbuntong hininga na lang si Leigh saka sumandal ulit sa kinauupuan. Si Keidon naman ay iniwas ang tingin. Nanlumo ako bigla.

Hindi ko alam kung sino paniniwalaan ko sa puntong ito. Alam ko na hindi mag sisinungaling saakin si Hadrian pero mas lalo ang mga kaibigan ko.

Dapat ay mananatili muna kami sa tambayan namin, sa mansion nila Keidon pero nag prisinta na ako umuwi. Masama ang pakiramdam ko hindi ko alam kung bakit.

"Nandito na tayo," natauhan ako sa sinabi ni Keidon.

Siya ang nag hatid sa akin sa bahay namin. Dapat si Zaryl ang mag hahatid saakin kaso may kailangan pa daw ito gawin kaya si Keidon na lang daw muna.

Sa una ay hindi na ako pumayag. Ayos lang saakin na umuwi ng mag isa pero pareho sila na hindi pumayag kaya wala na ako nagawa.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkaka-ayos ni Keidon. Parang ang dati namin lokohan at harutan ay nauwi sa katahimikan.

"Natatae ka ba o ano at hindi ka makababa ng sasakyan?" nagulat ako sa sinabi ni Keidon. Binalot ako ng kahihiyan.

Sinamaan ko siya ng tingin. Umirap na lang ito bago lumabas. Bubuksan ko sana ang pinto ng kotse nang maunahan niya na ako.

Nginitian ko siya nang makalabas. Seryoso niya ako tinignan habang ang dalawang kamay ay nilagay sa loob ng bulsa.

"Salamat sa pag hatid, mag-ingat ka sa pag-uwi." nakangiti kong sabi. Hindi pa rin nag babago ekspresyon nito.

Agad ako nailang dahil sa titig niya kaya humakbang na ako.

"U-uhm, salamat ulit. Una na ako." mahinang sabi ko. Tatalikuran ko sana siya nang hinablot niya ang pulso ko.

Sa sobrang bilis ng pangyayari natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakasandal sa kaniyang magarbong sasakyan.

Napalunok ako habang tinitignan siya. Sinalubong ako ng madidilim nitong mga mata.

"You like him, do you?" sabi niya kaya natigilan ako.

"S-sino ang tinutukoy mo ba?" naiilang ko sabi. Natawa ito ng sarkastiko.

"Hades, Eisha." sabi niya kaya iniwas ko ang tingin ko. Hindi ako nakasagot sa kaniyang tanong. Tinignan niya ako ng malalim.

"Why him?" mahinang tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.

'Why not him?'

"Keidon..." hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Alam ko na nasasaktan siya.

"Fuck, bakit siya pa? Bakit siya pa, Eisha? Please tell me..." nanghina ako dahil sa kaniyang sabi.

"H-hindi ko alam... Please Keidon, I don't really want to hurt you." hindi ko alam ang pwedeng sabihin na hindi siya masasaktan.

Ngumiti ito ng pilit.

"You already did..." sabi niya kaya natigilan ako. Nag buntong hininga ako.

"Y-you deserve someone who better than me, Keidon. Maraming babae diyan nag lilimos ng atensyon mo." sabi ko. Lumayo ito saka inis na sinuklay ang buhok.

"If it's not you then I won't. If you think my feelings can fade away that easily then you're wrong." sabi niya kaya napayuko ako.

"Please tell me it's only a task right?" nanlumo ako bigla sa sinabi niya.

"I've been asking the same question to myself, Keidon..." mahina kong sabi kaya napapikit siya ng mariin.

"Then why you didn't tell us the truth earlier?" tanong niya tila nag pipigil galit. Kinagat ko ang ibaba kong labi.

"H-hindi ko alam. Hindi pa ata ako ready. Natatakot ako na baka--"

"Na baka husgahan ka namin at sabihing pumalpak ka sa task mo ganon ba?" prangkang sabi niya.

Natigilan ako at napayuko na lang. Hindi ako makapag salita dahil tama ang sinabi niya.

Nag buntong hininga na lang ito. Nagulat ako nang itaas niya ang baba ko kaya tumama ang mga mata namin sa isa't isa.

"You don't have to be afraid, I've got you. Kahit alam ko na siya pa rin ang pipiliin mo sa huli, nandito pa rin ako sa tabi mo." malambing na sabi niya.

"But don't expect me to give up. I will prove myself to you. Malay mo tayo sa huli?" nakuha niya pa mag biro kaya natatawa akong umirap.

"Bahala ka na nga! Nakuha mo pa mag biro, tss." sabi ko. Nagulat ako nang bigla sumeryoso ang mukha nito.

"I'm not joking, Eisha." sabi nito kaya napa awang ang bibig ko. Ngumisi ito saka tinitigan ang labi ko.

"I can kiss you here if you want to know how serious I am right now." sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko.

"K-keidon..." kinakabahan kong sabi. Siniksik ko ang sarili ko sa kotse.

Tinignan niya ako ng matalim sa mga mata. Kumabog ang dibdib ko. Seryoso ba siya?

Nagulat ako nang tumawa ito ng malakas. Yung tipong abot sa kanto yung lakas, pati ang mga kapit bahay namin ay mapapa labas.

"Shit! Sayang hindi ko na-videohan yung reaction mo!" sabi niya sabay halakhak.

Sumama ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Mas lalo ako nairita nang hindi ito tumigil sa katatawa. Mabilis ko siya binatukan bago siya tinalikuran.

"Aray! H-hoy! Eto naman..." sabi niya pero hindi ko na siya pinansin. Tinaas ko na lang ang gitna kong daliri habang nakatalikod.

"Hoy! Wag mo ako ginaganyan, baka gawin ko yan sayo!" sabi niya kaya inis ko siya nilingon.

"Hindi ka talaga titigil ah..." aakma kong ibabato sa kaniya yung bato na nakuha ko nang mabilis na siya sumakay sa kotse niya.

"I'm just kidding! Goodnight, dream of me babe!" sigaw niya bago tuluyan na umalis.

Natawa na lang ako ng mahina bago umiling. Hindi pa rin siya nag babago.

Hanggang sa pag tulog ko ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari sa araw na ito.

Pakiramdam ko ay parang may kulang pagkatao ko. Parang may gusto ako malaman tungkol sa nangyari kanina na hindi ko matukoy kung ano.

Gusto ko alamin iyon pero sumasama lang lalo ang kutob ko.

Ayoko sana mag hinala pero pakiramdam ko may tunay na kalaban nanonood sa bawat kilos naming lahat.

Parang siya rin ang nag frame-up kay Hadrian. Posible ang sinasabi nila Artemis, may nag mamasid sa amin na kalaban.

~~••~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro