Chapter 69

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Me:

Guys, pa-help naman! Di ko alam kung ano pwedeng regalo kay Hadrian! 😭😭

Kagat kagat ko ang aking daliri habang hinihintay ang sagot nila sa group chat. Naplanuhan ko na pumunta sa mall ng umaga para mabili ko ang mga decorations na kakailanganin mamayang gabi.

Umupo muna ako sa bench at nilagay ang sling bag sa aking gilid. Nilibot ko muna ang paningin sa buong mall para hindi naman ma-bored.

Mamaya pang tumunog ang phone ko kaya agad ko tinignan. Ngayon lang ulit ako nakapag-message sa kanila kasi ayoko maging pabigat sa oras nila dahil may trabaho rin silang inaasikaso.

At siguro pagkatapos ko ma-surpresa si Hadrian, saka ko rin sasabihin sa kanilang lahat ang pag-alis ko.

Avianna:

Ha? Akala ko sa sabado pa ang birthday niyaaa??

Me:

I have surprise kasi kaya balak ko bigyan siya agad ng regalo mamayang alas dose, di ko nga alam kung anong pwede gift ibigay eii 😩🖐

Nakita kong nag-seen na ang iba kaya tumaas ang gilid ng labi ko. Nakita ko na nag-active si Keidon at iba pa. Tanging si Leigh lang offline kaya napanguso ako. Siguro puyat, hindi rin biro yung trabaho niya.

Keidon:

Sanggol ibigay mo 👩‍🍼

Zaryl:

Shoes, he loves collection of it.

Napaisip ako sa message ni Zaryl. Nagsalubong naman ang kilay ko sa message ni Keidon, gagong 'to. Nag-angry na lang ko sa message niya.

Avianna:

He probably has thousands of it. Mas maganda kung unforgettable yung gift right??

Avianna's right, I saw Hadrian's walking closet and believe me, he has different kind of shoes. And it's freaking expensive and the most latest.

Keidon:

Tuparin mo na lang ang pangarap niya mas maganda,

Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Keidon.

Me:

Edi anong pangarap 'yon??

Kita ko na typing palang si Keidon kaya huminga ako nang malalim habang kagat ang ibabang labi. Ang tagal naman mag-type ng hayop na 'to, nanadya ata.

Me:

Grabe, napakabilis naman po magtype LORENZ

Umirap ako pagkatapos isend iyon. Natawa naman ang dalawa dahil sa aking message pero ako ay nanatiling naiirita ang mukha.

Keidon:

Bilhan mo ng singsing, dalhin mo sa simbahan at magpakasal na kayo. Gusto ko lalaki anak niyo at ninong ako 🥳

Tangina mo Keidon.

Argh! Naiinis kong hinampas ang phone sa bag ko. Wala talaga ako makukuhang matinong sagot mula sa kaniya. Bakit ba pinatulan pa yon ni Avianna?

Me:

Mabaog ka sana 🖕🖕

I better ask Artemis na lang. Sigurong may alam siya, pinsan niya naman iyon. Hinanap ko ang number ni Artemis at mabilis na tinawagan.

Sana nga lang hindi ako bungangaan nito...

"H-hello?!"

Napapikit ako sa nakakarinding boses niya. Humugot ako ng hininga bago nagsalita.

"I need your help." Maiksing sabi ko habang naglalakad palibot ng mall.

I heard her groaned.

"Seriously? At this early? Go disturb someone not me, First freaking Lady!" Sabi niya kaya napairap ako. Sisinghalan ko sana siya nang may narinig ako nagsalita sa kabilang linya.

"Who's that?" I was stunned when I heard a familiar husky bedroom voice on the line.

Naririnig ko ang tarantang bulong ni Artemis sa katabi. Parang sinasaway niya ito.

"Is that Athaleigh?" Nagtataka kong tanong sa telepono. What is she doing there? It's just morning forsake!

"W-what? No! Ano ulit yung tinatanong mo?" Tumaas ang gilid ng labi ko nang may narinig na kalabog sa linya.

"Di ko alam ang ireregalo ko kay Hadrian..." Sabi ko.

Narinig ko siya nagbuntong hininga.

"That guy is not materialistic. Wala siya masyadong gamit sa bahay as you can see because he hates of getting suffocated. That's why you have many options to buy him things that he never bought before." She explained.

Tumango tango ako. Napahinto ako sa men jewelry boutique. Napako ang tingin ko sa mga bracelets, rings and necklace.

"I suggest-- would you please stop? Later please..." Kumunot ang noo ko nang humina ang boses ni Artemis, parang may kinakausap sa kaniyang katabi.

"Are you okay?"

"Y-yeah! Tss! Just buy him things that he can wear everyday. Kahit anong ibigay mo, tuwang tuwa na iyon." Sabi niya kaya lumaki ang ngiti ko sa labi.

"Thank you!"

Pagka-end ko ng call, dali dali ako pumasok sa store na iyon. Napalunok ako dahil sa mga presyo ba nakikita ko. Kinuha ng atensyon ko ang isang bracelet na nakalagay sa magandang lalagyan.

Just buy him things that he can wear everyday...

Lumapit ako doon para tignan nang mabuti ang bracelet. It's silver chain with toggle clasp in the middle. It's simple yet attractive. It's shining and unique.

I look at the price and I almost fell when I saw the multiple zeros on it. I let out a breath, good thing I have a budget.

I just wish he would like this...

Pagkatapos ko mabili iyon, lumabas na ako sa store. Habang naglalakad palabas, hinanap ko ang phone ko sa sling bag at bigla ako nataranta dahil hindi ko ito makita.

Kinapa ko naman ang bulsa ng jeans ko. Nakahinga ako nang maluwag pagkatapos makuha ang phone doon.

"Ah!"

Napadaing ako bigla dahil may nabunggo akong babae. And because I was known for being a clumsy person after I lost my Mythian abilities, I fell on the ground.

Napasinghap ang babae na nakabunggo ko. Agad siya lumuhod sa harapan ko at tinulungan ako tumayo.

"I'm really sorry! Oh my gosh, I'm really sorry, honey." Nag-aalalang paumanhin ng babae.

Natatawa akong umiling at kinumpas ang kamay.

"I'm okay! Really! Pasensya na rin. Got to go!"

Hindi ko na nakita masyado ang mukha niya dahil sa pagmamadali ko. Kailangan ko na simulan ang pag-aayos ng decorations sa meeting place namin ni Hadrian, baka makulangan ako ng oras.

Tatakbo na sana ako papalayo nang may humigit sa braso ko. I look at the woman who grabbed my arm. My lips parted when I saw how gorgeous this woman was.

She has this long blonde hair. Her hair is curly at the edge of her hair. She look like foreigner because of her visual. Her perfect jaw and red lips complementing her brown eyes.

Artemis have blonde with white combination hair. But this woman's hair is like an american blonde style. I'm sure she's not from here.

"Oh, sorry for grabbing you like that. It's just that... You look familiar." She said in strong accent, she was fantasizing my face. She looks like she trying to remember me.

"S-sorry? I'm sure na hindi pa tayo nagkikilala. Ay, can you understand Tagalog?" Napakamot ako sa batok.

Natauhan siya bigla at ngumiti. Tumango ito sa akin kaya nakahinga ako nang maluwag.

"I'm Poletia by the way,"

Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Nanlamig bigla ang mga kamay ko. I cleared my throat while looking at her.

Siya si Poletia?

"Aha! I remember now! You are Hadrian's friend, right?" I furrowed my brows.

Friend?

Bago pa ako maka-react ay hinila na ako. Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat. The person that grabbing my hand right now is Poletia. And she know me as Hadrian's friend?

Ang sabi ni Hadrian ay kaibigan niya ito. Pero bakit parang hindi niya nabanggit na girlfriend niya ako?

"Poletia? Nawala lang ako saglit may kasama ka na agad. Who is she?"

Natauhan ako at bahagya napailing dahil sa iniisip. Dinala niya ako sa store na puno ng mamahaling mga damit na pangbabae. Napatingin naman ako sa babae sa aking harapan na mukhang kaibigan ni Poletia.

"Emma! There you are! Uhm, this is... Aw! Pardon, I forgot to ask your name." Natawa so Poletia at nahihiyang tumingin sa akin. Napailing naman ang kaibigan niya.

Napalunok ako at nagbuntong hininga.

"Just call me Eisha."

Lumiwanag naman ang mukha ni Poletia at tumango tango sa kaniyang kaibigan.

"And who is exactly this Eisha, Poletia?" Tanong nung Emma habang tinitignan ako mula sa paa hanggang sa ulo

"She is Hadrian's friend! I've never felt happy like this, Emma. He have finally friend! I'm so proud of Hadrian." Poletia said and she giggled like a child.

Kumunot ang noo ni Emma sa sinabi nito. Tulad ko ay nagtataka rin siya, pinasadahan niya ako ng tingin na parang hinuhusga ako. Sumama ang tingin ni Emma sa akin kaya natigilan ako pero bago pa ako makapagsalita ay hinila na ako ni Poletia.

I don't know what's happening to me. Pwede ko naman sabihin agad na girlfriend ako ni Hadrian pero parang may pumipigil sa akin. Hindi ko naman pinagdududahan si Hadrian but I feel like I'm seeking for an answer.

Nanatili akong tahimik sa buong oras na kasama ko sila. Kung ano ano biniling damit ni Poletia para sa akin. Nakaupo lamang ako sa sofa habang siya ay pumipili ng damit at nag-uutos pa sa assistant ng store.

"Uhh, you need to do this. Pauwi rin naman ako--"

"That's a no no, Eisha! You are his friend so... I should treasure you. Hadrian is a lonely person, he always get mad to the people around him and it's stressing me. I'm worried that he will not have friends anymore." Malungkot niya sabi.

Kumunot ang noo ko

Ka-ano ano niya si Hadrian? Bakit parang kilalang kilala niya ito?

And Hadrian is not a lonely person, he have me, Keidon and others. Artemis is there too and Delian, well... kahit papano ay naging kaibigan niya rin ito.

"He has friends." Hindi ko namalayan na nasabi ko na pala iyon.

Kumunot naman ang noo ni Emma na kanina pa ako tinitignan nang tahimik. Napalingon naman sa akin si Poletia at mukhang nagulat. Napaiwas na lang ako ng tingin.

"Oh really? Hindi niya sinasabi sa akin... And actually, nakilala lang kita dahil kay Butler Leon. I heard him talking with Axcel and I heard your name so I got curious. Axcel immediately said that you are Hadrian's friend so..." Nagkibit balikat si Poletia at kumuha ulit ng damit.

Napatulala ako sa sinabi niya. Axcel really said that?

At hinayaan lang siya ni Hadrian? Utos ba iyon ni Hadrian sa kaniya?

My chest throbbed. I tried to calm myself but I really can't. I feel like any seconds from now I'm going to break down.

Hindi ko na napigilan at napatayo na ako. Tumaas naman ang kilay ni Emma sa akin pero hindi ko na siya pinansin. I clenched my fists.

"Can we talk? In private?" Sabi ko kay Poletia kaya natigilan ito.

"Oh, okay. Wait lang ha? Uh, sir! Can you please fix all of these? I'll come back and oh, here's the card." Napaiwas ako ng tingin na makitang black card yung nilabas niya.

Lumingon siya sa akin at binigyan ako ng ngiti. Pumunta kami sa tahimik na lugar. Huminga ako nang malalim habang siya ay nakangiti lamang sa akin at hinihintay ako magsalita.

I shut my eyes hardly.

"P-pwede ko ba matanong na kung... Ka-ano ano ka ni Hadrian?"

Mukha naman siya nagulat pero hindi kalaunan ay ngumiti ulit ito. She look like a sweet and innocent person. I feel like she's a glass that need to take care of. The way she move and speak is truly an elegant woman.

"I'm sorry, hindi ko pa pala nababanggit sa'yo..." Tumawa ito sandali. Hindi nagbago ang ekspresyon ko.

Kumakabog ang dibdib ko habang hinihintay ang sagot niya.

"I'm his girlfriend. I just finished my study abroad and here I am! I came back for him." She smiled sweetly.

Napatulala ako sa kaniya at napapikit pikit bigla. Hinabol ko ang hininga ko habang iniiwas ang tingin. I'm trying to calm myself because she's watching me intensely.

I forced a smile.

"R-really? Matagal na kayo?" Kahit anong subok ko na maging normal ang boses ko ay nauuwi sa pait.

Habang hinihintay ang sagot niya ay nagdadasal ako. Pakiramdam ko ay mabubuwal ako sa pwesto ko.

"Almost 8 years I think? And will be 9 years this coming June!"

Doon ako nawalan ng lakas kaya napaupo ako sa upuan sa aking gilid. Pinipilit ko na isa-isahin ang mga sinabi niya pero hindi nakakayanan ng utak ko.

He made me as his mistress?

Sila pa rin nung naging kami. At hanggang ngayon sila pa rin. Napapikit ako nang mariin.

"Hala, are you okay? Nahihilo ka ba? Should I call an ambulance? Oh my gosh! Wait, honey, where's my phone?!" Nagmamadali siya hanapin ang phone niya habang nakaluhod sa akin.

"Poletia,"

"Wait, Eisha! We will go to hospital okay? You're pale, Hadrian will kill me--"

"Poletia, he's my boyfriend." Walang emosyon kong sabi kaya natigilan siya.

"H-huh? I'm sorry? Can you please repeat--"

"He's my boyfriend. Matagal na rin kami p-pero hindi kasing tagal niyo." I said with bravery.

Unting-unti bumagsak ang tingin niya. She was gasping for air. I was waiting for her to slap me, grab my hair, and punch me but none of those happened.

Umangat ang tingin niya sa akin at ngumiti ng pilit. Kitang kita ang sakit sa kaniyang mga mata na pilit niya iniiwas sa akin.

"Oh... I-I didn't expect that huh..." Tumawa siya nang mapait. Inangat ko ang ulo ko habang tinitignan siya.

I was still waiting her to shout at me but she lend her hand to me instead.

Kumunot ang noo ko habang tinitgnan iyon. Nanggilid ang luha ko.

"I'm s-sorry..." Mahinang usal ko habang tumutulo ang luha. Bigla siya natigilan at nataranta.

Why do I feel like this?

Bakit pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat? She doesn't deserve this pain. I feel like I'm the only who caused pain to her. Bakit ko pinatulan si Hadrian?

I'm such a dumb person. Tangina, ang bobo bobo ko. Nakasira ako ng relasyon.

Bakit Hadrian? Bakit?

"N-no no! Don't cry please. It's not your fault--"

Yayakapin sana ako ni Poletia pero hinila na siya ni Emma papalayo. Bumaling sa akin si Emma at hindi ko inaasahan na sinampal niya ako nang malakas kaya napatingin sa amin ang mga tao.

Bumagsak ang tingin ko habang hinahabol ang tingin. I can feel the sting on my cheeks but I still manage not to show any emotions.

"Slut! You are flirt! I knew it. Kaya pala bumaho ang hangin kanina nung dumating ka." Sabi nung Emma habang sinasamaan ako ng tingin.

Magsasalita sana si Poletia pero nagsalita ulit siya.

"I'm tired of seeing my best friend suffering like this because of the sluts like you! Hadrian is known as playboy and fuckboy ever since but you still stay with him! You are just his fling, do you understand? Hindi lang ikaw ang naging kabit niya kundi marami!" Emma shouted.

Nakuha niya ang mga atensyon ng mga tao kaya napayuko ako habang naririnig ang mga singhap na lang. Natawa ako nang mapait.

Fling?

I'm just his fling? Kabit? Playboy and fuckboy? Ano pa ang hindi ko nalalaman sa'yo Hadrian?

"Stop it, Emma!" Pigil ni Poletia.

"No, you stop it Poletia! Hindi ko maintindihan kung bakit mo kinukusinti 'yang hayop na lalaking 'yan! At ikaw! Sana nagtanong ka muna kung may girlfriend ang tao hindi yung patol ng patol agad porket mayaman at gwapo papatulan niyo agad!"

Nawalan na ako ng emosyon at lakas dahil sa sinabi niya. Naging blanko ang isipan ko. Parang alon ang sakit sa dibdib ko. Mas masakit pa ito kaysa mahilata sa kama ng hospital na iyon.

"Kilala si Poletia ng buong pamilya niya, ikaw ba?" Panunutya ni Emma.

Ngumiti ako nang mapait.

Putangina, sige pa. Sagarin niyo na ako.

"Nakaplano na ang future nila kayo ba? Nakakaawa ka naman. Sa kama ka lang ata niya balak patirahin. At alam ko ang sadya mo dito. It's his birthday tomorrow and you're planning to buy him a gift right?" Doon ako unting-unti nawawalan ng hininga. Umangat ang tingin ko sa kaniya.

"But sorry to say, hindi siya sisipot sa usapan niyo. He will be having a family dinner with Poletia and her parents. Kung ako sa'yo tigilan mo na ang paghahabol sa lalaking na katawan lang ang habol." Ngumisi si Emma.

"Enough! Please! We're making a scene. E-eisha..." Lalapit sana si Poletia sa akin pero nag-walk out na si Emma.

"Emma!" Tawag niya. Nalilito siya kung sino ang lalapitan niya. She just mouthed I'm sorry to me before she followed her friend.

Nagbuntong hininga ako habang tinitignan ang sarili ko sa salamin. I look a mess. Tumawa ako nang mapait. Hindi ko na alam kung ano nangayayari sa akin.

Pakiramdam ko magiging baliw na ako tulad ni Delian.

Dahil doon mas lalo ako natawa pero this time tumulo na ang luha ko. This is suck.

Malamya ko kinuha ang sling bag ko at kumabas ng store. Naririnig ko ang bulong ng mga tao kesyo malandi, pokpok, pumapatol sa may girlfriend na.

Dinala ako ng mga paa ko sa cubicle. Sinarado ko ang pinto at napasandal doon. Hindi ko na kaya tiisin ang sakit kaya bumuhos na ang luha ko.

Alam kaya ni Artemis tungkol dito? Hindi kaya galit siya da akin noon dahil dito?

Tangina, sana nakinig na lang pala ako kay Keidon.

Tumingala ako habang umiiyak.

"Ang malas naman..." Mahinang usal ko habang umiiyak.

Kinuha ko ang phone ko kahit nanginginig ang mga kamay. Tinignan ko kung sinong pwede tawagin pero napagtanto ko na wala pala.

They're all busy with their lives. Tapos ako pinoproblema ito? Pabigat talaga...

"Stop it please... T-tama na..." Sinusuntok suntok ko ang dibdib ko dahil sa paninikip nito.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. Wala sa sarili ako napahawak sa kwintas. Ngumiti ako nang mapait habang nakatulala.

Parang gusto ko na lang manatili diyan, Persephone...

Sana hindi na lang ako niligtas ni Hades, sana hinayaan na lang ako ni Hadrian para matapos na ang sakit na nararamdaman ko.

Napatingin ako sa kahon na nahulog. Unting-unti ako nanghina na makita yung bracelet na binili ko para sa kaniya.

Pumikit ako nang mariin.

Kinuha ko ang kahon bago lumabas sa cubicle. Tumingin ako sa salamin at ngumiti ng pilit. Inayos ko ang buhok ko.

Let's do this.

"Manong, pag-tama ng orasan sa alas-dose saka niyo po i-putok yung fireworks okay?" Habilin ko kay manong. Tumango ito.

"Okay, ano naman next..." Napahawak ako sa baba habang tinitignan ang venue.

Binalak ko na sa mataas na lugar kami para mahangin. Nakalatag ang tela sa damuhan para sa picnic at naka-arrange na rin yung mga pagkain.

Napapikit ako dahil sa hangin ng tumama sa akin. Gabi na kaya malamig ang simoy ng hangin. Sa pwestong ito, kitang kita ang mga ilaw mula sa buildings. Ang buong city ay nakikita mula sa lugar na ito.

Napaupo ako sa damuhan habang inayos ang nilipad na tela pantakip sa basket.

This is it! It's beautiful!

Kinuha ko na ang phone ko at minessage si Hadrian.

Me:

10 pm, okay? See you here!

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Pang-limang message ko na ito sa kaniya kaya sana mabasa niya na.

Umupo muna ako sa tabi ng mga pagkain para hintayin ang message niya. Napako ang tingin ko sa kahon. Ngumiti ako at kinuha iyon.

Susuotin niya kaya ito?

Nakatulala lang ako sa mga buildings habang hinihintay ang message niya. Hindi ko namalayan na nakaidlip ako. Pag-gising ko ay 11:15 na kaya nataranta ako.

Tinignan ko kung may message so Hadrian pero wala pa rin. Nawala ang ngiti sa labi ko.

Siguro wala lang siya signal...

"Shit, nagulo." Natupi yung tela dahil nakatulog ako. Agad ko ito inayos.

Me:

It's already 11 but it's fine. I know you're busy but our promise okay?

Nilapag ko ang phone at napatulala ulit.

"Oh? Ano ginagawa mo apo sa hating gabi..." Natingin ako sa matandang lalaki na sumulpot.

Mukhang pagod na pagod na siya mula sa kalalakad kaya umupo siya sa tapat ng puno. Ngumiti ako sa kaniya.

"Uhh, hinihintay ko po ang boyfriend ko. Birthday niya po kasi." Natatawang sabi ko.

Natawa naman siya nang mahina at tumingin rin sa mga building na tinitignan ko kanina.

"Mga kabataan ngayon, grabe mag-mahal... Sabagay, doon lang tayo sumasaya diba?" Sabi ng matanda at binigyan ako ng ngiti. Tumango ako.

"Anong oras na at hinahayaan ka sa dis-oras ng gabi, apo. Anong oras ba siya dadarating?" Sabi niya habang inaayos ang suot niyang sumbrero.

Tumingin naman ako sa phone ko.

"Hindi ko nga po alam eh. Pero promise niya na pupunta siya ngayon kaya..." Sabi ko habang nakangiti.

Nakatingin lang sa akin si lolo parang pinapag-aralan ang ekspresyon ko. Nilipat niya na ang tingin niya ulit sa mga building.

"Hindi mo kailangan itago ang sakit, iha. Ilabas mo ang sakit at poot mula sa iyong puso bago mauwi pa ito sa galit. Mahirap na kapag nilalamon tayo ng galit."

Napatulala ako sa sinabi niya. Nakatingin lamang siya sa ma building. Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko. Nagbuntong hininga ako at umiling.

"Kain ka muna, lo?" Binigyan ko siya ng pansit na niluto ko.

"Hala, nag-abala ka pa nak pero salamat." Sabi ni lolo, binigyan ko lang siya ng ngiti.

Pinanood ko si lolo habang kumakain. Hindi ko maiwasan ngumiti dahil naalala ko sa kaniya habang yumapang lolo ko sa ina.

Naging masaya ang kwentuhan namin ni lolo hanggang napagdesisyonan niya na umuwi. Tinulungan ko siya tumayo kaya natawa siya nang mahina.

"Anong oras na iha, hinahanap na siguro ako ng mga apo ko. Makukulit pa naman mga iyon." Sabi niya at natawa kaya natawa rin ako.

"Sige, lo. Maraming salamat po. Paano mo kayo uuwi? May kotse po ba kayo?"

"Naku, Iha. Ilalakad ko na lang para exercise din." Sabi niya kaya hindi ko maiwasan mag-alala dahil pababa ang lupa nito.

"Ay, lolo. Hintayin niyo na lang muna ako doon. Sabay na tayo." Sabi ko at ngumiti.

"Oh? Hindi mo hihintayin ang nobyo mo, nak?" Tanong niya kaya natigilan ako.

"Hindi ko po alam." Wala sa sarili kong sabi kaya ginulo niya ang buhok ko.

"Oh siya sige sige, hihintayin na lang kita doon banda, ayos ba?" Sabi ni lolo kaya tumango ako.

Nang makaalis siya ay saka ako napaupo. Tinignan ko ang mga inayos kong decorations na nalilipad ng hangin. Tinignan ko ang oras sa phone ko.

It's already 11:55 pm, kaya pa...

Umupo ako sandali habang hinihintay na lilitaw si Hadrian sa harapan ko. Pero walang sumulpot maging anino niya.

Wala na talaga...

Nagbuntong hininga ako at inayos na ang mga dala ko para umuwi na. It's okay Eisha, batiin mo na lang siya kapag nakaalis ka na ng bansa.

"Eisha!"

Kumabog ang dibdib ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Hinabol ko ang hininga ko at pumikit nang mariin. Lumingon na ako sa aking likuran.

Nakita ko si Hadrian na hingal hingal habang inaalis ang butones ng kaniyang polo at dala dala ang coat niya.

Ngumiti ako nang mapait. He's wearing a formal suit.

Kumirot ang dibdib ko pero ngumiti pa rin ako.

"Hadrian, you made it." Ngiting sabi ko.

Nagtaka ko na seryoso lang ang mukha nito. Sumikip ang dibdib ko nang yakapin ako nito.

"Don't hide it, okay? I'm sorry... I'm late, baby, I'm sorry..." He whispered while sliding his hand to my back.

May bumara sa lalamunan ko.

"H-hindi okay lang! Okay lang talaga... Nagliligpit na rin kasi ako--"

"What? Why? We still have time. I'm sorry, baby..."

Tinuloy ko lang ang pagliligpit habang siya ay hinahawakan ang braso ko.

"I told you it's okay--"

"No, you're not okay." Putol niya pa sa akin.

"Okay nga lang talaga--"

"No, it's not--"

"Sabing okay lang diba?! Can't you understand that?" Nayayamot na sabi ko kaya natigilan siya.

Napahawak ako sa sentido

"Eisha... Hey," lalapit sana siya sa akin pero lumayo na ako.

"Kapag sinabi ko okay lang, okay lang talaga. At alam ko na importante 'yang pinuntahan mo."

"No, no..." Umiiling siya na parang wala sa sarili. Ngumiti ako nang mapait.

"Wala rin naman kwenta ito na niluto ko dahil nakakain ka na, iuuwi ko na lang. You're from a family dinner date right? You must be full na." Hindi ko na alam kung ano pinagsasabi ko basta nagliligpit lang ako.

"How... How did you know that? How did you know that, Eisha? Hey, look at me."

Napapikit ako at inis na nilingon siya.

"Hindi lang hanggang doon ang nalaman ko kaya wag ka na magtanong. Nag-try lang ako kahit alam ko na hindi ka na sisipot. Uhh, you know what, bumalik ka na doon. Poletia must be waiting--"

"What the hell, Eisha! How... How did you know all of these?! I'm asking you baby... I don't understand." He was stunned when he saw my face full of tears.

"Pagod na ako, Hadrian... Pagod na ako maniwala sa mga kasinungalingan mo. Pakiramdam ko mababaliw na ako. B-bakit? Bakit ginawa mo kong kabit? Bakit ka nagsinungaling tungkol kay Poletia? Friends, she's just someone I know- bullshit!" Sigaw ko sa kaniya kaya natigilan siya.

Para siya nanghina dahil nabuking siya.

"I-I..."

I scoffed. He can't even say a single thing.

"D-dapat nakinig na lang ako sa kanila... D-dapat hindi na kita pinatulan..." Humihikbing sabi ko.

"No, no... Don't say that please..." Lalapit sana siya pero sinamaan ko siya ng tingin.

"Alam mo ba ang tingin ko sa sarili ngayon, Hadrian? M-malandi, pokpok, pumapatol sa lalaking may girlfriend na, kabit--"

"Stop it! Tangina! Don't... Don't say that to yourself!" Nagagalit niyang sabi kaya napangiwi ako.

"P-pwede ka naman magsabi ng totoo, bakit ka pa nagsinungaling..." Mahinang sabi ko kaya umigting ang panga niya

He didn't even explain. Hindi man lang niya tinanggi ang mga sinabi ko ibig sabihin totoo nga.

Maybe I really deserve this?

"I'm sorry, baby... Just listen to me--"

"Totoo bang kayo ni Poletia nang maging tayo?" Walang emosyon kong sabi.

He bit his lower lip and let out a sigh. He nodded. That answer weaken my knees. Isa pa, Eisha. You can do this.

"I-I... Have a final question. I want an honest answer, please..." Nanginginig ang boses ko.

He panicked.

"No, we will talk this tomorrow okay? Let's go home first, baby. You're tired--"

"I need you to choose, me or Poletia?" I said desperately. I clenched my fist.

I furrowed my brows when he stayed silent. He was hesitating... He was fucking hesitating. My body started to numb. I shut my eyes hardly.

Choose me, baby...

"Come on, Eisha. Don't do this. Let's go home." He said coldly. My lips parted.

I started to chuckled like crazy while grabbing my hair.

Hindi siya makapili, tangina...

I can't believe this. If he really love me he will choose me...

Napahilamos ako ng mukha. Mukha ako tanga na tumatawa habang umiiyak.

All you just have to do is say my name, Hadrian but you can't fucking say it, why?

"Nakikusap ako, Hadrian... K-kahit sagutin mo lang ang tanong ko. Ako o si Poletia." Mariin kong sabi.

"Don't make me choose, please..."

That's it.

Dahan dahan bumagsak ang tingin ko habang tumatawa. Don't make me choose daw putangina. He really didn't... Love me...

Tuluyang tunulo ang mga luha ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. His hands were trembling.

"E-eisha, I'm sorry... Just give me time to fix this, baby okay? Listen to me hey..." Hinuhuli niya ang mga mata ko pero iniiwas ko ang mga ito.

Just give me time?

I scoffed while my tears falling down to my cheeks.

"I-I can't wait you anymore, Hadrian..." I said which made him stunned. His face became blank.

Hindi na kita mahihintay...

I wiped my tears harshly and grabbed the box from my pocket. Binato ko ito sa kaniya at sinalo naman ito habang nasa akin ang kaniyang paningin.

"W-what is this?" He sounds like a curious child while holding the box.

I smiled bitterly. He stared at me and I caught the glimpse of the pain and confusion in his eyes.

5...4...3...2...1...

"Happy birthday, Hadrian." I muttered.

He was startled when he saw the fireworks display behind me. His eyes became red and teary-eyed. He whispered a curse while fantasizing the sky.

"I-I planned this because I want to be the one who will greet you, I want to be the first person in your birthday when the clock hits 12:00..." I said and chuckled.

He was silent. He didn't say anything. His eyes were full of emotions and words that he can't express.

Tumingin ako sa box na hawak niya. Napangiwi ako.

"I-iyan lang nakayanan ko kaya kung ayaw mo, pwede mong itapon na lang. Desisyon mo na 'yan."

Narinig ko siya nagmura. Lalapit sana siya sa akin pero may nakita akong babae mula sa kalayuan, nanonood sa amin.

I faced Hadrian while smiling.

"Now, I want you to go back there. Spend your time with Poletia, Hadrian. Hindi sa babaeng tulad ko." Sabi ko kaya kumunot ang noo ko.

"What the fuck are you saying? You're not--"

"Poletia!" Tawag ko kay Poletia mula sa kalayuan. Nakita ko siyang natigilan at natakot. Tatakas sana siya pero nakita na siya ni Hadrian.

"Poletia..." Hadrian mentioned her name slowly. Poletia was startled, she don't know what to do.

Bago pa ako tignan ni Hadrian ay tumakbo na ako papalayo. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makakaya ko habang umiiyak.

Under the fireworks, here I am, running away from the man I love.

"O-oh? Apo, ano nangyari?" Nag-aalalang sabi ni lolo. Nakita ko siya naghihintay sa bench st kumakanta ng mahina para malibang.

Napatulala ako sa kaniya. Sumikip ang dibdib ko habang tinitignan siya.

"Okay ka lang ba apo?"

At doon na nawalan ng lakas para makapagsalita. Sinugod ko siya ng yakap at humagulgol sa dibdib niya.

"Jusmiyo, Iha... Tama na ang iyak, ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Halika na uwi na tayo ha?"

Those sweet and comforting words just melt my heart. I can't help but to cry louder like a child.

He called a taxi. Inalalayan ako ni lolo at pinatahan. Hinayaan niya ako umiyak ng umiyak hanggang kumalma na ako. Hindi ako nakaramdam ng kahit anong hiya dahil doon. Sa halip, mas naging kumportable ang pakiramdam ko.

"Hindi na ako magtatanong, apo dahil sariwa ang sakit sa dibdib mo. Bumalik ka na sa bahay niyo at uminom ka ng maraming tubig para makatulog ka ng mahimbing. Huwag na huwag ka susuko ha?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumango. Nang makarating kami sa kanto namin. Ngiting binuksan ni lolo ang pinto ng taxi. Dali dali ko binigay sa kaniya ang mga pagkain na niluto ko.

Kumunot ang noo nito at umiling.

"Iuwi mo na yan, apo. Ayos lang ako." Sabi niya habang nakangiti.

"P-para sa mga apo niyo po yan, lolo. Para may pasalubong ka po sa kanila pag-uwi niyo. Maraming salamat po." Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Napapikit ako habang tumutulo ang luha.

"Kuya, sagot ko na po yung kay lolo. Ingat po kayo." Sabi ko sa driver. Tumango ito.

"Oh siya, maraming salamat iha. Ang bilin ko ha? Tandaan mo, hindi masama ang unahin ang sarili..." Iyon na ang huling sinabi niya bago tuluyan makaalis.

Napatingala ako para pigilan ang pagtulo ng luha. I want to forget that scene but it stuck in my mind.

Hindi na ako nagsayang ng oras. Nagmamadali ako pumasok sa loob ng bahay. Kinuha ko ang maleta ko, nakahanda na ito sa kwarto.

Pinupunasan ko ang luha ko habang kinukuha ang nga importanteng bagay sa drawer ko. I need to hurry before Hadrian comes here. Hindi ako makakaalis kapag nandiyan siya.

Kumakabog ang dibdib ko habang nagliligpit. Natatakot na baka pumunta agad si Hadrian, kailangan ko na makaalis agad. Lahat sila ay tulog na, kaya madilim ang bahay at tahimik.

"A-ate?"

Napatingin ako kay Patricia na nakapikit pa ang isang mata. Nalimpungatan pa siguro dahil sa ingay na nagawa ko. Ngumiti ako ng pilit.

Tinuloy ko lang ang ginagawa ko. Napatingin ako sa Mythian's book ko sa ilalim, may halikabok na. Agad ko ito kinuha at nilagay sa bag ko.

"Ate... Aalis ka na?"

Napatingin ako kay Patricia na nakatayo sa aking harapan. Bahid ang kalungkutan sa kaniyang tono.

"Oo eh, hindi ako pwede magtagal. Alas-tres na ang flight ko. Pwede mo ba tulungan si ate?" Tanong ko habang nag-aayos.

"Nag-away ba kayo ni kuya Hadrian? Namumula mga mata mo at maga." Natigilan ako sa sinabi niya. Tumawa ako ng peke at umiling na lang.

"Tss, edi nasabi mo sa kaniya na aalis ka na?" Sumunod siya sa akin sa sala. Nangungulit.

Hindi ako sumagot. Napa-buntong hininga na lang siya. Hindi na siya nagtanong pa, siguro alam niya na masama ang pakiramdam ko.

"Gisingin ko lang si kuya, ate." Tumango na lang ako kay Patricia. Sila kasi ang hahatid sa airport.

"P-pwede ba pakibilisan kamo? Baka maabutan ako ni Hadrian..." Mahinang sabi. Nagulat si Patricia sa sinabi ko pero sumunod rin naman at hindi na nagtanong.

Nauna na ako sa kotse. Nakita ko si kuya na kagigising lang, magulo pa ang buhok at nagsusuot pa ng shirt kasi walang suot siya sa pantaas kung matulog. Dumilat siya nang makita ako.

Hinagis ko sa kaniya ang susi ng kotse, agad niya ito sinalo.

"Oh, aalis ka na?" Tanong ni kuya nang Makapasok kami sa sasakyan.

Tumango na lang ako at nanatiling tahimik kaya kumunot ang noo niya.

"Meron ka ba, ang tamlay mo--"

"Magmaneho ka na lang kuya." Masungit na sabi ni Patricia at pumasok na sa loob.

Kahit nagtataka ay sumunod rin ito. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang tinitignan ang phone ko. Sinubukan ko tawagin si Avianna.

"H-hello?" I cleared my throat.

"Hmm? Eisha? It's late. Is there a problem-- Avianna Danica! Sinasabi ko sa'yo bitawan mo na ang phone mo, may rehersal ka bukas!" Nilayo ko kaunti ang phone sa tenga ko kasi sa sigaw ng lola niya.

"Wait lang grandma! Hello Eisha? Ano ulit iyon?"

"U-uhh, wala pala. Kinamusta lang kita. Sige, tulog ka na ulit." Natatawang sabi ko kaya napalingon si Patricia sa akin at malungkot ang mukha nito.

"Are you sure?"

"Yup! Sige bye na!"

Sinandal ko ang ulo ko sa kinauupuan. Tinignan ko ulit ang phone ko.

What about Leigh?

"Tooot tooot." Bumuntong hininga ako at inend ang call. Nakapatay ang phone ni Leigh.

What about Keidon? Zaryl?

Nevermind. Maiistorbo ko lang sila. Puyat si Zaryl dahil sa hospital, at si Keidon siguro ngayon pa lang magpapahinga.

Ngumiti ako ng pilit at pinatay na ang phone ko.

I guess I'll go without everyone knowing huh?

Nagulat ako nang yakapin ako ni Patricia.

"It's okay, ate. Nandito naman kami. Huwag ka iyak ha?" Malambing na sabi ni Patricia kaya natawa ako nang mahina.

Tinignan lang kami ni kuya mula sa front mirror at nagbuntong hininga. Sinulit ko ang sandaling oras namin magkakapatid. Pilit ko na inaalis sa isipan ko ang nangyari.

"Ako na," sabi ni kuya at binuhat ang maleta ko at mga bag.

"This is it, ate. Sure ka na ba dito?" Sabi ni Patricia. Napatingin ako sa airport at binalik ang tingin sa kaniya. Tumango ako.

"Kapag nakatapos ako, maghahanap agad ako ng trabaho para uwian kayo ng mga pasalubong!" Masayang sabi ko kaya napangiti sila.

"Mag-iingat ka don, ate. Kahit ipakita mo na lang yung snow sa video call ayos na ako. I love you ate ko..." Niyakap ako ni Patricia at nagsimula na umiyak.

Si kuya naman ay niyakap ako at hinalikan ako sa noo.

"Alam ko nag-away kayo ng boyfriend mo at tama lang desisyon mo, umalis ka na. Gugulpihin ko na lang yung hayop na yon--"

"Kuya," nayayamot kong sabi kaya ngumuso na lang siya.

"Basta! Tawagin mo kami! Kundi susugod ako doon!"

Natawa kami pareho ni Patricia sa sinabi nito.

Tumalikod na ako sa kanila habang bitbit ang mga dala dala. Lumingon ako ulit sa kanila.

"K-kapag tinanong niya kung nasaan ako, huwag niyo sabihin..." Bilin ko sa kanilang dalawa kaya nagulat si Patricia habang si Kuya ay seryoso lang.

I don't want him to follow me in there in case. Pero malabo na rin mangyari iyon dahil wala naman siya nararamdaman para sa akin.

Nanggilid ang luha ko at pumasok na.

I just hope my heart will feel better. I want to escape from this nightmare. 

~~••~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro