Chapter 22 ~ Tell Her About Me

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


ZANERO GUZMAN

Ten months later, our long-distance relationship is tough. Feeling alone even when someone loves you is hard. But, it’s not a big deal because we see each other from time to time, making the most of our moments together. We need to stay strong despite the distance.

I miss you more than life, Chelsea. I sighed while looking at her photos on my cellphone. Huling nagkita kami noong January 3, hinatid ko siya sa bus terminal. Almost ten months na, hindi raw siya uuwi this coming December because of class make-up but that’s okay. Our communication is stronger than a typhoon. Palagi naman kaming nagkakausap sa cellphone. Wala namang nagbago, talagang nami-miss ko lang siya nang sobra.

Fourth year high school na ako. End of November was our final exam for the 3rd quarter, kaya kinausap ko ang school head na kailangan kong makauwi muna sa Cebu dahil a-attend ako ng case hearing. Hindi ko rin alam kung ilang araw iyon kaya gumawa ako ng sulat para sa aking excuses.

“Love, uuwi ako ng Cebu after finals,” paalam ko kay Chelsea. “Monday na bukas, kaya finals na namin. So, Thursday ang flight ko. May ticket na ako,” dagdag ko pa.
Kailangan kong pumunta ng Cebu dahil hinahabol ni Daddy ang ari-arian na nasa pangalan ko na. Nagsampa siya ng kaso na magnanakaw ako. I can’t believe him. Wala na ‘kong puwedeng lapitan doon kun’di si Kuya Simon at personal attorney ni Mama. It’s going to be my third time facing my insane father. He has the right to everything, pero nagpirma siya dati na pipiliin niya ang babae niya kaysa kay Mama at sa mga ari-arian at negosyo.


“Mag-iingat ka love,” paalala niya. “Sana, nariyan ako para masamahan kita, kaso hindi ako makakauwi. Kahit Christmas, hindi kami makakauwi ni Ate Levina,” she added.

Yes, I wish you were here with me. Beside me, I feel afraid. How do I become mature? How do I act older? I’m scared of walking alone, but I must confront my reality. In just a few months, I’ll be turning 18 and reaching legal age.

“Okay lang ako, love. Don’t worry, I can handle this,” I lied, pero talagang nami-miss ko ang girlfriend ko. I want to hug her, lalo na ngayon.


Bakit dumating sa punto na kailangan kong harapin ang Daddy ko sa husgado? Hahabulin niya ang nasa akin na, pagkatapos niyang waldasin ang pera niya sa ibang babae at iwan kami ni Mama. Tapos ngayon, babalik siya para bawiin ang lahat? Ibibigay ko naman, bakit kailangan niya pa’ng pagbintangan akong magnanakaw? He is not in the right state of mind.


“Huy! Kanina pa kita hinahanap!” Nagulat ako at napalingon sa boses na iyon. It was Lily, wearing a pink dress. Nasa kuwarto ako habang nag-aayos ng ilang damit na dadalhin ko sa Cebu dahil mamaya na ang flight ko. Backpack lang naman ang dadalhin ko dahil hindi naman ako magtatagal doon.


“Anong oras ang flight mo?” she asked. Naikuwento ko kasi sa kaniya ang pagpunta ko sa Cebu.

“Two o’clock,” matamlay kong sagot. Bakit ba siya nandito?

“I was with Mom; she’s in the living room. Guess what?” I didn’t have time for this, so I just ignored her. “Look at me, Zane! Mama agreed to let me join you in Cebu!” I dropped my backpack on the floor in surprise at what she said.

“What the hell are you saying?! I’m not going there for a vacation!” inis na sinabi ko, pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya dahil alam niya na kapag kasama niya ang Mama niya ay hindi ako makakatanggi.

Ang hirap ng may utang na loob! Alam kaya ni Myrtle ang ginagawa ni Lily? She’s so obsessed with me!

“I’ll go wherever you go,” she said casually. “I bought my own ticket, and Lola Tonette told me about the flight you are on, so I booked a seat next to you,” she explained, making little sense. Damn it! Daragdagan pa niya ang iisipin ko. How about Chelsea? Magagalit na naman siya kapag nalaman niya ‘to.

Wala sa sariling natapos ko ang pag-iimpake ko. 12:30 pm na. Kailangan ko nang magmadali. Sa airport na lang ako kakain ng lunch dahil baka ma-late na ako.
“’Lo, ‘La, aalis na po ako,” paalam ko kina Lolo at Lola nang hindi ko man lang tinitingnan ang kausap nila. It was Tita Mariel and Lily.

“Tara! Aalis na pala kami. See you, Cebu!” Mas excited pa si Lily kaysa sa akin. Lumabas na ako at pumunta sa black Sedan ko. Ihahatid ako ni Lolo. Kaya niya pa naman mag-drive papunta ng airport dahil malapit lang naman iyon. And bago ako nakalabas ng gate ay tinawag at kinausap ako ni Tita Mariel.


Nakarating kami ng Cebu nang hindi ko pinapansin si Lily kahit daldal siya nang daldal. I’m not in the mood to entertain her, pero dahil sa sinabi ni Tita Mariel ay papakisamahan ko siya nang maayos kahit dagdag pa siya sa aasikasuhin ko.
Gabi na nang makarating kami sa Cebu. Nagpa-book na lang din ako kay Kuya Simon ng dalawang room sa hotel dahil nakakahiya kung doon kami sa kanila tutuloy. Siya na rin nagsundo sa’min sa airport. After dinner ay pumasok na ako sa room ko. Bukas nang umaga ko na lang kakausapin ang personal attorney namin.


“Hello, love, busy ka ba?” Tatlong beses nag-ring ang phone ni Chelsea bago siya sumagot.


“Hi, love. Sorry, nasa kusina kasi ako. Dinner pa lang namin ni Ate Levina,” paliwanag niya at naiintindihan ko naman iyon. Gusto kong ipaalam sa kaniya ang nangyayari, pero hindi ko alam paano sisimulan.

“Kumusta? Gabi na, a. Bakit napatawag ka?” dagdag niya pa.

“Nami-miss lang kita,” tugon ko.

“May problema ba? Ginugulo ka na naman ba ni Lily?” Kinabahan ako sa tanong niya. Ramdam niya kaya na kasama ko si Lily? O baka nagkuwento si Myrtle sa kaniya?

“Sinasabi ko sa’yo, kung hindi lang siya kapatid ng best friend ko ay talang sasamain siya sa akin.” Mas lalo bumigat ang pakiramdam ko. Ilang minuto akong hindi nakaimik. “Wait! Nasa Cebu ka na, ‘di ba? Kanina ’yong flight mo, e. Mag-iingat ka r’yan, ha?” paglalambing niya pa.


“C-Chelsea . . .” I called her in a low tone, stuttering. Today's events took me by surprise.


“May problema ba, Zane? May nangyari ba? Okay lang ’yan, ikuwento mo lang sa akin.” A girl’s instinct is often close to the truth. Kaya alam niya at ramdam niya na hindi ako okay.

“Love, you know that I love you, right? Pareho ang nararamdaman natin.” I’m about to begin, pero hindi ko alam ang una kong sasabihin; kung tungkol ba kay Lily na kasama ko, ’yong sinabi ni Tita Mariel, o ’yong hindi ko pa naaayos na tungkol sa’min ni Lily na kasinungalingan lang. Hindi ko alam, pero parang gusto kong protektahan si Lily nang sandaling ito. “I’m sorry . . . ” tanging nasambit ko.


“C’mon! Tell me, what are you trying to say? Ano ba, Zanero?! What do you want? Kanina pa ako sa’yo kinakabahan. Puwede bang ituloy mo na ’yang sasabihin mo?” Medyo nag-iiba na ang timbre ng boses ni Chelsea.

“Huwag ka munang magalit. Ginawa ko naman talagang kausapin siya para sabihin sa mga kaibigan niyang nagsisinungaling lang siya. Sinuggest ko rin na kunwari ay nakipaghiwalay na siya sa akin, pero ayaw niyang pakinggan ang totoo. Masiyado siyang manhid para maramdaman na hindi ako masaya sa ginagawa niya,” mahabang paliwanag ko. Gusto ko sana sanang idagdag na pilit siyang sumama dito sa Cebu, pero hindi na ako makapagsalita.


“So? Hindi mo nagawa ’yong sinabi mo bago ako umalis d’yan? You promised me. I thought it was already clear, pero hindi pa pala. Sabi ko na nga ba. Hindi ako nagkamali na aasa lang ako kahit alam ko naman na hindi mo rin kayang gawin dahil nahihiya ka kay Tita Mariel.” She was right. Nababaon ako sa utang na loob.


“I’m sorry,” I whispered.


“Ginawa mo, pero hindi siya pumayag? So, ganoon na lang ’yon? Okay lang sa kaniya kahit ayaw mo na? Tapos, wala kang nagawa? Totohanin niyo na lang kaya na kayo na?!”

“Listen, please? Ginawa kong kausapin siya pero hindi niya ako pinapakinggan. She cried. Lumuhod siya sa harapan ko at nagmakaawa na hayaan lang siya dahil doon siya masaya, kahit alam naman naming pareho na wala naman talaga kami. Hinayaan ko na lang siya. ’Yong time na hindi ako makapagsulat, siya ang nagsusulat. Sa tuwing absent ako at may projects sa school,  siya ang gumagawa. Hindi ko siya masumbatan dahil sa efforts niya para sa akin.” Tahimik siya sa kabilang linya. Kinakabahan ako at natatakot. Ayaw kong mawala siya.


“Hindi ko alam kung paano sisimulan. Ayaw kong maging masama ang tingin ng mga kaibigan niya sa akin. Ayaw kong masira ’yong pagkatao ko. Sorry, love. Hindi ko siya magawang tanggihan.” I can’t believe I’m saying this. Chelsea remains silent.

“She needs me, love,” wala sa sariling dagdag ko pa. Meanwhile, mag-isa si Lily sa kaniyang kuwarto.

“At kailangan din naman kita . . .” She’s trying not to cry, pero halata ko na garagal na ang boses niya.

“Hindi niya kaya na mawala ako. But, I need you too. Ayaw din naman kitang saktan. Ayaw kong mawala ka sa akin. I miss you so much, love.” Nahihirapan ako sa mga binibitiwan kong salita.


“Stop calling me ‘love’! At matagal mo na akong nasasaktan Zane, matagal mo na akong sinasaktan!”


“Graduating na ako at hindi ko na siya makikita. Hindi ba’t naiintindihan mo naman ang sitwasyon? Puwede bang hintayin na lang natin ’yon?” I’m so stupid! Humihirit pa ako kahit alam kong nasasaktan ko na ang girlfriend ko.


“Talaga? Hihintayin natin na mawala siya sa landas mo? Grabe ka, Zane! You sacrificed my feelings for her. Sobrang tanga ko naman! Inaamin ko, talagang nakikita kong mangyayari ang ganito, pero hinayaan ko lang. Hinayaan ko lang dahil nagtiwala ako sa’yo, kahit masakit na. But, what the hell are you doing, Zanero? Bakit ako ang kailangang umintindi? Bakit ako ang dapat masaktan?!” Lumabas na ang galit at selos ni Chelsea. I zipped my mouth. She has a point. She has the right to be mad. Hindi ko lang talaga alam kung paano iiwasan si Lily.


“Iniisip mo ba na hindi kita kailangan? Iniisip mo rin ba na kaya kong balewalain ang lahat? Shit naman! Sabi ko na nga ba, sa bandang huli, ako pala talaga dapat ’yong wala sa eksena. Sabihin mo sa kaniya na may nasasaktan dahil sa mga kaartehan niya at pag-assume niya na boyfriend ka niya!”


“Hindi ko masabi kasi umiyak na siya. Nawalan na ako ng lakas ng loob na sabihin kasi naaawa na ako sa kaniya. Nakikiusap siya na hayaan ko lang dahil okay lang kahit hindi ko siya gusto basta nakakasama niya ako lagi,” I explained.


“Just fucking tell her about me! Ako ’yong girlfriend mo! Ako ’yong may karapatan sa’yo! Ako ’yong mahal mo! You must tell her na ayaw ko nang may humihiram sa boyfriend ko! Sabihin mo na dahil sa kaniya ay nasasaktan ako! Are you stupid, Zane? O sadyang manhid ka lang? Malayo ako sa’yo, tapos ganito pa? Sabihin mo sa kaniya, para alam niya kung saan siya lulugar! Tell her at least.” She’s yelling and crying now. Gusto ko ring magwala dahil nasasaktan ako sa pinaggagawa ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit, pero bakit hindi ko magawa ang dapat?!


“Tell her about me,” pag-uulit pa ni Chelsea habang humihikbi. Wala akong magawa kun’di ang isubsob ang sarili ko sa unan. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Ramdam ko ang pighati niya, at kasalanan ko kung bakit nangyayari ito. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro