Chapter 47

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

DELIAN'S POV

"Fucking shit bro! Are you planning to stay there for the whole day?! Pahinga naman kayo hoy!" I yelled while knocking the master's bedroom.

"Ulol!" I laughed out loud. I can imagine Hades' face right now.

I shook my head and went downstairs. Damn those two, it's already 9:00 in the morning and it looks like they're planning to stay in that damn room.

I smirked and put my hands in my pockets. Gagong 'yon, babagsak rin pala kay Persephone. Yabang kasi, 'yan tuloy.

Poor Persephone, I bet she lost her energy after what her boyfriend did to her. Hades is considered as a monster not only in the Underworld but in bed too.

Humalakhak ako nang malakas at hindi na napigilan iyon. Napatingin si Artemis sa akin habang nakataas ang kilay.

"You look like a perverted old man laughing at the kid, Apollo." She said while rolling her eyes.

The smirk disappeared in my lips. I pouted like a child.

"You have this habit of destroying someone's happiness, Artemis. It's not even funny. My jokes are better than yours." I said and sat on the table.

"Gosh, Apollo. I'm not even joking." She said while walking like a freaking model in hallway.

"Hmph! Wala kang jowa kaya bitter ka. Our friend Hades is spending his hours to his beloved Persephone. That dumbass! Wala ata balak ilabas si Persephone!" Tawang tawa na sabi ko.

Napatigil siya at nasamid sa sariling laway. Oh my, isang Artemis nasasamid sa sariling laway? Tanga naman.

"R-really?"

I nodded my head like a kid. I smiled suspiciously at her, that's why her expression changed. She looks disgusted to me.

"Tuwang tuwa ka na niyan? Tarantadong amerikanong hilaw! Ang babaw ng kaligayahan mo!" She yelled at me. I pouted my lips kaya mas nandiri siya.

Tawang tawa ako sa ekspresyon niya. Kulang na lang ay ihagis niya ako sa bintana.

"Shut up, blonde freak girl! You're ruining my charms! Lumayas ka na nga and jump to the building so that I will never see you again!" I jokingly said while walking outside.

"Anong sabi mo?! You talentless jerk! Hindi ka mahal ng mama mo ulol!" Sigaw niya pabalik. Sumakit ang tiyan ko sa katatawa.

"Wala ka naman jowa!" Ganti ko.

"Wow, parang ikaw meron ah?!" She sarcastically said. I smirked while holding my cellphone.

"Just wait and see." I smiled at her which made her stop from talking.

Hindi ko na siya hinintay magsalita at lumabas na ako sa mansion ni Hadrian. I leaned against my car while playing my lower lip.

I was waiting for the call for days and until now, there's still nothing happening. I gritted my teeth because of annoyance.

At maya maya pa ay tumawag na nga. I smirked and answered the phone call.

"Report," I ordered.

Sinindihan ko ang sigarilyo at nilagay iyon sa aking bibig.

"S-sir! Nahuli na namin siya! Muntikan pa magsumbong sa pulis. Mabuti na lang ay--"

"Where is she?" I seriously asked.

"Nandito siya sir! Nagwawala at umiiyak. Ano bang balak mo sa babaeng ito? Pangatlong beses na natin itong huli sa kaniya." My men said.

I can hear screams through the phone. My excitement for what I am hearing is giving me pleasure.

Bumuga ako ng usok.

"Let me talk to her." I ordered.

Her voice is getting louder. I can't help but to smile while hearing her sweet voice, screaming and crying to death.

"H-hayop ka! You're a psycho! Ano pa ba gusto mo... Pakawalan mo na ako!" Her voice gives me chills.

I chuckled.

"It's your third time running away from me, Daphne. I'm just giving you a time to adjust but you ran away again." Natatawa kong sabi pero may bahid na galit.

"S-stop calling me Daphne! Tigilan mo na 'to Ian! " Hearing her pleading voice is enough for my satisfaction.

"You can't do anything about it, babe. I'll just finish my business here and I'll come back to you." Tinapon ko ang sigarilyo at tinapakan ito.

"Wala ka na babalikan! Magpapakamatay ako bago ka makabalik..."

I froze because of what she had said. I can feel the anger building in my system. I clenched my fist.

"S-sir! Sinugatan niya sarili niya!" Rinig kong sigaw ng tauhan ko.

Umigting ang panga ko at hinilot ang sentido ko.

"Call the doctor right now and treat her right away. Kapag may nakita ako galos sa katawan niya papatayin ko kayong lahat." Madiin na sabi ko bago binaba ang linya.

I grabbed my hair because of frustration. I kicked the wheel of my car.

"Tangina..." Inis na bulong ko.

"And what exactly are you doing?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Artemis nasa gilid.

Nag bago agad ang ekspresyon ko. I forced myself to smile and look funny. I'm used to it, pretend to be happy and act normal. It's all fake though, it's just for the disguise.

"Nandiyan ka pala."

She crossed her arms in her chest.

"Ay hindi, maybe projection? Psh! Ano ba ginagawa mo? You're acting weird. Galit ka ba?" Pagalit niyang tanong pero alam ko ay nagaalala ito.

Natawa ako nang malakas.

"Me? You know I don't get mad, sweetie." Natatawa kong sabi at umakbay sa kaniya.

She look at me suspiciously. Pero hindi katagalan ay nagkibit-balikat ito.

"Sabagay, bigla ko naalala bakla ka nga pala." Ngumisi ito.

"Excuse me? I can even kiss you here." Natatawa kong sabi. Pero nagulat ako na seryoso lang ito.

"If there's a problem, Delian. You don't have to hide it. We're here." Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya.

Natawa ako ng peke at binatukan siya nang mahina.

"What's with the drama witch? I don't have any problems don't worry. Oh, bakit mo ba ako tinawag? Miss mo na ba ako?"

Umirap ito at tinulak ako.

"Hades calling us. Saan ka lumulusot para kang daga." Singhal niya at nauna na.

I felt relieved after she left. She almost got me. I can't show my true self, this what I've been living for.

Chasing my Daphne can be a pain in the ass. But she's not wrong with the psycho though.

EISHA'S POV

Hindi ako mapakali habang inaalala ang sitwasyon ni lolo Franz. Nasaan na kaya siya? Bakit niya kami iniwan nang ganon na lang?

Hindi kaya may pinaplano siya? O kaya...

Napailing na lang ako sa iniisip ko. Hindi maaari mamatay na lang siya bigla. Tulad ni Hadrian malakas din ang koneksyon ni Keidon kaya siya ang una makakaalam kung mamatay man ito.

Napatigil ako sa pagiisip nang may pulupot na braso sa aking bewang. Agad ako napatingin kay Hadrian.

"Balik tayo sa kwarto?" Bulong niya kaya siniko ko siya nang makita ko ang mga kaibigan niya paparating.

"Hadrian ano ba? Tatama 'tong kamao ko sa mukha mo." Banta ko kaya umirap ito at ngumuso.

"Oh? I thought you're going to stay in that room forever." Gumagalaw pa ang kilay ni Delian tila nangaasar.

"Pwede rin," sagot ni Hadrian.

Humalakhak nang napakalakas si Delian.

"Gago! Maawa ka naman hoy!" Sinuntok ni Delian ang braso ni Hadrian kaya napangiwi na lang ito.

Sa galit ko ay inalis ko ang sapatos ko at binato sa mukha ni Hadrian. Kumunot ang noo nito habang hawak ang sapatos.

"Baby--"

"Nakikita mo 'to?" Inagaw ko ang sapatos ko at pinakita sa kaniya ang takong. Napalunok naman ito.

"Aalisan kita ng mata at dudurugin ko 'yon gamit nito." Kinagat niya ang ibabang labi niya at bigla natahimik sa aking gilid.

"Isn't that too brutal, Persephone?" Muntik na ako mapairap na marinig ang sarkastiko na boses ni Artemis.

"Oh? Maybe you can suggest?" Ngiting sabi ko pero may bahid ding sarkastiko.

Natawa naman ito at sinuklay ang buhok bago ako seryoso hinarap.

"Well, you can use your long nails to grip his thing until it bleeds?" Sagot nito. Kumindat pa ito kay Hadrian at ngumisi.

Sa halip ay matuwa ay sumimangot ako. May kindat pa nalalaman tss.

"I told you bro! Pinag-iisahan ka talaga. Kuha ka na ng lubid pre." Madrama pang tinatapik ni Delian ang balikat ni Hadrian.

Napailing na lang ako sa mga kalokohan nila. Hindi ko rin maiwasan tumingin kay Artemis kapag naalala ang kaniyang ginawa nung nakaraan.

Malambot rin pala ang puso niya. Akala ko ay kamalditahan lang ang iniiral nito. Mukhang nagalit rin siya talaga kay Hadrian sa mga oras na iyon.

Na-ikumpirma ko iyon nang mag-kwentuhan kami ni Hadrian kaninang madaling araw. Kinuwento niya sa akin kung gaano nagalit si Artemis sa kaniya.

Kahit nakakatakot si Hadrian at maangas na makulit si Delian, pareho ito may takot kay Artemis. Siguro sanay nga sila sa pagiging maldita nito, pero kapag nagiging seryoso ito, may malalim dahilan kaya sila ay naalerto.

"Where's Heidi?" Seryosong tanong ni Hadrian.

Nilibot ko rin ang paningin ko sa mansion at walang bakas ni Heidi ako nakita. Parang nataranta si Hadrian kaya tinawag niya si Leon.

"Where's my sister?" Tanong ulit nito.

Yumuko nang bahagya si Leon bago sumagot.

"Hindi ko siya nakita kanina--"

"I'm here brother, what's with the reaction?" Lahat kami napalingon kay Heidi na madumi ang damit at ang kamay.

Guminhawa naman si Hadrian nang makita ang kapatid na tumatawa.

"Young lady, saan kayo pumaroon na naman?" Sermon ni Leon habang hinuhubad ang hat ni Heidi.

"Naglaro lang kami ng mga aso ni kuya. Bakit ganon ang alaga mo kuya, nakakatakot mukhang nangangagat?" Sabi ni Heidi.

Hindi siya pinansin ni Hadrian at tumawag nang katulong para ipaghanda ng damit si Heidi.

"It's not just a dog! It's Cerberus from Underworld!"

Natigilan kami pareho ni Heidi sa sinabi ni Delian. Nagtataka ko tinignan si Hadrian.

"Cerberus?" Nagtataka sabi ni Heidi habang pinupunasan ang sarili.

Tumikhim si Hadrian at ngumiti ng pilit kay Heidi.

"You better change, you stink." Bulong ni Hadrian. Napangiti ako nang halikan niya ito sa ulo.

Umirap ang kapatid.

"Ano muna yung Cerberus? Pagkain ba 'yon?" Napatampal sa noo si Artemis.

Tinulak na siya ni Hadrian kaya wala na nagawa si Heidi kundi magbihis sa taas. Humalukipkip ako sa harapan ni Hadrian habang nakataas ang kilay.

"Cerberus? Considered as guards in the gate of Underworld. That makes sense." Tumango tango ako.

Nahulog ang panga nila.

"How did you know?" Ngising sabi ni Hadrian at hinapit ang bewang ko.

"Tsk tsk, pati iyon tinago niya sa'yo?" Pang aasar ni Artemis sa akin.

Umirap si Hadrian. Nagulat ako nang hablutin niya ang tinidor sa mesa at mabilis na binato sa lugar ni Artemis.

"Hadrian!" Saway ko pero sumimangot ito.

Nakahinga ako nang maluwag na nakailag si Artemis na parang wala lang sa kaniya. Tumigilid lang ang ulo niya at napangiwi.

"Stop making my baby jealous, Artemis." Seryosong sabi ni Hadrian.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya maging si Delian ay natigilan at humalakhak nang napakalakas yung tipong nakakarindi sa tenga.

Kumunot ang noo ni Artemis parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Hadrian. Napapikit ako nang mariin.

"Please tell me you're joking... Shit! For real?!" Gulat na gulat na sabi ni Artemis.

May nakakagulat pa doon? Kung makalapit siya kay Hadrian parang jowa niya na. Minsan ipinagyayabang niya pa ang mga kaalaman niya tungkol kay Hadrian.

"Ano nakakagulat doon?" Inis kong sabi.

Nahulog ang panga ko na tumawa silang tatlo. Maging si Hadrian na nasa aking gilid ay tumatawa kaya nanliit ang mga mata ko.

Si Delian ay nakahandusay na sa sahig habang hawak ang tiyan, parang nawawalan na ng hininga sa katatawa. Si Artemis ay hindi pa rin makapaniwala pero natatawa na rin.

"Bahala na nga kayo, tawa kayo nang tawa." Aalis sana ako pero hinila ako pabalik ni Hadrian na natatawa pa rin!

"Wait! Hindi ako makahinga!" Sigaw ni Delian na tumatawa pa rin.

"Ano ba nakakatawa? Tangina niyo ah." Hindi ko na napigilan ang galit nang humarap ako kay Hadrian.

"He's my damn cousin, Eisha! Oh my gosh! We have a same blood running in our veins. I would rather go date that Cerberus dog than dating your man ugh!"

Parang ako binuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig. Mag pinsan sila?

Nanlumo ako bigla. Binalot ako ng kahihiyan nang malaman iyon. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang halakhak ni Delian at ang mahinang tawa ni Hadrian.

"P-pinsan mo siya?" Tanong ko kay Hadrian.

Kinagat niya ang ibabang labi na parang nagpipigil ngiti pa. I scoffed and massaged my nose bridge. Parang gusto ko na lang bumaon sa lupa.

"Bakit hindi mo sinabi?" Inis kong saad.

"Isn't it obvious? Pinapag-selos ka lang niyan! Kunwari pa 'yan!" Tawang tawa na sabi ni Delian.

"Hey, don't listen to him."

"Ulol bro!" Sabat ni Delian.

Sa inis ko ay inalis ko ang kamay ni Hadrian na nakapulupot sa bewang ko. Bwisit, nagseselos ako sa pinsan niya? Kingina talaga.

"Stop laughing will you?! Nakakarindi tawa mo!" Sigaw ni Artemis kay Delian.

Hinabol ako ni Hadrian at niyakap ako sa likod. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pagkuha ng tubig.

Pa-simple pa itong lalaki na 'to kanina. Sinaway niya si Artemis pero tiyak na natutuwa pa iyon.

"Artemis is my cousin. Nawala sa isip ko lagi na sabihin sa'yo. She is a Levinson, baby." Paglalambing ni Hadrian.

"Nawala sa isip? Wow ah. Parang hindi tayo nagkwentuhan kanina sa kwarto mo ah?"

Hindi niya naisip na sabihin iyon habang nagkwewentuhan kami? Imposible!

"Kwentuhan nga lang ba?" Pang aasar pa ni Artemis kaya umiwas ako ng tingin.

Uminom na lang ako ng tubig kaya tumawa silang lahat maging si Hadrian. Mukhang proud pa.

"Sorry na hmm? I just love seeing your jealous face." Sabi ni Hadrian kaya umirap ako.

Pinaglaruan ko na lang ang halaman sa gilid. Magaganda pumili si Leon ng mga halaman at bulaklak na bilang design sa bahay. Mas nakakadagdag ito ng buhay sa atmosphere ng mansion.

Kumunot ang noo ko nang bigla tumuyo ang halaman na hawak ko. Nahulog ang tuyong dahon sa mesa. Bakit namatay?

Hinaplos ko ang puting bulaklak at nanlaki ang mga mata na namatay ito. Nataranta agad ako kaya inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak.

Bakit namamatay ang mga bulaklak at halaman?

Whenever I touch flowers it usually blooms. Lalo na kapag namamatay na ang mga halaman at bulaklak, hinahaplos ko lang ito at ito ay nabubuhay ulit.

"Patay ka na, bro. Nandiyan na sila..."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Delian. Ano ibig sabihin niya?

Nagbago ang ekspresyon ni Hadrian. Sumeryoso ito bigla. Awtomatiko ako napalingon sa labas. Sunod sunod na sasakyan ang narinig ko.

Artemis smirked. Sumandal ito sa mesa habang nakahalukipkip.

"Ready to become a punching bag?" Nanunuksong tono ni Artemis.

Bakit parang iba ang pakiramdam ko tungkol dito?

"Ano ba meron?"

Nagtaka ako nang ilayo ako kaunti ni Artemis mula kay Hadrian.

"Your boyfriend's life is in danger, darling." Magtatanong pa sana ako nang may narinig akong kalabog.

"Tarantado ka!"

Nanlaki ang mga mata ko na makita si Keidon sa aking harapan. Malakas niyang sinapak si Hadrian. Alam ko na maiilagan iyon ni Hadrian pero nagpaubaya ito.

"Keidon!" Nagugulat kong tawag.

Nananaliksik ang mga mata ni Keidon at hinablot ang kwelyo ni Hadrian. Walang emosyon siya tinignan ni Hadrian.

"Hindi ba binalaan na kita?! Anong ginawa mo kay Eisha? Ano?!"

Napakabilis ng pangyayari. Lahat ng kaibigan ko ay nandidirito.

"K-keidon! Please... Bitawan mo na siya ano ba." Lalapit sana ako para ipaghiwalayan sila nang hatakin ako ni Leigh.

Itim ang aura ni Leigh tulad ni Keidon. Kasabay ng paghila sa akin ni Leigh ang pagpasok ni Zaryl at Avianna. May kasama silang babae pero hindi ko na ito pinagtuonan ng pansin.

"Let Keidon be. He knows what he's doing." Sabi ni Leigh.

Hindi pa rin ito nagbabago. Seryoso pa rin ito at suplada na akala mo ay may kaaway.

"I gave you a chance to punch me because I deserved it. Pero hanggang doon lang iyon." Maangas na sabi ni Hadrian.

Keidon scoffed. Sasapakin niya sana ulit pero pumagitna na ako.

"Tama na! Ano ba kayo? Wag na kayo magsakitan please." Pakiusap ko at matalim sila tinignan dalawa.

Umigting ang panga ni Keidon samantala si Hadrian ay nananatiling walang emosyon.

"P-paano niyo nalaman na nandito ako? At ano ba meron?"

Keidon rose his lips. He looks like amused of what I have said. He can't blame me! Biglaan ang pagpunta nila at bigla na lang nanapak?

"Binantaan na rin kita noon diba? He's not good as you think, Eisha. He is not a fucking puppy that you can tame whenever he's mad. Pero hindi ka nakinig sa akin." Natigilan ako sa sinabi ni Keidon.

Alam nila?

Paano nakarating sa kanila ang tungkol doon?

"Your sister called Zaryl. She said that you were missing for weeks." Paliwanag ni Leigh habang nakasandal.

"Galit na galit ang kuya mo. Kami pa ang sinisi, amputa." Dugtong pa nito.

Napamura ako nang mahina. Kailangan ko na sila puntahan dahil sigurado ako ay alalang alala na sila. Pero hindi ako maaari umalis kapag nagkakaroon ng digmaam dito.

"Sinaktan ka ba niya? Tell me, so I can give him another hard punch." Hinawakan ni Keidon ang braso ko.

"Hands off, Lorenz." Hinila na ako pabalik ni Hadrian.

"Shut up, Levinson. Hindi pa tayo tapos." Madiin naman tugon ni Keidon.

Naginit bigla ang ulo ko, hindi lang dahil sa ingay kundi dahil sa hawak nila pareho sa braso ko.

"Hindi kayo titigil? Kayo ang paguuntugin ko!" Inis kong sabi kaya napahinto sila.

Sinamaan nila ang tingin ang isa't isa. Narinig ko ang mahinang tawa ni Zaryl sa gilid. I glared at him but he just shrugged his shoulders as response.

Isa pa 'to. Hindi man lang ako tinulungan pigilan ang dalawa.

"Ano na naman Eisha? Magpapa-uto ka na naman? Tangina lang?!"

"Stop bluffing like a dog and let me remind you, you're still in my territory."

Sa galit ko ay hinila ko na ang braso ni Keidon papalayo sa pwesto na iyon. Pero napahinto ako nang maalala ang magiging reaksyon ni Hadrian.

Lumingon ako pabalik and as expected, madilim ang mukha nito. His eyes are burning in anger. His face looks furious like a lion. Nagbuntong hininga ako at ngumiti sa kaniya.

"Babalik ako, okay?" I reached out and gently caressed his cheek.

He rolled his eyes and took a deep breath.

"Just make it faster." Seryoso no yang sabi. I nodded like a kid.

Dinala ko si Keidon sa malayo. His sarcastic face welcomed me as I look at him.

"Really? In front of me?" Tinutukoy niya ata ang eksena kanina.

"Keidon naman, naiintindihan ko ang pinupunto ng galit mo. I appreciate it but you don't have to hurt each other--"

"He locked you up in this hell, Eisha. And you're still protecting him?"

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Paano na pati iyon ay alam niya?

Umiwas ako ng tingin.

"S-sorry, kung iyan ang naiisip mo. Ayoko lang ng gulo, Keidon. We already cleared things up. It's just misunderstanding and he really don't have any intentions to hurt me. Nasaktan ko rin siya, that's why I could understand his anger towards me."

Nagbuntong hininga si Keidon. Napahilot ito sa sentido. Tinapunan niya ako ng tingin at napapikit ng mariin.

"So please? Enough with the fight. And thank you. Ang saya sa pakiramdam na may pakialam ka pa rin sa akin as a friend." Sincere kong sabi na may halong biro sa dulo.

"So tumitira ka na harap-harapan?" He ordered in annoyance.

Humalakhak ako at niyakap ang braso niya. I pouted like a kid so that I could tame him and melt his anger down.

"Dali na kasi, wag ka na magalit. Parang hindi tropa oh?" Ngising sabi ko.

Napangiwi siya sa sinabi ko kaya natawa ako nang malakas. Tinulak niya ang noo ko para makaalis sa pagkakahawak sa kaniya.

"Tropa my ass. Kapag ako tinopak, ililibing ko 'yang lalaki mo." Inis niyang sabi.

"Wow, hindi ka pa tinotopak sa lagay na 'yan?" Natatawa kong sabi.

"Tch, pagbibigyan kita ngayon babae. Sa susunod na masaktan ka ulit hindi ako magdadalawang-isip lunurin 'yang lalaki mo sa dagat. At seryoso ako!" He even pointed his finger on me.

I chuckled. I just nodded my head with a smile in my face. Pero nawala ang ngiti na iyon nang may maalala ako.

"Keidon, hindi si Hadrian ang kumuha kay lolo Franz." Panimula ko kaya natigilan siya.

"Alam ko,"

Kumunot ang noo ko. Alam niya?

"Actually, I'm not sure. Wala pa ako contact sa kaniya mula noon. Pero alam ko buhay siya."

"Kung ganon, bakit hindi pa natin siya hanapin?"

Nagbuntong hininga ito bago ginulo ang sariling buhok.

"Delikado. Alam ko ang mga kilos ni tanda, kapag wala siya mensahe na pinaparating sa akin ibig sabihin nay kailangan tayo tapusin." Seryoso niyang sabi.

"Maaaring may dalawang rason siya kaya ayaw niya magpakita. It's either someone threatening his life or he want us to accomplish something." Dugtong niya.

Accomplish something. Kinagat ko ang ibabang labi.

"Hindi kaya gusto niya natin tapusin ang kaso ni Medusa?" Wala sa sarili kong sabi.

Nagkibit balikat ito.

"We don't know. Maybe or maybe not. Misteryoso ang matanda na iyon, lahat alam niya kaya maaari hindi ka nagkakamali."

~~••~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro