Chapter 48

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Saan kayo nagpunta?" Salubong sa akin ni Avianna. Dumapo ang tingin ko sa babae na katabi niya.

Nahihiya ito tumingin sa akin kaya puro iwas ito. Hindi niya alam kung saan titingin dahil marami rin tao sa paligid niya. Natawa ako nang mahina bago nilipat ang tingin kay Avianna.

"Diyan lang. Kailangan pakalmahin, baka makaroon ng tsunami." Ngiwing sabi ko kaya napailing na lang ito at natawa.

Napatingin naman ako sa salas. Mukhang seryoso ang pinapagusapan ng mga lalaki lalo na si Zaryl. Parang mga lalaki nakatambay lang sa kanto kung mag usap na nakakatakot lapitan.

Napamura ako sa isipan nang maalala na kailangan ko na pala puntahan sina Patricia ngayon. Siguradong nag-aalala na ang mga iyon.

Nagmamadali ko kinuha ang sling bag ko. Inayos ko lang sandali ang sarili sa tapat ng salamin bago naglakad patungo sa labas.

"Where are you going, lady?" Nagulat ako nang higitin ni Hadrian ang braso ko.

"Bibisita lang ako sa pamilya ko. Sigurado nag-aalala na ang mga iyon." Tugon ko.

"Hindi ka pwede lumabas, Eisha." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Zaryl.

Hindi pwede? Ano na naman ang dahilan nila kaya hindi ako pwede lumabas?

"Bawal? Bakit? Tatay ko kayo?" Sarkastiko kong sabi. Naiirita na ako, pati paglabas ay hindi pwede ngayon.

Narinig ko ang halakhak ni Delian sa gilid. Sinamaan ko ito ng tingin, wala na ata ito inatupag kundi tumawa nang tumawa.

"Sige, lumabas ka. Basta huwag ka magtatanong kung bakit nakakalat ang pictures mo ngayon sa labas ah." Ngising sabi ni Keidon. Binato niya ang water bottle kay Zaryl.

"A-ano?! Hindi ko maintindihan. Bakit nakakalat pictures ko sa labas?" Artista na ba ako? Hindi ako na-inform.

"Argh, you're so tanga talaga." Napa-daing si Artemis. Hindi ko ito pinansin.

"Nung gabi na kinuha namin si Hestia mula sa mga kamay ni Rolando, nag-imbestiga kami bago tuluyan umalis. Sa tulong ni Hestia, sinabi niya sa amin ang mga nalalaman niya tungkol sa nangyayari sa loob ng building ni Rolando." Paliwanag ni Keidon.

"Doon namin nalaman na nakuhanan nila ang mga mukha natin. There was a footage of you, using your ability. But we deleted all the files related to us. Even our pictures on their system. We made sure that there's no trace left." Dugtong ni Zeus.

What the heck?! May nagvivideo pala sa amin sa mga oras na iyon?

"Kung ganon, bakit nakakakalat pa rin ang mga pictures natin?"

"It's not actually literal pictures. Dahil kakampi nila ang pulisya, nagpa-facial composite sila. Mabuti na lang itsura lang alam nila hindi ang personal identities natin."

Napalingon ako sa biglang pagsulpot ni Leigh. May hawak itong sigarilyo kaya nanliit ang mga mata ko. Sinuklay niya ang kaniyang buhok gamit ng kamay.

Napahilot ako ng sentido. Napaupo ako dahil sa panghihina. Ibig sabihin hindi ako maaari makipagkita sa pamilya ko? Sigurado ako ma-apektuhan sila sa pangyayari lalo na maraming mata si Rolando sa lugar na ito.

"You're not allowed to go outside but you still have guts to come here." Sarkastiko na sabi ni Hadrian kaya ngumisi silang lahat.

"May bantay sa bahay?" Tanong ko.

Tumango si Hadrian at si Zeus kaya nakahinga ako nang maluwag.

That's good. Makakakilos ako nang maluwag. Basta ang importante ay ligtas sila.

"Hades, we need to discuss about Rolando and Medusa." Seryosong sabi ni Zaryl. Tumango naman ito.

Napayuko na lang ako. Hindi ko na naman makikita ang pamilya ko dahil sa bwisit na Rolando na iyan. At hindi ko ipapalampas ang ginawa niya sa kapatid at pinsan ko, mas lalo ko siya papahirapan.

"Do you want to rest, hmm?" Marahan ako hinila ni Hadrian patungo sa malayo kina Zaryl.

Hinapit niya ang bewang ko at tumitig sa mukha ko.

"Sapat na ang pahinga ko. Aasikasuhin ko na muna ang mga bisita mo." Ngiting sabi ko.

Tumango na lang ito bago siniksik ang mukha sa aking leeg.

"I'm sorry if you can't pay a visit to your family." Bulong into. Matamis ako na napangiti.

"It's okay. Mas importante sa akin ang kapakanan nila." Humiwalay siya sa yakap.

A smile plastered on his face. His face looks amused and proud. He ruffled my hair that's why I can't help but to glare at him.

"That's my girl." He put his hand in his pockets while smiling.

"Yung buhok ko," singhal ko kaya natawa ito.

"Nagulo rin naman iyan nung madaling araw pero hindi ka naman nagalit." Inosenteng sabi niya pero may halong tukso.

"Hadrian! Doon ka na nga!" Tulak ko sa kaniya pero hindi siya nagpatinag. Yumakap pa rin siya sa akin.

This guy is clingy again. I sighed.

"Your friend Leigh, she's smoking huh?" Ngising sabi niya.

Nagbuntong hininga ako nang maalala iyon. Sumulyap ako kay Leigh na nakasandal sa mesa habang nagbubuga ng usok. Napailing na lang ako.

"Tumigil na nga siya eh. Hindi ko alam kung bakit bumalik na naman sa bisyo niya." Naiinis kong sabi.

"Hmm... I think we can get along with that." Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya.

"She hates you, remember? At naninigarilyo ka? Baka gusto mo ipalunok ko iyon sa iyo?" Nakataas ang kilay kong sabi.

Natawa naman ito.

Pagkatapos ng sandali namin paguusap ni Hadrian, dumeretso na siya sa living room para makipagusap kay kina Zaryl. Mukhang importante ang pinapagusapan ng mga lalaki na iyon.

Balak ko magluto ngayon dahil siguradong gutom ang mga iyon. At saktong sakto magla-lunch na. Ako lang naman inaasahan nila magluto noon kaya sigurado pumunta sila dito na hindi pa nananghalian.

Hindi mo maasahan si Keidon magluto, maski hotdog ay nasusunog niya pa. Si Zaryl naman ay napaka-busy, ayaw na-iistorbo. Si Leigh ay hindi mo maasahan na magluto tanging si Avianna lang ang tumutulong aa akin sa kusina ni Keidon.

"My lady, balak niyo raw magluto?" Salubong sa akin ni Leon. Tumango ako.

"Oo sana, may ingredients naman tayo diyan diba?" Kamot ulo kong sabi.

"Yes my lady, do you need any help perhaps?" Nagaalalang tanong nito.

Umiling ako sabay tupi ng longsleeve ko hanggang sa siko.

"Pakilabas na lang po yung mga sangkap." Tumango ito at nilabas ng mga katulong ang mga sangkop.

Balak ko sana magluto ng kare-kare, sinigang at grilled steak. Nahiligan ko na talaga magluto bukod sa sinanay na ako sa bahay. Kaya ang balak ko sana kunin na course ay culinary.

"Dali na hiya ka pa eh, bahala ka tatawagin ko si Ate Leigh." Napalingon ako sa mahinhin na boses ni Avianna.

Napangiti ako na maabutan silang dalawa ng babae na magkahawak ang kamay. Pilit na lumalayo ang batang babae pero hinihila siya pabalik ni Avianna.

Pamilyar ang mukha ng batang babae. Mukhang si Hestia nga ang kasama nila. Mukhang napalapit na rin sa kanila ang bata.

"Hi! Ano name mo?" Nakangiti kong tanong. Natigilan ito at bigla nataranta.

"A-Aideen..." Mahinang sabi niya.

"Mahiyain ang isang 'yan. Takot sa lahat ng tao na nakikita niya, pagpasensyahan mo na. She was traumatized." Bulong sa akin ni Avianna.

Kumirot ang dibdib ko dahil sa narinig. Ang bata niya pa para makaranas ng kaguluhan na ito. Pagbabayaran ko si Rolando sa lahat ng kasamaan niyang ginawa.

Nakangiti ako bumaling sa bata kaya nagulat ito.

"Hi Aideen! Welcome to the Family of Mythians!" Masigla kong sabi.

Napatulala siya bigla sa akin. Nanginginig ang kamay habang hawak hawak si Avianna.

"S-salamat po." Tanging sabi niya bago nahihiyang umupo. Natawa naman kami pareho ni Avianna.

Bumalik na ako sa pagluluto habang sila dalawa ay nasa aking harapan.

"Sus, ikaw ah! Nahihiya ka lang sabihin na may crush ka kay Hades eh!"

Napahinto ako sa sinabi ni Avianna. May crush siya kay Hades? Hindi ko mapigilan mapangiti at matawa. Bigla nataranta si Aideen, panay iling ito.

"H-hindi totoo 'yon... H-hindi..." Natatakot niyang sabi.

Kinurot naman siya ni Avianna sa bewang kaya nainis yung bata. Napikon pa ata. Tinuloy ko ang pagluluto habang nakikinig sa kwentuhan nila.

Pagkahawak ko sa kangkong ay bigla ito nalanta kaya nabitawan ko ito. Kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba.

Napahawak ako sa sarili kong kay habang nakatitig sa isa pang kalahati na kangkong na berde ang kulay ibig sabihin ay fresh pa ang mga ito.

Kinagat ko ang ibabang labi. Nanginginig ang ang kamay ko habang inaabot ang kangkong. Maybe this is just a hallucination, you must calm down Eisha.

I took a deep breath and act normal. Nang kinuha ko ulit ang kalahati ng kangkong, wala pa sa limang segundo ay nalanta ito. Napanood ko kung paano nalanta ito sa aking mga kamay.

Sa taranta ay napaatras ako at nabitawan ang mga kangkong na hawak ko. Napalingon ang dalawa sa akin.

Habol hininga ako napatalikod para hindi nila makita ang ekspresyon ko. Hinawakan ko ang dibdib ko.

Ano nangyayari sa akin?

"Are you alright, My lady?" Halos mapatalon ako sa boses ni Leon.

"H-ha? O-oo! May kangkong ka pa ba diyan?" Natataranta kong sabi.

Kumunot naman ang noo nito. Sumilip ito sa aking likuran kaya mabilis ako humarang. Mas lalo naman ito nagtaka.

Nilagay ko ang pareho kong kamay sa aking likuran at palihim na ginamit ang kapangyarihan para ilutang ang mga namatay na kangkong papunta sa basurahan.

Nakahinga ako naman ako nang maluwag.

"Meron pa naman, kailangan mo pa?" Tanong niya habang kumukuha sa malaking ref.

Napakamot ako sa ulo at pa-simpleng sumandal.

"Ano kase... May bata kasi kaya naisipan ko ramihan para healthy." Sabi ko at tumawa nang peke.

Hindi muna ito sumagot. Nilabas niya na ang kangkong at nilagay ito sa mesa sumilip ulit sa aking likuran.

Tumaas ang kilay niya nang may napansin.

"Kinain mo ata nang hilaw." Ngiwing sabi niya kaya nahulog ang panga ko.

Gusto ko bumaon sa lupa dahil sa kahihiyan. Tumawa na lang ako bago siya tinalikuran. Pero natandaan ko na hindi ko pala maaari hawakan ang kangkong dahil mamamamatay lang ito ulit.

"Ano... Leon? Hehe, pwede mo bang ilagay na mismo sa kaldero?" Nahihiya kong sabi.

Nagtaka naman ito pero hindi nagtagal ay sumunod rin naman. Nahirapan ako sa pagluluto dahil naging conscious ako sa mga hinahawak ko.

Tinulungan ako ng dalawa sa paghain. Napangiti ako nang makita si Aideen na tumutulong sa amin.

"Oh? You made this?" Nagulat ako nang kumuha si Artemis ng shanghai. Naisipan ko rin magluto nito gamit ng recipe ng mama ko.

"Oo, naghahain na rin kami. Gutom ka na ba?" Nakangiti kong tanong.

Kumuha ulit ito ng shanghai at tinaasan ako ng kilay.

"Hindi ba obvious?" Mataray nitong saad. Napailing na lang ako at natawa.

Habang nagsasandok ng kanin, napansin ko na bumaling ito kay Aideen na nakaupo na ngayon sa hapag kainan.

"You're Hestia right?" Lumapit naman si Artemis sa kaniya na akala mo ay magtropa lang.

Nataranta bigla si Aideen. Mabilis ito napatayo at lumapit sa ate Avianna niya. Natawa ako nang malakas na makita ang gulat at iritasyon sa mga mata ni Artemis.

"Maka-iwas naman ito, akala mong maduming tao ang lumapit sa kaniya!" Asik ni Artemis.

"Please just understand her situation, Artemis. Her mental health is unstable." Bulong ni Avianna.

"Oh?" Tinitigan ni Artemis ang bata.

"I heard you burn your school, and you almost killed the bullies. So, what's the feeling?" Ngising sabi ni Artemis.

Gumuhit ang takot sa mga mata ni Aideen. Parang bumalik ang mga masasamang alaala niya. Sinamaan ko naman ng tingin si Artemis.

"Artemis, kung aawayin mo lang ang bata mas mabuting lumayas ka na lang bago magdilim ang paningin ko sa'yo." Inis kong sabi kay Artemis.

"Chill! It's better to face her fears! Hoy ikaw!" Tinuro niya pa si Aideen. Sasawayin ko sana pero nahuli na ako.

Seryoso niya tinignan ang bata.

"The past is past so you can't do anything about it. If you want to change yourself then look forward to your future. Stop trapping yourself from the past!" Nagulat ako sa sermon ni Artemis.

Hindi kami nakapagsalita. Napatulala naman si Aideen at iniwas na lang ang tingin. Hindi na rin ito umiyak. Ngumisi naman si Artemis.

She crossed her arms on his chest, feeling so proud of what she did.

"See? Kaunting sermon lang 'yan, tabla agad." Mayabang na sabi ni Artemis.

"Mukha nga... Mukhang mas dumagdag pa ang trauma dahil sa'yo." Sarkastikong ko sabi.

Nawala naman ang ngisi nito sa labi. Bumagsak rin ang balikat niya dahil sa narinig.

"Bad trip ka ah!" Sigaw niya.

Sa halip na sumagot pabalik, binigay ko sa kaniya ang serving plate at sandok.

"Magsandok ka ng ulam, tatawagin ko lang si Leigh." Sisinghalan niya sana ako pero natigilan siya bigla.

"Y-you mean Athena?" Bakit bigla nautal ata ito?

"Oo. Nakita mo ba siya?" Tanong ko. Kinabahan bigla ang bruha kaya nagtaka ako.

"Why are you asking me?! You are the friend so you should know where she is!" Nagulat naming lahat sa biglaang pagsigaw niya.

Nagtataka naman ako na natawa. Tinaas pa ang dalawang kamay.

"Kalma, nagtanong lang. Anong problema mo?" Natatawa kong sabi.

Siya naman itong natigilan at iniwas ang tingin.

"She's probably smoking outside, Eisha." Sabi ni Avianna. Tumango ako at ngumiti sa kaniya.

"Hoy, ayos ka lang?" Tanong ko kay Artemis. Sinamaan naman ako nito ng tingin.

"I have something to ask." Tanong niya.

"Hmm? Ano 'yon?"

Kinagat niya ang ibabang labi. Bumaba pa ang tingin kaya nagulat ako. Ngayon ko lang siya nakita nang ganito. Mukhang seryoso ang itatanong kaya hindi ko maiwasan ma-curious.

"Yung kaibigan mo na 'yon... Ganon ba talaga siya?!" Naiinis niyang tanong.

Nahulog ang panga ko sa sinabi niya. Akala ko naman kung anong nakakatakot ang itatanong niya!

"Si Leigh? Oo ganon talaga siya. Suplada, tahimik at matalas ang bibig. Nakakatakot rin minsan pero mabait namang kaibigan iyon. Bakit? May ginawa ba sa'yo?" Tanong ko.

Umiwas naman ito ng tingin.

"W-wala! Pero, ganon ba talaga siya umakto? Parang..." Hindi niya pa ata masabi.

"Parang?"

Humugot ito ng hininga bago magsalita.

"Parang lalaki! Wala rin siyang taste sa fashion! Kung umasta parang sa kaniya ang mundo. Argh!" Singhal niya. Hindi ko mapigilan matawa sa sinabi niya.

"Sounds really like her." Natatawa kong sabi. Sinamaan naman ako ng tingin ni Artemis kaya tumigil na ako.

Walang taste sa fashion? Tinandaan ko ang porma niya kanina.

Simpleng oversized black t-shirt na may nakasulat na shut up, at cargo pants ang suot niya. Nakasuot rin siya ng sumbrero dahil hilig niya na iyon. Mainit daw kasi kapag lumalabas siya kaya nagsusuot siya non.

Para sa akin ay may dating naman ang pormahan niya. Hindi niya rin kasi hilig magsuot ng mga dress. At bagay naman sa kaniya ang ganong pormahan.

Bakit ba naiinis si Artemis kay Leigh? Sabagay magka-away na ito simula noon pa. Pero hindi ko alam na interesado siya pag-usapan si Leigh.

Hindi kaya...

"Gusto mo ba?" Ngising sabi ko.

Nasamid bigla ito sa sariling laway kaya nagulat ako. Aabutan ko sana ng tubig pero iniwas lang niya ito. She glared at me to death!

"What the fuck, Persephone?! What do you think of me? A lesbian? Damn you! Me and that freak that has no sense of fashion? Ew! Argh! Is your brain doesn't function well--"

"Artemis, calm down." Pigil ko sa kaniya. Sabay hawak sa balikat niya. Habol hininga niya naman ako tinignan.

"A-ano na naman?! Una yung pinsan ko sunod naman itong kaibigan mo?! Hindi lahat ay pinapatulan ko!--"

"Easy! I was just asking if you want to be friends with her! I don't have any intentions to ask if you like her or something!" Mabilis kong sabi.

Natigilan siya at natunaw ang galit sa mukha niya. Parang nabunutan siya ng tinik sa katawan. Napahawak pa ito sa noo, hindi makapaniwala sa sinabi.

"Are you serious?" Kinakabahan niyang tanong.

Napairap ako.

"Gutom ka na talaga ata, sige mauna ka na kumain." Ngiwing sabi ko kaya sumama ang timpla ng mukha niya.

"Damn you, Persephone!" Sigaw niya nang makalayo na ako.

Napailing na lang ako. Napansin ko agad si Leigh na nakasandal habang naninigarilyo. Mukhang malalim ang iniisip.

Nagkunwari ako galit. Pinilit ko na hindi ngumiti o matawa. Kailangan mukhang galit talaga ako.

"Kakain na," masungit na sabi ko.

Nagulat naman siya. Dali dali niya binuga ang usok sa kabila bago inapakan ang sigarilyo sa lapag. Humalukipkip naman ako.

"Nandiyan ka na pala." Sabi niya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Obvious ba? Tss. Paano ka na makakain niyan? Nagluto pa naman ako tapos nanigarilyo ka lang, edi wala ka na gana kumain." Ngusong sabi ko.

Bahid sa mukha niya ang pag-aalala at gulat.

"Are you mad?" Natatawa niyang sabi. Dinaan pa sa tawa ang kaba!

Hindi ko na kinaya ang pagpapangap kaya ako naman ang natawa. Kumunot naman ang noo nito.

"Biro lang! Eto naman... Natakot ka no?" Natatawang sabi ko.

"Ako? Matatakot? Asa. Tsk! Get out of my way, I'm starving." Natawa ako sa inakto niya.

Tinawag ko ang mga lalaki sa living room. Tuwang tuwa naman itong si Keidon, parang bata kung tumakbo papunta sa dining area.

Nagulat ako nang may pumulupot na braso sa bewang ko. Napalingon ako at nakahinga ng maluwag nang makita si Hadrian.

"Are you already tired?" Bulong niya.

"Hindi naman masyado. Kain na?" Ngiting sabi ko.

He smiled at me. He gave me a gentle kiss before holding my hand.

Pagkarating namin sa dining room, sumalubong sa akin ang boses ni Artemis at Aideen.

"A-ano kasi... She looks scary po kasi. Sabi kasi ni kuya Zaryl na ayaw ni ate Athaleigh sa mga bata. N-natakot ako..." Nagulat ako sa sinabi ni Aideen.

I heard Hadrian's chuckled from behind. Siniko ko naman siya kaya natahimik ito.

"Diba? Kahit ako rin eh! She look like a freak right? Hmph! Mabuti na lang na maganda ako." Napailing na lang ako sa sinabi ni Artemis.

"Parang kanina natatakot pa si Aideen kay Artemis ngayon pinag-iisahan na si Leigh." Umiiling na sabi ko.

"Magaling mang-uto si Artemis." Natawa naman ako sa sinabi ni Hadrian.

"Parang ikaw?" Ngising sabi ko. Nawala naman ang ngiti sa labi nito.

"Not funny at all, Eisha." He made a face after he said that.

Naabutan ko si Leigh na nakikinig sa dalawa. Hindi alam ng dalawa na nasa likuran lang nila ito.

"M-mabait naman si ate Leigh! Astig rin siya dahil isa siya sa mga nagligtas sa akin pero..." Ngusong sabi ni Aideen.

"Pero nakakatakot?" Natatawang sabi ni Zaryl. Nahihiyang tumango si Aideen.

Binalot nila ng mga tawa ang dining room ni Hadrian. Napailing na lang ako.

"I told you she's a freak--"

"Wag mo kong itulad sa'yo." Lahat sila natigilan sa boses ni Leigh.

Namutla ang lahat maging si Zaryl at Keidon na tawang tawa kanina pa. Natigilan si Artemis at dahan dahan napaupo sa gilid ni Aideen.

"A-ano?! I'm not a freak, weirdo!" Ganti ni Artemis.

Napangiwi si Leigh sa narinig. Hinila niya ang upuan, lahat sa kaniya ay nanonood lamang. Sumandal ito sa kinauupuan bago binigyan ng malalim na titig si Artemis.

"Oh sure," sarkastikong sabi ni Leigh kaya natawa kami maliban kay Artemis.

Pero laking gulat ko na lang nang binigyan niya ng malakas na batok si Zaryl. Napadaing naman ito sa sakit.

"Stop scaring the kid, you dimwit. Mas masama ang ugali mo kapag na-iisorbo kaya wag ako." Maangas na sabi ni Leigh.

Tumawa ng malakas si Keidon kaya binigyan ko na rin ng malakas na batok. Kumindat ako kay Leigh kaya ngumisi siya.

~~••~~
Just preparing for the ending :))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro