Chapter 30

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Sa aking pag gising ay agad ako nag paalam sa mga magulang ko para pumunta kina Keidon. Biglang nag text kasi si Zaryl sa akin, may kailangan daw kami pag usapan.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Simpleng off-shoulder na semi crop top at white jeans ang suot ko. Kinuha ko na ang sling bag ko at natigilan ako nang makita ko ang baril sa aking drawer.

Nag dadalawang isip pa ako kung kukuhanin ko ito o hindi. Pero napag deisisyon na ako na hindi muna dalhin ito. Baka may makakita at ipakulong pa ako.

Dala dala ko ang aking libro. Matagal ko na hindi nababasa ito. Importante pa naman daw ang mga nakasulat dito kaya mabuti na lang ay sinipagan ulit ako mag basa.

"Ma, pa, una na ako!" sigaw ko sa aking mga magulang ko.

"Sige, nak. Mag iingat ka! Tumingin ka sa daan wag ka tatanga-tanga diyan sa nilalakaran mo!" sermon sa akin ni papa kaya napa iling na lang ako.

"Sige pa!" sigaw ko pabalik. Nang makalabas ako, nakita ko ang kapatid ko na nakatayo sa aming gate. Hawak hawak ang phone nito, mukhang may hinihintay na text.

"At ano naman ang ginagawa mo diyan, babae?" mataray kong tanong sa kapatid ko. Napatalon ito sa gulat kaya nagulat rin ako.

"A-ate naman... Wag ka naman manggulat ng ganon!' singhal niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Aba, ikaw pa itong nagulat? Eh halos ako ang atakihin sa pag talon mo!" inis kong sabi. Sumimangot na lang ito.

Anong problema nito?

Sumilip ako kaunti sa phone niya para tignan kung sino ang tinetext niya. Pero agad niya ito iniwas at sinamaan ako ng tingin.

"Ano ba 'yan ate? Ang tsismosa mo naman." sabi niya kaya sumalubong ang kilay ko.

"Sino yan ha?! Bakit ayaw mo ipakita saakin? Jowa mo? Sumbong kita..." pananakot ko rito kaya mabilis niya hinila ang braso ko.

"Joke lang naman ate! Eto naman,  Akala mo wala rin siya ka-text..." sabi niya sabay nguso.

"Hoy! Mga kaibigan ko lang tinetext ko!" sabi ko rito. Nagulat ako nang ngumisi ito saakin. Tinuro turo pa ako.

"Kaibigan? Wala ako kilalang Hadrian na kaibigan mo, ate." seryoso niyang sabi kaya natigilan ako. Umiwas ako ng tingin saka kinagat ang ibabang labi.

"N-nangingialam ka ng sariling gamit ah!" sinubukan ko pa siyang sermonin pero hindi gumana.

Nag text ba si Hadrian? Shit.

"Anong nangingialam, ate? Iniwan mong nakabukas iyang cellphone mo at saktong nasa messages kaya nabasa ko!" sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Tignan mo, ikaw yung tsismosa sa ating dalawa. Bakit ka nag babasa ng messages ko?" mataray kong sabi rito.

"At bakit naman hindi--"

"Oh, tama na 'yan. Baka mag suntukan na kayo niyan." pareho kami napatingin sa aming harapan.

Nakita ko si Zaryl na nakapamulsa sa harapan namin. Naka polo ito saka jeans kaya kitang kita ang kaniyang perpektong katawan. Naka open ang butones ng polo niya kaya kita ang bukana ng dibdib niya kaunti.

Nakangisi niya kami tinitignan habang pinag lalaruan ang susi ng kotse niya.

"Ano ginagawa mo dito? Akala ko ba si Keidon ang susundo sa akin?" sabi ko. Tumaas ang kilay ko.

Tumingin ito saglit saka nilipat sa kapatid ko ang tingin.

"You're hurting my feelings, Eisha." natatawa niyang sabi bago nilipat ang tingin sa akin.

Napatingin naman ako sa kapatid ko na ngayon nakayuko. Parang hindi mapakali. Panay iwas ang tingin, parang tanga.

"A-ano... Ate, u-una na ako ha? Ingat ka." pa-utal utal na sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

Mabilis siya tumalikod saamin pero bago pa siya humakbang paalis ay mabilis na siyang hinigit ni Zaryl sa pulso. Umawang ang bibig ko dahil sa aking nakita.

Nanlaki ang mga mata ni Patricia.

"I just want to give this back to you. Salamat sa pag hihiram mo sa akin ng payong mo." nakangiting sabi ni Zaryl. Sobrang ganda ng ngiti niya yung tipong mapapatulala ka na lang.

Pero syempre maliban saakin. Napatingin naman ako sa kapatid ko na nanginginig ang kamay na kinuha ang umbrella mula sa kamay ni Zaryl.

Umiwas ng tingin si Patricia. Yumuko ito kaunti kaya natawa ng mahina si Zaryl.

"W-wala iyon, sige una na po ako." sabi niya sabay takbo papunta sa loob ng bahay namin.

Aba, ang galing ng batang iyon. Ang galang pag dating sa kaibigan ko samantala sa akin ay halos kulang na ay sabunutan ako.

Parang hindi makapaniwala si Zaryl sa inakto ng kapatid ko kaya natawa nanaman ito. Napailing pa ito kaya kumunot ang noo ko.

Kung akala niya ay balewala lang saakin iyon pwes nagkakamali siya. Hindi ibig sabihin Chief God namin siya ay hahayaan ko lang iyon.

"Ano 'yon?" tanong ko kaya napahinto ito sa katatawa. Napalunok naman sya sabay kamot sa batok niya kaya tumaas ang kilay ko.

"What? She borrowed me an umbrella. It was nice of her, actually." sabi niya sabay bukas ng pinto ng kotse niya.

Tinignan ko siya ng matalim.

"Nice huh, eh kung iumpog ko kaya ang ulo mo diyan sa kotse mo?" brutal na sabi ko.

Natatawa naman niya ako tinignan kaya mas lalo ako nairita.

"What? I didn't do anything nasty, Eisha. We just met in coincidence at saktong umuulan non kaya pinahiram niya ako ng extra umbrella." dahilan niya.

Pumasok kami sa loob pero hindi ko pa rin inaalis ang masama kong tingin sa kaniya.

Natawa ako ng sarkastiko.

"Extra? Eh akin yung umbrella na iyon, ugok." inis kong sabi sa kaniya kaya napalingon siya saakin bago ibalik ang tingin sa daan.

"Oh? Edi thank you." sabi niya kaya mas lalo ako nairita.

Ang sarap niya iumpog sa bintana sa totoo lang.

Siguro ang sinasabi niya yung hindi ako nakasulpot sa usapan namin ni Patricia na susunduin ko siya pero dahil busy ako, hindi ako natuloy kaya umuwi siya ng mag-isa.

"May gusto ka ba sa kapatid ko?" diretsuhan kong sabi kaya natigilan siya. Pero napalitan iyon ng tawa.

"Chill, Persephone. I'm not like that. She's just so adorable, It feels like she's my sister." sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

Sister? May balak pa ata ito ako agawan ng kapatid.

"Sinasabi ko lang, dahil alam ko na pareho kayo babaero ng kaibigan mo." mataray kong sabi. Ngumisi ito.

"I'm not babaero. At loyal si Keidon sayo kaya don't worry." sabi niya. Natigilan ako. Mukhang hindi pa ata sinasabi ni Keidon tungkol doon.

Hindi na ako sumagot pa. Hanggang may maalala ako na dapat itanong sa kaniya.

"Zaryl, hindi mo ba naiisip na parang may nagfe-frame up kay Hadrian para maisip natin na siya ang kalaban natin?" tanong ko kaya sumeryoso ang mukha niya.

"You mean Hades?" seryoso niyang tanong kaya kinagat ko ang ibabang labi ko saka tumango.

"How do you say so?" tanong niya.

"Di ako sure pero iba ang pakiramdam ko sa lahat ng nangyayari. Parang may nag mamasid saatin. At sigurado ako na hindi intensyon ni Hadrian na saktan tayo, kahit anong pilit niyo pa sakin." sabi ko. Kinuyom ko ang kamao ko.

"Hmm, so you're saying that he's not the culprit here?" sabi niya. Tingnan ko siya ng matalim.

"He never was." madiin kong sabi kaya natigilan siya. Natawa siya ng mahina.

"Okay, let's say he's not the culprit here. Sino sa tingin mo kung ganon ang may pakana ng lahat ng ito?" tanong niya kaya natigilan ako.

Hindi ko pa naiisip ang parteng iyon. Wala ako idea pero feeling ko na posibleng totoo ang sinasabi ni Artemis na sa amim nga ang kalaban.

Ayoko isipin na may traydor sa amin pero hindi ko rin maiwasan dahil iyon ang pakiramdam ko.

Hindi ko alam kung ano isasagot kay Zaryl. Baka isipin niya talaga na ginagawa ko lang ito para protektahan si Hadrian.

Gusto ko lang talaga maging open minded sila pag dating sa mga nangyayari lalo na para sa kaligtasan naming lahat.

"Relax, Eisha. I'm not going to judge you. At saka, ito ang dahilan kung bakit ako nagpa-tawag ng meeting." sabi niya kaya natigilan ako.

"A-ano ibig mong sabihin?"

Tinignan niya ako ng seryoso.

"I thought I'm the only one, it's good to know that you can notice what's happening." sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

Ibig sabihin ay hindi lang ako ang nakakaramdam ng kapahamakan na posibleng mangyari?

"I know what you're thinking. You're right, you're not the only one." sabi niya kaya umawang ang labi ko.

"A-akala ko huhusgahan mo ako..." nakayuko kong sabi kaya natawa ito ng mahina.

"I am the Leader, Eisha. Don't underestimate my power as the Chief God." seryoso niyang sabi.

Right, leader namin siya. Alam niya ang bawat na nangyayari lalo na kapag may trahedya na maaaring mangyari.

"Edi alam mo din na may traitor sa mga kasama natin?" tanong ko kaya natiglan siya.

"A traitor?" ulit niyang sabi. Tumango ako.

"Y-yeah, hindi ko lang alam pero posible rin totoo ang mga sinasabi ni Artemis." sabi ko. Nag buntong hininga ito.

"Eisha, it's not right to accuse our friends as a traitor. If they're really your friends, you must know them well." seryoso niyang sabi.

Napapahiya akong yumuko.

"S-sorry..."

Ngumiti na lang ito saka binalik ang tingin sa daan. Hindi ko maiwasan ma-kosensya.

May point siya, kung kilala ko talaga ang mga kaibigan ko hindi ko dapat sila huhusgahan agad agad. Parang kanina ay takot na takot ako mahusgahan ng iba tapos ngayon ako pala ang nanghuhusga.

"I'm sure there's other Mythians everywhere. Baka sila ang kumikilos ngayon para kalabanin tayo." sabi niya kaya natigilan ako.

"Mythians?"

Nilingon niya ako na tila hindi makapaniwala.

"Hindi mo alam na iyon ang tawag sa atin?" natatawa niyang tanong. Nanatili nakakunot ang noo ko kaya sumeryoso siya.

"The first generation made that name. I know it's kinda' corny name. But hey, there's another name but lolo Franz won't reveal it yet."" sabi niya kaya napatulala ako.

First generation? Ibig sabihin ang mga nauna sa amin ang gumawa ng pangalan na iyon. Pero may isa pang tawag? Bakit ayaw sabihin ni lolo Franz sa amin iyon? Well, I'll stick with Mythians na lang.

"We are Mythians, a supernatural and dangerous creatures." sabi niya at tila proud na proud pa nang sabihin iyon.

'Mythians...'

"I like the name, it's cool." nakangiti kong sabi.

"Yeah? Good for you then. Nung nalaman ni Keidon ang pangalan na iyon, muntik na siya masuka dahil ang pangit daw." sabi niya. Napailing na lang ako.

"So sinasabi mo ang may pakana ng lahat ng ito ay yung ibang Mythians?" tanong ko. He shrugs his shoulders.

"We're not that sure yet. Pero iyon ang pakiramdam ko. Hindi pa naman natin nakikilala ang ibang Mythians kaya posible na makaroon tayo ng kalaban tulad ni Hades." paliwanag niya.

"Hindi nga siya sabi ang kalaban eh!" inis na sabi ko kaya napalingon siya saakin.

Kahit ako ay natigilan sa aking sinabi. Tumaas ang gilid ng labi niya kaya iniwas ko ang tingin ko. Kinagat ko ang ibaba kong labi.

"Hmm... Mukhang ikaw ata ang may tama sa Levinson na iyon ah?" pang aasar kaya inis ko siya tinignan.

"S-shut up..." namumula kong sabi kaya humalakhak ito.

"In love ka na ba?" dagdag niya pa kaya mas lalo ako namula dahil sa galit. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi mo talaga ako titigilan?" banta ko na sa kaniya kaya pinigilan niya agad ang tawa niya.

"Sus, in-denial ka pa." sinamaan ko siya ng tingin at this time Hindi ko na-kontrol kaya naging amber eyes ulit ang mga mata ko.

"Oh! Chill, eto na titigil na nga po." sabi niya kaya umirap ako. Kinalma ko ang sarili ko saka pinikit ang mga mata.

Pay dilat ko ay tinignan ko ang sarili ko side mirror. Nakahinga ako ng maluwag nang makita bumalik sa normal ang mga mata ko.

"Pero may kailangan ako ipaalala sayo, Eisha." seryosong sabi niya kaya napatingin ako.

"Ano na naman 'yon?"

"Alam ba ni Hades tungkol sa tunay na plano mo?" tanong niya.

"H-hindi..." sabi ko. Nagbuntong hininga ito kaya kumunot ang noo ko.

"Pero ang alam niya lang ay plano mong pasalihin siya sa atin?" tanong niya. Tumango ako.

"That's good then..." sabi niya.

"B-bakit? May problema ba?" kinakabahan kong tanong.

"Wala naman. Gusto lang kita mag-ingat. Mas ikakabuti kung hanggang doon lang ang nalalaman niya tungkol sa dati mong plano." sabi niya.

"Hindi ko maintidihan, Zaryl." seryoso kong sabi.

Nilingon niya ako, natigilan ako nang makita kung gaano rin siya ka-seryoso.

"Dahil kapag nalaman niya na intensyon mong amuhin siya sa una pa lang baka mapahamak ka." parang tumigil sa pag tibok ang puso ko dahil sa sinabi niya.

"And I know that making him fall in love with you is included in your plan. And unexpectedly, it seems you fell into your own trap." sabi niya kaya kinagat ko ang ibaba kong labi.

Paano niya nalaman?

Pero sinasabi niya ito dahil nagaalala siya na baka mapahamak ako. Kahit ako ay kinakabahan kapag nalaman ni Hadrian na iyon ang intensyon ko noon, baka hindi na siya maniwala saakin sa susunod.

At mas kinatatakutan ko na baka hindi na siya maniwala saakin kapag sinabi ko na totoo na ang aking nararamdaman para sa kaniya.

"His anger is uncontrollable sometimes. Don't forget he's still Hades, I'm sure you still remember Fernando and Susan's story?" sabi niya.

"H-he won't hurt me..." kusang lumabas sa aking bibig ang mga salitang iyon.

"I know," napatingin ako sa kaniya. Ngumisi ito bigla.

"Halatang malakas rin ang tama ng isang iyon sayo." natatawa niyang sabi kaya iniwas ko ang tingin ko.

"Zaryl," banta ko sa kaniya kaya natawa ito.

"But I'm serious. Hindi natin alam kung ano magagawa ng galit niya sayo. Mas mabuti mag ingat ka na lang. Tutal, mukhang nag mamahalan na ata kayo, iwasan niyo na pag usapan tungkol sa task mo para rin sa ikakabuti mo."

Sa haba ng sinabi niya ang tumatak lang sa isipan ko ay yung nag mamahalan. Sinamaan ko siya ng tingin. Nagmamahalan? Pinagloloko niya ba ako?

"I understand. Pero please, nagmamahalan? Naka inom ka ba?" inis kong sabi.

Natatawa niya akong tinignan.

"Sabihin mong hindi?" nakangisi niyang sabi.

"H-hindi!"

"Hindi pala ah... Sige, matawagan nga si Hades." tumango tango pa ito tila nang aasar.

Hindi sana ako maniniwala nang kuhanin niya ang phone niya at nanlaki ang mga mata ko na makita ang pangalan ni Hadrian doon!

"H-hoy! Kung akala mo ma-uuto mo ako, pwes nagkakamali ka." sabi ko.

"Hmm? then watch me,"

Pinanindigan ko ang sagot ko at hindi siya pinigilan. Pinanood ko siyang tawagin ang number na iyon. Imposible naman magkaroon siya ng number ni Hadrian! Akala ko ba magka-away sila?!

"What the fuck do you want?" nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ang boses ni Hadrian sa telepono.

Lumingon sa akin si Zaryl ng nakangisi kaya pinandilatan ko siya ng mga mata.

"Zaryl, bwisit ka... Ibaba mo iyan." bulong ko. Sinubukan ko kuhanin ang telepono pero nilayo niya ito.

Kinuyom ko ang kamao ko sa galit. Papaanong may number siya ni Hadrian? Argh!

"You're wasting my time, Encavez." naiinis na sabi ni Hadrian. Sinamaan ko ng tingin si Zaryl.

"Oh, sorry about that. Napindot ko bigla. Goodbye!" sabi ni Zaryl kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Enough with the talk shit. Is she there?" natigilan ako dahil sa sinabi ni Hadrian.

Ako ba ang tinutukoy niya? Shit.

"Oh yes, she's saying hi by the way." sinipa ko sa binti si Zaryl dahil sa kaniyang sinabi.

Kinakabahan ako sa sasabihin ni Hadrian.

"Hmm..." nahulog ang panga ko dahil sa sagot nito. Parang tamad na tamad bang mag salita kaya iyon na lang ang sinagot.

Nag pipigil ng tawa si Zaryl dahil sa itsura ko. Hinablot ko na ang phone at in-end call ko na. Sa inis ay binato ko ang phone niya sa mukha niya.

"It hurts, Eisha!" singhal nito.

"Masasaktan ka pa talaga kung hindi mo sasabihin sa akin kung bakit meron ka ng number ni Hadrian!" banta ko sa kaniya.

"It's just for business matter." nakangisi niyang sabi. Umirap na lang ako.

Kumabog ang dibdib ko nang maalala ang sinabi ni Hadrian kanina. Hindi ko inaasahan na hahanapin niya ako doon sa tawag na iyon.

Tss, paano niya nalaman na kasama ko si Zaryl? Baka sadyang malakas lang talaga instincts ng isang yon.

Hindi ko maiwasan ngumiwi dahil sa aking iniisip. Nahuli ako ni Zaryl kaya iniwas ko ang tingin ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang kilig na nararamdaman.

~~••~~
Follow me for more updates!
Twitter: yeshrheyy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro