Chapter 51

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Come on, answer the damn phone!"

Kanina pa ako nangangalaiti sa galit dahil hindi nila sinasagot ang tawag ko. Nakapatay ang cellphone ni Keidon, busy ang linya ni Leigh at ganon na din si Zaryl.

Napahampas ako sa manibela dahil sa inis, sumabay pa ang traffic sa kalsada. Kumakabog nang mabilis ang dibdib ko. Hindi nila alam na nasa tabi lang nila si Medusa!

"Shit..." Napangiwi ako nang may makasalubong ako grupo ng mga pulis sa kanto.

Mabilis ko niliko ang kotse. Nakahinga ako nang maluwag nang sumagot si Hadrian sa tawag ko.

"H-hadrian!"

"Eisha? Are you alright?" Alalang-alala ang boses nito. Narinig ko ang pagtayo niya sa linya.

"I found her!" Habol hininga ako habang nagmamaneho.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Ang galit at lungkot ay bumabalot sa buong sistema ko. Pakiramdam ko ay hindi ko na ito mapipigilan.

"Calm down, woman. Who are you talking about? Wait, are you driving?" bumuntong hininga ako bago nagsalita.

"I found Medusa, Hadrian. I need backup. We need to get her before she escape. Nasa mansion siya ni Keidon ngayon." Seryoso kong sabi.

"Damn it. I'll send my chopper and men, let's just see each other there, okay?" Mukhang nagmamadali na rin siya. Naririnig ko rin ang mga boses ng mga tauhan niya sa linya.

Hindi na ako sumagot at pinatay na ang tawag. Dahil sa galit ay binilisan ko pa lalo ang pagtakbo ng kotse.

Sumisikip ang dibdib ko kapag iniisip na si Melissa iyon. Ang lahat ng pagsasama namin ay pakunwari lamang, ang batang tinuring ko na bilang kapatid ay kalaban pala.

Ang unang tao na tinanggap namin bilang miyembro ng pamilya ay isang masamang nilalang!

Mabilis ko ulit kinuha ang cellphone ko. Tinawag ko ang numero ni Avianna, siya na lang hindi ko pa natatawagan.

"Sumagot ka please..." Kinakabahan ako na baka may nangyari na masama sa loob ng bahay ni Keidon. Baka mahuli na ako.

"Thank goodness! You answered!" Lumiwanag mukha ko nang sinagot niya ang tawag.

"H-hello po ate?" Kumunot ang noo ko dahil imbes na si Avianna ang marinig ko ay ang boses ni Aideen ang sumalubong sa akin.

"Aideen, nasaan sila? Si ate Avianna mo nasaan? Yung iba?" Natataranta kong tanong habang nagmamaneho.

"Uhh, natutulog po si ate Avianna sa sofa. Sina kuya naman po nasa dining room nagkwekwentuhan po kasama si ate Melissa." Napapikit ako nang mariin dahil sa sinabi ni Aideen.

"Bakit hindi ka nila sinama sa dining room?" Tanong ko.

"Ano po kasi... Nag-iinuman po sila, wine po ata. Bawal daw po ako doon kaya binantayan na lang ako ni ate Avianna."

Halos matawag ko na ang lahat ng Santo. May gana pa sila uminom sa ganitong sitwasyon? Halos magbuwis buhay ako sa labas dahil sa kagawan ni Rolando. They should've known better.

At si Medusa, kahit anong oras ay pwede sila niya kitilan ng buhay. Ang kapahamakan ay mismo nasa tabi lang nila!

"Aideen, listen to me okay?" Niliko ko ulit ang sasakyan at dumaan sa shortcut.

"S-sige po..." Mukhang kinakabahan na rin si Aideen sa sasabihin ko.

"Lock all the doors including the back door of that mansion. Kahit ang pinto sa kusina ay isarado mo. Kahit ang mga bintana kung kaya mo isarado, gawin mo." Seryoso kong sabi.

"O-okay po... Ibababa ko po ba muna?"

"No! I mean... Huwag muna. At huwag ka magpapahalata kay ate Melissa okay?" Pakiusap ko sa kaniya.

"Opo..."

Narinig ko siya bumangon. Wala nagsalita sa kabilang linya pero naririnig ko ang mga boses nila Keidon doon. Maging si Medusa ay naririnig ko tumatawa.

"Aideen?" Nagulat ako nang may nagpatay ng linya.

"Tangina!" Mabilis ko pinaandar ang kotse hanggang makita ko na ang bahay ni Keidon.

Kumakabog ng mabilis ang dibdib ko habang bumababa sa sasakyan. Mabilis ko kinuha ang baril ko at malakas na sinipa ang main door ng mansion.

"Ate!" Nakita ko si Aideen sa gilid. Mukhang katatapos niya lang gawin ang pinapautos ko.

Hinanap ng paningin ko si Medusa. At saktong sakto ay lumabas sila sa dining room. Lumipat ang tingin nila sa akin.

My eyes became amber after I saw Medusa standing in front of me. My eyes were burning in anger.

Mabilis ko tinutok ang baril ko sa kaniya kaya napasinghap ang lahat.

"Stop right there, you bitch." Madiin na sabi ko.

Natigilan ang mukha nito. Nalilito niya ako tinignan at tinignan niya pa ang mga kaibigan ko na tila humihingi ng tulong.

"Eisha! What the hell?!"

"Eisha... Ano ginagawa mo?!"

"Hoy, si Melissa ang tinututukan mo!"

Hindi ko sila pinansin. Nananatili ako nakatingin kay Medusa na nasa aking harapan. Mas lalo ako lumapit habang nakatutok ang baril sa mukha niya.

"A-ate..." Mahinang tawag niya sa akin kaya nangalaiti ako sa galit.

"Don't call me that! You bitch! Ilabas mo ang tunay na anyo mo, Medusa! I already know the truth." Mariin kong sabi.

Umiling naman ito. Nanggilid ang luha niya habang tumitingin sa aming lahat.

"Hindi ko alam sinasabi mo, ate. Ano po ba nangyayari?" Umigting ang panga ko.

She still has the guts to act like that!

"You--" I was supposed to pull a trigger but Leigh already made her move to take the gun from me.

Sinipa ni Leigh ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin.

"Ano ba ginagawa mo?! What Medusa are you talking about? She is Melissa, Eisha!" Nilagay niya pa sa kaniyang likuran si Medusa!

"Ano ba nangyayari sayo? Nababaliw ka ba?" Sabat rin ni Keidon.

Hindi ko sila tinignan. Walang emosyon ko tinignan si Medusa na nasa likuran ni Leigh.

"I don't know what's happening but you need to calm down. Pag-usapan natin ito nang maayos." Seryosong sabi ni Zaryl habang lumalapit sa akin.

Kinuha ko pa ang isang baril sa aking damit at tinutukan ulit si Medusa.

"That girl behind you is not Melissa. There was no Melissa! The real Melissa died 7 years ago. Ang pinoprotektahan niyo ay si Medusa kaya lumayas kayo." Mariin kong sabi.

Lahat sila ay napatingin kay Medusa. Nagbuntong hininga si Keidon.

"That's enough, Eisha. Wala kang ebidensya."

Nilipat ko ang tingin ko kay Medusa na ngayon ay natatakot sa akin. I scoffed and grip the gun hardly. My eyes went to her neck, I can see her shining necklace underneath her clothes.

"Evidence you say? There," tinuro ko ang leeg ni Melissa.

Nanlaki ang mga mata ni Medusa. Napahawak siya sa kaniyang leeg habang umaatras. Tumaas ang gilid ng labi niya.

"She's wearing a green pendant. Bigay kamo ng Lola mo? Tsk, talk to my ass Medusa." Nakangiwi kong sabi.

Kumunot naman ang noo ni Zaryl. Nagtaka ako kung bakit hinahanap pa nila ang kwintas sa katawan niya samantala ay kitang kita naman na nasa sa leeg niya!

Gumuhit ang galit sa mukha ni Keidon. Hinablot niya ang braso ko.

"Wala siyang suot na kwintas, bulag ka ba?" Inis na sabi ni Keidon.

Literal na nahulog ang panga ko. Hindi ako nagkakamali, suot suot ni Medusa iyong kwintas ngayon. Umiilaw pa nga. Pero bakit parang ako lang ang nakakakita.

Kinuyom ko ang kamao ko.

Magaling si Medusa magtago. Nagawa niyang gumamit ng kapangyarihan para itago ang kwintas niya mula sa mga kaibigan ko.

At ako lang ang nakakakita para magmukha akong baliw sa kanila.

"Matagal na nating kaibigan si Melissa tapos ngayon ay pagbibintangan mo?" Biglang sabi ni Leigh, galit na galit.

"Just get her away from here, please." Bulong ni Zaryl kay Leigh, tumango naman ito bago lumapit kay Medusa.

Inalalayan nila si Medusa pero parang nag-slow motion ang lahat. Nahuli ko ang maliit ng ngisi niya bago ito tumalikod sa akin.

Tangina!

"Halika na mag-uusap tayo--"

My rage suddenly burst in my system. I clenched my fist, and my vision became dark. My body lightened, but the anger was burning in my body. I want to release it badly. I'm losing my control.

"Zaryl, si Eisha!" Sigaw ni Avianna.

Natigilan sa pag-alis sina Leigh at Medusa dahil doon. Nagtago si Medusa sa likod ni Keidon kaya mas lalo ako nag-init sa galit.

Mabilis ko kinuha ang dagger sa likuran at as expected ay sumugod sa akin ang mga kaibigan ko. Mabilis ko sila inilagan.

Tinapat ko ang palad ko sa kanilang lahat kaya napatalsik ito. Ayoko sayangin ang bawat minuto kaya habang nakahilata sila, lumapit na ako kay Medusa.

Nananaliksik ang mga mata ko habang tinitignan siya.

"A-ate? Ano ba nangyayari sa'yo..." Umiiyak na ito.

Pilit ko alisin sa isipan ko ang mga alaala naming dalawa na magkasama. Kumirot ang dibdib ko, nanggilid ang luha ko at umiling.

She is an impostor, Eisha. Walang Melissa na pumasok sa buhay mo!

Mahigpit ko hinawakan ang dagger kaya nataranta ang mga kaibigan ko.

"Eisha! Wag!" Sigaw nila pero hindi ko sila pinakinggan.

"Niloko mo kami..." Bulong ko habang lumuluha. Umiling naman ito habang nanginginig ang nga palad.

"Ako 'to, ate. Si Melissa, kaibigan mo ko ate..." Umiiyak ito na parang nagpapa-awa.

Tumawa ako nang pagak.

"Kaibigan?" Natatawa kong sabi kahit lumuluha. Tumango naman ito habang kinuskos ang mga palad na parang bata.

"O-opo... Opo..." Pa-ulit ulit niyang sabi.

Ngumisi ako.

"No... Eisha, wag mo ituloy!" Sigaw ni Keidon. Nakita ko sila lumalapit kaya tinapat ko ulit ang palad ko sa lugar nila. "Tangina naman!" Napahiga ulit sila dahil doon.

"Kung sila maloloko mo, ako hindi!" Sigaw ko at sabay bato ng dagger sa pwesto niya.

Sumigaw ang mga kaibigan ko. Si Medusa naman ay nanlaki ang mga mata habang pinapanood ang punyal palapit sa kaniya.

"Melissa!" Sigaw nila pero huli na ang lahat.

Nang tumapat ang dulo ng punyal sa noo nito ay bigla ito napahinto sa ere. Napapikit nang mariin si Medusa kaya napangisi ako.

Pagdilat niya, sumalubong sa amin ang ahas nitong mga mata. Nananaliksik ang mga mata nito at hinahabol ang hininga habang tinitignan ako.

"Ilíthio paidí!"  Sigaw niya habang nakayukom ako ang mga kamao.

(Trans: Stupid child!)

I smiled in victory when she transformed herself in front of us. Her snakes skin appeared in some part of her body. Her brown silk hair transformed into filthy green snakes.

"M-melissa..." Hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita.

"Pota? Si Medusa 'yan?" Nanlalaking mga mata ni Keidon at pumunta sa aking gilid. Umirap naman ako.

Humakbang palapit sa akin si Medusa kaya na-alerto kaming lahat. Nakita ko lumapit sina Zaryl at nilagay nila ako sa kanilang likod. Lahat sila ay seryoso ang mukha habang nilalabanan ng tingin si Medusa.

"I'm sorry for not believing you..." Malungkot na sabi sa akin ni Avianna, mukhang maiiyak na. Ngumiti na lang ako ng tipid.

Seryoso naman ako tinignan ni Zaryl.

"Explain this later," utos sa akin nito, tumango na lang ako.

"Later? Oh let's wish we can survive until later." Sarkastiko na sabi ni Leigh habang naglalagay ng bala sa kaniyang baril.

Tinignan ko ang itsura ni Medusa. Even she's wearing a normal clothes, her body doesn't suit to it. I can't still believe that Medusa is standing exactly in front of us.

I can feel her intense gaze from here. It feels like she wants to attack me already.

"Hindi ko inaasahan na ganitong kaaga..." Seryosong sabi ni Medusa habang naglalakad patungo sa amin.

Even her voice changed. And she's still using our language, how impressive.

We just letting her speak so we can analyze her moves.

"pós aisthánetai?"  Nilipat niya ang tingin sa akin.

(Trans: How does it feel?)

Walang emosyon ko siya tinignan.

"Gia ti prágma milás?" Sagot ko sa kanilang lenggwahe.

(Trans:  What are you talking about?)

Tumawa ito nang malakas. Parang gulat na gulat na nagsalita ako gamit ng lenggwahe nila. Base sa kaniyang mga pagsasalita at kilos, malayong malayo ito sa pagpapanggap niya bilang Melissa.

"Pós niótheis na gnorízeis óti éna átomo pou theoroúses fílo ítan ídi nekró?" She smirked at me.

(Trans: How does it feel to know that a person you considered a friend was already dead?)

Nanggilid ang luha ko sa sinabi niya at kinuyom ang kamao ko.

"Hayop ka! Papapayin kita!" Sigaw ko at pilit na kumakawala sa mga hawak ni Zaryl at Keidon.

Tumawa ito nang malakas kaya mas lalo ako nagliyab sa galit. Nilinlang niya kami. All this time alam, kasama namin siya sa mga plano namin. And worse, she can use that against us.

Lahat ay alam niya na. Siya rin ang may pasimuno sa nangyari sa building kung saan kinidnap ang kaibigan at pinsan ko. Nagpakunwari siya na tumutulong sa amin samantala siya talaga ang may gawa ang lahat ng iyon.

"What do you want from us?" Seryosong sabi ni Leigh.

Medusa grinned and bit her lower lip.

"Thélo ti dýnami, tin kardiá, ti sárka kai ton ... kósmo sou."

(Trans: I want your power, heart, flesh and your... world.)

Isa isa niya kami tinuro habang binabanggit iyon. Napamura lahat kami sa galit.

"Ay sorry ka, na kay Eisha puso ko." Napapikit kami lahat sa sinabi ni Keidon. Malakas ko siya sinipa sa binti kaya sinamaan ako nito ng tingin.

Kumunot naman ang noo ni Medusa dahil doon.

"Sa pangatlong araw, sasakupin ko ang mundo niyo. Uubusin ko kayong lahat, maging ang mga tao sa mundong 'to ay papahirapan ko at gagawin kong alipin ko."

Lumapit ito kay Zaryl. Ang mga palad nito ay dumausdos sa dibdib ni Zaryl kaya nanliit ang mga mata nito. Seryoso lang siya tinignan ni Zaryl.

"Aftó den tha symveí poté."  mariin na sabi ni Leigh bago siya tinulak kaya tumaas ang gilid ng labi ko.

(Trans: That will never happen.)

Makasalubong ang kilay ni Medusa dahil sa ginawa ni Leigh. Nagulat kami na bigla ito nawala sa pwesto niya at sumulpot sa harapan ni Leigh.

"Leigh!" Sigaw ko ang bigla siya sakalin ni Medusa.

Susugod sana kami nang nilipat ni Medusa ang tingin niya sa amin at bigla kami na-estatwa. Hindi kami maka-galaw!

Namumutla na ang labi ni Leigh dahil sa pagsakal ni Medusa. Halos makalimutan ko na may kakaibang lakas rin ito taglay dahil nanggaling ito sa Greek Realm.

"Your Goddess did this to me... She ruined me and my life!" Mas lalo niya sinakal si Leigh!

"A-ackk!" Pilit na tinatanggal ni Leigh ang kamay ni Medusa pero hindi niya kaya.

"Athaleigh! Tangina, hindi ako makagalaw! Ano ba nangyayari?!" Sigaw ni Keidon.

Namanhid ang katawan ko. Hindi talaga ako makagalaw.

"It seems her stone power doesn't work here in our world but she can freeze people..." Mahinang sabi ni Avianna. Napamura ako nang mahina.

Sa kondisyon namin na 'to, wala kami talaga laban sa kaniya.

She blocking our abilities! We can't use it!

"Kasalanan niya... Nararapat lang kita patayin!" Napasigaw kami dahil sa ginawa niya kay Leigh! Nawawalan na ito ng hininga.

"We have to save her but her power, damn it!" Pilit ni Zaryl kumilos pero hindi talaga kaya.

"Athaleigh hold on..." Umiiyak na sabi ko. Namumungay na ang mga mata nito at humihina na ang hininga!

"Leigh..." Umiiyak na si Avianna.

Nanghihina ako, wala kami magawa para iligtas siya. Papatayin na siya ni Medusa!

Napasigaw kami nang kinuha ni Medusa ang dagger at sasaksakin si Leigh!

"Papatayin kita!--"

"Min tin angíxeis!" 

(Trans: don't touch her!)

Nanlaki ang mga mata namin nang bigla napatalsik si Medusa! Nasunog rin ang damit niya!

"Aideen!" Lumiwanag mukha namin na makita siya sa harapan.

Dahil sa nangyari nakawala kami agad sa kapangyarihan ni Medusa. Dali dali namin pinuntahan si Leigh na ngayon inaakay ni Aideen.

"A-ate, huwag ka po patay..." Inaalog ni Aideen ang balikat ni Leigh. Tinapik naman siya ni Keidon.

"Sira ulo kang bata ka, ikaw ang papatay sa kaniya, wag mong alugin!" Saway ni Keidon. Kinuha ni Keidon si Aideen.

"L-leigh?! Ayos ka lang? Sumagot ka!" Nanginginig ang kamay ko habang hinahaplos ang mukha niya.

Umubo ito kaya napangiti ako. Tinulungan ko siya bumangon at hinimas ang likod. Huminga siya anng malalim para makakuha ng hangin.

"Stop worrying about me! G-Get her..." Seryosong sabi niya habang umuubo. Tumango si Keidon at Aideen, sumunod ito Zaryl.

Inis naman ako tinignan ni Leigh

"Ano pa ginagawa mo dito? T-tulungan mo sila..." bahid pa rin sa mukha niya na nahihirapan siya.

Hinawakan ko ang pisngi niya kaya napatitig ito sa akin.

"Kaya mo pa ba?" Nagaalala kong tanong.

Ngumiti ito ng tipid at hinawakan ang kamay ko na nasa pisngi niya.

"I can manage, go help them. Susunod ako." Mahinang sabi niya. Ngumiti ako at tumango.

Walang emosyon ko tinignan si Medusa na ngayon hingal na hingal. Halos mandiri ako dahil sa ingay na ginagawa ng mga ahas sa ulo niya. Parang umiiyak na hindi ko malaman.

"Eísai ídi argá. O kósmos tha xérei to mystikó sas. Kai tha kyverníso aftón ton kósmo!"  Sigaw niya habang nakaturo sa amin.

(Trans: You're already late. The world will know your secret. And I will rule this world!"

"skatá!" Malutong mura sa kaniya ni Keidon kaya napangiwi ako.

Medusa just laughed in villain. Her laugh was so loud. She was laughing hysterically and scary.

Susugod sana kami nang may narinig kami pagsabog sa labas. Napatingin kami lahat doon.

Nanlaki ang mga mata namin makita ang mga sasakyan ng pulis maging ilang mga itim na van nakaparada sa labas. May mga lumabas na mga tao pero hindi ko makilala kung sino dahil napakalayo na ito.

"It's Rolando, fucking shit!" Nagtinginan kami lahat sa sinabi ni Leigh. She used her ability sight to see what's going on outside.

"We have to move! Hindi tayo pwede mahuli." Sabi ni Zaryl. Kinuyom ko ang kamao ko.

Dadaan sana kami sa ibang labasan nang may pumasok na mga lalaki. May mga baril. Napalingon naman kami sa main door, iniluwal naman nito ang mga pulis.

"Great!" Inis na sabi ko. Nagkumpol kumpol kaming lahat dahil pinaliligiran kami ng mga pulis.

Pumasok si Rolando na nakangisi sa amin. Tinupi niya ang long sleeve hanggang sa siko. Sinamaan ko naman siya nang tingin.

"Eto na ba sila? Mga... Bata?" Natatawang sabi ni Rolando.

"Gago," bulong ni Keidon kaya napatingin ito sa kaniya.

"At bastos." Tumango tango si Rolando.

"Hindi mo kami kilala kaya patahimikin mo 'yang bunganga mo." Matalas na sabi ni Avianna.

Nagtinginan si Rolando at Medusa, saka sabay na tumawa. Napailing si Rolando. Binigay niya ang coat niya kay Medusa na ngayon sunog ang damit. Hindi niya pa rin tinatanggal ang tingin sa amin.

"Mga estupida at mga mayayabang. Hindi niyo ba matanggap na talo kayo? Hindi ko inaasahan na madali lang pala babagsakin ang mga ito, Medusa." Natatawang dugtong nito.

"Huwag mo sila husgahan agad agad, Rolando. Ginagabayan sila ng mga nasa ibang mundo." Seryosong sabi ni Medusa.

Tumawa na lang nang sarkastiko si Rolando. At bigla kami tinutukan ng baril.

Dahil doon tinutukan rin namin siya ng baril kaya natigilan ito. Tinutukan rin kami ng mga pulis pero hindi namin iyon pinansin.

"Dumadaloy nga ang katapangan sa inyong mga dugo, pero kaya niyo ba lumaban kapag alam niyo na katapusan niyo na?" Ngising sabi ni Rolando.

I gritted my teeth and gripped my gun hard.

~~••~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro