Chapter 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 2: Thirsty

Hindi ko alam na ganito pala kalakas ang pang-amoy, pakiramdam, at paningin ng mga bampira. Lalo na tuwing gabi kung kailan buhay na buhay lahat ng senses namin sa katawan.

Napatingin ako sa paligid nang mapansin kong parami kami nang parami. Gaya ko ay sobrang bilis din nilang kumilos at kahit na madilim ay nakikita ko sila.

Napapatingin sa akin ang iba na animo'y nagtatanong kung sino ako. Malamang na naninibago sila sa akin dahil ngayon lang nila ako nakita.

"Hezira..."

Napatingin ako sa aking tabi. Nagulat ako na nasa tabi ko na pala si Tita Rema. May halong pagdududa ang kanyang umiilaw na mata.

"Anong gagamitin mong patalim?"

Nagulat ako sa tanong nya. Saka ko lang naaalala ang tanong sa akin kanina ni Hera kung meron na raw ba akong gamit. Ano ba talagang gagawin namin?

Baka naman kasi may ilog lang sila dito na hindi tubig ang laman kundi dugo o baka drinking fountain for blood.

"Hindi ko alam kung anong nilalang ka ngunit mas makakabuti kung hindi ka hihiwalay sa akin."

"Po? Pero ang mga anak nyo?"

Tumawa ito. "Pag-oras ng pangangaso ay walang kinikilalang pamilya. Unahan sa pangangaso dahil baka sumapit ang araw na wala ka pang nahuhuli," sambit niya.

Napalunok ako.

Nanunuyo na ang lalamunan ko at maging aking pananalita ay naaapektuhan. Gusto kong magtanong ngunit iba ang tumatakbo sa aking isipan. I'm so thirsty and it is slowly killing me!

Nang nasa bukana na kami ng gubat ay kanya-kanyang direksyon ang tinatahak nila.

"Sa direksyong ito."

Sumunod ako kay Tita Rema nang tahakin nya ang kanlurang bahagi ng gubat. May mga kasabay kami ngunit hindi naman gaano karami.

Nagpatalon-talon kami sa sanga ng mga puno. Gusto kong matawa dahil mukha kaming ninja ngunit alam kong wala akong panahon para doon.

Kailangang mapatid ang pagkauhaw ko sa likidong iyon dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung sakaling magpatuloy ito.

Napatingin ako sa ibaba at halos mahulog ako sa sanga nang makita ang ginagawa ng isang bampira sa nahuli nyang usa.

"Bakit ka huminto?"

Hindi ko maalis ang tingin ko sa bampirang 'yon. Sarap na sarap ito sa dugo ng usa. Tumutulo rin ang dugo sa kanyang labi habang ginagawa 'yon.

Parang---Parang gusto kong agawin ang usang 'yon. Damn! Natatakam ako sa dugo.

"Kumalma ka, Hezira. Kontrolin mo ang sarili mo." Hindi ko alam kung bakit 'yon sinabi ni Tita Rema. Hindi ako makapag-isip nang maayos na tila humihiwalay ang pag-iisip ko sa realidad.

Naramdaman ko na lang na kusang tumalon ang mga paa ko pababa ng sanga at tumakbo palapit sa lalaking 'yon.

Blood... Blood... All I can think right now is blood.

Napahinto ako nang harangin ako ni Tita Rema. Halos mapaatras ako nang makita kong naging mabangis ang kanyang aura. Nagbabanta ang kanyang nanlilisik na mata.

"Isang patakaran dito na hindi ka maaaring mang-agaw. Ang pang-aagaw sa pag-aari ng iba ay isang malaking paglapastangan sa kanila. Naiintindihan mo ba ako?"

Tumango ako dahil tuyo na talaga ang lalamunan ko. Habang tumatagal ay mas nasasabik ako roon.

Fuck. I want blood. If I can only bite myself---Great. Nice idea.

"Kung iniiisip mong kagatin ang sarili mo ngayon pa lang ay binabalaan na kita. Maaari mo itong ikamatay."

"Nauuhaw na ako sa dugo!"

May inilabas itong patalim at ipinakita 'yon sa akin. "Sundan mo ako at ituturo ko sa'yo ang tamang proseso para mapatid ang uhaw mo," seryosong sambit nito bago naunang umalis.

Saglit kong binalikan ng tingin ang lalaking mukhang nagpapahinga na dahil ubos na ang dugo ng usa.

Umiling ako bago sumunod kay Tita Rema.

Ayoko sa tira na lang ng iba.

Nakasunod lang ako sa kanya nang bigla syang tumigil sa pagtakbo. Maging ako ay natigilan. Sinenyasan niya akong manahimik.

"Umakyat ka ro'n," turo nya sa isang sangang mataas. "Panoorin mo ako," bulong pa niya.

Sinunod ko ang utos nya. Sa isang talon ko lang ay nakasampa ako agad sa sanga na 'yon. Umupo ako at gaya ng sinabi nya ay pinanuod sya.

Ilang metro kay Tita ay nakita ko ang isang usa'ng naglalakad.

Napangisi ako nang makitang gumapang si Tita sa madamong bahagi. Maingat na maingat sya sa ginagawa nya. Namamangha ako sa kanyang bawat kilos.

She seems like a snake aiming for her prey.

Kumislap ang patalim niya at sa isang iglap ay tumalon sya sa harap ng usa at itinusok ang patalim na 'yon sa leeg nito. Tumumba ito at sa isang iglap ay hindi na nakakilos.

Dugo...

Mabilis na tumalon ako papunta sa kanila. Ngumisi si Tita Rema at dinilaan ang patalim nyang nabahiran ng dugo.

Imbes na mandiri ako ay natakam pa ako. Lumapit ako sa usang walang buhay.

Pumikit ako...

Hindi ko alam kung bakit sarap na sarap ako sa dugo nito. Para akong taong naligaw sa disyerto ng ilang araw para maging ganito kauhaw sa tubig.

Oh great! I love the taste of blood. I love its smell. I love its color. Everything about it.

Bawat lunok ko rito ay kumakalma ang katawan ko. Ang nagwawala kong kalamnan ay tumahimik. Umaliwalas ang paghinga ko at tumahan ang naghuhuramentado kong dibdib. Para itong droga na nagpapatahan sa nanginginig kong katawan.

"You are not a vampire."

Ilang sandali lang ay parang nagsawa na ako. Tinigilan ko na ito at sumandal sa puno. Sobrang luwag ng paghinga ko. Sa sobrang pagluwag ng pag-iisip ko ay hindi ko napagtuonan ng pansin ang paggamit niya ng salitang ingles.

Bumibigat ang mga talukap ng aking mata matapos kong makainom ng dugo ng usa. Ito pala ang pangangasong sinasabi nila.

"Hindi ka ba nasasabik sa dugo?" Tanong ko sa kanya.

Ngumisi ito. "Hindi gaya nyo, kaming matatanda ay kaya naming kontrolin ang aming sarili. Kayang-kaya naming pigilan ang sarili namin," pagpapaliwanag nito.

Kumurap ang mata ko dahil antok na antok na ako.

Bago ako tuluyang nakatulog ay narinig kong may ibinulong si Tita Rema.

"Kakaiba ka."

Naalimpungatan ako nang maramdamang tumama sa mukha ko ang mainit na sinag ng araw. Pumungay ang mata ko nang imulat ko ang mga ito.

Umupo ako. Kakaiba ang pakiramdam ko. Parang sobrang sigla ko. Pakiramdam ko ay ang tagal kong nakatulog para maramdaman ang ganitong pakiramdam.

Bigla kong naalala ang kagabi. Halos bumaliktad ang sikmura ko nang maalala ko kung paano ko nagawa 'yon. Did I really suck the blood of that deer? Ew. That was gross!

Bampira. Isa na rin ako sa kanila!

Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas. Iniluwal nito si Tita Rema na may dalang baso ng tubig. Yari sa kawayan ang kanilang basong gamit.

"Inumin mo ito." Binigay nya 'yon sa akin. Medyo mainit ito. "May halong halamang gamot 'yan para hindi mabigla ang katawan mo sa sobrang dami ng dugong nilagok mo kagabi." Tumabi siya sa akin.

Diretsong nilagok ko ito at dahil maligamgam ang tubig ay agad ko 'yong naubos.

Ipinatong ko sa lamesa ang baso. Hindi ko magawang tumingin kay Tita Rema dahil alam kong nakatingin siya sa akin.

"Magtapat ka sa akin, Hezira. Anong klaseng nilalang ka?"

Ramdam ko ang seryoso sa kanyang tono. Napalunok ako sa kaba. Sa tingin ko ay hindi ko na maitatago sa kanya ang lahat.

Humarap ako sa kanya. Nakangiti ito sa akin na nagpaluwag sa aking dibdib.

"Huwag kang matakot," nakangiting sabi niya.

Lumunok ako bago humugot ng lakas nang loob. "H-Hindi po ako isang bampira," paunang salita ko.

"Kung gano'n ay ano ka? Anong klaseng nilalang ka?"

Bakas sa kanyang mukha ang pagkalito. Sabik na sabik ito sa sagot ko base sa kanyang itsura. Kasabay ng pagkasabik niya ay ang pagtaas ng pangamba sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nya kung sakali ngunit susugal ako at sana ay maintindihan niya ako.

"Isa po akong tao..."

Nanlaki ang mata niya. Bakas sa kanyang mukha ang labis na pagkabigla na may halong pagkalito. Mas lalong tumaas ang kaba sa dibdib ko.

"T-Tao? Ibig sabihin... Totoo ang alamat."

"Alamat?"

"Alamat tungkol sa ibang nilalang na nabubuhay ngunit..." Hinawakan nito ang aking mukha at hinaplos. "Isa ka bang tao? Asan ang 'yong sungay? Asan ang 'yong mahahabang kuko at bakit hindi makapal ang iyong balahibo." nagtataka nyang tanong.

Ako na naman ang natawa sa mga tanong nya. "Ang alamat na pinaniniwalaan nyo ay hindi totoo," nakangiti kong sambit

Tumango naman ito na mukhang naintindihan nya ang ibig kong sabihin. Gano'n ba ang alamat ng mga tao para sa kanila? Akala nila ay mga halimaw kami? Oh well, siguro ang iba.

"Kung totoong tao ka ay bakit nasasabik ka sa dugo?"

Napahawak ako sa aking kwintas dahil sa sinabi nya at mukhang mabilis nyang naintindihan ang sinabi ko.

"Dahil sa kwintas na ito."

"Anong ginagawa mo sa aming mundo?"

Saglit akong natigilan dahil sa lahat ng tanong niya ay 'yon ang mahirap sagutin.

"Dahil pinaslang ng bampira ang aking ina." Pumait ang tono ko sa sagot na 'yon. "Pinaslang ng mga kalahi nyo ang aking ina. Sumugod sila sa mundo namin para gawin 'yon." Humigpit ang pagkakasalikop ng aking mga kamay.

Paano ko ba maipaghihiganti ang aking ina kung ako mismo ay hindi alam kung sino sila. Tanging ang marka lang na 'yon ang natandaan ko.

"I-Imposible, Hezira. Hindi namin alam ang portal papunta sa inyong mund--- Ang mga dugong bughaw. Sila lang ang nakakaalam ng tungkol doon."

Nabuhayan ako ng loob dahil sa mga sinabi nya. Ibig sabihin ay malamang na isa sa kanila ang pumaslang sa aking ina.

"Dugong bughaw?"

Tumango ito. "Sila ay mga maharlika na nasa palasyo. Ayon sa nalalaman ko ay sila ang may hawak ng portal." sagot nito.

Kailangan kong makapasok sa palasyong sinasabi nya. Malaki ang posibilidad na nasa loob no'n ang salarin at mga sagot sa aking katanungan.

"S-Saan ko matatagpuan ang palasyo?"

Umiling ito. "Kahit na sabihin ko sa'yo ay malayong makapasok ka ro'n dahil tanging mga maharlika lang ang may kaya no'n. Doon din sinasanay ang ibang bampira para maging mas malakas sila," wika niya.

Unfair. Hindi makatarungan na tanging mayaman lang ang nakakapag-aral. Dapat ay bukas ito para sa lahat!

"Ina! Ina!"

Napatingin kami kay Hegel na humahangos. Habol-habol nito ang kanyang hininga na animo'y hinabol ng asong lobo.

"Bakit ka humahangos?"

"A-Ang mga dugong bughaw. Nasa bayan."

Napatayo ako dahil sa sinabi nya. Ngumisi ako bago nagmadaling lumabas. Narinig ko pang tinawag ako ni tita ngunit hindi ko na sya pinakinggan.

Kailangan kong makapasok sa lugar ng mga dugong bughaw.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro