Chapter 68

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Humugot ako ng malalim na hininga at kinuyom ang mga kamao. I can feel my knees trembling. Nakita ko si mama nagwawalis sa labas ng bahay.

"Ma..." Tawag ko. Umangat ang tingin niya sa akin. Nabitawan niya ang walis dahil sa gulat.

"A-anak?! Eisha!" Sinugod ako nito ng yakap kaya napapikit ako. Nanggilid ang luha ko nang maramdaman ang higpit ng yakap niya.

"Ma, dito ma ulit ako. Sorry kung nawala ako ng matagal, ma..." Marahan na sabi ko kaya napangiti siya at hinawakan ang pisngi ko.

"Naiintindihan ka namin, nak. Ang dapat sisihin dito ay ang Senator na 'yon. Hindi ka man lang namin na-gabayan at pinrotektahan..." Malungkot niyang sabi.

"Tapos na iyon ma, kalimutan na po natin iyon. Nasan po si Patricia at kuya?" Tanong ko at tinignan ang bahay.

"Naku, kagigising lang. Parehong puyat dahil nanood ng movie. Halika pasok." Hinila ako ni mama kaya napangiti ako ng todo.

Binuksan niya ang gate namin at kinuha ang walis tingting para ilagay sa gilid.

"Patricia, Gael! Nandito na ang kapatid niyo!" Sigaw ni mama habang inaayos ang halaman niya.

Napatingin ako sa pinto namin dahil sabay sabay sumulpot doon ang dalawa.

"Ate?" Nakita ko si Patricia na nagtotoothbtush. Nakalabas ang ulo niya habang hawak ang toothbrush. Nakapantulog pa ang suot.

Sunod naman si kuya Gael na naka boxer short lang at humihikab pa. Naasiwa ako bigla na makita wala siyang suot sa pantaas. Naghanap ako ng tsinelas at binato sa kaniya.

"Aray!" Pag-iinarte niya.

"Magbihis ka nga kuya! Ang dugyot!" Sigaw ko kaya sumimangot siya bago pumasok sa loob.

Sumugod naman si Patricia sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit.

"Ate! Dito ka ulit titira?! Buti bumisita ka!" sabik na sabik niyang sabi kaya natawa ako.

"Oh, mamaya na ang usapan. Nananghalian ka na ba Eisha? May pagkain doon, kumain ka muna." Sabi ni mama.

Hinila na ako papasok ni Patricia. Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay. Wala pa rin pinagbago. Nakita ko si kuya, kumakain na habang nakataas ang paa.

"Hala! Nauna na si kuya! Patay gutom talaga!" Sabi ni Patricia bago pumunta sa mesa para kumain na rin. Napangiti ako dahil sa eksena na iyon.

Nagulat ako nang hawakan ni mama ang braso ko at binigyan ako ng ngiti.

"Dali na, kumain na kayo. Alam kong gutom na gutom ka na." Sabi niya, napakamot na lang ako sa batok.

"Ano ulam ma?"

"Bulalo at nag ihaw ang kuya mo kahapon ng liempo kaya marami natira. Kumain ka na." Sabi ni mama.

Sumunod ako sa mesa. Pinaghain ako ni Patricia. Nang umupo na ako, kumunot ang noo ko dahil sinasamaan ako ng tingin ni kuya.

"Tingin mo diyan?" Nakataas na kilay kong sabi.

"Makikikain ka pa dito, hindi ka ba pinapakain ng boyfriend mo?" Masungit niyang sabi. Nahulog ang panga ko.

"Kuya! Naku, ate. Nagtatampo lang yan." Sabi ni Patricia habang nagsasalin ng tubig sa baso. Umirap na lang si kuya.

"Tss, ang dami mong alam kuya. Ano gusto mo, maglakad ako pabalik dito habang nasa coma ako?!" Inis na sabi ko kaya ngumuso na lang siya.

"Tangina kasi iyang Senator na yan sino ba bumoto diyan tangina. Anong trip niya at gusto niya kayo ikulong at pahawakan ng droga."

Natigilan ako sa sinabi niya. Maging si Patricia ay natahimik at palihim ako sinusulyapan.

They erased his memories too. Wala rin siya naalala tungkol sa Mythian.

I forced a smile.

"Hayaan mo na siya, nakulong na rin naman. Nagugutom na ako! Ang tagal mo magsandok!" Reklamo ko.

"Oh ayan! Uuwi ka wala man lang pasulubong!" Sigaw niya sabay bigay sa akin ng mangkok kaya natawa ako.

Sabay sabay kami kumain at pinuno ng tawanan at kwentuhan ang usapan namin. Hindi naman seryosong galit si kuya, pabebe lang iyan. Gusto lagi may pasalubong.

Imagine nagka-coma ka na nga, hiningian ka pa ng pasalubong.

Nauna si kuya matapos kumain. Nag-ayaya siya na manood ng movie pagkatapos niya maligo. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Nang makaalis si kuya, mabilis na lumapit sa akin si Patricia.

"Ate, mabuti pinayagan ka ng boyfriend mo umuwi dito?" Sabi ni Patricia.

"Hindi niya naman ako binawalan, ako mismo ang ayaw. Siya pa ang mismo nagsabi ng umuwi ako dito." Sabi ko at ngumiwi. Tumango tango na lang siya.

"Bakit hindi nakakaala si kuya? Pati rin sina mama at papa... Alam nila ang tungkol sa pagkatao niyo ate! At mas lalo na si kuya, siya pa nga ang unang nakaalam diba? pero nung isang araw bakit bigla na lang hindi nila maalala?" Bulong niya sa akin habang kumakain.

I let out a sigh.

"Ginawaan namin ng paraan ang tungkol doon. Nobody's allowed to know our secret remember?"

Napanguso siya at napahawak sa baba niya.

"Kung ganon, bakit ko pa naalala?"

Doon ako natigilan. Hindi ko rin alam. Bakit si Patricia nakakaalala pa? It's so strange.

Iyon ang nanatili sa isipan ko hanggang nanood kami ng movie. Meron na ako hinala na baka involve si Patricia kaya nakakaalala pa rin siya but it doesn't make sense! Kuya was involved too but his memories was erased!

Maybe... Maybe Patricia was one of us?

Agad ako napailing. It's too impossible. Wala senyales siya pinapakita sa akin tulad nung nangyari sa akin noon. And I'm not a Mythian anymore!

"Ako na kasi pipili ng pelikula!" Sigaw ni kuya habang sinisiksik ang sarili sa akin.

"Ayoko nga! Puro bold na naman iyang papanoorin mo eh! Sumbong kita kay mama!" Singhal naman ni Patricia.

Napapikit na lang ako dahil sa ingay nila. Ang sakit sa tenga ang mga boses nila lalo na nasa gitna nila ako.

"Ako na lang pipili! Mga letche kayo..." Inis na saad ko at kinuha ang remote.

"Fake news ka Gaylen, hindi ako nanonood 'non no." Ngusong sabi ni Kuya kaya umirap kami pareho.

Habang naghahanap ng pelikula sa netflix, biglang pumasok si mama sa kwarto kaya napatingin ako. Ang dalawa naman ay todo pa rin sa pagbabangayan kaya napailing na lang ako.

"Anak, pwede ka ba makausap?" Biglang tanong ni mama.

"Opo naman ma." Tumayo ako at iniwan ang remote sa unan.

Napaatras ako dahil nag-uunahan ang dalawa sa pagkuha ng remote. Natawa na lang si mama doon at sinaway ang dalawa. Lumabas kami ni mama sa kwarto. Hindi ko maiwasan magtaka, bakit parang seryoso ata ang sasabihin ni mama?

"Eisha, anak. Alam mo naman ang papa mo ay nasa abroad na diba?" Sabi ni mama kaya nalilito ako tumango.

Nagbuntong hininga ito at hinawakan ang kamay ko.

"Gusto ka niya kunin dito para makapag-aral ka sa ibang bansa kasama ang papa mo. Nakakuha ka ng scholarship anak, opportunity iyon para makatapos ka sa pag-aaral sa magandang eskwelahan."

Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap.

Nakaalis na si papa papuntang Germany. Ginhawa rin para sa amin iyon dahil hindi na sila mag-aaway away. Pero hindi ko inaasahan na makakaroon ako ng scholarship!

I mean, matagal ko na pangarap na makapunta sa ibang bansa at makapag-aral doon. Sayang kung hindi ko ito tatanggapin. Laking salamat ko na rin kasi inasikaso talaga ni mama at papa ang pag-aaral ko na akala ko galit sila sa akin dahil sa nangyari.

"Okay lang ba sa'yo iyon? Inasikaso na ng papa mo ang papeles at passport mo. At gusto sana ng papa mo ngayong paparating sabado ka pumunta doon. Dahil iyon rin ang araw ng flight mo--"

"Teka teka, mama. Bakit ang bilis naman po? Kakasabi niyo pa lang po sa akin tungkol dito tapos aalis na agad ako? Ang bilis naman po ata. At paano ako makakapag-paalam sa mga kaibigan ko? At sa... Sa..." Hindi ko masabi ang salitang boyfriend!

"At sa boyfriend mo?" Ngumisi si mama kaya napayuko ako sa kahihiyan.

"O-opo..." Tanging nasabi ko na lang.

"Wala naman problema doon anak. Kung mahal ka talaga ng boyfriend mo, kaya niya maghintay. At saka, meron ka pang iilang araw para sabihin sa kanila. Ang gusto lang namin anak ang mabigyan kayo ng magandang kinabukasan, hindi biro ang naranasan mo dito kaya gusto ka namin maging masaya man lang." Emosyonal na sabi ni mama kaya sumikip ang dibdib ko.

"S-sige mama, salamat po." Sabi ko at niyakap siya nang mahigpit. Natawa na lang siya nang mahina at hinalikan ang ulo ko.

Gusto rin naman ni Hadrian ang makapag-arala ko kaya alam ko na hindi siya magagalit. Sasabihin ko na lang sa kaniya ang tungkol dito sa araw bago ang birthday niya.

Sabado rin ang birthday niya kasabay ng pag-alis ko. Alam kong magtatampo talaga siya at malulungkot kaya maghahanap ako ng paraan para makabawi. Isusurprise ko na lang siya sa Friday, yung tipong kami lang dalawa.

"Ano pinagusapan niyo ni mama, ate? Tungkol ba yon sa... Mythian?" Bulong sa akin ni Patricia. Napailing naman agad ako.

"Ano pinapanood niyo?" Pag-iiba kong topic.

"Ewan ko diyan kay kuya, kanina pa hanap ng hanap. Mauubos niya na ang pringles!" Sabi ni Patricia kaya dumila si kuya. Tumawa na lang ako.

Sa gitna ng masasayang kwentuhan at tawanan, biglang tumunog ang cellphone ko. Napatingin sila pareho sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Yung Hadrian na naman ba yan? Kaunti na lang masasapak ko na yan." Masungit na sabi ni kuya. Napairap ako.

Tinignan ko kung sino nag text. At nagulat na makita ang pangalan ni Artemis doon. Ano meron?

From: 0935628+

Can I meet you in Coffee shop near at your place?

Mukhang may problema nga 'to.

"Uh, aalis lang ako sandali. Magkikita lang kami ng kaibigan ko. Don't worry babalik agad ako!" Sabi ko. I heard my Kuya groaned.

"Baka bumalik ka na naman sa bahay ng boyfriend mo at doon ulit tumira ah." Nagtatampo niya sabi kaya ginulo ko ang buhok niya at binatuhan ng unan sa mukha.

"Dito na nga ako mananatili, kulit!" Sabi ko kaya umirap na lang siya.

"Si ate Artemis? Maldita ito diba?" Biglang sabi ni Patricia habang hawak ang cellphone ko.

"Shh! Yung bunganga mo, Patricia." Sabi ko habang kinukuha ang hoodie ni kuya na nakasabit sa likod ng pintuan.

"Totoo naman eh," ngusong sabi ni Patricia kaya natawa ako. Kinuha ko na ang cellphone ko at binuksan na ang pinto.

"Hoy! Damit ko yan!" Sigaw ni Kuya mula sa kalayuan. Napangisi ako.

"Pahiram muna!" Sigaw ko pabalik habang nagsasalamin sa sala.

"Saka ka nagpaalam nang suot suot mo na, ang galing mo Gail!" Humalakhak ako habang nagsusuot ng tsinelas.

Naabutan ko si mama na nagsasampay.

"Oh, aalis ka?"

"Diyan lang sa labasan ma!" Sigaw ko habang tumatakbo.

Nakarating ako sa Coffee shop sa kanto namin ng pawisan na parang basang sisiw. Pero shet, maganda pa rin. Tumingin lang ako sandali sa salamin ng Coffee shop bago pumasok. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin nagmumula sa aircon.

Naabutan ko si Artemis sa dulo ng upuan, problemado habang may binabasa sa mga papel. And she's wearing a black strap crop top with leather crop jacket and jeans.

Halos makalimutan ko na hindi mo pala mapapasuot itong babae na to ng simpleng tshirt at short.

"May problema ba? You look bothered and having a hard time." Salubong ko sa kaniya kaya napa-angat ang tingin niya.

"Good thing you're already here! Here,"

Napatingin ako sa inabot niyang mga papeles. Mukhang galing ito sa Hospital.
Medical Record ni Delian? And it was from... Mental Hospital? What the hell is this?

"I-I don't understand... Bakit may ganito sa Delian?" Nalilito kong tanong.

"Same reaction, bitch. I called you because I need your help. We need to know his mental condition. Nasa drawer niya iyon, in his condo. I can't do it by myself as you can see so..." Sabi niya at nagkibit balikat.

"Does Hadrian know this, Artemis?" Kinakabahan kong tanong.

"Tatawagin pa ba kita kung nandito siya?" Sarkastiko niyang sabi kaya napairap ako.

I can't believe this. Bakit meron ganito si Delian? May sakit na pala siya matagal na at hindi niya lang sinasabi.

"Are you sure that this is him? I mean, Delian was known as joyful man ever. He's one of the kindest people I've met." Sabi ko habang hawak ang mga papel.

"Do you think I don't know my own friend?" Sarkastiko niyang sabi at hinablot ang papel mula sa akin.

"So what now? What are you planning at tinawag mo pa ako?"

Sumandal siya sa kinauupuan niya at hinilot ang sentido.

"We need to investigate. I need to know his condition and illness. And when I prove that he is something psychopath or whatsoever, we will bring him back to this hospital." Saad niya at tumayo.

I suddenly panicked.

"Wait what? He is Delian, Artemis! Your friend! Maybe he is not really sick--"

Matalim niya ako tinignan kaya natigilan ako.

"Trust me, I know what I am doing. He escaped from this hospital. We need more details. Sinuwerte pa ako dahil nakuha ko ang mga papel na ito sa guest room." Sabi niya at naglakad na papaalis.

Sinundan ko naman siya at hinabol.

"So saan tayo pupunta exactly?" Tanong ko nang pinapasok niya ako sa kotse niya.

"In his condo duh?" Maarte niyang sabi at pinaandar ang kotse.

Napayuko at napahawak rin sa sentido. I can't believe this. Dalian is really sick? How could it be? He's really good at pretending then.

"Sa dami dami mo kilala ako pa talaga tinawag mo," ngiwing sabi ko.

I'm not prepared! I'm just wearing my kuya's hoodie and shorts! And I'm just wearing a slippers forsake!

"Why? You have some work to do? I bet none." Sabi niya kaya napairap ako.

"They're all busy. At ayoko pa dagdagan ang problema ni Hades, so don't tell him about this." Natigilan ako sa sinabi niya.

Natahimik ako dahil doon. She's right. It's about his step mom and his dad.

Napatingin ako sa side mirror ng sasakyan. Nagulat ako nang nay sumusunod sa aming dalawang itim na sasakyan.

"A-artemis! Someone's following us!" Natataranta ko sabi.

Nagtaka ako nang humalakhak ito. Sinamaan ko siya ng tingin.

"It's my men, chill."

Napa-face palm ako dahil sa sinabi niya. Napasuklay ako sa sariling buhok. Pinakaba niya ako doon.

"At nagdala ka pa talaga?" Umiiling na sabi ko. Tumaas ang gilid ng labi niya.

"I'm not Levinson for nothing." Sabi niya at tinignan ako sandali. Bahagya ako nagkibit-balikat.

"Also a friend stealer," bulong ko kaya kumunot ang noo niya. What? It's not like I'm not talking the truth.

"I'm stealing no one, bitch! Gosh!" Umirap siya habang nagmamaneho.

"Just the facts, Artemis." Pang-aasar ko pa.

"Okay First lady?! What don't we talk about you being a superior Goddess or Warrior? Are you in fiction book or something?" Tumaas ang kilay niya at inaasar ako tinignan.

Doon ako natahimik. Napairap ako at natawa nang mahina.

"Don't call me that." Mahinang sabi ko kaya mas lalo siya ngumisi. It's cringe, okay?

"Uhuh? So you hate being called First Lady? And why is that? Oh my, should I bow to my knees too? You know what, I don't know what shit happened to you back there but bitch, you became mysterious."

Napatingin naman ako sa kaniya. Napanguso ako at umiling.

"Si Hadrian 'yon hindi ako!" I'm not mysterious. I'm just not allowed to speak related to that topic.

"That's the point! That made you a perfect couple because you're both mysterious! And I don't give a fuck about what Grandpa Lorenz said about my cousin because I already know about it. But the fact that my cousin keeping things from me just irritates me." Maarteng sabi niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. May sinabi si Lolo Franz tungkol kay Hadrian?

Nakarating kami sa condo ni Delian. Hindi ko alam na dito pala siya nakatira. Nagulat ako na pinagbuksan ako ng pinto ni Artemis.

"It was an honor to have you in my fucking car, First lady. I hope you bless me with your great--"

"Okay, that's enough. Leigh is yours, you don't have to argue with me." Sabi ko at nauna sa paglalakad. I heard her scoff.

"I don't need to argue with you because she's already mine in the first place." She said in girly voice and started to walk like a model in a freaking road.

Napailing na lang ako.

Huminto kami sa harapan ng pinto. Huminga kami ng malalim at nagtinginan.

"So what's the plan?" Kinakabahan na tanong ko.

"Just get a freaking paper on his table, that's the plan."

Tumango na lang ako. Binuksan ni Artemis ang pinto. Nagulat ako nang makita na wala si Delian sa loob. I thought he was here. Napatingin ako sa buong condo niya.

It's neat and clean. Kaunti lang ang gamit sa loob pero ang mga basically ay nandito. Bumungad sa amin ang white sofa and big black screen, a table and nothing more.

Sinundan ko si Artemis na papasok sa bedroom ni Delian. Dumeretso lang si Artemis sa mesa at nagsimula na maghalungkat. Binuksan ko ang ilaw para mahanap namin agad ang tinutukoy niyang papel.

Habang abala siya sa paghahanap, pumunta ako sa isang drawer para tignan ang laman nito. I saw a box of condoms, a lighter, box of cigarettes and a envelope.

Kinuha ko ang brown envelope.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita sa laman ng envelope. It's a picture, many pictures to be exact. At lahat iyon ay iisang babae lang pinapakita.

It's a beautiful girl with a mid-length hair. She has long eyelashes, small and pointy nose, pouty red lips and pink cheeks. She's close to being Morena.

Isa lang masasabi ko. Maganda talaga siya. Pero sino ito?

Inisa isa ko ang pictures. Kumunot ang noo ko nang makita si Delian sa isang picture. Nakasimangot ito habang ang babae ay todong nakangiti habang may hawak na rose na ibibigay ata kay Delian.

"Artemis," tawag ko.

"What?" She said in irritated tone. Naririnig ko ang pagbukas niya ng mga drawers at paghawi ng mga papel.

"Who is this?" Tanong ko at pinakita ang pictures.

Nawala ang pagkairita dahil sa nakita. Sumeryoso ang mukha niya at dali dali kinuha ang envelope. Nagaalinlangan pa niya ako tinignan.

"It's Daphne. Well, that's not her real name but that's what he calls her." Sabi niya.

"So ka-ano ano niya iyan?" Tanong ko at pinagpatuloy ang paghahanap.

"This girl always chase Delian. She would do anything to make Delian like her. She's like a child and she's sweet. But one day, she vanished like a bubble. That made Delian mad." Kwento niya.

"So Delian likes this girl?"

Kinagat niya ang ibabang labi at iniwas ang tingin.

"I'm not sure. But he's misses this girl a lot. He looked for her all over the country. He wants to be with her. But he never admits his true feelings towards her. Inisip namin ni Hades na baka nasanay siya sa presensya ni Daphne at sa paghahabol nito sa kaniya kaya hinahanap niya ito. He was frustrated. Binubuhos niya ang galit sa iba't ibang babae. He fucks girls and leave them hanging."

Napasinghap ako sa kwento niya. I didn't know this side of Delian.

"Oh my gosh... Why Daphne left him?" Tanong ko.

"Nakaroon siya ng problema sa pamilya niya kaya bumalik siya sa probinsya. Pero nagulat kami na ikakasal na siya. Hindi iyon natuloy at hindi ko na alam kung bakit." Sabi niya at nilagay ang envelope sa drawer.

"Did you find it?" Tanong niya sa akin kaya natauhan ako.

Napatingin ako sa papel na hawak ko. Nakita ko agad ang pangalan hospital at records niya doon. Nakasulat din doon ang mga sakit niya.

"Yes, I found it."

Nakahinga nang maluwag si Artemis. Inayos niya ang mesa at lumapit sa nakasaradong pinto.

"That's good. We need to go bago mahuli tayo ni Delian--"

Nagulat kami pareho nang buksan niya ang pinto at sumalubong sa amin ang galit na mukha ng lalaki.

"What are you doing here?"

Nanigas kami pareho sa sinabi ni Delian! Gumapang ang kaba sa katawan ko. Nanlamig ang pareho kong kamay. Kumabog ang dibdib ko nang malakas dahil dumapo ang tingin niya sa hawak ko.

"D-delian! You're here! Akala ko magtatagal ka sa Laguna?" Natatawang kunwari na sabi ni Artemis pero hindi nagbago ang ekspresyon ni Delian.

"I will repeat the question, what the fuck are you doing here?" He said in baritone tone.

Ngayon ko lang siya nakita na ganito. I always find him joyful person, laging tumatawa. Pero ngayon? Ibang iba siya.

"W-we...uhm, we actually planning to buy groceries! Yeah! You don't have stock na kasi. Right, Eisha?" Siniko ako nang malakas ni Artemis kaya napangiwi ako pero ngumiti agad at tumango.

Tinignan kami nang mabuti ni Delian. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa noo ko pero nanatili pa rin ako nakangiti. Kumawala ng hininga si Delian at tumango.

"Bilhan niyo na rin ako ng ice cream, buko pandan flavor." Sabi niya at pumunta sa kusina niya.

Tumingin kami sa isa't isa ni Artemis. Kumunot ang noo ko, hindi ko alam na mabilis pala mapaniwala si Delian. Nakahinga ako nang maluwag.

"Sure! Uhm, I'm just going to list down the things that we need to buy." Masayang kunwari na sabi ni Artemis.

Tumango na lang si Delian habang umiinom sa plastic bottle. Natahimik na lamang ako sa gilid. Natigilan ako nang tignan ako nang madilim ni Delian. Kumabog ang dibdib ko.

Dahan dahan ko inipit sa bewang ang papel. Didiretso sana ako sa pinto nang may narinig akong mahinang ingay nagmumula sa CR.

Napatingin ako sa gawi nila Artemis. Patuloy sa pagdadaldal si Artemis kay Delian. Tumatango lang si Delian habang nakatingin sa kaniya.

Dahan dahan ako lumapit sa CR para tignan kung may tao. May nakita akong paa sa ibaba kaya kumunot ang noo ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng CR nang bigla sumulpot si Delian sa gilid ko kaya napaatras ako sa gulat.

"My men still fixing the tiles of my CR. Naiihi ka na ba?" Sabi ni Delian, alam ko na nagpapanggap lang siya na concern dahil kitang kita ko iyon sa mga mata niya.

"U-uhh, ganon ba. Sige, sa bahay na lang. Natatae pa naman ako." Sabi ko at tumawa kunwari. Natawa naman siya nang mahina.

Tumalikod na ako. Natatawang sumunod naman si Delian.

"H-help..."

Doon ako natigilan. Kahit mahina iyon, klarong klaro iyon sa pandinig ko. Bago pa pigilan ni Delian, tumakbo na ako papunta sa CR at sinipa ang pinto.

"Oh my gosh!" Napatakip ako sa bibig at napasinghap sa nakita.

"Damn it!" Nagulat ako na susugod si Delian sa akin pero hinarangan na siya ni Artemis, seryoso ngayon ang mukha.

Daphne is here! She have a tape on her mouth, she's crying desperately while her hands were trembling in fear. I can see bruise on her arm and hickeys on her neck.

"Get the fuck away from her!" Sigaw ni Delian at pinipilit na pumasok.

Sinamaan siya ng tingin ni Artemis.

"No! This is enough, Delian! You're hurting her! Sa ayaw at gusto mo babalik tayo sa hospital. Ngayon din." Mariin na sabi ni Artemis.

Dumaan ang takot at inis sa mukha ni Delian. Nanlaki ang mga mata ko na may kinuha siyang baril sa gilid niya.

Binilisan ko ang pag-alis ng tape at tali. Naririnig ko ang sigawan nilang dalawa ni Artemis kaya hinila ko papalapit si Daphne. Ngumiti ako ng pilit.

"H-hi! I'm Eisha, Delian's friend but I am here to save you so don't be afraid, okay? We will get you away from him." Mahinahon kong sabi.

Hindi siya nagsalita. Tahimik lang siya habang tinitignan ako at tinignan rin si Delian na nasa labas ng banyo.

"Stay here," sabi ko kay Daphne. Tumango na lang siya.

Lumapit ako sa dalawa at kinabahan na makitang may baril na hawak si Delian.

"Umalis kayo bago magbago ang isipan ko, Artemis. Please, you won't like it when I lost my control." Nagulat ako na makiusap si Delian.

"D-delian... We can talk this out, bitawan mo 'yan--"

"No! If you will get Daphne away from me then I'll just kill you." Nanlaki ang mga mata ko nang kinasa niya na ang baril.

"Seriously, Apollo? You're willing to kill us? Me? Just because of this? Bullshit!" Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Artemis.

Natigilan si Delian. Pero hinigpitan niya ang hawak sa baril at tinutok sa amin ang baril kaya napasinghap ako.

"Delian... You need to calm down. Si Artemis ang kausap mo, malapit mong kaibigan!" Pakiusap ko.

Nagulat ako ng tumawa ito nang malakas. Kumunot ang noo ko ko nang ihagis niya ang panibagong baril sa amin. Tumawa siya ulit.

"Fine, use it so we're quits." Ngising sabi niya.

What?

Binigyan niya kami ng baril para quits kami? So sinasabi niya kapag binaril niya kami, barilin rin namin siya? What a damn psychopath!

"No thanks, Delian. I don't need your gun because I have mine. But I'd rather to be killed than using it against you." Sumikip ang dibdib ko sa sinabi ni Artemis.

Hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ni Delian. Lalapit sana siya kay Daphne pero agad ako humarang at tinignan siya ng matalim. Umigting ang panga niya sa galit.

"Look, I don't give a fuck if you are Hades' girlfriend, okay? When you help her escape from me, I'll pull this trigger to your head." Inis na sabi ni Delian.

Kinabahan ako hindi dahil sa sinabi niya, kundi sa itsura niya. He's showing his true color because of Daphne.

"I'll talk to him, you two escape." Bulong sa akin ni Artemis kaya natigilan ako. Magpapa-iwan siya dito?

Wala na ako nagawa kundi tumango.

"Okay, twin. Put the gun down, we will talk." Mariin na sabi ni Artemis. Ngumisi si Delian.

Lumingon ako kay Daphne na ngayon nanonood sa amin at nanginginig sa takot. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila na siya palapit sa pinto. Pero bago ko pa mabuksan ang pinto, may narinig akong putok ng baril.

"Shit! Eisha get down!" Sigaw ni Artemis kaya mabilis ko tinulak si Daphne para hindi matamaan ng bala at yumuko na rin ako.

Nagtataka ko tinignan ang dalawa. Tangina, Artemis failed to tame him. He's mad, he looks like he wants to kill us.

"Tangina mo! Isa pang putok mo ng baril, sisiguraduhin kong hindi mo na makikita si Daphne!" Sigaw ni Artemis na ikanagalit lalo ni Delian.

"Fuck you! Don't you ever do that! I'll kill you!" Bumilis ang tibok ng puso ko ng tutukan niya ng baril si Artemis.

Pero bago niya pa kalabitin ang trigger ng baril, pumasok na sa eksena ang mga tauhan ni Artemis. Napatingin si Delian dahil doon at napamura nang malakas. Mabilis niyang binaril ang mga tauhan sa ulo kaya napasinghap ako.

Mabilis ko na hinila si Artemis papalayo kay Delian na abala sa pagbabaril sa mga tauhan. Napatingin si Delian sa gawi namin kaya gumapang ang takot sa katawan ko.

"Where do you think you're going huh?"

Napaatras kami dalawa sa takot. Naubos niya ang mga tauhan sa maikling oras na iyon? He's a monster. A disguised monster.

Tinutok niya ang baril sa amin kaya hinabol ko ang hininga ko. Pakiramdam ko ay katapusan na namin kapag kinalabit niya ang trigger.

"Farewell," ngising sabi ni Delian.

Napapikit ako habang hinihintay na tumama ang baril sa katawan namin. Pero napadilat ako ng may marinig akong daing.

"You will not kill those young women, you hear me? It's time to go back to the place where you belong, child."

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang Doctor na babae sa harapan namin. May hawak siyang injection at batid ko na tinusok niya iyon kay Delian na ngayon ay nanghihina.

"D-damn you... Go to hell..." Nahihirapan na sabi ni Delian habang hawak ng mga tauhan.

We did it!

Nakangiti ako tumingin kay Artemis. Natigilan ako nang makita na blanko ang mukha niya. Kumirot ang dibdib ko nang maalala si Hadrian sa kaniya, ganitong ganito siya kapag nasasaktan.

Dahan dahan siya lumapit kay Delian na ngayon nakayuko. Tanging pagtama lang ng heels ni Artemis sa sahig ang naririnig namin. Huminto siya sa harapan ni Delian.

"I'm sorry for this. Pero mas gugustuhin ko na dalhin ka pabalik sa hospital na iyon kaysa mawala ang Delian na kilala ko." Her voice cracks everytime she say his name.

Mahinang tumawa na sarkastiko si Delian. Umangat ang tingin niya kaya Artemis kaya kinabahan ako.

"Do you think I can still forgive you after the things you've done, huh?" Matigas na sabi ni Delian. Napaiwas ng tingin si Artemis habang tumutulo ang luha.

"You abandoned me. You're giving me away to the real monster. Your laughing-addicted, happy and funny Delian was never exist, Artemis."

Napayuko ako sa sinabi ni Delian. Hindi ko rin maiwasan na mapaluha dahil ramdam ko ang sakit ni Artemis.

Matagal na kasama ni Artemis si Delian. Parang sila totoong kambal kung tutuusin dahil hindi mo sila mapapahiwalay. Kahit alam naming lahat na ma-attitude si Artemis, mahal niya si Delian. Parang kapatid niya na ito.

Nakilala ko si Delian dahil kay Hadrian. Lagi siya tumatawa, masaya at nangaasar kapag kasama si Artemis. Malakas siya mang-asar kapag kaaway niya ito. Kaya hindi ko kaya isipin na ganitong sitwasyon sila hahantong.

"Then you're telling me that I didn't really have a friend named Delian because it was all fake?" May pait na sabi ni Artemis.

"Bullseye," ngising sabi ni Delian kaya napatakip ng bibig.

"Stop it, Delian. You're hurting her. Kung wala ka ng natitirang pagmamahal sa kaibigan mo, kunting respeto na lang sana." Sabi ko habang tinitignan siya ng matalim.

He just scoffed and shook his head.

"No, he's right. Siguro nga wala talaga ako nakaroon ng kaibigan na nangangalang Delian. But you know what? Ang mga pagpapangap na ginawa mo, iyon ang minahal ko. Tama ka, hindi ko nga kilala si Delian Iverson..." Tumayo si Artemis at walang emosyon na pinunasan ang luha. Blanko lang siya tinignan ni Delian.

"Pero si Apollo? Alam ko ang ikot ng bituka niya." Huling sabi niya kaya natigilan si Delian.

"A-artemis..." Mahinang sambit ko sa pangalan niya. Alam kong nasasaktan siya pero hindi niya lang pinapakita.

"So go to hell where you belong, Delian Iverson. Don't worry, I didn't regret accepting you in my life, little brother."

Tuluyan ako napaluha sa sinabi niya. Hindi na nagsalita si Delian. Tumango si Artemis sa doctor. Ilalabas na sana nila si Delian nang magsalita si Daphne.

"S-saan niyo siya dadalhin?"

Napatingin ako kay Artemis. Busy siya sa ginagawa niya, parang sinasadya na hindi pansinin si Daphne kaya ako na lang ang sumagot.

"He needs to be recovered. Wag ka mag-alala, hindi ka niya na mahahawakan--"

"N-no... No! No! Please! Huwag... Huwag niyo siya ilayo sa akin!" She became hysterical.

Confusion plastered on my face. I don't understand.

Kahit si Artemis ay napatingin sa gawi namin. Tulad ko ay nagtataka rin siya sa inakto ni Daphne. Akala ko ba ayaw niya kay Delian? He hurt her right?

"Oh shit, you gotta' been kidding me..." Bulong ni Artemis parang may napagtanto siya. Nataranta siya bigla.

Ano nangyayari?

"No! Don't take him away from me! Dalian! Please! Kunin mo na ako! Huwag niyo siya kunin!" Sigaw ni Daphne.

"Ano nangyayari?" Natatarantang sabi ko kay Artemis.

Nagulat ako nang sinamaan niya ng tingin si Delian. Ngumisi lang sa amin si Delian, tumawa siya nang malakas habang pinapanood kami.

"That manipulate jerk!" Sigaw ni Artemis.

Patuloy sa pagwawala si Daphne, napako ang kaniyang paningin sa baril. Kinuha niya ito at tinutok ang baril sa mga lalaki na may hawak kay Delian.

"Let him go, now." Mariin na sabi ni Daphne. Nagtataka ko silang tinignan. What the fuck is happening?!

Tumawa nang tumawa si Delian. Kinalibutan ako sa pagtawa niya habang pinapanood si Daphne.

"Let him go!--"

"Artemis!"

Napatili ako nang tinurok ni Artemis ang injection sa leeg ni Daphne kaya nawalan ito ng malay. Napatakip ako sa bibig habang tinitignan si Daphne na nakahilata sa sahig.

Ang akala ko magagalit si Delian pero tumawa lang ito habang tinitignan si Daphne na walang malay. Ngumisi ito sa amin kaya tumaas ang balahibo ko.

Tinignan siya ng matalim ni Artemis at sinugod. Kinuwelyuhan niya si Delian kaya napasinghap ako. Delian smirked at Artemis and he licked his own lips.

"You fucking manipulative asshole! You want her to be like you!" Sigaw ni Artemis sa kaniya kaya kumunot ang noo ko.

Nagkibit balikat si Delian.

"Welcome to my world." Ngising sabi niya.

What?

Tinulak siya ni Artemis at mabilis na tinignan ang doktor.

"Siguraduhin niyo na maayos ang utak niyan bago makalabas!" Sigaw ni Artemis bago ako hinila palabas.

"Ano nangyayari?!" Natataranta kong tanong habang pumapasok sa kotse niya.

"He manipulated Daphne. Gusto niya maging baliw si Daphne kaya kailangan natin siya bantayan." Sabi ni Artemis.

Napahawak ako sa harapan dahil bumilis ang pagtakbo niya. Ramdam ko ang gigil at galit niya. Napahawak ako sa sentido. Nagulat ako nang iliko niya ang sasakyan sa daan na papunta sa bahay ko.

"Bakit tayo dumadaan dito?! Iuuwi mo 'ko?"

She glared at me. Mabilis niya ulit niliko ang sasakyan kaya napamura ako ng malakas. Tangina ni Artemis! Gusto pa ata ako patayin nito!

"Ako ang papatayin ng pinsan ko kapag hindi kita inuwi, naiintidihan mo ba?! And can you shut your mouth? I'm trying to calm down!" She hissed.

Napatampal ako sa noo.

Parehong Levinson, parehong may anger issues.

"Paano ka?" Tanong ko. Tinignan niya naman ako na parang may nasabi akong mali.

"Anong pano ka? Tapos na ang trabaho mo, umuwi ka na!" Sabi niya at inihinto ang sasakyan sa harap ng bahay namin.

Napairap na lang ako. Mabilis na pinagtakbo niya ang sasakyan papaalis.

Saka ako natauhan sa nangyari ng tignan ko ang madilim na kalangitan. Shit, paano kung malaman pa ito ni Hadrian? Edi nagka-letche letche na?

"Where have you been hmm?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses na iyon. Nakita ko si Hadrian na nakasandal sa kaniyang magarang kotse habang pinaaglaruan ang susi nito. Madilim ang kaniyang mukha.

"H-hadrian..."

Lumapit siya sa akin at tinignan mabuti ang mukha.

"Uhuh, I said where have you been baby." Mahinang sabi niya kaya kinagat ko ang ibabang labi ko.

"U-uhh, bumili ng napkin! Oo! Wala na kasi napkin sa bahay." Palusot ko. Kumunot naman ang noo niya.

"Do you have your period now?" Nag-aalalang sabi niya kaya napangiti ako.

"Si Patricia, you know. Ate responsibility."

Nakahinga naman siya nang maluwag. Alam niya kasi na may Dysmenorrhea ako kaya lagi siya natataranta kapag buwanan ko na.

Niyakap ko siya nang mahigpit at ngumisi.

"Ikaw? Ano ginagawa mo dito? Namiss mo ko no?" Pang-aasar ko kaya tumaas ang gilid ng labi niya.

"Yeah," tanging nasabi niya habang sinisiksik ang mukha sa aking leeg kaya napahagikgik ako.

"Uhm, Hadrian. Are you free tomorrow? Around 10 pm?" Tanong ko habang nakayakap siya sa akin.

"Not sure, why?"

Ngumisi ako.

"Let's date. I'll text you the location, okay? Make sure na makakapunta ka ah?" This is it. I'll surprise him before the day of his birthday. Gusto ko ako unang kasama niya at makakapag-bati sa kaniya sa birthday niya.

"Okay? But why 10? Are you planning about sexual things--"

"Hadrian! It's not all about that forsake!" Napahilamos ako sa mukha kaya natawa siya.

"Okay okay, I'm just teasing you. Tomorrow, at 10, got it." Tumatango na sabi niya. Hindi niya talaga alam na sa sabado na ang birthday niya.

"Promise?" Ngusong sabi ko. Kinurot niya naman ang pisngi ko kaya napangiwi ako.

"Promise, baby." He smiled.

~~••~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro