Chapter 5 ~ Worst Encounter

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


ZANERO GUZMAN

People around me always says that I am so lucky. Yes, sa iba'ng larangan ay talaga'ng maswerte ako because this is me. Zanero Guzman, ang nag-iisang tagapagmana ng hacienda Guzman at iba pa'ng mga ari-arian na pag-aari nang buong angkan. I'm just a normal boy but girls treat me like a king. I have handsome face and witty brains from my Mom and this wealth is from my Dad.

' But I could tell, this wasn't one of my lucky days.'

Patakbo ako'ng lumabas ng mansion na iyon na may pagsisisi. Sana sinunod ko ang utak ko na hindi na siya hanapin. Napakawala'ng kwenta pala talaga niya'ng asawa at ama, akala ko kapag nakita niya ako ay matatanggap ako ng buo pero nagkamali ako.

Death Anniversary ni Mommy, sa puntod niya ay ipinangako ko na hahanapin ko ang asawa niya, ang wala'ng kwenta niya'ng asawa pero nabigo ako. Ilang araw ako'ng nagbyahe galing ng Cebu para hanapin ko sa Maynila ang tunay ko'ng ama. Iniwan ko ang pag-aaral ko para tuparin ang ipinangako ko kay Mommy.

Tanging address lang ang alam ko at bago pa man din ako umalis ng Cebu ay kinausap ko na ang abogado ni Mommy na ipagbili lahat ng ari-arian namin doon at ilagay sa savings ko. Wala na rin karapatan ang Daddy ko dahil pumirma siya na lahat ng pag-aari niya ay mapupunta sa akin kapag pinabayaan niya ang negosyo nila'ng dalawa ni Mommy and that's a farm business. But my Dad was a city person kaya hindi niya kinaya doon. My mom's personal attorney was a good person at binigyan ko rin naman siya nang pera bila'ng pasasalamat. Ayoko tingnan ang laman ng savings ko dahil hindi ko rin naman iyon makukuha dahil naka time deposit at ako ang may kagustuhan na makukuha ko iyon kapag nasa tamang edad na ako. Mag-isa ako sa bahay namin sa Cebu, pumupunta lang doon ang kaibigan ni Mommy para tingnan-tingnan ako pero malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko.

My mom died because of an accident. A car accident last year at imbes na alagaan ako ni Daddy ay pinili na magpakasaya sa buhay, naging sugarol at nambabae. Wala sa kanya'ng nagpalayas sa bahay dahil ako lang naman ang may karapatan bilang nag-iisang anak at tagapag-mana ng hacienda, kusa siya'ng umalis dahil nahihiya na rin siguro. Pero isang taon ko siya'ng hinintay na bumalik at dumating ang araw nang anniversary ni Mommy. Doon na ako nagdecide na uuwi kila Lolo at Lola ang magulang Mommy. Pero bago 'yon hahanapin ko muna ang Daddy ko.

But I regrets searching for him. Nadatnan ko siya'ng sabog at gumagamit na'ng ipinagbabawal na gamot isang malaki'ng bahay na pag-aari rin ng angkan ng mga Guzman. Madami sana ako'ng gusto'ng itanong but I keep my tongue from asking the question because obviously he is not my Dad anymore.

"Imagine? A kid, a 16 years old kid handle everything alone. So, hindi ko na pala kailangan ng magulang." Iyon ang huling sinabi ko ng makaharap ko si Daddy at umalis na sa lugar na iyon. I was with my family driver Kuya Simon. From cebu isinakay namin sa barko ang black Sedan na naiwan sa akin ni Mommy. Kinausap ko si Kuya Simon na ihatid lang ako sa Maynila tapos umuwi na siya pero hindi niya ako iniwan. Alam niya at kilala niya ang Daddy ko dahil matagal na rin siya'ng naging driver namin.

"Ihahatid kita sa Lola mo". Sabi niya sa akin pagkalabas ko sa bahay ni Daddy. "At saka na ako uuwi sa Cebu," Dagdag niya pa. Hindi na ako umimik. I'm in so much pain, Kuya Simon open a car door for me, then I realized that I wasted an effort and time finding my father and deciphering my complicated life.

"Tara na po." Tanging nasabi ko saka pinaharurot ang sasakyan. Gusto ko matulog. An anger inside me it almost made me feel sick. I want to vomit. But I need endure. Gusto ko kalimutan ang oras na iyon na nakaharap ko ang ama ko kaya hinayaan ko si Kuya Simon na mag-maneho. Natulog lang ako, pero hindi ko namalayan kung ilang oras ba ako nakatulog dahil naalimpungatan ako sa pagharurot ng makina ng nasasakyan ko.

"Manatili ka lang sa pwesto mo, Zane. Humiga ka lang." Sambit ni Kuya Simon na para'ng hindi mapakali.

"Bakit po? Ano'ng nangyayari?" Hindi ako makatiis kaya umupo ako at sinilip sa labas. Nakita ko na may isang tented na itim na van ang nakasunod sa amin.

"Kanina pa 'yan nakabuntot sa atin. Galing pa na'ng Maynila." Nilingon ko ulit. Ibig sabihin malapit na kami'ng province, I mean nasa province na nga kami dahil mga kagubatan ang nadadaanan namin.

"Ano po'ng gagawin natin?" Tanong ko na medyo natatakot na ako dahil talaga'ng sobra'ng lapit na sa amin ng sasakyan. "Magpahinga ka lang. Ako na ang bahala." Pag-aalo sa akin ni Kuya Simon. Wala rin naman ako'ng magagawa dahil hindi ako pwedi magdrive, wala pa ako'ng professional license pero may student license naman ako dahil mayroon ako'ng scooter sa Cebu, iyon nga lang ibenenta ko na rin.

Ilang minuto pa ay napansin ko'ng kalmado na ang sasakyan at tama nga wala na'ng sumusunod sa amin kaya naupo na ako ng maayos. Lumipat na ako sa shotgun sit dahil medyo malapit na ang pupuntahan namin.

"Mag-iingat ka lagi rito." Nakangiting saad ni Kuya Simon. "At kung namimiss mo ang Cebu ay pwedi ka'ng bumalik doon. Sa akin ka tumuloy." Nilingon ko lang siya at nginitian din dahil wala na ako'ng balak na bumalik doon. Masasama'ng ala-ala lang ang naiwan ko doon.

"Paano 'yan. Hindi na ako pwedi tumuloy sa Lolo mo dahil manganganak si Mercy. Baka nga lumabas na iyon ng wala pa ako eh." Bigla tuloy ako'ng naguilty dahil isinama ko pa si Kuya Simon.

"Opo. Okay lang po. Sa bayan na lang po tayo. Alam ko naman po ang daan papunta kina Lolo. At wala na namang pulis or LTO doon kaya safe na po para sa aking magdrive." Lakas-loob na suhestiyon ko. Bago pa man kami iniwan ni Daddy ay tinuruan niya na ako magdrive. Fourteen ako na'ng matuto magdrive.

"Sige-sige. May tiwala naman ako sa'yo eh. Basta mag-iingat ka pa rin. Pasensya na talaga ha. Tumawag kase si Mercy na sumasakit na raw ang tiyan." Ilang sandali pa ay nasa harapan na kami ng terminal ng bus, papunta sa kabilang lalawigan. Mayroon daanan doon papunta ng pier at doon sasakay si Kuya Simon. Doon rin kami bumaba kasu dumiritso kami ng Maynila at iba'ng route ang tinahak namin.

Ihininto ni Kuya Simon ang sasakyan sa tabi, nagpaalam na. "Huwag ka ng bumaba para hindi ka makita ng mga tao. Baka ano pa'ng gawin kapag nakita na ikaw ang driver." Bumaba na siya at pumalit naman ako sa pwesto niya, hinayaan ko lang muna na nakabukas ang pinto. "Kuya, idagdag niyo po ito sa gagastusin mo." Dumukot ako ng limang libo sa wallet ko at ibinigay sa kanya.

"Alam ko'ng sobra na iyong ibinigay mo kanina pero tatanggapin ko pa rin ito dahil kailangan ko talaga, iho. Paano, aalis na 'yong bus. Last trip na 'yan dahil gabi na. Mag-ingat ka sa pagdrive ha." Paalam ni Kuya Simon na nagmamadali na patungo sa bus. Nakakalungkot pero kailangan ko harapin ang buhay na mag-isa.

Kinakabahan pa rin naman ako magdrive pero kakayanin ko. Ilang beses na rin naman ako isinama ni Mommy sa lugar na ito kaya alam ko ang daan patungo kina Lolo. Ilang minuto lang ay nakaalis na ako sa maliit na bayan na iyon at tinatahak ko na patungo sa lugar nila lolo. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko, takot, lungkot at pait.

Sobra'ng masama ang pakiramdam ko sa oras na ito. Pero wala na ako'ng magagawa dahil gusto ko na'ng makatakas sa sakit ng kahapon at nagpasya na ako ng bago'ng buhay. "Shit!" Nagulat ako na'ng may biglang nag-overtake na sasakyan. Nasa isip ko na'ng ililiko ko na ang sasakyan kaya dahan-dahan na lang ako pero hindi ko namalayan na may nakasunod pala akin at sinadya'ng ihinto sa unahan ko. Nakilalako ang itim na van, 'yong sasakyan kanina.

"Beeeeeeeeeep!" Isang mahabang busina ang pinakawalan ko ngunit sa halip na paandarin ang sasakyan ay nakita ko'ng bumukas ang pintuan sa likod. Nataranta ako. "Shit! Sino ba ang mga ito." Buti na lang nakababa na si Kuya Simon.

Wala ako'ng maisip na gagawin. Nasa gitna ng palayan ang daan. Wala ako'ng kilala dito. Kinuha ko ang cellphone ko. Si Lolo. Ngunit mapapahamak lang siya. "Tauhan sila ni Daddy?! Possible." Nagngingitngit ako sa galit. Wala man lang naliligaw na sasakyan para makahingi ako ng tulong. "Pulis" Lalong hindi pwedi. "Kaibigan ni Mama, Ninong ko, kasu patay na raw 'yon." Sino pwedi ko'ng tawagan.

"Sana binilisan ko na!" Naiinis ako sa sarili ko. Tanaw na tanaw ko na ang bayan nila Lolo at kahit pa ang malaking simbahan sa Crossing ay tanaw ko na rin. Isang maling desisyon. Mapapahamak ako. Sa isip ko. Tuluyan ng bumaba ang isang kalbo'ng lalaki na may mask at nakasombrero pa, napansin ko rin ang hawak-hawak sa kamay. "Baril". Oo! Tama may baril sa compartment ng sasakyan. Ngunit hindi na ako nakakilos na'ng itutok sa windshield ang hawak nito'ng baril.

Gulat man ako sa pangyayari nagawa ko pa rin tapakan ang gas saka pinaatras ang sasakyan at sinukan ko'ng dumaan sa katabi na'ng sasakyan nila. Nagawa ko rin naman ngunit isa'ng putok ng baril ang narinig ko. "Ang gulong ko." Iyon ang naisip ko kaya pinaharurot ko na bago pa man mawalan na'ng hangin ito. Natanaw ko rin sa side mirror na hindi na nila ako sinundan, bumalik na sila kaya kinalma ko ang sarili ko. Wala nama'ng nabago sa andar ng sasakyan, hindi nila sadya ang sasakyan ko.

"Ngunit, dugo..." Napahawak ako sa tagiliran ko dahil medyo makirot. "Gusto nila ako'ng patayin." Mag-aalala sila Lolo at Lola. Sila ang una ko'ng naisip. Tatawagan ko ang number na'ng Ninong ko na nakatira doon. Baka sakali-- mauubusan ako na'ng dugo. Naikwento rin sa akin ni Mommy na isang doctor ang asawa niya.

"Lower Valley Inn. Hello?." A sweet voice answered my call, ang sarap ipikit ang mata at matulog na lang. Para ako'ng nasa duyan ng marinig ko ang malambing na boses na iyon. Indeed, I'm still lucky because I heard a voice of sweet angel.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro