Chapter I

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"STAY away from my momma!"

Mabilis na tumakbo ang isang cute na batang babae papunta sa direksyon ko. Agad ko namang naitulak si Kent mula sa pagkakayakap sa akin. I mouthed 'sorry' to him pero tipid na ngiti lamang ang tugon nito.

"Hi, Little Chanty," bati pa nito sa anak ko. Tahimik lamang akong nakamasid sa baby ko na sa halip bumati kay Kent ay umirap lamang ito.

"Hindi kita bati, hmp!" Nag-crossed arm pa ito para ipakitang galit ito sa kaibigan ko. Doon lamang kumawala ang mahinang halakhak ko. Kung may ugali mang namana sa akin ang anak ko, iyon ay ang pagiging suplada nito sa mga taong hindi lubos na kilala.

Well, I'm not really that bitch pero suplada talaga akong tao. Bilang lamang sa daliri ang kinakausap ko na ako mismo ang nagi-initiate ng usapan.

Sa loob ng limang taon, maraming nagbago sa sarili ko. I'm not the same Llana Del Mar that they used to know. Hindi ko man aminin pero maraming nag-iba at nagbago sa akin. Wala na ang madaldal na Llana noon. Wala na ang Llana na uto-uto at madaling mahulog sa mga matatamis na salita.

My past experiences help me a lot, whether it's good or bad. Malaki rin ang naitulong ng panganganak ko upang ma-realized sa sarili ko na hindi lang pala ako basta-basta babae. I'm more than that. Just like other people, I am worth more than a million.

"Baby?" mahinang tawag ko kay Chanty. Mapupugay ang mata na lumingon ito sa akin.

"Yes pow, momma?"

"Say hi to Ninong Kent," sabi ko pa rito. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito at bahagyang pagsimangot. Akala ko ay hindi ito makikinig pero maya-maya pa ay lumapit ito kay Kent at nag-bless sa kamay ng lalaki.

"Bless po, ninong..." nakasimangot pa ring sabi nito at patakbong lumapit sa akin pagkatapos asarin ang ninong niya. Napangisi nalang ako kay Kent ng makita ang gulat na ekspresiyon sa mukha nito. Hindi inaasahan ang ginawa ng anak ko.

"F-ck! I'm not that old, Lana!" reklamo pa nito sabay baling sa akin. Mabilis ko naman itong sinuway dahil sa paraan ng pagsasalita nito.

"S-Sorry." Hindi ko na ito pinansin at binalingan na lamang ang anak kong nakatingala sa akin ngayon. Kunot na kunot ang noo nito at salubong ang dalawang may kakapalang kilay. Nakangiti ko itong hinalikan sa noo habang yakap-yakap sa mga bisig ko. Hindi talaga ako magsasawa sa ganito.

"What's f-ck pow, momma?" inosenteng tanong nito dahilan kung bakit nanlaki ang mata ko. Nasamid naman bigla si Kent kahit hindi ito umiinom ng tubig.

"T-That's a bad word, baby!" histerikal na sagot ko.

Nanlaki naman ang mata nito at mas lalong nagsalubong ang kilay. Mabilis nitong binalingan ang Ninong Kent niya.

"Stop saying bad words, Ninong! My momma will tap your mouth, hmp!" malditang saad ulit ni Chanty at nameywang pa sa harapan ng ninong niya. Nang lingunin ako ni Kent ay tinaasan ko rin ito ng kilay na tila sinasabi na tumango na lamang sa anak ko. Napailing naman ito at itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko sa mga pulis.

"Yes, ma'am," pang-aasar nito sa bata. Mas lalo namang sumimangot ang baby ko.

"I'm not a ma'am, ninong! I'm not your teacher pow!" Kahit naiinis na at nagmamaldita ay sobrang cute pa rin talaga nito. Mana sa pinagmanahan.

Mapait na lamang akong napangiti ng maalala ang lalaking iyon.

Hindi naman kumontra pa si Kent at sumang-ayon na lamang sa mga kakulitan ni Chanty. Maya-maya pa ay kinukulit na nito ang anak ko at panay hagikhik nalang ni Chanty ang bumalot sa buong apartment namin.

Chanaiah Tyrrain Del Mar. Chanty for short. Hindi ko alam kung saan ko napulot ang pangalan niyang iyon pero bigla na lamang itong pumasok sa utak ko noong ipinanganak ko siya.

Hindi ko malilimutan kung gaano ako naghirap noong pinagbubuntis ko pa lamang si Chanty. Hirap na hirap ako noon at walang ibang inaasahan kundi ang sarili ko. Dahil sa nangyari, mas pinili kong umalis sa Custaville Company dahil hindi ko kayang magpaka-martyr. Ayokong ipilit ang sarili ko sa taong ginamit lamang ako para sa sarili niyang kapakanan.

"Love? Do you really think I believe in it? Love doesn't exist, Lana. I only said that I also love you, but I don't really mean it. You're just a fling to me, Lana, and I don't love you, not ever..."

It's been five years since I heard him say it ngunit para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Kung paano niya ako pinaniwala sa mga kasinungalingan niya. Kung paano ako nagpauto sa mga matatamis niyang salita. Malinaw na malinaw pa rin ang lahat ng iyon sa isipan ko. Kahit gaano ko pa pilitin ang sarili ko na limutin ang lahat, hindi ko pa rin magawa.

"Anong plano mo ngayon? Kailan mo balak ipakilala si Chanty kay Tita Lelanie?" seryosong tanong sa'kin ni Kent habang pinagmamasdan ang anak ko.

Napabuntong hininga ako ng malalim bago umiling sa kanya. "Wala pa akong plano sa ngayon, Kent. Siguro kung handa na akong harapin ulit si mommy at ang bago niyang pamilya. You know her, wala naman siyang pakialam sa'kin. And I doubt kung gugustuhin niya ring kilalanin ang anak ko," paliwanag ko pa.

Malungkot kong pinagmasdan ang anak ko na naglalaro. Ayokong matulad siya sa akin. Ayokong ipilit ang anak ko sa mga taong pilit kaming iniluluwa na tila ba pagkain. Hindi ko gugustuhin na maranasan ni Chanty kung paano ipagtulakan palayo. Kung pagmamahal lang naman ang kailangan niya, kayang-kaya kong ibigay sa kanya iyon. Hindi man buo, pero handa akong itaya ang buhay ko para lamang maging masaya ang anak ko.

I'm not a lucky child who grew up with a complete family. Lumaki akong hindi man lang nakilala ang ama ko dahil mag-isa akong pinagbuntis noon ni mommy. At isa 'yon sa mga dahilan kung bakit ayaw niya sa akin.

Minsan nga naiisip ko kung bakit pa niya ako binuhay kung kamumuhian niya rin pala ang pagkatao ko. Because of me, she lost her chance to reach her dream. Maaga kasi siyang nabuntis noon ng hindi ko kilalang ama ko. Kahit anong pilit ko noon na tanungin sa kanya kung sino ang tatay ko, pero ni isang sagot ay wala akong nakuha mula sa kanya.

I don't really know her exact reason why she hated me. Hindi ko naman siguro kasalanan kung bakit pinagbuntis niya ako at napilitan siyang buhayin ako kahit hindi niya naman gusto.

"Hey, are you okay? Kanina ka pa tahimik d'yan," pukaw ni Kent sa malalim kong pag-iisip. Tumingin naman ako sa kanya at tipid na tumango.

"Bakit kaya hindi matanggap ng ibang tao ang kasalanan nila? Bakit kailangan pa nilang ibunton ang sama ng loob sa ibang tao na wala namang kamuwang-muwang sa mga nangyari sa kanilang buhay?" malalim subalit seryoso kong tanong sa kanya.

Hindi naman agad nakapagsalita si Kent at napakamot na lamang sa batok. "Lalim ng hugot, ah?" biro pa nito. Tipid lamang akong ngumiti at muling ibinalik ang atensiyon sa anak ko.

"Noong hindi pa ako sigurado na buntis talaga ako, pinagdasal ko rin noon na sana, negative ang result ng pregnacy test. Hindi dahil ayaw ko pang magkaanak, kundi dahil ayokong matulad siya sa akin..." pagku-kwento ko pa. Tahimik namang nakikinig si Kent.

"Pero nagbago lahat ng iyon ng makumpirma kong buntis talaga ako. Wala akong ibang nagawa noon kundi ang umiyak ng umiyak. Sa kabila ng pag-aalinlangan ko noon, hindi ko maitatangi na masaya ako. Naisip ko kasi, hindi na ako mag-iisa dahil may anak na ako. Doon ko rin napagtanto na gagawin ko ang lahat para hindi matulad sa akin ang anak ko..."

Nagulat naman ako ng maramdaman ang pagdampi ng maliliit na daliri sa pisngi ko at hinawi ang mga luhang naroon. Doon ko lang na-realized na umiiyak na pala ako habang nagku-kuwento.

"Why are you crying, momma kow?" nakangusong tanong sa'kin ni Chanty. Nakalapit na pala ito sa akin. Mabilis kong pinunasan ng mga palad ang pisngi ko at kinandong si Chanty sa aking hita.

"Nothing, baby. Happy lang si momma kasi dumating si Little Chanty sa buhay ko," madamdaming saad ko sa anak ko. Kumunot naman ang noo nito.

"But why are you crying pow? Sabi mo happy ka pow momma, pero bakit ka pow nag-cry?" tanong ulit nito.

Napasapo nalang ako sa noo at tipid na nginitian ang baby ko. Nakalimutan ko na hindi pala nauubusan ng tanong itong anak ko. Kaya naman umiling-iling na lamang ako at mahigpit siyang niyakap. Yumakap naman ito pabalik sa akin sabay halik ng matunog sa kaliwang pisngi ko.

"Labyow, momma!"

"I love you too, Little Chanty..."

Bumaling naman ito sa Ninong Kent niya at doon naman nagpakarga. "Labyow din pow, ninong!"

Natawa naman si Kent at ginulo ang buhok ng anak ko. Nainis naman ito kaya gumanti rin sa Ninong Kent niya. Hanggang sa tanging tawanan nalang ng dalawa ang maririnig sa buong apartment namin. Napangiti nalang ako habang tahimik pinagmamasdan ang kulitan nilang mag-ninong. Malaki ang pasasalamat ko kay Kent dahil hindi kami nito pinabayaan. Kailanman ay hindi ko inaasahan na makakatagpo ako ng taong maaasahan at masasandalan ko noong mga panahong kailangan ko ng karamay.







A/N: Here's chapter one, Arkiess! Enjoy reading^^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro