Chapter 6 ~ A Kid Nursing Me

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng




ZANERO GUZMAN

“Zanero! Gumising ka!’ Gising pa ang kalahating diwa ko, kaya pinipilit kong imulat ang mga mata ko. I’m just sixteen years old with a gunshot in my stomach. What am I supposed to do? Tapos, hindi ko pa kilala ang mga tao sa lugar na ito. I’m just a visitor here. Ang mayroon lang talaga ako ay ang perang nasa bulsa ko at mala-artista kong mukha. Alam ko na kapag hindi ko nilakasan ang loob ko, dito ako sa sasakyan mamamatay.


But still, I have bravery in me na natutuhan ko kay Mama, suwerte na lang at hindi ako naging duwag tulad ni Daddy.

“Hello? May I help you?” the girl from the other line asked politely again, pero hindi ako umimik. Hindi niya ako mauunawan at baka isipin niya na prank call lang ito.
Narinig ko na may paparating. “Who’s on the phone?.” Narinig kong tanong nang isang may edad na boses. Dahil do’n, nagkaroon ako ng pag-asa ulit.

“Lower Valley Inn. Who’s on the line, please?” Isang may edad na babae nga. Hindi ko na puwedeng patagalin, dahil nanghihina na ako.

“Kayo po ba ang asawa ni Mr. Ramos?” lakas-loob na tanong ko.

“Yes, I am,” she confirmed.

“Ninang, ako po ‘to, si Zane, anak ni Janette Guzman. P-Puwede po ba akong tumuloy sa inyo muna? Kasi, I need to take out this bullet bago ako tumuloy kina Lola.” Narinig kong napasinghap ang babae mula sa kabilang linya, pero alam ko naman na hindi niya ako matatanggihan.


“Okay, I’ll wait for you there and prepare your cabin. Take care of yourself.” Totoo nga na doktor talaga siya, dahil alam niya na hindi ako puwedeng magtagal sa ganitong sitwasyon, at naiintindihan niya rin ang sitwasyon ni Lola.

“Thank you po.” I turned off the phone at binilisan ang pagmamaneho ng Sedan papunta sa Valley Inn na pag-aari ng mga Ramos. Binigyan niya pa ako ng direction para hindi ako maligaw papunta sa inn nila.

Pakiramdam ko ay konti na lang at mawawalan na ako ng malay, pero nabuhay ulit ang loob ko nang makita ko ang signage kung saan itinuturo nito ang daan patungo sa tourist inn na pag-aari nila. Wala akong sinayang na segundo. Binuksan ko agad ang pinto ng sasakyan, at kinuha muna ang backpack at pumunta rin ako sa likod para kunin ang ibang gamit na kakailanganin ko. Tamang-tama, dahil may lumapit na sa akin para salubungin ako.

“Good evening, Sir. Welcome to our Lower Valley Tourist Inn,” masaya at masiglang bati ng isang dalaga. Hindi na ako nag-atubili na harapin siya, dahil akala ko ay isa lang siya sa mga empleyado ng inn, pero naalala ko ang boses niya at pinalambot nito ang manhid na puso ko.


Hindi ako puwedeng magkamali, siya ang sumagot sa telepono kanina. Kahit nakatalikod ako, nakilala ko ang boses niya. Isinara ko muna ang pinto ng sasakyan bago humarap sa kaniya. Hindi rin ako nagsalita habang nakatingin sa kaniya, at kitang-kita ko rin na nagulat siya nang makita ako. Ano bang customer ang inaasahan niyang darating? Pero kahit na nagulat, nagawa niyang ilahad ang kaniyang kamay, ngunit tinanggihan ko ito dahil sa sobrang kirot na nararamdaman ko sa aking tagiliran.


“Where’s my cabin, Miss?” I asked politely. I ignored her friendly approach. Kainis, kung okay lang sana ako, sigurado ako na magiging cool ako sa paningin niya. But I  can’t endure the pain that is slowly making my whole body numb.

“Uhh, your cabin. Here. Here’s your key. I’ll go with you.” Halatang naiinis siya dahil sa inasal ko, pero pilit niya pa rin na pinapakalma ang sarili niya sa pamamagitan ng pagngiti sa’kin.

“I can handle myself. Just show me where... miss?” Nagmamadali na ako kaya halos hablutin ko na ang susi sa kamay niya. Kung wala lang akong nararamdaman ay hindi ganito ang first meeting namin ng babaeng ito na mala-anghel ang boses.
“Chelsea. Chelsea Ramos,” pakilala niya sa sarili. Napangiti ako nang kaunti, dahil nalaman ko agad ang pangalan niya. Alam ko rin na gusto niyang malaman ang pangalan ko, but I can’t take the pain anymore.

“Your cabin is in the last row near the big tree and stream,” nahiya na ang babae, kaya pagkasabi niya noon ay umalis na ako.

“Thank you,” saad ko at alam kong narinig niya pa rin ang pasasalamat ko. Kita ko rin sa mukha niya ang pagkadismaya dahil sa iniasal ko. Nasaan kaya si Ninang? Bakit wala siya rito? Ilang minuto pa kapag hindi niya ako natingnan ay baka maubusan na ako ng dugo sa katawan.

Nabuksan ko agad ang doorknob at mabilis na pumasok sa loob. This feels like home. I feel safe in this place, kaya nakahinga ako nang maluwag. I really appreciate the interior design; ito ‘yong naikuwento sa akin ni Mama na magandang cabin na pag-aari ng kumpare nila. My parents stayed there noong mga panahon na bago pa lang sila mag-asawa at wala pa ako.
Pagkapasok ko sa loob ng cabin, ibinagsak ko ang mga dala kong gamit sa sahig. Napasandig ako sa dahon ng pinto at nanginginig sa sakit, habang kumakalat na ang impeksiyon. Tinanggal ko ang aking itim na leather jacket at hinayaan itong mahulog sa sahig.

Then, after a few seconds, someone knocked on my door. I slowly opened it at nakita ko ang dalagang bumati sa akin kanina na may dala-dalang storage box. Kinuha ko iyon sa kamay niya at isinara ulit ang pinto. I heard her murmur something, pero hindi ko na naintindihan. Inilang hakbang ko ang kama at doon inilapag ang storage box bago iyon binuksan.

“A medicine kit…” My ninang is aware. Mayroong gamot for anti-inflammatory and pain reliever, kaya binuksan ko ito agad at nilunok kahit walang tubig. I saw a white bandage and cloth, kaya hinubad ko na ang t-shirt ko at ibinalot iyon sa sugat ko. 

“Damn it! Where are you, Ninang?” bulalas ko habang iniikot ang paningin sa loob ng cabin, hanggang sa nakita ko ang isang maliit na ref. Humahangos akong tinungo ito at binuksan, at tanging bottled water lang ang laman nito. Kumuha ako ng isa at bumalik sa higaan saka ko binuksan at ininom ang tubig. Naubos ang laman ng bote, pero nararamdaman kong parang nauubusan na ako ng lakas at parang natutuyo pa rin ang lalamunan ko.


“Hindi ko na kaya,” sambit ko sa sarili ko. I’m about to close my eyes when I heard a click from outside. “My savior!” my mind shouted for hope, then someone opened the door.  I saw a woman who looks like my Mom. I tried to smile hanggang sa nawalan na ako ng malay.

Sobrang antok ko pa, pero may naririnig akong mga boses sa paligid ko. May isa pang nagsabi, “Lito, mag-ingat ka. Backride mo na lang siya papunta sa sasakyan.” Nangangapa ako sa aking kalagayan at nagtatanong sa aking sarili, “Nasaan ako at sino si Lito? At saan nila ako balak dalhin?”


“Sige na, habang wala pang masiyadong tao rito, aalalayan ko na lang ang apo ko,” naririnig kong sabi ng isang matandang lalaki. Boses iyon ni Lolo. Nakapikit ako at pinagpapawisan. Para akong nalantang gulay, pero aware ang utak ko sa nangyayari.

“Tara na, sasama akong ihatid si Zanero sa bahay n’yo, Mang Cardo,” I heard a woman said. For sure, she is my Ninang Janette. Nawalan na ako ulit ng malay, kaya hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. But somehow, I feel safe with them.


*****

Ilang araw akong tulala sa maluwag na kuwartong iyon. May isang nurse na bumibisita sa akin, at kinakausap din ako nila Lolo pero hindi ko magawang magkuwento sa kanila. Nakikita ko sa mukha nila ang pag-aalala, pero wala akong magagawa dahil gulat pa rin ako sa mga pangyayari. Natatakot ako. Minsan, napapanaginipan ko ang pangyayaring iyon sa akin. This is a traumatic experience, but I need to be strong because no one is helping me recover from this nightmare; I must rely on myself alone.

“We enrolled you to a private school, apo.” Narinig kong kinakausap ako ni Lola Tonette, pero nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi ako susuway sa desisyon nila para sa akin dahil nasa poder nila ako at alam ko na para naman iyon sa akin. Tumango lang ako at nakita ko na ngumiti siya. She embraced me tightly.

“Magpagaling ka, Zane, apo ko,” I heard her say at nagpaalam nang lumabas.
Nakaupo ako habang nakatanaw sa labas ng kuwarto. I saw nothing familiar, only trees and a green field—a rice farm. I heard birds twittering from outside.

“Hello!” Gulat akong lumingon sa pinanggalingan ng matinis na boses na iyon. It’s a young lady with a paper bag in her hand. “Buti gising ka. Ilang ulit na akong nagpunta rito, pero tulog na tulog ka lagi. Ipinapabigay ito ni Mama, dahil hindi siya makakapunta, mayroon kasi siyang pasyente na pupuntahan.” Kahit hindi ko maintindihan sa una ang sinasabi niya, tinanggap ko ang iniaabot niya sa akin.


“Inumin mo 'yan after mo kumain ng dinner. Sige, aalis na ako. Pagaling ka, see you at school.” Kunot-noo ko siyang inihatid ng mga mata ko palabas ng pinto. Okay, anak siyang nurse na nag-aalaga sa akin at nag-aaral siya roon sa school kung saan ako mag-aaral. That silly girl. Pero isa pang babae ang bumabalik sa isip ko. Bakit hindi ako dinadalaw ni Ninang, at ‘yong babaeng may malambing na boses? Nasaan kaya siya? Sigurado akong anak siya ni Ninang Janette. Doon din kaya siya nag-aaral sa papasukan kong school?

Excited!? Sigaw ng puso ko.
I want to meet her again in a different situation para makapagpakilala ako sa kaniya nang maayos. Plano ko talaga iyon kapag gumaling na ako nang tuluyan. Ilang araw na lang ay makakatayo na ako nang maayos at makakapaglakad-lakad. Pupuntahan ko siya. Minutes away lang naman ang pagitan ng inn nila rito sa bahay nila Lolo.

Months have passed, nadismaya ako nang tuluyan akong gumaling at pumasok sa school. Hindi pala ro’n nag-aaral ang babaeng hinahanap ko, sana noong sinabi ni Lola na i-e-enroll ako sa school ay nagtanong muna ako. Sayang naman, hindi ko siya makikita araw-araw at itong makulit na anak ng nurse ang laging nakabuntot sa akin. She’s my classmates and she took care of everything para makahabol ako sa projects at mga lesson sa bagong school ko.

“Let me handle this. Ako na, kung hindi mo pa kaya Zane,” iyon lagi ang naririnig kong sinasabi niya. Though, kaya ko naman ang mga lessons sa school, kaya ko kahit walang tulong niya. But I can’t deny na nawawalan ako ng gana dahil wala dito ’yong babaeng nakakaantok ang boses at tila anghel sa pandinig ko.

“Thank you,” sabi ko sa katabi kong makulit na babae habang nakatitig ako sa labas ng bintana. Suddenly, I’m not in the mood again.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro