Chapter 50

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Where are you?! Damn it, Eisha. We're not allowed to go outside!" Napapikit ako sa nakakabinging boses ni Hadrian sa telepono.

"Easy babe, may aasikasuhin lang ako. I'll be back before 6 I promise." Paliwanag ko habang sinusuot ang shades ko.

"Where are you--"

"Sige bye na! I'll call you back!" Namamadali ko pinatay ang telepono.

Sinandal ko ang ulo ko sa upuan. Bumuntong hininga ako bago tinignan ulit ang text ng kapatid ko na si Patricia.

From: Bunso ko ❤

Ate, nasa coffee shop na ako. Nasaan ka na? Mag-ingat ka.

Binalik ko ang cellphone ko sa aking bulsa. Napahilot ako sa sentido nang maalala ang nangyari kanina.

Natutulog ako nang tumawag sa akin si Patricia. She sounds so worried about my condition. Ilang beses siya nakiusap na magkita kami ngayon. Hindi ko rin siya natiis dahil miss na miss ko na rin siya.

At kailangan ko rin malaman ang kalagayan nila sa bahay. Nag-aalala rin ako sa para sa kaligtasan nila. Kailangan ko rin makausap si kuya tungkol kay Medusa pero si Patricia na lang ang pinapunta niya.

Kampante naman na ako sa kalagayan ni Patiricia ngayon. Alam rin ni kuya na may magbabantay sa kaniya kaya siya na ang pinapunta nito. Laking pasalamat ko na may mga nagbabantay rin sa bahay at sa kapatid ko ngayon.

Binaba ko ang sumbrero at inalis ang mask ko para sigurado hindi ako makikilala.

Grabe ang pagtakas na ginawa ko kanina. Tumakas pa ako habang natutulog si Hadrian sa tabi ko, na-kosensya naman ako kaya nag-iwan na lang ako ng sulat pero itong lolo niyo ay nataranta at hindi mapakali kaya agad agad ako tinawag.

Napansin ko ang pagtingin sa akin ng driver ng taxi na sinasakyan ko ngayon. Nailang ako bigla at kinabahan na baka nakikilala niya na ako.

"Ayos ka lang ba iha?" Nanlamig ang mga kamay ko nang magsalita ito.

"A-ayos lang naman po. Malayo pa po ba?" Sinubukan ko maging normal at casual ang boses ko.

I really tried not to panic. Sumulyap sa akin ito gamit ng salamin.

"Traffic iha, dahil sa ginawang pag-iimbestiga ng pamahalaan ng lugar na ito. Ewan ko nga ba kung totoo iyong nasa balita. Buhay nga naman..." Nagulat ako na bigla magkwento ito.

"May halimaw daw umiikot sa lugar na ito. Hindi na sana ako maniniwala pero gobyerno na mismo ang nagsabi. Kaya ikaw iha, mag-iingat ka. Walang masama maniwala pero mas mabuti ang mag-ingat. Lalo na baka ang mga halimaw na sinasabi nila ay totoong pumapatay ng tao, naku..."

Hindi ko alam kung paano sagutin ang driver. Halo-halo ang emosyon ko lalo na alam ko na kasama ako sa mga tinutukoy niya.

Gusto ko sabihin ang totoo na walang masama intensyon ang mga halimaw na sinasabi ng gobyerno sa kanila at lalong hindi sila mga halimaw.

Hindi ko alam na ganito na pala ang epekto ng mga sinasabi ng Rolando na iyon sa kanila. Nagbibigay sila ng takot at kaba para sa mga tao na naninirahan dito. Puro kasinungalingan lang naman ang lahat na iyon.

Nahalataan ni manong ang pagtatahimik ko. Mabuti na lang ay nakarating na kami sa lugar na dapat kong babaaan. Dali dali ko binigay ang bayad.

"M-mag-ingat po kayo, manong. Wag po sana tayo maniwala agad sa mga sabi sabi. Sige, mauuna na po ako ingat po sa byahe." Mahinang sabi ko.

Nalilito pa ito pero hindi ko na siya hinintay magsalita pa at umalis na ako.

Habang naglalakad ay sumilip ako sa paligid ko. Maraming tao at may sari-sariling ginagawa ang mga ito. Binaba ko ang itim kong sumbrero at yumuko na lang habang naglalakad.

Napamura ako sa isipan ko nang makita ko ang mga grupo ng mga pulis na nakakalat sa malayuan. Binilisan ko na lang ang paglalakad papunta sa coffee shop.

Nakahinga ako nang maluwag na makita si Patricia sa loob na hawak hawak ang cellohone niya at tumitingin sa paligid.

Pumasok na ako sa loob at nagulat ako na bumati bigla sa akin ang crew.

"Good morning ma'am! Welcome to our shop!" Masiglang sabi ito.

Tumikhim na lang ako at tumango. Iniwas ko na rin ang tingin ko para safe.

Bwisit, parang ako agent nito. Men in black pa ang galawan ko.

Hindi ata ako nakilala ni Patricia, tumitingin pa ito sa labas. Hindi ko rin siya ma-sisisi, balot na balot itong katawan ko parang artista.

"Naka-order ka na?" Tanong ko bigla kaya napatalon ito sa gulat.

"A-ate!" Pinandilatan ko siya ng mga mata at umakto na wag maingay.

Napakamot na lang siya sa ulo at ngumiti na lang sa akin.

"Ano? Nag-order ka na ba kako?" Mahinang tanong ko. Kumunot naman noo nito.

"Hindi mo man lang ako tatanungin kung okay lang ako?" Galit niyang sabi. Ngumuso pa.

"Gutom ako, hindi ako nag-almusal. Maaga gumigising si Hadrian kaya inunahan ko na." Buntong hininga kong sabi.

Umirap naman ito. Tinignan ko naman ang ayos niya at ngumisi.

"Mukhang okay ka rin naman na, suot suot mo damit ko eh." Sabi ko kaya natawa siya nang mahina.

"Bagong bili mo 'to kaya inagaw ko na," ngising tugon niya. Napailing na lang ako.

Kanino ba ito nagmana? Tsk!

Tinawag niya ang waiter at binigay na rina ng order namin. Habang kumakain ay nagsimula na siya magtanong sa akin.

"Ano ba nangyari ate? Bakit wanted na kayo?" Kinakabahan niyang tanong.

"Si Rolando ang may pakana. He is a Senator right? Kaya nag-iingat na rin kami. Nag-usap usap naman na kami lahat kahapon." Paliwanag ko.

"Kayo kayo? Sino?" Nagtataka niyang sabi. Hinampas ko naman siya ng plastic sa mukha kaya sinamaan ako nito ng tingin.

"Sino pa ba? Edi yung mga Mythian. Baka isipin mo na kami kami lang ni Zaryl ah, nagkakamali ka. Marami kami." Ngising sabi ko, nagyayabang.

Umirap na lang siya at uminom.

"Kung ganon, si Rolando rin ang kumuha sa'yo nung araw na nag-aaway sina mama at papa?" Natigilan ako sa tanong niya.

Bumuntong hininga ako. Nahalataan niya iyon kaya sumama agad ang timpla ng mukha niya.

"It was kuya Hadrian right? Zaryl told me." Mahinang sabi niya.

"May hindi lang kami pagkakaintindihan ni Hadrian sa mga oras na iyon. Alam iyon ni kuya, kaya wag mo pasamain si Hadrian ha? Kasama ako sa nagkamali." Ngiting sabi ko.

Hindi pa rin nagbago ang ekspresyon nito.

"Naiintindihan ko iyon ate pero sana wag mo hayaan na saktan ka kahit sino pa man iyan. Kahit ako si kuya sigurado ako na ito rin ang sasabihin niya sa iyo." Seryosong niyang sabi.

Kung may ano humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Napangiti ako dahil doon. Dalagang dalaga na ang bunso ko. Tumango na lang ako sa sinabi niya.

Sinimulan niya na ang mensahe ni kuya para sa akin tungkol kay Medusa.

Hindi masyado nakita ni kuya ang mukha ni Medusa dahil naka-mask ito. Sinigurado talaga ni Medusa na wala makikilala sa kaniya sa ganong paraan.

Totoong may green pendant nga si Medusa. Umiilaw ito kapag nagpapalit anyo. Kahit hindi pa nakikita ang mukha alam niya na napaka-delikado daw nito kaya mag-iingat daw ako.

Hindi daw ganong katangkaran si Medusa, parang daw kasing tangkad lang ni Patricia. Napaisip ako ng todo dahil doon.

"Delikado daw siya ate, nakatago daw ang nga tauhan niya sa paligid. Ate, mangako ka na mag-iingat ka. Please... Kailangan ka pa namin." Nagulat ako na tumulo ang luha ni Patricia.

Pinisil ko ang kamay niya at ngumiti sa kaniya.

"Pangako, Gaylen. Babalikan ko pa kayo nila mama, papa at kuya. May pangarap pa ako na gusto ko tuparin kaya sisiguraduhin ko na makaka-uwi ako sa inyo na ligtas." Naluluha na rin na sabi ko.

This is the most hardest thing to do when you know your life is in danger. It looks like you're telling your farewell to your loved ones.

Hindi ka sigurado kung makaka-uwi ka talaga na buhay. O madadatnan ka na lang nila na patay.

Sinubukan ko ngumiti sa kapatid ko para mabawasan ang pag-aalala niya sa akin. Itinago ko ang kaba at takot para lang ay hindi rin siya matakot at mangamba.

"Miss Salvanes!" Pareho kami natauhan. Pinunasan ko ang luha ko tsaka tumayo.

"Ako na kukuha ng coffee natin." Ngiting sabi ko.

"Bilisan mo." Ngusong sabi niya kaya napangiti ako.

Habang kinukuha ko yung order ay nagtawag ulit ang crew.

"Miss Gonzales?!" Natigilan ako sa sinabi nito.

Lumapit sa tabi ko ang babae na tulak tulak ang wheelchair ng kasama niyang matandang babae. Tinitigan ko ang mga mukha nito.

"Thank you." Sabi ng babae at kinuha ang coffee nila. Napatakip ako ng bibig nang namukhaan ko ang mga ito.

Hindi nga ako nagkakamali! Pamilya nga ito ni Melissa! Gonzales rin ang apelyido ni Melissa.

"H-hi po! Nakauwi na pala po kayo. Kumusta po si Melissa?" Hindi ko nanapigilan magsalita.

Kumunot ang noo ng babae.

"Do I know you, miss?" Kinabahan ako bigla sa strikto nitong boses.

Hindi pa siguro ako pinapakilala ni Melissa sa pamilya. Nilahad ko ang kamay ko.

"Eisha po, kaibigan po ni Melissa Gonzales. Nakaroon po kayo ng family reunion hindi po ba?" Ngiting sabi ko.

Nagulat ako nang sumalubong ang kilay nito. Nilayo niya ang matanda mula sa akin. Pinasadahan ako ng tingin nito mula sa ulo at paa.

"P-paano mo nalaman na nakaroon kami ng family reunion? At bakit mo kilala ang pamangkin ko?!" Nalito ako bigla sa sinabi niya.

Parang takot na takot ito at naguguluhan sa aking mga sinabi.

"Kaibigan nga po ako ni Melissa. Nagpaalam po siya sa amin na makakaroon kayo ng family reunion. At nakita ko po kayo dito kaya naglakas loob na ako para itanong kung nasaan siya. Matagal na kasi hindi namin siya nakikita." Ngiting sabi ko.

"Matagal ng patay si Melissa! She died 7 years ago! At walang naging kaibigan ang pamangkin ko!"

Parang ako nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Kumabog ang dibdib ko nang malakas, pakiramdam ko huminto ang mundo.

Patay si Melissa? Papaano...

Napailing ako at dali dali kinuha ang cellphone ko. Pinakita ko sa kaniya ang picture naming dalawa.

"T-this was taken 6 weeks ago. Nakasama pa namin siya, kaya paano patay siya?" Kinakabahan kong tanong.

Napatingin ang matanda sa aking cellphone. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi at umangat ang kaniyang kamay, parang gusto kunin pa ang cellphone ko.

"M-Melissa... Apo ko! Kumain ka na ba?" Hindi ko alam kung paano mag-react sa sinabi ng matanda. Tila kinakausap niya si Melissa sa cellphone ko. Mukhang may sakit ang matanda.

"Nay hindi! Patay na si Melissa. I-ikaw! Hindi ko alam kung ano ang intensyon mo pero wag mo na gambalain ang patay na!" The woman became hysterical.

"P-pero--"

"Morena ang pamangkin ko, hindi siya maputla tulad ng litrato na pinapakita mo. Kung hindi mo titigilan ito hindi ako magdadalawang isip magtawag ng pulis!" Sigaw niya habang nakaturo sa akin.

Morena? Pero maputi at maputla ang balat ni Melissa. Tumaas ang balahibo ko habang tinitignan ang litrato naming dalawa.

My hands are trembling. I can't even stand properly. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao sa shop.

"P-paano po siya namatay?"

Hindi makapaniwala ako tinignan ng babae. She scoffed and glare at me.

"Why would I tell you?! Sino ka ba? Is this some kind of prank?!" Hindi pa rin ako nagpatinag. Nananatili pa rin ako sa  harapan niya.

"M-miss, mas mabuti pong umalis na lang kayo. Gumagawa po kayo ng eksena sa shop namin." Pakiusap sa akin ng babae na nagtatrabaho sa shop.

"Siya ang paalisin niyo! Mga kabataan ngayon talaga, pati ang patay ay dinadamay!" Hingal na hingal ang babae.

"Melissa ko...apo..." Nagsasalita pa rin ng mag-isa ang lola.

"Shh, aalis na tayo nay. Papalampasin ko ito pero sa susunod na gagawin mo ito, malilintikan ka na talaga." Banta sa akin ng babae.

Nataranta ako nang makita paalis na sila. Dahil wala na ako sa sarili at gulong gulo na ang isipan ko, hinuli ko ang braso ng babae.

"P-please! I need to know. Kailangan ko lang po talaga malaman kung paano siya namatay." Pakiusap ko sa kaniya.

She supposed to yell at me again but she look startled when she saw my expression. I was really sincerely begging, I'm in the urge of crying.

She clenched her fist and let out a breath. Galit niya iniwas niya ang tingin sa akin. Napalunok ako habang naghihintay ng sagot.

"She was raped and killed. At the age of 17, five men raped him at her own school and they killed my niece in very brutal way." Nanginginig ang kaniyang kamao dahil sa galit.

Natigilan ako bigla na lang napayuko. Habol hininga ako habang pina-process ang lahat ng sinabi niya sa aking isipan.

"N-ngayon na alam mo na ang totoo, huwag mo na banggitin ang pangalan niya. Wala siyang kaibigan kahit isa kaya wag mo na kami lokohin pa. Patay na si Melissa." Madiin na sabi niya

Iyon ang huling sinabi niya bago ako tinalikuran. Napadpad ang tingin ko sa matanda na malawak ang ngiti habang hawak hawak ang isang litrato.

"Oh my gosh..." Napatakip ako ng bibig na makita na litrato ni Melissa iyon!

She was smiling while doing a wacky pose in the picture. Hawak niya ang kamay ng kaniyang lola sa litrato.

At tama ang mga sinabi ng babae. Morena nga siya at maiksi ang buhok sa litrato. Pero ang Melissa na nakilala ko ay may maputlang balat at may mahabang buhok.

Bigla may nagtext sa akin kaya dali dali ko ito tinignan.

From: Keidon 🌊

Hoy, nandito na si Melissa. Punta ka may welcome back party kami para sa kaniya.

Tumaas ulit ang balahibo ko dahil sa aking nabasa. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak hawak ang cellphone.

Patay na ang totoong Melissa edi sino ang Melissa na nasa mansion ni Keidon ngayon?

"Anong kaguluhan ito?" Dumoble ang kaba ko nang sumulpot ang mga pulis sa harapan namin.

"Iyang babae na 'yan sir! Nagsimula siya ng gulo!" Nagulat ako ng ituro ako ng mga costumer sa shop.

Nakita ko ang pagtayo ni Patricia. Kita ang kaniyang pag-aalala at taranta sa kaniyang mukha.

"Totoo po ba iyon, madam?" Tanong ng pulis kay Miss Gonzales.

Tinapunan ako ng tingin ng babae at iniwas muna ang tingin bago tumango. Pakiramdam ko ay katapusan na ng buhay ko dahil doon.

"Miss, pwede ka po ba namin makausap?" Nahalataan ng pulis ang ayos ko, balot na balot.

"A-ate..." Lalapit sana si Patricia pero umiling na ako.

Hindi pwede mapasama si Patricia sa gulong 'to.

"Umalis ka na..." Sabi ko sa kaniya na walang boses. Umiling siya habang lumuluha.

"Miss?" I bit my lower lip when the police walked towards me.

Sinamaan ko ng tingin si Patricia. Natigilan naman ito. Mabilis ako tumingin sa labas at nakita ko ang mga lalaki na nakasuot ng itim, nanonood sa amin.

Nahalataan ng mga lalaki ang senyales ko. Tumango ako sa kanila kaya agad agad sila kumilos para kunin si Patricia sa loob.

"Y-yung ate ko... Teka--"

"S-sasama ako sa inyo, wag kayo mag-aalala." Inunahan ko na sa pagsasalita si Patricia para hindi siya marinig ng mga pulis.

Nakahinga ako nang maluwag na makita nakalabas na si Patricia kasama ang mga bodyguard niya. Naluluha ako tinignan ni Patricia bago pumasok sa van.

Sinigurado ko na nakaalis na ang van. Nakahinga ako nang maluwag na makita nakakalayo na ang van.

Now, I can move properly.

"Miss, pwede po bang alisin niyo ang cap at shades na suot niyo? May patakaran po kasi kami sinusunod ngayon."

Hindi ako sumagot sa pulis. Nilibot ko ang tingin ng paligid ko. Shit, I am surrounded by all of these people. There's no way out.

The police keep asking me question but I was too busy from analyzing the place. I need to get out of here. Hindi ko pwede alisin ang disguise ko kung hindi makikilala nila ako.

"Miss! Mas mabuti kung sa presinto na lang tayo mag-usap. Hindi ka nagsasalita o magpaliwanag man lang--"

Hindi ko na siya pinatuloy sa pagsasalita at sinipa ko na siya sa dibdib. Napatalsik ito dahil sa aking ginawa. Napasigaw ang lahat ng mga tao.

"Walang gagalaw!" Mabilis na tinutok nila ang mga baril sa akin. Umigting ang panga ko.

Dahan dahan ko tinaas ang pareho kong kamay.

"Huwag ka magdalawang isip lumaban pa!" Sigaw sa akin ng pulis.

Lumapit sa akin ang isang pulis para i-posas ako kaya matalim ko siya tinignan habang nagbabago ang mga mata ko. Kitang kita iyon dahil yumuko ako kaya bumaba ng kaunti ang aking shades. Ngumiti ako nang mapait.

Ngayon matutuklasan mo na kung paano magpalit anyo ang sinasabi mong halimaw...

Natigilan ito at dumaan ang takot sa kaniyang mukha.

"Sorry police officer, but I was born to fight." Seryosong sabi ko at mabilis na kinuha ang dalawa kong baril sa aking damit.

Mabilis ko sila binaril sa hita at braso.

"Hayop! Huwag niyong hayaang mawala siya sa mga paningin niyo!" Sigaw ng isa.

Ngumisi ako at pinaikot ko ang baril sa aking kamay bago siya pinatamaan ng bala sa balikat.

"Argh!"

Napatingin ako sa labas at nakitang may paparating pang pulis. Mukhang marami na ito kaysa kanina, kailangan ko na maka-alis.

"I'm really sorry for this." Mahinang sabi ko sa kanila bago binasag ang bintana para makatakas.

Naririnig ko ang mga sigaw nila sa loob pero hindi na ako lumingon pa.

"Tangina..." Bulong ko nang maalala na wala pala ako sasakyan.

Binilisan ko ang pagtakbo papalayo sa lugar na iyon. I can't think straight, I don't even know if this is still right thing to do.

Nakita ko ang lalaki sa umiihi sa isang tabi habang nakaparada ang sasakyan sa kaniyang gilid. Napapikit ako sa naisip ko. I really need to do this. Bahala na.

Nang makita ko na siya papasok sa sasakyan, mabilis ko hinigit ang leeg nito gamit ng braso ko. Tinutukan ko siya ng baril sa likod.

"S-sino ka?! Tulong! Hmmp!" Sigaw ng lalaki.

"Hindi ako ako magdadalawang isip na iputok ito sa'yo kapag hindi ka manahimik." Inis na bulong ko sa kaniya. Napalunok naman ito.

"K-kunin mo na pera ko wag mo lang ako patayin please... T-teka, Tangina! babae ka pala?! Tarantado ka pala eh! Mahina ka lang-- argh!" Nanakit bigla ang sentido ko kaya binigyan ko na siya ng suntok sa batok. Agad naman ito nawalan ng malay.

"Babae ako pero mas malakas ako sa tatay mo, gago." Madiin na sabi ko bago pumasok sa kotse.

Napairap ako nang may makitang marijuana sa aking likuran. Binilisan ko ang pagtakbo ng kotse habang iniisip ang mga nangyari.

Melissa...

Napatigil ako sa pagtakbo ng kotse nang may naalala ako bigla.

Melissa is wearing a green pendant! Sabi niya na binigay iyon ng lola niya pero kasinungalingan lang pala ang lahat na iyon.

Walang suot suot ang totoong Melissa na kwintas sa litrato na hawak ng matanda kanina.

She's wearing the life source. Siya nga si Medusa!

Hindi nga nagkamali si Hadrian sa simula pa lang. Nasa amin nga ang kalaban. Siya ang sinasabi ni Hadrian na kumuha sa kapatid niya, siya rin ang nagbanta kay kuya.

Binanggit rin sa akin ni Hadrian na hindi isang Mythian ang kaniyang kalaban noon. And Melissa is not a Mythian also.

She was there all along. Ang barilan na nangyari sa beach ay siya rin ang gumawa! Siya ang nagsimula ng away para ma-isip namin na tumalikod si Hadrian sa usapan.

Kaya pala may mga dala rin siyang mga bodyguards! Mga tauhan niya iyon.

At hindi na ako magtataka kung bakit ginamit ni Medusa ang identity ni Melissa. It's because Melissa was also a victim of rape.

Medusa was also raped by Poseidon, kaya hindi siya nagdalawang isip na gamitin si Melissa dahil pareho sila ng sitwasyon.

Persephone already warned me about the cursed woman.

Medusa is thirsty for vengeance. She came here to devour each one of us.

~~••~~
Bumibilis ang reads, thank uu!! 😭

Sa mga nakahula about kay Melissa, I dedicate this chapter to y'all. 😊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro